May 31, 2011

Nang Mawalan ako ng Tiwala

Ang tiwala, tulad ng respeto ay hindi basta mabibili sa mga leading supermarkets nationwide at suking tindahan. Hindi din ito basta-basta mapapanalunan sa mga game shows sa tv. At lalung hindi ito makukuha sa mga pagtaya-taya sa jueteng, sweepstakes, at lotto.

Malinaw pa sa sikat ng araw na ang tiwala ay hindi nakukuha overnight. Ito ay pinagsisikapan at pinagtatrabahuhan. Binibigyan ito ng atensyon at importansya sapagkat hindi biro ang ipagkatiwala ang tiwala. Kapag ikaw ay pinagkakatiwalaan, ibig sabihin, marunong ka'ng tumupad sa mga usapan, marunong magtago ng sikreto ng isang kaibigan, at may isang salita. Isang salita, yun ba'ng hindi mo papaikut-ikutin ang isang tao tungkol sa isang bagay na ipinangako o ibinigay mo'ng commitment. Kaakibat ng tiwala ang obligasyon. Obligasyon mo'ng alagaan ang tiwalang ibinigay sa iyo sapagkat sa oras na ito ay masira, mahihirapan ka na'ng kunin ito sa isang tao'ng dating nagtiwala sa iyo.

Masakit isipin na nagbigay ako ng isandaang porsiyento ng pagtitiwala sa isang tao subalit hindi naman ito pinahalagahan. Nakakalungkot lang na  nasira ang tiwalang ito dahil sa napakaliit na halaga. Ako na ang tumulong, ako pa ang naargabyado at nabigyan ng MALAKING PERWISYO. Hindi sana hahantong sa ganito kung sa simula pa lang, DI NA AKO NAGTIWALA. Tulad ng sinabi ni Jason, masyado ko'ng ibinukas ang pintuan ko. Kaya ngayon, ako ang nagdurusa sa kasalanan ng iba. Bagamat may mga dahilan o paliwanag, hindi nito maiaalis ang katotohanan na mayroon ka'ng obligasyon na dapat binigyang pansin. Ang obligasyon ay obligasyon. Walang dapat idahilan o maging rason. No excuses. That's it.

Pinaglaruan lamang ang tiwalang ibinigay ko. Kaya humantong na ako sa punto na hindi na muling magtitiwala sa kanya. Tuluyan na itong nasira na tulad ng isang bahay na natupok ng apoy. Wala nang natira. Parang baso na nabasag, nagkapira-piraso. Parang isang lastiko, tuluyan ng napatid. Mabuo man ang mga ito, mahihirapan at maaaring magtagal ng mahabang panahon. Kung dumating ang panahon'g iyon, hindi ko masisiguro na isandaang porsiyento pa rin ang tiwalang iyon.

Huwag na huwag ninyong sisirain ang tiwalang ibinigay sa inyo. Hindi sa lahat ng oras ay pwede kayo'ng maabswelto. Kailangan din nating harapin na sa totoon'g buhay, nasisira rin ang isang matibay na samahan dahil sa kapabayaan ng isa. At hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaaring irason na TIME HEALS ALL WOUNDS.  Kung ayaw mo'ng mawalan ng tiwala sayo, tuparin mo ang binigay mo'ng sagot, hindi yung puro ka palusot. 







28 ang nakaappreciate:

  1. Wah ayun nabasa ko na.
    Kuya Bino, wag ka na magalit. Ay magalit ka pala ng mga 15 minutes tas pahupain mu na hehehe kasi hindi naman humahaba ang buhay mo pag naiinis ka :) May mga pagkakataon talagang dadaaan na may mga taong hindi mo na pede pagkatiwalaan pero klangan din natin isipin kung anu din ung pinagdadaanan nila. Wala lang.

    Isipin mo, nagkaroon na nga siya ng kasalanan sayo kasi sinira nya ung tiwala mo sa kanya, may kasalanan pa sya kay Lord kasi hindi siya tumupad usapang magkaibigan tapos, magagalit pa ikaw... Kawawa naman cya.

    Mas masarap ung love love love.
    Maraming love. Cover hatred with love.
    Love conquers all...

    *hug*

    libre kita ice cream sa sunday ng hapon hehehe

    ReplyDelete
  2. Naku, magkano kaya ang tiwala sa supermarket, sa junkshop? Mas mahal kaya kung sa turo-turo ito bibilhin?

    Kapag ang tiwala ang nanamlay sa isang samahan, mahirap na talagang ibalik ang dating magandang pagtitinginan.

    Halimbawa, 'yong mga taong nangungutang ng kwarta, kapag 'yan eh hindi nakapagbayad sayo sa takdang oras na sinabi niya, aba eh mahirap nang paulitin pautangin iyan hindi ba?

    Mahirap na usapin kasi ang kwarta lalo na kung hindi naman umaawas ito sa bulsa mo, kaya kapag 'yan ang nasapol...mahirap bayaran ng kwarta ang Tiwala.

    Marami pang mga dahilan kung bakit nasisira ang tiwala pero pera talaga ang medyo sensitibo sa ganitong usapin.

    ReplyDelete
  3. 2nd base.

    aw. mahirap pag nasira na ang tiwala. kahit magkaroon ng epoxy at mighty bond, a crack is still a crack.

    ReplyDelete
  4. totoo yan bino.

    katulad ng sabi mo at ni jason, pagbinuksan mo buhay mo sa iba, tats muv na yon. pero yun ay kagustuhan naten. ang importante lang naman sa buhay naten ngayon ay gawin natin ang mga bagay na gusto naten na di nakaka-agrabyado ng tao. yaan na natin ang iba kung ano ang gusto nila. kung san sila masaya, suportahan sila.

    ngaps, pareho tayo ng stand sa tiwala. minsang mawala... mahirap o malabo ng maibalik pa.

    ReplyDelete
  5. pagnasira na yung tiwala, pwede namang magpatawad pero wag ng aasa na babalik sa dati kasi sira na ang tiwala. mahirap talaga ibuild up.


    tip:

    ayon sa isang kaibigan, mabisang pang testing ng tiwala ay ang pagshashare ng minor info about you, and kapag ka may nakaalam na iba, yung pinagsabihan mo lang ang may sala. hehe

    thanks kuya bino namention ako lels

    goodmorning photo of the day: "teeth"

    ReplyDelete
  6. Parang tiwala pag namantsahan na! Mahirap nang linisin pa, At kayang di burahin. Kahit na anong gawin! Parang tiwala! - PnE heheh

    napakanta ako ng parokya dito ah!

    ReplyDelete
  7. TAMA! kaya hnd dapat lahat ng tao ibibigay mo ang tiwala mo, once na mgtiwala ka magtira ka sa sarili para pagdating ng panahon hnd ka nahihirapan s huli. pinaghihirapan ang tiwala hnd yan basta basta binibigay.. para lang yan sa mga mahal sa buhay.. pero minsan may mga bagong kakilala na pwd ibigay ang tiwala nasa pagkatao yan, makikita mo din yan sa umpisa..

    ReplyDelete
  8. Tama ka jan Bino.

    Good morning!

    ReplyDelete
  9. nakakalungkot para sa mga taong ganyan na parang ginamit ka lang at nakipagkaibigan lang sa iyo para sa benefit na makukuha nya...

    minsan madali pa nman magtiwala pero pag nasira mo na kahit mapatawad mo na sya di na maibabalik ung dati at maiilang ka na rin sa kanya....

    ReplyDelete
  10. Nadala na ko dyan at wala pa ring kadaladala.. Gulo ba? Ilang beses na ko nagtiwala sa ibang kaibigan, maraming beses na ko nadapa at bumangon pero ginwa ko ulit. Same old same old! Hindi ko alam kung paano nga ba ako magtitiwala ngayon sa tao, asawa at sarili ko na lang siguro.

    ReplyDelete
  11. tama tamaaaaa..... i can relate sir bino...

    parang ako nun minsan akala ko nakapulot ako ng tao na pagkakatiwalaan. ibinigay ko ang lahat lahat nun pala hindi tao ang napulot ko... kundi isang mabaho at nilalangaw na TAE!

    IF you're interested how this unfortunate chapter of my life happened.. here's how -->

    http://mgakwentongliyad.blogspot.com/2010/10/shit-im-in-love.html

    ReplyDelete
  12. Puso mo..-iya

    ReplyDelete
  13. Mahirap ng ibalik ang tiwala once na nasira na ito. Maaaring magpatawad pero yong ibalik ang tiwala ay napakahirap.

    ReplyDelete
  14. nangyari sa akin to nitong mga nakaraang linggo lang, iniisip ko na lang na tulong ko na sa kanya yun, pero ung tiwala, hindi ko na kayang ibalik pa...sayang lang

    naintriga ako kung sino, kaya hintay ko reply mo sa ym :D

    ReplyDelete
  15. tsk, sayang...pero i cant judge him/her kasi hindi ko siya kilala..have a break bino, break him/her....haha

    ReplyDelete
  16. tama... ako eh madaling nagtitiwala... ako din eh nagkaroon ng ganyang chalenge i forgive that person pero di na ako nagtitiwala sa kanya...

    ReplyDelete
  17. NAPAKALAKING TAMA...

    Nangyari na ito sa akin...
    Mayroon kasing mga tao ang galing kumuha ng loob.
    Hahanga ka sa kanyang kabaitan,pakikisama at pagtrato...

    Sa halimbawa ni katotong jkulisap,ako ay sang ayon talaga...sa usapang pera,napaikot ang ulo ko jan...puro pangako,tapos napapako ng napapako ng napapako,hanggang sa mismong tumulong ang sumuko...

    Mahirap talaga ibalik ang tiwala,kapag nasira na,kahit malapit na kaibigan,matalik man ang sangkot,ay mahihirapan ng mabuo iyon...

    super like ko ang post na ito...

    Maging mapagmasid at makiramdam sa mga taong nakaksalamuha natin...

    ReplyDelete
  18. I agree to you Mr. Bino!

    ReplyDelete
  19. parekoy. easy ka lang..wag nang uminit ang ulo. pero di kita masisi, talgang ganyng, may mga taong akala mo pagkakatiwalaan mo pero yan pa ang tatraydor sa iyo or sisira sayo. tsk tsk tsk.. easy lang, hingang malalalim.. tapos sabay ngiti! hehehe ^^

    ReplyDelete
  20. I agree.. BOW.

    Ayoko na magreact sa sinabi mo kasi tama lahat, pero mukhang may nangyaring sobrang seryoso. Ang seryoso mo magsalita na parang sobrang nahurt? Natakot tuloy ako baka may masabi me ng mali.

    ReplyDelete
  21. Yow - medyo may nangyrai nga na seryoso na talagang ikinasira ng tiwala ko sa isang tao. pero di ko naman ibubunton ung galit ko sa comment mo hehehehe

    ReplyDelete
  22. bawal daw nahigh blood!!!! hehehe ang BP!!!! naku naku naku..heehehehe

    ReplyDelete
  23. Ayun oh!!!! si Iyah naman ang subject niya.. ehehheheh.. astig ka talaga pareng bino

    ReplyDelete
  24. nakakalungkot naman 'to.

    hirap akong bumuo ng tiwala sa iba kaya naman talagang nanghihinayang ako kung sa isang iglap mawawala na lang yun.

    magandang araw, bino.

    ReplyDelete
  25. Kasusulat ko lang ng medyo ganitong post. hindi ko alam na nauna ka ng ilang araw...tama lahat ng sinabi mo. ganyan din ang sinabi ko...mahirap mabigyan ng tiwala at pag nawala yun sayo mahirap din yun ibalik.

    palagay ko may pagkakapareho tayo ng taong tinutukoy. hmmm...

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS