Kamusta po? Kamusta na po diyan sa Canada? Siguro'y maginhawa'ng maginhawa na po kayo kasama ang iyong pamilya. Panigurado’ng masayang masaya na po kayo sa inyong buhay na tinatamasa ngayon. Maaaring hindi n'yo po ako kilala. Dahil hindi naman po natin nasilayan ang isa't isa. Mangyari po kasi'y hindi n'yo rin naman po kinilala ang aking ina. Subalit dahil sa tinatawag na lukso ng dugo at iba pa'ng palatandaan, kayo'y aking natagpuan. Kaya nga po heto't lumiliham ako sa inyo.
Pamilyar po ba ang pangalang Andrea Cruz sa inyo? Kung hindi po, hayaan n'yo po'ng ibalik ko siya sa memorya ninyo. Naging magkasintahan kayo sa loob ng tatlon'g taon. Mahal na mahal ka niya at ganun ka din po sa kanya. Ngunit isa'ng pagsubok ang dumating na naging dahilan para mawala ang pagmamahal nyo sa kanya. Siyam na buwan na po ang nakalilipas nang malaman nyo'ng siya'y nagdadalang-tao. Tuwang-tuwa pa siya'ng ibinalita sa iyo ang tungkol sa pagbubuntis niya. Umaasang pakakasalan nyo siya at mabubuhay bilang mag-asawang puno ng pagmamahalan sa isa't isa.
Subalit ang pangarap niyang iyon ay nasira nang itanggi nyo po'ng kayo ang ama ng batan'g dinadala niya. Bagamat alam nyo'ng sa sa sarili ninyo'ng hindi kailanman nagtaksil si Andrea, mas pinili nyo pa ri'ng hiwalayan siya. Ang dahilan? Hindi pa kayo handang maging ama. Lubos po'ng nasaktan si Andrea sa ginawa ninyo. Ganunpaman, pinilit niyang ituloy ang pagbubuntis. Sinumpa nya sa kanyang sarili na hindi niya kayo kailanman mapapatawad. Sinabi niyang babaunin niya hanggang hukay ang kapatawarang hindi niya ibibigay sa inyo.
Makalipas ang siyam na buwang pagdadalantao ni Andrea, pumanaw siya sa panganganak sa akin. Ilang oras lamang ang nakakalipas ay binawian na rin po ako ng buhay. Opo. Ako ang bunga ng pagniniig ninyo. Si Andrea ang aking ina na binaon hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ang galit at pagkamuwi sa inyo. Nakakalungkot na hindi niya kayo nagantihan. Pero huwag po kayo'ng mag-alala. Dahil ako ang magpapatuloy ng kanyang poot. Marahil nagtataka kayo kung paano ako nakapagsulat sa inyo. Marami po'ng bagay sa mundo ang hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Isa na ito sa mga yon.
Hindi ko po kayo titigilan hanggang sa hindi makamit ng aking ina ang paghihiganti niya sa inyo. Umasa po kayo na umpisa pa lang ito ng inyong kalbaryo. Mararanasan ninyo ang lahat ng sakit na una ninyong ginawa sa akin at saking ina. Umpisahan na lang po natin sa pagkawala ng iyong pamilya.
Naghihiganti,
Ang Inyong Anak
Mateo
___________________________________
Andrea Cruz
Born: October 7, 1983
Died: May 20, 2011
*********
Mateo Cruz
Born: May 20, 2011
Died: May 20, 2011
woaahhh...blowing mind ang ending, nanindig mga balahibo ko, kung paraan sana na mapalakol ang mga lalakeng tumatakas sa kanilang responsibilidad bilang ama, sasali ako..astig nito pare, seryoso..
ReplyDeletepero sympre you should write more often...lels
aww saklap naman. tinakasan na nga sa responsibilidad hindi pa siya nagkaron ng chance para masilayan at makapamuhay sa mundo.
ReplyDeletenakalungkot kasi marami nang ganitong pangyayari sa totoong buhay. mga taong gusto lang ay sarap at ligaya at walang pakialam sa kahihinatnan ng kanilang ginagawa.
magkaganun pa man kung tayo ang nagawan ng masama dapat ay hindi tayo magtanim ng galit. tayo lang ang mahihirapan at hindi matatahimik. may karma din sila. hayaan na natin ang panahon o ang ibang tao ang humusga sa kanila.
nung una aakalain kong pang super advance happy fathers day post to. Buti at di ako nagskips reads at tinapos ko ang wento ng liham.
ReplyDeleteGrabe. umagang-umaga pero parang 3am kasi nakakatindig balahibs ang poot ng baby mateo.
multuhan effect..wag ganun...mag-isa lang ako dito sa bahay..sa june 1 pa ang uwi ng grasya.. pero ok lang, hindi naman ako guilty wala naman akong responsibilidad na tinatakasan o balak takasan...ang balak ko ngayon, sa pag-uwi ng grasya, gagawa kami ng responsibilidad... :D
ReplyDeleteMagkasintahan ng tatlong taon, tapos biglang nawalan ng tiwala sa isa't isa?
ReplyDeleteAnyway, reyalidad ito. Nangyayari.
Bottomline, mahalaga ang responsibilidad at tiwala sa relasyon. Lalo na kung may bunga na iyan.
Ayos Boss!
ReplyDeleteHalloween at Father Day's Special in one!
:D
nakakalungkot. nakakatakot. nakakabahala.
ReplyDeletekung hindi tayo makakapagpatawad, hindi rin tayo karapat dapat sa kapatawaran. gaano kaya kasakit ang magbaon ng poot?
sana bumalik na lang si mateo sa kapayapaan ng hindi natin batid na langit kasama ng kanyang ina. may paraan ang buhay para tumigis ng nagkakasala.
sana lang, may sense itong nasabi ko. hehe!
Na-stress siguro si Andrea kaya hindi naging maganda ang resulta ng kanyang pagbubuntis. Anu't ano pa man, sana nga ay matuto tayong humarap sa responsibilidad at kung hindi pa handa ay huwag munang papasok sa kung anu-anong commitment.
ReplyDeletenice post. very creative. keep it up. \m/
ReplyDeletengaps, may part 2 ba to?
nakaktakot naman parekoy! ngiiiiiii!!!!
ReplyDeleteWell written...Vengeance tlga! Kakatakot naman iyan! Sumpa pa?! Kaya nga dapat responsible parenthood ang sagot sa mga young couples today or sa mga committeed if ever magbunga ang kanilang pagmamahalan.
ReplyDeleteScary po... pero yan naman ang relity sa buhay ngayon.
ReplyDeleteang bitter ng post mo! Hahaha okay lang yan mailabas ang sama ng loob sa isang tao. Natawa ako sa,
ReplyDeleteMateo Cruz
Born: May 20, 2011
Died: May 20, 2011
Hindi manlang pinaabot ng isang araw? lels
haha tungkol sa RH BILL ba to?!? lels!
ReplyDeletenakakatakot na post ah1 maghihiganti si Mateo!!!
Ayy. Napakatragic naman ng buhay nila. Kawawa naman si Mateo hindi pa man lumalaki may dala ng sama ng loob. Pero totoo, nangyayari to sa panahon ngayon. Impulsive kasi ang mga tao ngayon at biglang pumapasok sa mga bagay na di naman pala handa sa pwedeng maging consequence. TSK!
ReplyDeleteayos!sanggol pa lang marunong nang maghiganti, nakapasok kaya sya sa langit? kahit nasaan pa sila ngayong mag ina, lagot ka 'tay! lolzz
ReplyDeleteay nakakalungkot! sana makarma ang tatay.. naku kakawang andrea at mateo..
ReplyDeletenatawa ako sa
Born: May 20, 2011
Died: May 20, 2011
ngyn ito ah..
pang RH bill ba ito? nakakaawa naman ang bata at sumulat pa siya kahit patay na.. tsk2...
ReplyDeletepasali ha sir Bino. sa 1st 3 talata parang confused pa ang brain ko ah true-story ng OFW ikako...tapos midway sa third paragraph nakuuu pano ba to tiyanak yata ito! hahaha...i like it!
ReplyDeleteat least may "Dear" sa umpisa. sana makareply si tatay. (--.)
ReplyDeletehalaaaa mumu......sinapian ka ni mateo?! waaahhhhhhhhh! kakatakot naman yan...
ReplyDeletenice post! #lels
ps: galing ni mateo marunong ng mag blog!!
Ngeeee!! HORROR STORY PALA ETO!!!!! Naghihiganting anak.. yikes!!! hala.. anong ggawin ni Mateo? eee! naalala ko yung pelikulang Tyanak. eeee!!! praning pa naman ako!!!! at gabi pa ngayon!! syet! Ayokong mag LIKE!!!
ReplyDeletewow im so scared heheheeh kakaiba ang twist nitong post mo kuyang!!! dahil jan magpapainom ka na hahahaha
ReplyDeletewow... hanep...
ReplyDeletescience ba ang dahilan kung bakit napagsulat si mateo?... hehehe. revenge ito!... mukang naging tyanak si mateo ah.. ahahah