Pangalan / Alias: Jason, Jasonhamster
Jezonhamster Non-Stop Stories http://jezonhamster.com
Lokasyon: Quezon City, Philippines
Edad: 22 enehalf
Q&A PORTION:
Bino: Bigyan mo ko ng konting impormasyon sa iyong sarili.
Jason Hamster: Mahilig magcomputer, magpsp, magdrawing, kumain, magkwento, makakalimutin...
Bino: Kailan at paano ka nagsimulang magblog? Paano nagsimula ang Jezonhamster.com at Jasonhamster.wordpress.com?
Jason Hamster: February 2009 ako nagsimula sa jasonhamster.wordpress. Ako kase ang naatasang mag-manage ng wordpress account ng dalawang magazine sa kumpanya, kaya naisipan kong gumawa kaya ako ng personal blog. May isang pacontest naman sa blogworld si Monzavenue, at doon ko napanalunan ang .com ko. Ang Jezonhamster. Naisipan kong 2 years na pala ko nagboblog, subukan ko naman kayang kumita ng pera. February 2011 naman nagsimula ang jezonhamster.com
Bino: Ano ang naisipan mo at nagblog ka? Ano ang iyong layunin?
Jason Hamster: Una talaga kelangan ko lang ng pamatay oras tapos di nagtagal, naisip ko na pwede pala kong magkaroon ng kaibigan. Kaya ayun. Tapos gusto ko din ipakita ang mga drawing ko gamit ang MS Paint. Tapos gusto ko din magkwento kaya ako nagblog. Sana may mga natututo naman kahit papano. Tapos ano...
Mga Iginuhit ni Jason
Bino: Bakit Jasonhamster / Jezonhamster ang napili mo’ng alias?
Jason Hamster: Kase nung highschool nagkaroon ng mini pet zoo kase foundation day. Bumili ako ng hamster. Tapos kinabukasan bumili ulet ako ng isa. Ayun. Magmula non may hamster na ang pangalan ko sa emails, at iba pa . Kaya ayun. Jasonhamster.
Bino: Mayroon ka ba'ng iniidolo, hinahangaan o inspirasyon sa blogging?
Jason Hamster: Hinahangaan ko ang mga matatapang magsulat, pero di nakakatapak ng iba. Wala akong mabanggit na pangalan e.
Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Jason Hamster: Naishare ko ang mga kwentong pambata ko sa lahat. Nakakatuwa lang na may mga estudyanteng di ko kilala na nagcocomment at para magthank you kase daw nakakarelate sila. Nakakainspire pala ko kahit papano.
Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Jason Hamster: Masyado kong ibinukas ang lahat ng pintuan papunta sa aking mundo. Masyado akong naging fragile. Sobrang hirap pero nalampasan ko naman to sa tulong ng mga kaibigan.
Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag
Jason Hamster: Oo. Maraming pagkakataon na tinamad ako. Nagsawa siguro. Pero hinayaan ko lang. Kung wala talaga sa mood, wag pilitin. Panget ang kalalabasan kapag pinilit.
Bino: Paano nabago ng blogging ang buhay mo?
Jason Hamster: Simple lang. Dati kain tulog ako. Ngayon Kain, blog, blog, blog, tulog na. lels. Di ko naman masasabing nagbago, kasi wala namang nagbago saken. Siguro Nag-improve lang ako bilang isang TAO dahil sa mga natutunan ko.
Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?
Jason Hamster: Mag-enjoy lang sa pagsusulat. Magblog kung ano ang nais o hilig. Sa mga gagawa pa lang ng blog, pinapayuhan ko kayong maging maingat sa mga taong mapanlinlang at nagbabalat-kayo. Marami sila. Andyan lang sa tabi-tabi. Meron dyang kakaibiganin ka muna at kukunin ang loob mo pero dahan-dahan ka na palang sinasaksak sa likod kapag nakuha na ang gusto. Ingat!
Bino: Kung meron ka’ng gusto’ng pasalamatan, eto na ang iyong pagkakataon
Jason Hamster: Gusto kong magpasalamat sa mga una kong naging kaibigan sa blogging, sa mga nakabangga ko, sa mga kinalimutan ko na, sa mga bagong kakilala, sa mga kamag-anak ko sa blogging: Dad, Tito, Mamam, Diko, Mga Kuya, Mga Ate. At syempre ke Kuya Bino. Thank You. lels kayong lahat.
Maraming salamat Jason sa pagpapaunlak ng munting panayam na ito at sa iyong napakagandang mensahe para sa mga aspiring bloggers.






Mabuhay si Jasonhamster! Mabuhay si Frijolito! Hehe. May kulang sa interview portion, ang LOVELIFE! at ang tablet haha! XD
ReplyDeletewoooot. base ba?
ReplyDeletenauna si tsi.
ReplyDeletehusay ni jasonhamster sa story blog. nakakaaliw yung mga wento. :D
yehey! ang blog icon na si jason! mabuhay! hahha
ReplyDeleteBinasa ko ito ng buo kasi tungkol ito sa IDOL JASONHAMSTER KO hahaha
ReplyDeleteDAH BEST KA TALAGA! Sana may mga video din dito ni Jason :( Hehehe
Adek na drawing gamit ang MS Paint
ngayon ko lang napuntahan tong http://jasonhamster.wordpress.com, naaliw naman ako lalo na sa mga drawings.
ReplyDeletegusto din pala yung linya nyang 'to: "....pinapayuhan ko kayong maging maingat sa mga taong mapanlinlang at nagbabalat-kayo. Marami sila. Andyan lang sa tabi-tabi. Meron dyang kakaibiganin ka muna at kukunin ang loob mo pero dahan-dahan ka na palang sinasaksak sa likod kapag nakuha na ang gusto. Ingat!"
malaman pero totoo naman.
wala lang.
yun oh... tama ba ko its the second interview mo after ni zyra?
ReplyDeletethe best talaga yan si bespren sonj sa blogging lalo na sa drawing.. imba :D
Si Oton.
ReplyDeleteAng wakwak paniki at si Jason.
Actually, nagpapadrawing ako sa kaniya ng aking avatar, hindi ko lang alam kung bakit 'di niya ako ginawan. Sagutin mo nga 'yan Oton.
Lels
nakakakatuwa naman, si tito talagang iba na ang status.
ReplyDeletepero may nkuha akong scoop dito ha. kaya pala may something akong napansin sa ilang panahon na parang di ko kilala si tito sa kanyang mga panulat. anyway, maganda naman ang kinalabasan ng kanyang mga naranasan.
more power Jasonhamster!
Nice.... ayus to bino!
ReplyDeleteparang boy abunda lang ah... hehehe
ReplyDeletenaks naman, hahahaha. dahil sa kaggustuhan kong makilala ang ibang mga blogger aabangan ko ang mga post mong ganito. hehe
ReplyDeleteIkaw na si Boy Abunda! Hayup sa interview walang kawala! LOL
ReplyDeletePangalawa mo na pala to, yung unang nafeature mo hindi ko pa natatamblingan, mapuntahan nga din.
hahaha... napaka formal ng interview parang newscaster ang dating puro sa blog lang lahat.,.. eh ano pa naman blog ito eh.. hehehe
ReplyDeleteAgree with Sir Tsi, sa pagbablog nkatagpo ka rin ng mga kaibigan at mga napupusuan mo (kung meron man), pero aus ung interview ah! May matutunan ka tlga, blogging realm is full of pretentions minsan, parang PBB, iba-iba ang attitude, better mag-ingat na lang tau sa mga bagong kaibigan natin :)
ReplyDeleteNice piece...you should write more often...lels..haha
ReplyDeleteanyway, paano ba ma-feature dito? ang popogi kasi ng mga pini-feature mo eh..un ba ng requirement? hehe
galing naman ni Jason.. Sarangola Award,,,, parati ko yan naririnig....
ReplyDeletehmmm...kelan kaya ako mafefeatured dito?! hahhaa
ReplyDeletemagpray ako...Papa Jesus sana po itouch mo ang heart ni Bino na maisama nya ako dito..pagpalain mo po sya kasi mabuti po syang kaibigan..thank you po Amen!
hahahaha
oist nagpray talaga ako ha!
tama si Jason na mag-ingat nga naman sa ibang mga tao dito.. hehehe..
ReplyDeletemay sasabihin pa sana ako pero wag na lang, para surprise.. hehehe..
ReplyDeleteWow. Parang magazine lang kung makainterview. Haha. Parang nakakapressure yung tanong? Haha. Ang cool. Anyways, napunta na ako sa blog niya dati at di na ako nakabalik. Babalik na nga ako. Pero ang tanda ko, siya yung madaming videos na nashare pa nga ni Ate Yanah dati sa FB? Haha.
ReplyDeletelupit ni tol bino... parang paparazzi ang dating...
ReplyDeletekuya bino natawa ko yung mga saging ko. lels
ReplyDeleteang guwapo niya kuya
ReplyDeletesunod na ko dito. heheh parekoy iset mo na ^^
ReplyDeletehahahaha....astig.. kaw na jaysen..lels..
ReplyDeletewow naman at may interview portion pa si hamlels heheheh
ReplyDeletehahaha naaliw ako sa part na kaya pala may hamster sa name niya haha!
ReplyDeleteImba to.. hehe.. Bata pa pala si Jason.. Sabi ko na nga ba at may kinalaman sa "hamster" ang pangalan mo.
ReplyDeleteAsk ko lang, marami bang mapanlinlang na tao sa blogosphere? kasi he keeps on saying that..
Anyway, "NICE POST YOU SHOULD WRITE MORE OFTEN" hehehe cliche na pala ito dito.. LELS.. :)
Ang layo ng ng narating ni Jason.. proud ako sa accomplishment niya. Alam ko balang araw mas sisikat pa sya at ang kanyang mga lathalain
ReplyDelete-- ang nagbenta ng hamster sa zoo =D