Wow umi-english! Lels. Rewind.....
Marami sa atin ang nangangarap na makapangibang bansa para kahit papaano'y umasenso sa buhay. Aminin na natin na mangilan-ngilan lang ang nabibigyan ng magandang oportunidad sa ating inang-bayan nakakalungkot man ngunit ito ang katotohanan. At tulad ng aking binanggit sa itaas, sumubok ako ng buhay abroad. Ngunit makalipas ang dalawang taon, ako'y muling bumalik. Ang dahilan? Marami ako'ng namiss:
1. Pamilya - lumaki ako na mayroo'ng pamilya na masasabi ko'ng "solido". Yun ba'ng masyadong close. Bagamat hindi maiiwasang magkaroon ng bangayan, awayan at konting tampuhan, nananatili pa rin ang pagmamahalan sa isa't isa. Namiss ko ang mga sandaling may kasabay ka sa pagkain, pumasyal sa magagandang lugar sa Pilipinas at may nag-aasikaso kapag ako'y maysakit o may masasabihan ng problema kapag basted o hindi natanggap sa trabaho.
2. Kaibigan - bihira ako'ng magkaroon ng mga tunay na kaibigan. Ilang beses ko nang nasabi na konti lang ang mga kaibigan ko. Ilan lamang sila pero maituturing ko na parang kapatid. Sa aking pag-punta sa Dubai, walang patid ang komunikasyon naming magbabarkada. Nagkaroon ako ng mga kaibigan sa dayuhang bansa. Kalimita'y mga indiano at ilang pinoy.
3. Pagkain - Namiss ko ang mga pagkaing pinoy kasama na dito ang mga street foods. Taho, fishballs, kikiam, kwek-kwek, tukneneng atbp. Namiss ko ang chicken adobo, tinolang manok, nilagang baka at bistek. Mayroong Pinoy Food sa Dubai, pero iba pa rin pag nasa Pinas ka. They're never as good as the ones back home.
4. Simbang gabi - limang taon ako'ng namanata na kukumpletuhin ang simbang gabi. Ito'y bilang pasasalamat sa lahat ng biyaya ng aking natanggap sa 27 taon ko sa mundo'ng ibabaw. Kasama na rito ang paginom ng salabat at pagkain ng bibingka at puto bumbong matapos ang misa.
5. Dagat, Lupa atbp - namiss ko ang puting buhangin ng Boracay, ang mga limestone formation ng mga kweba ng Sagada, ang lamig ng Baguio, ang ganda ng Chocolate Hills ng Bohol, ang perfect cone ng Bulkang Mayon, ang palengke ng Jaro sa Iloilo, ang windmills ng Ilocos at iba pa. Walang kasingganda kumpara sa ibang bansa.
6. Kultura - namiss ko ang pag-gamit ng po at opo, ang pagmamano sa mga nakakatanda, ang paghingi ng aginaldo at pagbibigay ng aginaldo sa inaanak, ang noche buena, medya noche at iba pa.
Mayroon pa rin'g mga pagkakataon that I regret leaving my work sa Dubai at minsa'y iniisip kung paano kung pinagpatuloy ko ang pagtatrabaho doon. Pero all it takes is to wake up in my own bed, in my own house, being with the people I love, converse easily with anyone in my own language and work with colleagues and meet my fellow bloggers that have now become friends. I am comforted by the thought that moving back sa Pilipinas ang pinakamagandang desisyon na aking ginawa.
Ito ay sariling opinyon ng inyong lingkod. Maraming Salamat po.
