Kamusta ka na? Labing-walong taon na kasi tayo'ng di nagkikita eh. Miss na miss na kita. Ako, heto at awa ng Diyos, ay nasa mabuti namang kalagayan. May magandang trabaho naman at busyng busy sa pagbablog. Si Ate, ilang beses ng napromote sa kumpanyang kanyang pinapasukan. Yung sumunod naman sa kin, HR staff na sa Bounty Fresh. Every month, meron kaming libreng Chooks-to-go! Yung bunso naman, ayun at gagraduate na mamaya sa kursong ECE. Kasama niya si Tatay at si Tita para panoorin ang pag-akyat niya ng entablado. Ay si tatay, kahit may iba nang kinakasama sa buhay, alam ko'ng mahal na mahal ka pa rin niya.
Siyanga pala 'Nay, ang dahilan ng pagsulat ko sa yo ay wala'ng kinalaman sa pera. Hehehe. Wala naman po ako'ng hihilingin na materyal na bagay. Hindi na po ako ang dating Bino na maglalambing lang sa inyo pag may kailangan ako. Gusto lang kita'ng batiin ng Happy Mother's Day. Sa Linggo pa po yun pero syempre, gusto ko'ng ako ang unang bumati sa iyo. Selfish noh? Pero syempre, ako ang unico hijo mo eh. Mama's boy kaya ako! At di ko kinahihiya yun!
Ikaw ang umagapay sa kin sa aking unang hakbang noo'ng ako'y nagsisimulang maglakad. Ikaw ang aking unang guro na nagturo sa akin kung paano magbasa at magsulat. Ikaw din ang unang nag-asikaso ng mga gamit-eskwela ko. Mula sa lapis at papel, hanggang sa uniporme at sapatos. Natatandaan ko pa nga kung paano mo ko sinuyo na pumasok sa paaralan. Natatakot kasi ako sa guro ko dati kasi ang sungit. Pero nadaan mo ko sa suhol na masarap na baon na ikaw din mismo ang naghanda. Iba ka nay! Walang sasarap sa mga luto mo!
Sana nandito ka ngayon upang makita mo ang pag-asenso namin. Sana nakita mo kung paano kami sinabitan ng medalya tuwing matatapos ang pasukan. Sana nakasama ka namin noo'ng grumaduate kami mula gradeschool hanggang kolehiyo. Nailibre sana ka namin noo'ng natanggap namin ang aming unang sweldo sa una naming trabaho. Inaalay namin ang tagumpay na ito kay Lord at sa iyo. Maraming salamat at iniluwal mo kami sa mundo. Kung wala ka, wala rin kami. Hindi mapapantayan ng isang simpleng liham na ito ang walang hanggang pagtanaw ko ng utang na loob at paulit-ulit na pasasalamat sa BEST NANAY IN THE WHOLE WIDE UNIVERSE!
Oh siya Nanay, mahaba-haba na to'ng sulat ko sa yo. Hindi naman sapat ang buo'ng blog ko para sa lahat ng gusto ko'ng ikwento sa yo. Teka nga pala, may nakalimutan pa pala ako'ng sabihin sayo na bihira mo'ng marinig pero alam ko naman na nararamdaman mo kahit malayo ka sa piling namin. At alam ko'ng aabot ito hanggang heaven kung saan ka nandun:
Nanay, I love you!
alam ng nanay mo kung gano ninyo siya kamahal. kasi she is part of your heart. nandun sya sa puso nio, ang ilaw ng tahanan.
ReplyDeleteDear Nanay ni Bino,
ReplyDeleteMapalad po kayo na naging anak nyo po itong si Kuya Arvin. Napakabuti po nyang kaibigan. Saglit ko lang po sya nakakasama pero umaaura naman po ung kabutihan sa puso nya :)
Salamat po dearest nanay ni Bino sa pagpapalaki ninyo sa inyong anak. Kung mababasa man po ninyo ito -- maipagmamalaki po talaga ninyo ang anak nyo. Marami syang natutulungan sa mga blog nya. Nagpapacontest din po cya para magpasaya ng iba. Nakikinig po sya sa mga hinaing ng iba.
Salamat ulit dear nanay ni Bino ♥
grabe bino :(
ReplyDelete18 years...
sigurado ko proud sya sa mga achievements mo ngayon :)
http://jezonhamster.com
bino,
ReplyDeletekaninang nasa bus ako gamit ang aking mobile fon ko binasa tong akda mo. hindi ko alam kung bakit unang linya mo palang e kinikilabutan na ako. habang patuloy ang pagbabasa ko, hindi ko alam kung iiyak ba ko. takte, nasa bus kaya ako. anu nalang isipin ng mga tao sa bus? nu ne? ako na ang emosyonal. ganun ata talaga ako pagdating sa pamilya lalo na sa ina.
ngaps, masayang masaya siguro si ermat mo, kase kahit 18years na... proud ka pa ding sabihin na nanay's boy ka. asteeg.
pare, marami ang mahihipo ng akda mong toh.. gaya ni bolakbol, kinilabutan din ako sa post mo. Iba tayong mga lalaki pagdating sa pamilya at lalong lalo na sa Ina. Mabuhay ka pare at paniguradong masaya ang ermats mo sa mga nangyari sa buhay ng pamilya nyo!
ReplyDeleteHappy mother's day sa nanay mo tsong! :) Date mo siya!
ReplyDeletehindi mo man siya kasama sa ilang mahahalagang bahagi ng buhay mo, i know na proud na proud siya sa'yo at sa mga kapatid mo. Kahit siguro nasa langit na siya ngayon i'm sure ginagabayan niya pa rin kayo.
ReplyDeleteHappy mother's day sa nanay mo :)
ang aga naman nito para sa sunday... hehehe...
ReplyDeletenga pla, mamas boy din ako!!! wahahaha.... diko din ikinakahiya yun.. very proud pa nga kasi may nanay akong laging maaasahan...
ang sweet mong anak... yiiihiii!! ahaha
asan ba si nanay mo?! 18 years?! tagal na ah!
ReplyDeletePare ang bait mo pala... Ganyan din ako mama's boy. Mahal na mahal ko ang nanay ko at lhat ng traits ko sa kanya ko lahat yata namana. Di ko akalain na may pagkasenti ka rin pla pagdatig sa pagsusulat ng ganito sa blog. Bihira sa atin ang ganito ka expressive. Teka asan nga ba ang nanay mo? 18 years na wala? Ang swerte swerte ng nanay mo sayo, nasan man sya pare alam kong proud na proud sya syo. At sana mabasa nya to, kung mababasa man nya to malamang maluluha yun. HAPPY MOTHER'S DAY SA NANAY MO AT SA LAHAT NG ULIRANG INA NATING LAHAT.
ReplyDeleteIto'y post na ito ay nakakaantig sa puso. Maraming salamat sa iyong ina, dahil kung hindi dahil sa kanya, wala kaming makikilalang Bino ngayon na isang mabait na kaibigan, at magsusulat ng mga nakakatuwa at makabuluhang mga blog.
ReplyDeleteHappy mother's nay sa iyong inay. ♥
Awww... This one is sooo sweeeeet. Feel na feel ko ang pagbabasa na parang ako ang may gawa. Haha. Nakakasad lang na hindi nga nakita ng Nanay mo yung tagumpay niyo. Happy Mother's Day sa Nanay mo. :)
ReplyDeleteNasaan man ang nanay mo ngayun,alam kung masayang masaya yun,at nagagalak sa nangyari sa buhay mo.At sobrang maipagmamalaki ka niya sa lahat,dahil sa narating mo at taglay mong paguugali...
ReplyDeletenakakabilib..
nadama mo ko ang sulat..sarap basahin..
HAPPY MOTHERS DAY SA IYONG BUTIHING INA!!!
nakakatouch naman to, kahit di pa ko nanay. I'm sure she's proud of you. :)
ReplyDeleteHappy mother's day to your mom!
masayang masaya ang nanay mo,bino. isang karangalan para sa magulang lalo na sa inang makitang matagumpay ang kanyang mga anak.
ReplyDeletehappy mothers day sa kanya.
wow.. hapy mother's day kay mommy niyo po...
ReplyDeleteKahit matagal ng wala si Nanay mo, alam ko naman na nagawa nya ang mga dapat nyang gawin para maging mabuting mga tao kayo ng kapatid mo..
ReplyDeleteTama ka Kuya Bino, swerte kami at kasama namin sa paglaki namin ang mga nanay namin...
Malamang, masaya ngayon ermat mo sa lahat ng narating nyo sa buhay. Happy mother's day sa Nanay mo sa heaven Kuya Bino. :D
Dear nanay ni bino,
ReplyDeleteAlam kong kahit kayoý nasa heaven na, patuloy kayong nagbabantay, nakamasid sa inyong nag-iisang Arvin. Isa po siyang matulungin, mapagbigay at mabait na kaibigan.. at mapalad po kami.. ako.. na nakilala ko siya.
Happy Mom's Day.
leah
iba pa din tlga ang dating ng post na true to life kesa sa fictional..
ReplyDeleteramdam mo sagad sa buto...
masaya akong malaman na madami pa pla tayong ngmamahal ng wagas sa ating mga NANAY . ^^