Profile Ninyong Mag-asawa
Name: Rholand Fullante Matias / May Factor Matias
Birthday: October 30, 1984 / May 10, 1983
Blog at URL: notbuknilhan.blogspot.com, lifemeetshappiness.blogspot.com / diaryofsimplelife.blogspot.com/
Occupation: IT Supoprt (City Governement Of Makati)
Araw ng Kasal: May 18, 2011
Beses na-inlove: Ako madame na, heheh sya 2 pa lang daw parekoy
Q: Paano at saan kayo nagkakilala ni May? Magkababata? Magkawork? Magkablog?
A: Nagkakilala kami noon sa opisina. Bagong pasok ako nun at single at sya naman ay may bf alam ko. Pero syempre nagbreak sila at pumasok na ko sa eksena. Yun ung play namin ng November. I found her really beautiful at doon ako nagsimulang mainlove. ^^
Q: Ano ang inyong naramdaman sa isa’t isa sa una ninyong pagkikita? (Love at first sight ba etc)
A: ako hindi, sya rin hindi. Inis pa nga sakin si Mhay kasi kabago bago ko pa lang eh nag leave na agad ako papuntang bohol. Hahaha. Lakas ko daw.
Q: Paano naging kayo? Ano’ng klaseng panliligaw ang ginawa mo para makuha ang kanyang matamis na OO?
A: Uhmm, sundo dito, hatid doon. Bigay ng gifts at date syempre. ^^ Sinagot nya ko nung christmas party ng cityhall.
Q: Kung hindi ako nagkakamali ay magkasama kayo sa trabaho. Madalas ay nagkakaroon ng conflict ang ganito. Dumating ba kayo sa ganung punto?
A: Nagkakaconflict kasi minsan di kami parehas ng gusto. Magkasalungat minsan. Eto gusto ko, ayaw nya. Gagawin ko to, eto naman gagwin nya. Kaya napag desisyunan namin na hindi na kami magpapagrupo sa isat isa. Hehehe.
Q: Dumanas din ba ng unos ang inyong relasyon bilang magkasintahan? Paano ninyo ito nalagpasan?
A: Oo naman, lahat naman dumadanas ng unos, kapag dumating kami sa ganitong pangyayari, talagang away, wla naman sakitan. Pero bandang huli suyuan din ang nangyayari. Sa huli nangingibabaw pa rin ang pagmamahalan. ^^
Q: Ano ang inyong sikreto (oo sikreto pero kailangang sabihin!) sa pagiging matatag ng inyong relasyon?
A: Trust at Pagtanggap sa bawat isa. Tiwala kasi kami sa isat isa. Tsaka yung pagtanggap kung anu yung kapartner mo. Kahit anu pa yan, mahal mo eh. Tatanggapin mo talaga dapat.
Q: Paano ka nag-propose?
A: Umisip ako ng bagong way ng pagpopropose. Yung unique. Laos na kasi yung kakain kayo tapos magdadala ang waiter ng food tapos nandun na yung ring. Ung mga ganun, dami ng gumawa kaya ayoko ng gawin. Eh since blogger ako, gumawa ako ng post para sa pagpropospose ko. Video presentation tapos nandun na yung pagpropopose ko. Hehehe eto may link yung video ko dito. http://lifemeetshappiness.blogspot.com/2011/04/where-will-i-take-my-boracay-rum.html
Actually nanjan na rin yung ibang kwento ng love story namin. ^^
Mga Larawan ng Kanilang Pre-Nup
Q: Paano pinaghandaan ang kasal?
A: Una syempre, ang pamamanhikan. Si Mhay kasi bunso yan eh tapos nagiisang girl, kaya old school ang pagpapalano. Inuna ang pamamanhikan namin, tapos binigay nila ang blessings then nagsimula na kaming maglakad ng mga kailangan naming requirements.
Q: Paano mo nasabi na siya ang babae para sa yo?
A: Bigla na lang isang araw naisip ko si Mhay na. Lahat na ata kasi ng hinahanap ko ay nasa kanya na. Maalaga, maasikaso, mabait, at may takot sa Diyos. All in one na ika nga. So pakakawalan ko pa ba?
Q: Anu-ano ang iyong mga expectations sa isang buhay may-asawa?
A: Una, kailangan kong magsikap. Hindi na tulad ng dati na tatamad tamad ako. Kung gusto kong umalis pwede, ngayon hindi na. Kailangan paalam kay Mhay or di kaya kasama ko na sya palagi. Tsaka yung finances, sya na ang hahawak.
Q: Anu-anong pagbabago ang naganap mula nang ika’y maikasal (adjustments etc)?
A: Una, hindi ako gano makatulog. Nanibago ata ako sa bahay namin. Ikalawa, naging mas masipag na ata ako. Hehehe. Syempre naman kung tatamad tamad ako baka palayasin ako ni Mhay. Ikatlo, I should wear my ring always (baka upakan ako ni Mhay pag di ko to sinuot hehehe). Ikaapat, May kasabay na ko palagi sa pagkain at sa pagtulog.
Q: Ano ang iyong mensahe para sa kanya?
A: Ah, Mahmine, salamat sa pagmamahal mo sakin, sa pagpili mo sakin bilang makakasama mo habang buhay. Umasa ka na ikaw lang din ang sasamahan ko habang buhay. Magkatulong nating itataguyod ang sinisumulan nating pamilya. Mahal na Mahal kita at take care always. Ilove you!
Q: Ano naman ang mensahe ninyo sa couples out there?
A: Sa mga couples out there na nagpaplano magpakasal or in relationship pa lang. Uhmmm, iwasan ninyo yung pagtatalo, yung iinit agad ang ulo. Magbigayan kayo. Pag mainit ang ulo ng isa cool lang muna ang isa, pag yung isa naman magbigay muna rin yun isa. Wag pagsabayin ang galit ng isat isa. Sa isang relationship dapat bigayan. Bawal ang selfish.
Heto naman ang mga larawan sa kanilang kasal
Maraming salamat parekoy sa pagpapaunlak sa panayam na ito ganun na rin sa mga pinadala mo'ng larawan. Nawa'y mas lalo pa'ng maging matatag ang inyong pagsasama at pagmamahalan sa isa't isa. God bless!








belated congrats pala kila sir lhan.
ReplyDelete:D
sayangs walang mga tanong about:
san ang honeymoon? Lights on or off? etc. heheh. joke langs
napupuntahan ko rin yang si Lhan, pero di madalas :D
ReplyDeleteCongrats Lhan at sa iyong asawa :)
Wow bagong kasal, sana tumagal nang tumagal ang marriage nila. I wish them endless years of great sex LOL
ReplyDeleteKongrats kina Lhan.
ReplyDeleteSyempre, inggit much na naman ako.. hayt.. Ang sweet naman ng love story nila, ako, mapait. hehe. But I believe, may time para sa lahat.. hehe.
ReplyDeleteCongrats po kay Lhan at Mhae.. at kay Bino, kaw na mangarir sa interview.. haha. :)
Sweet naman!
ReplyDeleteBest wishes sa inyo Lhan! :)
congrats sa kanilang dalawa :)
ReplyDeleteTake2!
ReplyDeleteAwwww!! Sweetness!! Ay nakita ko nga yang proposal vid. Sweet!! And very unique. Dagdag pogi points tlga ke Lhan. Hehe.. At bunso pala si Mhay.. and the only girl. Sayang hindi ko nakita si Mhay nung andyan ako.. But well, meron pa namang next time. hehe..
Anyway, good luck sa married life. Congratulations and best wishes! Agree ako sa comment ni Glentot. Yun din ang wish ko senyo.. haha!!!
Congrats to Lhan and Mhay.. God bless you and your future family more and more in every way.
ReplyDeleteCongrats kila sir lhan!
ReplyDeleteMadlas din yan tumambay sa blog ko. Nakakainspire yung love story nila kahit simple lang. Hanga ako sa mga picture ang galing ng kumuha.
ReplyDeleteAsko ko lang para kay lhan, pare city hall ng makati ka ngwork? May kilala ka bang sherwin marcelo? Kaklase ko yun sa college. Lels
Iba din yung style ng blog mo no. hehehehe..
ReplyDeletehay ang sweet ng proposal at ang mga picture..kong sweet ang mga picture b4 d wed mas sweet ang wedding pics hehe! i love the 'you may now kiss the bride picture' hehe!
ReplyDeletekuya BOY ABUNDA!! nice one again, hahaha! im happy sa bagong kasal.
oo nga ang swit nila... hays!
ReplyDeletewow. ang ganda naman. congratulations
ReplyDeleteparekoy! ahahahh! salamat! salamat! salamat! hehehhe..
ReplyDelete@ Leah at Glentot - hahha pasaway kayo. sure yun hahha.
@ xander, empi, khanto, Lordcm, at sa lahat po! SALAMAT ng MDAME!!! ^^
huwaw..
ReplyDeleteansweet naman..
cOngrats po..^_^
kudos! :)
ReplyDeletewow, para sa mga nagbabalak dyan! hahaha sabi na si arvin talaga ang relationship guru! saan kapa dito sa damuhan kumpleto haha
ReplyDeletesi lhan kala ko pulis silang pareho un kase ung nasa FB nila.. =)
anyway, salamat sa pagbahagi ng kwento nyo!! ^^ nakakuha na naman ng idea hihi!!
The best comment ni Glentot. Hahahaha. :)
ReplyDeleteHmmm.. unang una. CONGRATTTTTTs! Yehey sa wakas kasal na si kuya Lhan!
Kuya Bino thanks xa pagdalaw xa aking kapehan. Xempre na-add ko na ang iyong dalawang bahay xa aking blog roll! :)
aawwwwwww
ReplyDeleteyun naman talaga oh---daming bloggers nag nagpapakasal these days---at me isa pakong alam na nagpakasal today---as in today. awts,sandali mabati nga sa fb.ngy na---congratulation Lhan and to your lovely wife. a blessed life ahead of you.
ReplyDeleteCongrats Lhan...
ReplyDeleteDumaan lang po...
whee! ganda! =D i am so happy for lhan and mhay. :D
ReplyDelete