May 21, 2011

Blogger's Hot Seat: Bonistation: The Q&A Edition!

Nabitin ba kayo sa spotlight natin kay Bon Talampas? Gusto n'yo ba siyang makilalang mabuti? Pwes, heto na ang question and answer portion ng tao sa likod ng BONISTATION at TARAGIS!




Pangalan/Alias: Bonifacio F. Talampas, Jr. / BON
Blog Name at URL: www.bonistation.com
Lokasyon: Saudi Arabia
Edad: sikret
Civil Status (importante to): Single


GENERAL QUESTIONS:


Bino:Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.
Bon: alagad ng impormasyon at teknolohiya. color blind.mahilig ako sa pets, action figures,transformers. kaliwete sa lahat ng bagay maliban sa pagsulat. kasalukuyang nagtatrabaho sa isang hospital sa saudi arabia.


Bino: Kailan at paano ka nagsimulang mag-blog
Bon: 2008 ako nagsimulang mag blog, si jorge(parekoi.com) ang nag invite sakin to blog, blogspot pa gamit nya nun.. pero bago ako gumawa ng sariling blog nagpaikot ikot muna ko sa blogosphere.. nagbabasa ng mga kwento.. isa si GASTI( gasti.wordpress.com) sa pinakapaborito kong puntahan, dun ako nagsimulang ma inspire..

Bino: Bakit mo naisipan na pasukin ang mundo ng blogging?
Bon: nakakalibang kasi, tulad ng marami; outlet, tsaka masarap sa feeling yung mag cocomment sila sa mga gawa mo. Parang fullfilment nadin na you shared something..


Bino: Ano ang kwento sa likod ng iyong alias (kung meron man)?
Bon: bonistation lang din naman ang gamit ko pag angcocomment sa iba. Wala naman kakaibang kwento bukod sa related sa pangalan ko ang boni.

Bino: Paano nagsimula ang BONISTATION ganun na rin ang iba mo pang blogs?
Bon: pinakamahirap yatang magisip ng pangalan ng blog at halos lahat ng blogger napagdaanan yan. Inisip ko lang talaga na dapat yung blog name ko something related sa pangalan ko and at the same time branded na nakatatak sa isip ng marami. Ayun pumasok na ang bonistation ng MRT.

Bino:Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag. Kung hindi ma'y magbayad ng 1 libong piso. Joke lang!
Bon: marami, marami akong sinusubaybayan, sabi ko nga isa dyan si gasti.wordpress.com, kakaiba kasi ang paraan nya ng pagkukwento napaka natural na nakakatuwa at siguro likas lang na may talent sya.. sa kanya ko din natutunan ang term na taragis.. and came up with taragis.com

Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Bon: marami akong na meet na tao.. may blogger na abugado, may pari, accountant, engineer, architect, nurse, teacher, call center agent, duktor halos lahat na yata ng posibleng propesyon na maiisip mo nakilala ko na sa blogging. Masaya. Masarayang makipagpalitan ng mga ideas, experiences. Hindi ko rin makakalimutan na halos sa blog ako nag pasko. Mahirap ang pasko sa abroad malayo sa pamilya. Pero dahil sa mgakaibigan sa blog hindi naging ganun kabigat, mararamdaman mong may kasama kapadin at hindi ka nag iisa.. maraming bloggers din kasi ang malalayo sa pamilya. Iba ang saya pag masasabi mong blogger ka.. and “i belong”.

Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Bon: wala akong matandaan, sa tagal ng pag ba blog wala din akong experience na pangit. Siguro na maintain ko din naman kasi ang essence ng bonistation.. “being happy”

Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag
Bon:  tinamad oo dahil walang oras at walang maisip dahil pre-occupied ng ibang bagay, pero hinding hindi ko iniwan ang pag ba blog.. nawawala man sa ere pero andun padin paminsan minsan ang pagbabasa ng mga kwento ng iba.. parte na to ng buhay ko...

Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Bon: dumami ang kakilala, kaibigan. Mas lumawak ang pananaw sa buhay dahil sa mga inspirasyon na nababasa ko sa iba.

Bino: Importante ba sayo ang may mga nagkokomento sa mga post mo?
Bon: oo importante. Bawat may nagcocomment ni re reread ko ang article ko. =)

Bino: Paano kung sakaling walang nagkomento?
Bon: haha. Malulungkot ako syempre. Sa dami ng kaibigan wala man lang magcocomment.. taragis sila! Haha. Pero so far wala pa namang ganun.. ^^

Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?
Bon: Sa pananaw lang din na to ako nagsimula - “sa blogging, walang rules, walang guidelines kung pano ka magsusulat - ang ahalaga na I express mo ang gusto mong sabihin..” at mas maganda kung makakapagshare ka ng natural at yung may matutunan ang ibang tao sa mga ibabahagi mo.. at dapat marunong din tayong rumispeto ng iba.. para in return mairespeto din tayo.

Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa iban'g lahi?
Bon: iba padin ang pinoy. Mas madamdamin kasi pag tayo ang bumira! Hehe. O baka hindi ko lang maintindihan ang mga blog nila. Taragis! Hehe. Basta saludo ako sa lahat ng pinoy bloggers!


PERSONAL QUESTIONS:


Bino: Sino si Bon sa tunay na buhay? Sa likod ng blogging?
Bon: marami akong kahinaan, umiiyak din ako, nalulungkot pero mas nangingibabaw dun ang pagiging masayahin at ang pinakamahalaga positibo ako halos sa lahat ng pananaw.. mas gusto kong tumutulong kaysa ako ang tinutulungan. Nahihirapan ako pag wala akong magawa para sa kapwa ko sa mga sitwasyong hindi masaklaw na kakayanan ko.. Napakahirap kong tumanggi.. mahirap kong bitawan ang “hindi”. Pero bawal abusuhin hehe. Madali din akong magsawa; madaling makakita ng mali at parang mahirap magbigay ng second chance hehe.

Bino: Isa ka sa mga haligi (naks!) ng U-Blog o United Pinoy Bloggers. Bakit n'yo naisipang buuin ang grupo'ng ito?
Bon: salamat kay Bernard Umali sa tiwala. Sya talaga ang totoong haligi natin. May kakaibang karisma si bernard malakas ang convincing power at posibleng nahawahan lang ako.

Bino: Nagmahal, umibig, nagkagusto ka na ba sa kapwa mo blogero? O may nagkagusto na ba sayong blogger?
Bon: masarap maging blogger kasi para ka lang artista sa sarili mong mundo, ang mga readers ang mga fans mo. ^^  parang sa iba, fan din nila ko.. maraming magagaling na blogger at magaganda! Hehe.  Ok sa tanong mo.. nagmahal oo, hindi naman namin maitatanggi yun at halos alam ng lahat ng mga bumabasa sa bonistation.. at dun sa mga nagkagusto diko alam nyahaha.. meron akong alam na isa.. hihi

Bino: Ano ang tipo mo sa isang babae?
Bon: Matalino. Simple. =) maganda…

Bino: Batid ko'ng ika'y nagtatrabaho sa ibang bansa. Ano ang dahilan?
Bon: Para makapag blog.. haha biro lang.  Para sa mas maginhawang buhay. May kumatok na oportunidad kailangang pagbuksan. Hindi ko naman ginusto na mag abroad. Sawa nako sa kwentong abroad.. simula sa kwento ng tatay ko hanggang sa nanay ko.. ^^ pero siguro para mas maapreciate ko ang mga ‘yon kung masususubukan ko sa sarili ko. At totoong hindi biro ang sakripisyo nila. At tsaka siguro kung hindi ako nakapag abroad baka hindi rin ako nakapag blog. ^^ wala ring bonistation.

Bino: Ano'ng mga pagsubok ang iyong naranasan sa ibayong dagat?
Bon: Maraming pangyayari ang nakaharap ko sa pakikipamuhay malayo sa kinalakihan ko. Malungkot na masaya.. malungkot dahil malayo sa pamilya.. maraming okasyon ang mapapalagpas mo ng hindi sila kasama.. masaya dahil isa ako sa nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho abroad.. malaking bagay to para sa pagbuo ko ng sarili ko! (NAKS!)

Bino: Maaaring nararanasan mo din ang homesickness. Paano mo ito nalalagpasan?
Bon: Buti may internet. Malaking bagay ang internet. Bukod sa makakausap mo ang pamilya mo madalas. Maraming mapaglilibangan. Pag nakaupo nako sa harap ng computer hindi kona namamalayan ang oras. Pero hindi parin maiiwasan ang homesickness. Nandyan lang yan palagi naghihintay na mag jump sayo dapat palagi kang ready.


Bon:Pwedeng bumati at magpasalamat? Hehe
Bino: Oo naman! Go!

Bon:

Maraming salamat sa mga naging kaibigan ko dahil sa blog. Sa mga nagbabasa at patuloy na naging bahagi ng bonistation.com at taragis.com. Marami akong namimiss na mga kasabayan ko sa blog na hindi na ganong active at sana makabalik na sila. ^^




27 ang nakaappreciate:

  1. dun sa first question sa personal Q, naalala ko ung tinanong ko sa kanya kahapon na "what makes him happy" hindi... mali, mas naalala ko ung sagot nya kesa sa tanong ko..

    di nga, color blind nga si kuya bon?

    ReplyDelete
  2. di pa pala ko nakakapag pa autograph sayo bon

    ReplyDelete
  3. siya pala si BOn! i've been reading taragis and saw his profile. i'm now a secret admirer! gwapo!!!

    ReplyDelete
  4. Ay tama ako!!! Sabi ko na nga ba, Bonifacio ang pangalan ni Boni eh. wahihii!!! Pinoy na pinoy. .. hmm.. at kaliwete pala. sabi ng mga guro ko nung high school ako, matatalino raw at magagaling sa MATHEMATICS ang mga kaliwete. Di ko lang noon alam kung totoo... Ngayon, nakumbinsi na ako. #lels..

    Artista talaga. parang The Buzz lang. hehe.. Ang ganda ng mga questions na inihanda ni Bino. Nice post!! you should write more often. SPAM!!!

    IDOL!! Yun lang. :)

    ReplyDelete
  5. haha. maraming salamat uli Arvin!! ^^ spotlight part2 nyahaha artistang artista ako sa blog mo ah! taragis heheh!

    ReplyDelete
  6. gaganda ng mga sagot ni Bon. pang-Mr.Pogi!

    ReplyDelete
  7. nakapart two pa.. anak ng... ikaw na... hayst..kelan kaya ako magiging spot light dito?

    ReplyDelete
  8. hahaha.. Bino.. kaw na ang next Boy Abunda.. hehhee.. Astig ni Bon ahh... pang artistahin angb sagot..lol

    ReplyDelete
  9. ayun oh. si boni! parang may similarity kami ng personality.haha. pareho kaming napakabait e.saka mahirap tumanggi at laging gustong tumulong.hehe

    ReplyDelete
  10. spot light part 2 na ha. pag di pa namin nakilala yang si Bon ewan ko na lang. hahahaah

    ReplyDelete
  11. sa bihira't kakaunting post ni bon sa bonistation, masasabi kong naroon lagi yng sense bawat akda.

    yung taragis naman, taragis talaga dahil hitik sa tech shit.

    its nice to know you, bonfacio talampas jr.!

    mabuhay ka!

    ReplyDelete
  12. pogi ni sir bon. hahaha

    ReplyDelete
  13. ang pogi ni Boni ah! hehehe! di pa ako nakatambling sa blog nya.....mapuntahan nga..swabeng-swabe sumagot hihihi!

    ReplyDelete
  14. Uu..si Bon.

    Sino kaya kasunod?

    ReplyDelete
  15. dami kong natutunan kay Bino este boni pala pareng Boni ay Bino...nakakalito pangalan nyong dalawa, pakyow!

    Gusto ko yung sagot nya sa dahiulan kung bakit nagboblog, yan din ang gusto kong sabihin pag nainterview mo ko, copy-paste mo na alng! Lels!

    ReplyDelete
  16. hero kapangalan mo ah, hehe! ganda nito, nakilala ka nmin ng husto..

    ReplyDelete
  17. tuloy tuloy na ata tong hot seat na to parekoy ah!, si bon mas kilala ko sa taragis.com kaysa sa personal blog nya na bonistation :D

    ako kaya, kailan nasa spotlight? lolzz

    ReplyDelete
  18. Mabuhay ka Bon! Keep up!

    ReplyDelete
  19. Ayos kausap si Bon, may sense of humor din. Pero syempre una nya ko'ng kinibo nun sa SBA. suplado much ako ng konti. much pero konti. lels. joke lang :D

    ReplyDelete
  20. Astig tong post na to para may matutunan sa mga kapwa blogger. At gustong gusto ko yung sinabe ni Bon na kahit anong mangyayare hindi nya iiwan ang blogging ganyan din kase ako..BLOGGING IS LIFE!

    ReplyDelete
  21. Ang lupet.. Pinoy na pinoy ang pangalang ni Kuya Bon. Bonifacio! Ah tapang a tao, di a takbo! hehe.. Ang galing ng mga sagot, kaw na celebrity! ahaha.. :)
    Nice post kay Bino, at kay Boni, salamat sa iyong mga tech related posts, may natutunan ako sa inyo ha..

    ReplyDelete
  22. naks at mas kilala ko na ngayon si bon dahil Q and A na to.. astig!!!

    ReplyDelete
  23. Nice... Hello Bon!

    Napadaan uli sir bino.

    ReplyDelete
  24. Pareho tayong "color blind" Bonskii! Ang maroon nagiging itim whakhakhak! Sino ba yung blogger na nagkagusto sayo, yun ba yung isang kakilala ko? o iba pa yung naka relasyon, kulang yung sagot halatang idedeny haha! Neigh! XD

    ReplyDelete
  25. aba mas mahaba ang kay boni.. hehehhhe
    at ang daming highlight heheh "D

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS