May 25, 2011

Blogger's Hot Seat: Goyo: The Birthday Boy

Ang blogero na ating itatampok ngayon ay isa sa mga mahuhusay sa larangan ng literatura. Ang kanyang kwentong GABAY ay nagwagi ng unang gantimpala sa pagsulat ng maikling kwento sa ikalawang SARANGGOLA BLOG AWARDS. Higit sa lahat, siya ay nagdiriwang ng kanyang ika-22 kaarawan ngayong araw na ito. Natats (na-touch) din ako sa isa pa'ng kwento na kanyang ginawa na pinamagatang LOWBAT. Without further adobo, kilalanin natin ang blogger na nasa likod ng GOYOSADVENTURE at BUTAS NA BRIEF. Si Goyo:




Pangalan/Alias: Goyo The Great

Blog Name at URL: http://goyosadventure.com & http://butasnabrief.tumblr.com

Lokasyon: 95 G. Seña St., Brgy. Special District, Jalajala, Rizal. Complete address yan, padala kayo ng mga relief goods.

Edad: 22 anyos sakto ngayong araw na 'to (May 25). - Happy Birthday!!!

Civil Status (importante to): Single. Maraming nagkakacrush at nanliligaw. Deal with it.


GENERAL QUESTIONS:

Bino: Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.
Goyo: 6 footer, Brown eyes (lol), walang abs, pero mahaba ang dila. Tapos ng kursong BSECE pero hindi umakyat sa stage.. Madumi ang mukha, lalong naging baby face dahil sa bulutong..


Bino: Kailan at paano ka nagsimulang mag-blog
Goyo:  Nagsimula akong magblog sa friendster noong August 2008. Binola ako ng mga friends ko na maganda daw at magaling akong magkwento ng mga karanasan. Nagpauto naman ako at patuloy na nagbahagi ng kwento.. Fan ko daw sila kaya magsulat lang ako dahil babasahin nila.. Hanggang sa lumubog ang friendster at lumipat ako sa blogspot.


Bino: Bakit mo naisipan na pasukin ang mundo ng blogging?
Goyo: Trip lang. Testing. Enjoy naman, tsaka para imbakan na din ng mga alaala, hindi ko naman kasi lahat maaalala to pagtanda ko.. Kaya personal ang blog ko lalo yung sa tumblr. :)



Bino: Ano ang kwento sa likod ng iyong alias?
Goyo: Galing sa lolo at tatay ko ang Goyo, Gregorio sila pareho. Para sa mas maraming impormasyon tungkol dito, pakibasa na lang 'to: (http://tinyurl.com/bakitgoyo).


Bino: Paano nagsimula ang goyosadventure ganun na rin ang iba mo pang blogs?
Goyo: Sabi ko nga sa tanong sa itaas na sa friendster talaga ako unang nagblog. Nagtanong ako sa mga kakilala kung saan maganda magtuloy ng blog, yung iba sabi multipy daw, nabaduyan ako kaya sa blogspot na lang.. Yung sa tumblr ko naman, nakita ko sa news feed sa facebook. Tinesting ko, nag-enjoy at hanggang ngayon, tumblr blogger pa din.. Madaming chiks e. Puro bata pa. :)


Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag. Kung hindi ma'y magbayad ng 1 libong piso. Joke lang!
Goyo:  Noong una si Bob Ong talaga.. Nabasa ko kasi sa libro nya dati na sa blog sya nagsimula.. Pero ngayon, sa paglabas ng mga libro nya, nababaduyan na ako.. tsaka nakakainip kung hihintayin mo taon taon ang bawat libro nya.. Si Lourd de Veyra ang iniidolo ko ngayon, daily dose of shits sa WOTL, quality post pa sa This is a Crazy Planets.


Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Goyo: Babae. Hindi na kailangang ipaliwanag.


Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Goyo: Wala naman. Madali lang naman mag-ignore ng mga haters. Yung iba lang nakakatawa. Dinidibdib ang mga biro sa internet. Internet to mga tol, madaming malala kung mag-troll dito. Bawal balat sibuyas.


Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag
Goyo: Hindi naman.. Hindi ko naman masyadong kinakarir. Hindi naman ako kumikita dito. Personal blog ako e.. Kapag walang maipost, e di wala. Di ko pinipilit sarili ko para lang makapag-update.. Kapag may libreng oras, e di ayos, blog blog lang.. Hehe..


Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Goyo: Aminado ako may nabago kahit papano. Dumami ang kaibigan. Sa mundo pa ng internet ako nagkaroon ng hater. Feeling ko meron e, mga takot lang at bakla kaya di kaya magparamdam. Hehe. Dumami ang nagkaka-crush. Pwera biro to. Haha. Tsaka, kahit papano naggo-grow as a person at naitatama yung ilang pagkakamali. Mas lalo ding naging open minded.


Bino: Importante ba sayo ang may mga nagkokomento sa mga post mo?
Goyo: Noong una, oo syempre. Parang ito yung basehan ng ilan kung may nagbabasa o wala e. Pero nung tumagal, natuklasan ko na marami talagang silent readers.. Nakakatuwa kasi na nag-iincrease yung likers nung page.. Kaya ayun.. Kahit papano masaya na akong malaman na may nagbabasa kahit walang koment. Nanay at tatay ko pa lang e, regular reader na.


Bino: Paano kung sakaling walang nagkomento?
Goyo: Ayos lang. Wala namang mababago. Hehe. :D


Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?
Goyo:E di gumawa sila ng blog. Haha. Depende kasi sa intensyon yan e, dapat malinaw sa kanila yun.. Kung personal blogger ka, sulat mo kung anong gusto mo, kahit makasagasa ka ayos lang BASTA KAYA MONG DALHIN SARILI MO. Basta blog lang ng blog, tyagaan lang.. Kunwari expert na ako, nagtitip e. hehe.


Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa iban'g lahi?
Goyo: Hindi ko alam kung paano icocompare tong dalawang 'to. Nakabasa na kasi ako ng mga blogs sa ibang bansa, sa tumblr ako nakakabasa. Iba talaga yung humor nila. Madami ding magagaling kung creative writing ang pag-uusapan..


PERSONAL QUESTIONS:

Bino: Sino si Goyo sa tunay na buhay? Sa likod ng blogging?
Goyo: Walang halos pinag-iba. Tahimik lang ako kapag sa unang pagkikita, ayon.


Bino: Nagmahal, umibig, nagkagusto ka na ba sa kapwa mo blogero?
Goyo: Nagkaroon na akong girlfriend na blogger. Hehe.. Marami na din akong nameet at .....


Bino: Ikaw ang nanalo sa ikalawang Saranggola Blog Awards. Ano ang sikreto ng galing mo sa paglikha ng mga kwento?
Goyo: Sikreto? Wala. Tsamba lang. Humble talaga ako e. Haha.



Mula sa kanyang kwentong "Gabay"

"Parang gusto ko ng sundin ang payo ni Inay na itigil ang pangarap kong makatapos ng pag-aaral. Ngayon pa lang nahihirapan na ako, pano pa kapag pumasok na ako sa hayskul?  Pero hindi, kailangan makaabot din sa langit ang saranggola ng buhay ko. Hindi ako titigil sa pangangarap. Ang edukasyon ang magiging susi ng tagumpay ko. Maiaahon ko din sa hirap ang Inay ko."


Bino: Isa ka din sa mga tagalog bloggers na may mahigit isang libong fans sa facebook at sandamakmak na followers sa tumblr. Ano'ng sikreto mo? Kailangang sabihin!
Goyo: Konti lang ang followers ko sa tumblr compare sa iba. Hehe.. Ewan ko, gusto lang nila siguro talagang makichismis sa buhay ko. Too much info kasi ako magblog lalo sa tumblr.

Bino: Ano ang tipo mo sa isang babae?
Goyo: Tipo ko sa babae. Walang eksaktong katangian, depende talaga sa babae e.. Pero bonus kung virgin. Aminin na natin, bonus yun.


Maraming salamat Goyo at pinaunlakan mo ang aking panayam sa iyo. Ipagpatuloy mo ang pagsusulat ng iyong magagandang likha.

26 ang nakaappreciate:

  1. hahah base!!! =) ang TOWER ng U-Blog . ^^ HAPPY BIRTHDAY!! ako din isa sa bilib sa mga sinusulat ni Goyo.. talent nya talaga yan, oo lahat naman kayang sumulat pero syempre iba padin ang kalibre nya!

    ReplyDelete
  2. Ayan, eheheh.

    Una happy birthday sa nasa hot hot seat. Happy birthday Goyo.

    At nakakaaliw naman na sa friendster age pa nagsimula sa pagsusulat si goyo.

    Galing nya mag-narrate ng mga stories. Di nakakatamad kahit pure text ang story.

    ReplyDelete
  3. happy birthday goo ^^ di ko pa sya kilala oh namemeet pero dito unti ko n syang nakikilala.