Nagiisipin din ako mangibang bansa. Ngunit minsan naiisip ko kung kaya ko bang mawala ang mga nabanggit mo. Ngunit minsan naisip ko na kailangan din mag tiis para sa ikagaganda nga buhay ng pamilya ko. Parang ngayon lang, nasa manila ako tapos nasa davao ang family ko. Prang nasa abroad lang din.. hahahhaa.. Pero nagiisip pa din ako mangibang bansa. Sana may pagkakataon. Salamat dito Arvin at napagtanto ko na hindi pala madali ang umalis sa lupang pangako. Hehehhee
ReplyDeletenaging ofw ako sa malaysia taong 2008. tulad mo madami din akong namiss na mga bagay bagay sa bansa naten. lalo na ang mga mahal sa buhay. nagkaroon ng opurtunidad na bumalik sa pilipinas, kaya iniwan ko ang bansang malaysia at bumalik sa tinubuang lupa. subalit pagkalipas ng isang taon, hinanap ulet ng katawan ko ang pangingibang bayan. ngayon sa singapore ako nakikipag-sapalaran. sakripisyo lang muna siguro, kelangan ko pa magpagamit sa mga dayuhan para na din sa kinabukasan ko at ng pamilya ko.
ReplyDeletenasa abroad padin ako. namimiss ko ang mga binanggit mo ng todo.. pero sa kabila nun, ayos nadin, malaking bahagi ng buhay ko ang pakikipagsapalaran. marami mang isinakripisyo nakukuha pading ngumiti at isiping masaya naman talaga ang buhay kahit nasaan kapa, nasa bayan mo o nasa ibang bansa. =) pag naiisip ko ang mga libong taong nakapila sa POEA, ang mga taong naglalakad sa mga agency sa ermita.. yung mga taong bago palang kukuha ng passport at nagbabalak mag abroad.. ung mga nag aasam ng maginhawang buhay.. pag naiisip ko silang lahat nagiging magaan at naiisip ko maswerte na din ako.. kahit papano nandito nako.. maganda ang kinalagyan.. maraming kaibigang nakapaligid at suportado ng pamilya ang bawat desisyon.. ayos na!
ReplyDeletemahaba pa ang buhay.. ^^ masarap pang tuklasin ang mga bagay at pangyayari sa labas ng bansa.. nandyan lang naman ang pilipinas.. bansa natin yan at walang makakuha nun sa sarili natin.. pero ang oportunidad na mabuhay sa ibang panig ng mundo, para sakin.. isang challenge! ^^ isang pag aaral.. pag sisikap.
totoong halos lahat ng nasa abroad kaginhawan sa buhay ang hanap. at isa ako dun,. pero kahit kailan hindi ko naisip na isisi sa kahirapan ng pilipinas ang dahilan ng pag alis ko na katulad ng ginagawa ng karamihan.. para sa akin.. ang pag aabroad ay isang sariling desisyon.. parte ng katuparan ng isang pangarap.
pero, sa kabila ng lahat lahat, isa ang siguradong sigurado ko! BABALIK ako ng Pilipinas! at mabubuhay ng mas masaya at masagana! hahaha.. konting ipon pa! ^^
nakupo--andyan na anman ang paramdam.sabihin mo kung malapit nang magkatotoo ha para iplano na ang despedida party.lols
ReplyDeleteMukhang malapit na malapit na talaga ang pagalis mo parekoy... Gudluck! Mamimiss mo ang mga to... Sana ako rin gusto kong maranasan ang mamiss ang Pinas, mga kaibigan, mahal sa buhay at buhay dito! Kahit 1 taon lang.
ReplyDeleteMalaki ang kinalaman ng pamilya sa pagabroad.At sila rin ang dahilan ng karamihan bakit mas pinipili nilang bumalik sa pinas at doon na magwork. Mahirap pero yon talaga ang nagpapasaya sa kanya.
ReplyDeleteKilala kasi ang pinoy sa pagiging malapit sa pamilya di yan naghihiwalay. dikit dikit pa rin kahit may mga pamilya na. which is good. Mahirap lang talaga ang trabaho sa atin yon ang di maganda.
Nagpapasalamat din ako kasi matindi ang training na dinaannan namin sa amin ama at the age of 13 kailangang malayo na sa pamilya para mabuhay ng sulo. which somehow nakatulong sa ganitong sitwasyon.
ahahah napapahaba na.
ang mga nabanggit ay totoong nakakamiss dahl minsan ko na ding nasubukan ang mangibang bansa noon...it's always good to go back to where we belong...nakakalungkot yung iba kasi tuluyan ng iniiwan ang Pilipinas para mag migrate sa ibang bansa...
ReplyDeletenakakalungkot itong post mo.. tama lahat yan, kaya nga tinuring ang mga OFW na bayani eh, kasi grabi ang sakripisyo nila.
ReplyDeletekaya nga kung di ko pa kayang dalhin family ko sa ibang bansa di nalang ako pupunta... ahhahaa
ReplyDeletetalaga? gaing ka pala dubai? hahhahaha natatakot tuloy ako mangibang bansa. hahaha
ReplyDeleteNakarelate much ako sa post nemo bino...
ReplyDelete1 - Pamilya ko ang pinakanamimiss ko..haayy hindi na to kailanga explain pa..alam na.
2. Apir, hindi lalagpas sa 5 ang mga kaibigan ko, pero lagpas naman sa 500 % ang tibay ng samahan namin.
Nice piece, you should write more often...hahaha
Good luck bino!
dapat bang mang inggit? ha? lolzz, ang dami ko tuloy naisip na balikan, isa na syempre dun ung pinakauna mong sinabi, pamilya :(
ReplyDeletedarating din tayo jan, tyaga lang:D
Hmm.. Di ako masyadong nakarelate kasi never pa akong nangibang-bansa para magtrabaho. Opinyon ko lang din, kahit naman saang lugar tayo, mapa Pilipinas man o sa ibang bansa, yung mga importanteng parte ng ating buhay ay lagi nating naaalala at laging nami-miss.
ReplyDeleteMeron akong dalawang kuya na nagtatrabaho bilang mga seafarers.. Lagi na lang din nila sinasabi saken na naho-homesick sila..Tulad mo, namimiss raw nila yung mga streetfood, then yung kultura.. at syempre ang pamilya. Namimiss raw nila na minsan, parang gusto na nilang iwan ang trabaho't wag na lang tapusin ang kontrata kasi sobra na ang pagkakamiss sa mga minamahal dito sa Pilipinas. Pero sinasabi ko na lang sa kanila... (nang pabiro).. "Hoy Kuya, yan pinili mong trabaho, tiisin mo". Syempre, natatawa lang din mga kuya ko. Alam naman kasi nilang nagbibiro at naglalambing lang ako.
My point is.. lahat ng tao, may kanya-kanyang reasons kung bakit pumupunta sa ibang bansa, o may mabuting trabaho na dun pero umuwi pa rin sa Pilipinas.. Iba't-ibang reasons.. The decision to work abroad (or to go home sa Pinas) is a personal decision, supported by personal reasons. Kung anumang desisyon yun, panindigan. Kasi ikaw lang din ang nakakaalam kung ano ang makakabuti sa iyo at sayong mga minamahal..
Hmm.. blogpost. Hay, Leah. Stapet!!!!
di pa ako nakakapagtrabaho sa abroad kaya parang wala masyado ako sa place para magcomment much on this thing.
ReplyDeletePero same sa mga nilista mo siguro ang mamimiss ko kapag ako ay mag-aabroad or magwowork outside our mother land. baka di ako magtagal sa work kung ma-homesick ako
1. Pamilya: Believe it or not. di ko pa sila namimiss.. bonded talaga kaming magpafamily pero wean di ko pa sila namimiss.. sabi nga ng isang kaibigan ko na nakilala ko na dito sa Saudi "Alam mo AL... ikaw lang ang OFW na nakilala kong hindi pa nahohome Sick" maybe becuase I really want to get away for a long time in Zambo.. to get rid of those none sense and endless bully... hayst... nangdahil sa kanya.. nasira ang pangalan ko.
ReplyDeletekaibigan: mga tropa ko sa Magic group na story circle ang namimiss ko at sa Young society of magicians.. pero naka YM naman kami ...
pagkain: ok lang... di naman ako mahilig talaga sa mga pagkain.. actually I really want to tase different food..
Simbang Gabi: not ko pa na try.. i am a Muslim kasi eh... kaya ayun...
Dagat: nyeheheheh... yun lang wala dito.. kainis... nasa centro kasi ang Riyadh ng isang malaking desyerto eh...
KUltura: sa sarili ko taglay ko ang isang pagiging tunay na Filipino... neyeyeyeye...
Hindi ko pa siya naeksperyens kasi ndi pa naman ako lumalayo sa bansa...
ReplyDeletepero sa tingin ko naman,kung mangingibang bansa ako,mararanasan ko din yan,kasi ang mga puso naman nating mga pinoy ay parang iisa lng pagdating sa ganitong usapin...
napakahusay kung paano mo jinustify ang pagpili na manatili sa pinas, bino.
ReplyDeletealthough siyempre, for many reasons, pinipili ng ibang umalis, at talaga namang sakripisyo rin ang dahilan.
kung totoo ang nababasa kosa mga comments, hindi nga kaya naiisipan mo ulit mangibang bansa.
kahit ano pa, tingin ko, sapat ang dahilan mo. magandang araw!
Huwaw! naku wherever you are makakahanap ka naman talaga ng kaibigan... kaya don't worry nasaan ka man di na mababago ang mga napagsamahan natin dito sa blogworld hehehhehe
ReplyDeleteDi ko pa alam kung paano ang pakiramdam ng isang OFW kaya di ko malaman sasabihin. Haha. Sa case ko kasi, kung mapunta na ako at magtrabaho sa America okay lang kasi andun na ang Nanay at Tatay ko. Kaya masaya pa nga yun na magkakasama sama na kami dun, pero definitely, nakakamiss ang Pilipinas pag nagkataon.
ReplyDeleteAw ngayon ko lang narealize yung hirap ni mama sa Singapore pero buti andito na sya ule at may nag-aasikaso na samen.. hehe drama ko naman..
ReplyDeleteOo nga po pala nilagay ko po pala yung link ng blog nyo sa blog ko dito po --> http://kench-alegado.blogspot.com/2011/04/exchange-link.html
nagabroad ka pla parekoy. tulad ng ng sabi ng iba prang PEBA entry to ah ^^ ako, nasa isip ko dati ang umalis ng ibang bansa. para ano, pra mkpag ipon, para sa pmliya para sa futre. pero asan ako ngayon? hindi pa rin maiwanan ang bansang pilipinas.. lalakbayin ko muna ang lahat ng isla dito bago sa ibang bansa! ^^
ReplyDeletetatay ko din halos 2 dekada sa saudi. kaya paguwi nya, wala syang kasing saya. lagi nya din kinekwnto yung hirap nya dun.
ReplyDeleteas for me, ewan ko. i dont see myself working abroad. kung gagala lang, yn gusto ko! hehe
Hindi ko alam ikokoment ko pero binasa ko naman. Naisip ko lang, hindi mo na ba naiisip bumalik sa Dubai? Wala lang.
ReplyDeleteBentang benta to sa mga OFW. at dahil sa post na to, ramdam na ramdam ko na namiss na naman nila ang Pilipinas. Torture yun. Hahaha..
ReplyDeleteAko man, gusto kong makapagtrabaho sa ibang bansa kung mabibigyan ng magandang pagkakataon sa TAMANG PANAHON. Siguro kapag 25 y/o na ako. Hehe.. Isa pa, gusto ko din yung hindi masyadong matagal bago umuwi.. hehe.
haaayy...ang dami ko pa lang mamimiss kung aalis din ako... pero sa totoo lang, gusto kong umalis dahil may namimiss ako... isasakripisyo ko na ang 6 na sinabi mo, para sa nag-iisang namimiss ko...
ReplyDeletehay! nakaka-miss talaga ang pinas... =)
ReplyDeletenakaka-relate ako halos lahat ng nsa listahan mo maliban sa isa - ang pagkain. Kase nagluluto naman ako at medyo alam ko ring lutuin ung nasa posting mo, pwera lang ang litson-baboy kse bawal talaga magkatay dito ng baboy eh, kung pwede lang sana.. heheheh