Ang Family Oriented - sa bansa'ng importante ang pamilya, normal na unahin ang kapakanan nila bago ang sarili. Kaya hangga't hindi nakakatapos ang bunso, kahit edad 38 na, ang family oriented person pa rin ang sumusuporta. Pagtanaw din ng utang na loob dahil sa ginawang pagpapalaki ng mga magulang. Ang sa akin lang, may sarili rin naman silang buhay di ba. At tiyak ko na maiinitindihan ng mga ito kung gusto mo nang lumagay sa tahimik.
Ang Workaholic - isang tao na ginawang prioridad ang trabaho. Focus sa career. Climbing up the ladder 'ika nga. Ang pagkakaroon ng isang seryosong relasyon ay maaaring maging hindrance para sa kanya. Hindi maaaring unahin ang lovelife. Mayroon siyang personal deadline. Halimbawa'y kailangan niyang mapromote bago dumating sa edad na 35. Hindi maaaring isacrifice ang career path para sa isang pag-ibig.
Ang Partier - madalas sa bars, enjoying him/herself til the sunlight. Mas may appeal ang mga newest parties at clubs kesa isipin ang posibilidad na lumagay sa tahimik. Madalas nasa Gilligans, Madisons, Pady's Point (old school) tuwing weekends o tuwing sweldo. Sabi pa ng isa ko'ng kakilala na nasa edad 31, "I go out to have fun and not to meet someone.
Ang Mahiyain - applicable sa mga kalalakihan. Torpe. Meeting women requires conversation - na isang malaking problema sa mga katulad nila. Ligaw-tingin. Pasulyap-sulyap mode. Kahit may gusto'ng babae, hindi magawang pumorma. Walang lakas ng loob na sabihin ang kanyang nararamdaman.
Ang Makapili - choosy. May nakaset na standards sa kanyang magiging boyfriend/girlfriend. Kailangan may pinag-aralan, gwapo/maganda, mabait, understanding, caring etc. Isa lang ang mawala sa listahan niya, burado ka na. You can't have them all! Nobody's perfect. Kaya kung masyado ka'ng choosy, good luck!
Ang Man/Woman Hater - tulad ng nabanggit ko sa intro, may hindi magandang karanasan ang tao'ng ito sa opposite sex. Maaaring lubos siyang nasaktan o sinaktan ng kanyang ex-bf/gf. At ang madilim na kahapon na yon ang siyang dahilan kung bakit ayaw na niyang umibig muli. Ang sa akin lang, mahirap pero kailangan'g mag-move on at isipin na hindi lahat ng babae/lalaki ay ganun.
Ang Single by Choice - ayaw talagang mag-asawa. Walang kailangang dahilan. Period.
Hindi lahat ay pasok sa mga kategoryang nabanggit. Maaaring ang ilan ay kumbinasyon o kaya nama'y wala talaga sa listahan. Ganunpaman, naniniwala ako na love happens when you least expect it. Parang walang konek no? Gusto ko lang ung linyang yun. So paano, hanggang dito na lang at maraming salamat muli sa pag-babasa.
at the age of 28, ako mukhang combination ng lahat except sa last.... nakopowz!!!
ReplyDeletehaha ikaw na! ang relationship guru! lels!
ReplyDeletein addition.. hindi sawa sa pagbibinita, ayaw ng commitment kasi madaming chicks, hindi alam sino ang pipiliin.. haha! for the boys yan, for the girls wala akong alam na dahilan. :P
ReplyDeleteang totoo nyan..sa mga nabanggit mo..pasok ako sa ilang kategorya...actually tatlo yun...family oriented, workaholic, at mahiyain... im 28 and it took me 28 years bago pa ako umalis sa bahay, mga 2-3 months pa lang akong nagsosolo sa buhay ngayon.
ReplyDeleteFamily oriented...pinatapos ko muna kasi yung kapatid na pinapaaral ko.
Workaholic...isa sa mga priority ko yun kahit home-based lang ako, mahirap mabuhay ng walang trabaho...
Mahiyain...bago ako makilala ng Grasya...istilong stalker ang dating..takot magpakilala kasi mahiyain nga...7 months nya akong kinakausap sa na hindi nakikilala kung sino ako, sa telepono, email,txt...buti na lang nagpumilit sya na makita nya ako...sa pogi kong ito nainlab din ang loka... ahahaha...woooahhh sana hindi nya ito mabasa, baka maihagis ako... ahahaha...
Para sa akin, yung ibang hindi ko nabanggit yun ang posibleng dahilan ng pagiging single...pero yung taltlong pasok ako...manageable pa yun para maka-pan-chicks... :D
oha, sa haba nito para na akong nag-blog entry sa page mo... ahahaha.. :D
hinahanap ko ung sarili ko. kaso wala. man lang sana isang category.. kakainis naman to. di man lang sinama ung category ko para naman nakarelate ako kahit pano.
ReplyDeletepero ang totoo naman kasi o ang pinaniniwalaan ko hahaha loves knows no reason even season.. tama ka naman eh, it comes when we least expect it to. kaya dapat na lagi kang nakadilat, wag kang aantok-antok kasi baka dumating na pala eh nakapikit ka, hindi mo na nakita, nalagpasan ka na pala. kita mo ko, laging gising! hahaha
wala daw kwenta ang mga lahat ng nabanggit kung pinana ka ni kupido, yun bang tutuong pagmamahal na yung naramdaman mo, at nangibabaw na ang puso sa utak, yun! sigurado wala lahat ng nabanggit :D
ReplyDeletehahaha. relate kung relate. natawa ako dun sa choosy. over age na tapos choosy pa. san ka pa? haha. pero meron tlagang gnun. hanga din ako sa mga swak sa number 1. hanga ako sa mga taong kayang unahin ang kapakanan ng pamilya bago ang sarili nila. kaso, ung iba lang naaabuso.
ReplyDeleteme isa kang nakalimutan Bino---yung taong inborn na pangit.lols. but seriously, unfair as it may seem, the uglier you are, the lesser is your chance to find a mate.that's the sad reality.
ReplyDeletehmmmm... sir bino mukhang nun bumato ka sa langit... nasapol ako ah heheh!
ReplyDeletemaliban sa partier at man/woman hater, ako yata yun e!
I agree with Bon! ahaha relationship guro ka na parekoy! ahahaah. pero tama ang lahat ng nabanggit. hehehe.. anu kaya ako jan?hahah wala sa nabanggit! ^^
ReplyDeleteSiguro kung di na isinilang ang kanilang right man/woman........ or talagang walang para sa kanila...
ReplyDeleteSa ngayon, Man hater pako. hehe. Di pa kasi totally moved on, pero ready to meet naman new people and ready to take new chances... "Nice post, you should write more often.." bwahaha.. :)
ReplyDeleteButi na lang di pa ako 30 pataas. Haha. Karamihan sa nananatiling single eh mga babae no? Bute na lang mas madami sila sa atin. Haha. Ako siguro yung mahiyain type kung pasok ako dito. Haha
ReplyDeletei think nag-eexist talaga yung mga taong ganyan.. kapraning yung mga choosy.. may karapatan lang maging choosy ang isang tao kung yung standard na sineset nya e applicable sya, right?
ReplyDeletelove happens when you least expect it.. i like that line too. basta kusa na lang syang dumarating, hindi nakakasama ng loob kci di ka naghahanap. just enjoy life and when the right one comes, then so much better! di ka pa gaano nag-effort nun!
new here.. saw your site sa sidebar ng weblog ni ka bute. (; nice site! baka gusto mo din icheck out blog ko. see if you like what you see. ayos lang pag ayaw mo, basta icheck out mo lang. hehehe.(;
kanya kanyang dahilan kung bakit nananatiling single ang isang tao.
ReplyDeletePwede siguro ako sa mahiyain. :))
ReplyDeleteDi ko rin alam eh, baka di pa lang time..LOL
Ikaw san ka dito otor?
isa pang category, sir bino:
ReplyDelete'ghost in a shell'
yung tipong kahit anung gawin niya, hindi siya napapansin. haha! pwede kaya 'to?
weee... base on personal experiences? hehhehe joke lang buti8 bata pa ako.. hehhe
ReplyDeleteYes. It is a choice...kung nanaisin nmn tlga ay pwede eh :)
ReplyDeletesiguro mas nakakarami ang MAKAPILI sa panahon ngayon...
ReplyDeleteVery nice post, you should write more.
Nice blog, keep it up!
lels
mahiyain...slight mapili..good luck to me
ReplyDeletefirst few lines sa inmtro, sabi ko di para sa akin ang post na 'to.. but reading through, applicable pala.. siguro best fit ako dun sa #2.
ReplyDeletepero tingin ko, kahit ano naman ang preferences mo kung talagang nakasalubong ka ng taong magpapabago ng mga pananaw mo, mababago talaga ang takbo ng kwento mo eh. pero kung di ka lumalabas at nasa maling crowd ka, paano ka makakasalubong ng taong hanap mo?
another nice post!
Malamang sa malamang combination ng iba't-ibang reasons yun. Sabi nga nila pinakamahirap daw sa lahat ay ang magsisi kaya dapat pag-isipan ng mabuti.
ReplyDeleteAgree ako dun sa "Love comes when you least expect it" hahaha!
Hm mag-25 na ako pero hindi ako single.
ReplyDeleteFamily Oriented naman ako - hm paaral kapatid(s) ganun tsaka ako kasi panganay :)
Workaholic din kasi dami ko sidelines.
Hindi ako party person haha
Mahiyain din ako, nahihiya pa ako umamin kay Lester noon na love ko siya hehe ♥
Makapili din, di lang naman si Lester ang nabighani sa akin eh. Hehehe.
Pero ung pinakamahalaga - alam kong hindi ako single forever o single hanggang umabot ako ng 25 :) Aun, binigay nga ni Lord.
Nice Read.
Keep it up! You're really improving. (Parang report card lang haha)
ako single din!! ^^ and very much available hekhek
ReplyDelete. hmp "love happens when you least expect it." --i like it ^^ so alam nah.. hehe.
ReplyDelete.paxok aq dun sa workaholic at choosy. :D
.i enjoy reading ..
Ehehe. Cool.
ReplyDelete