    ReplyDelete
  4. Si bino, mahiyain daw cya nung una syang nagparamdam sa uBlog :) Happy Birthday Goyo ♥ Kabertday mo ang aking poging asawa :)

    ReplyDelete
  5. ang bata pa pala ni goyo...

    nakakaaliw naman itong portion na ito...

    parang the buzz lang bino ah..hehehe

    ReplyDelete
  6. Happy Birthday sa kanya. Binasa ko lahat ng sagot niya sa mga tanong at daig pa nya ang mga Ms. Universe. ang mga sagot niya ang tipong hindi ka maiinip basahin.

    ReplyDelete
  7. bilib din ako ka goyo. hehe. lha ng nafeature mo kilala ko. hahahaah astig.. kung magkakaroon ng blogger olympics gusto ko kakampi si goyo. hahaha. para sure win

    ReplyDelete
  8. sa June, girls naman ang ififeature ko :D

    ReplyDelete
  9. pagnapapagusapan ng mga blogger sa sg yung mga blogs, isa si goyo sa sinasabi ko sa kanila na humahananga ako sa kagalingan nyang magsulat.
    lagi kong binabasa ang mga akda nya mula ng nadiskubre ko ang bahay nya, subalit di naglaon ay tumamlay ito at bihira na mag-update. nabalitaan ko na nagtumbling na pala sya sa tumblr e di na mana ako gumagawi don.

    hindi ako naniniwala na hindi sineseryoso ni goyo ang mga bagay-bagay sa blogging. dati kaya nung nabawasan ang followers nya ay ilang beses nya ito na i-comment at napost sa chatbox nya. LOL. piz goyo!

    ayown. binabati kita pareng goyo sa iyong kaarawan.

    ReplyDelete
  10. happy bday goyo!!ang galing naman,isa sa mga mgagaling na mgsulat na blogero sa blogspot sa tumblr sana update lng ng update pra may mabasa kami hehehe..

    ReplyDelete
  11. Happi B-day PO. :D base sa nabasa ko, Ang COOL mo dude. :)

    ReplyDelete
  12. happy birthday goyo!!! bonus pala ang virgin ah!patawa!

    ReplyDelete
  13. happy birthday GOYO!!

    madaming natuto kay bob ong.

    bino ikaw na si tito boy abunda ng blogsphete.. hehe! pwd ka na s D BUZZ!

    ReplyDelete
  14. Ang galing talaga ni Bino. May bago ka nang career! hahaha.
    Para kay Goyo naman, gusto ko ang mga sagot mo. Totoong totoo. haha.. Maloko ka siguro. :)

    ReplyDelete
  15. Maraming salamat dito Kuya Bino! :D

    ReplyDelete
  16. haha...mahaba ang dila! nice one. alam ko na ngayon kung para kanino ka bumabangon,goyo.

    sir bino, keep it up. ang gandang portion nito to know people na mas nakikilala ko more than dun sa about me ng blog nila.

    ReplyDelete
  17. nyahaha goyo happy birthday! natawa ako sa walang abs pero mahabang dila...haha...at saka belated congrats na rin sa mga achievements mo ahw hehe..blog on.! Enjoy life ! ^^

    ReplyDelete
  18. Happy birthday, Goyo!

    Isa nga ako dun sa sinasabi niyang silent readers. Kapag napapadpad ako sa blog niya, minsan nagkokomento pero madalas, nagbabasa lang. Madalas kasi, naii speechless na ako. Prang.. WOW. yun lang. Wala na akong masabi. Kesa naman WOW lang sabihin ko, wag na lang. baka isipin, nagskipread ako. haha!!

    Wala kang abs, pero mahaba ang dila. Anong konek? Hahah! Natanong ko lang. Yun talaga ang tumatak sa isip ko e. Pakisagot. Harhar.. dyuwk.

    Again. happy birthday!

    ReplyDelete
  19. HAHAHA. Natawa ako sa huli niyang sagot. Nakapunta na ako sa blog niya pero nahiya ako magcomment. Happy Bday sa kanya. :)

    ReplyDelete
  20. Happy Bday Goyo.

    Si Goyo ay mahusay na blogger.

    :)

    ReplyDelete
  21. ahhh..
    maligayang birthday kuya Goyo!

    ReplyDelete
  22. Eto talaga yung mga inaabangan kong post mo.. astig dame ko natututunan sa mga bloggers na finifeature mo hehe..

    ReplyDelete
  23. I like the photo when he covered the word golf!!! . I thought of something green.hihhi

    ReplyDelete
  24. Sana ma-feature lahat ng bloggers sa mundo. :D

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS