Ok lang naman yung paminsan-minsan eh. Kaso kung halos linggo-linggo ay laging may tampuhang nagaganap, aba daig pa ang mag-syota! Para ka'ng nakatuntong sa numero. Para ba'ng dapat lahat ng gusto niya, susundin mo wag lang magtampo. Hindi mo naman responsibilidad yun at may sarili ka namang buhay. Minsan kailangan mo'ng mag-draw ng line between friends and lovers.
Kaya minsan (madalas pala hehehe), pag ilang araw di nagpaparamdam (ibig sabihin ni text, message sa facebook o mention sa twitter, wala!), hindi ko na lang pinapansin. Patay-malisya. Yun ba'ng wala na ako'ng pakialam kung nagtatampo ka man o hindi. Hindi naman kasi sinasabi eh. Eh ayoko rin naman ubusin ang kapiranggot na laman ng utak ko para lang isipin ang dahilan ng iyong pagtatampo. Ganun na lang. Tapos mga ilang days, magtetext na yan na parang walang nangyari. Ako naman, text back lalo na pag may load (sabagay wala namang nagtetext back ng zero ang load. Hanubah!!!) At di na namin uungkalin pa ang dahilan ng tampuhan. Kung sakali man, tinatawanan na lang ang pagiging immature.
Hiling ko lang, wag namang silent treatment (at panigurado ako'ng maraming magrereact. lol). Sabihin na lang kasi kung ano ang dahilan. Hindi rin naman sa lahat ng oras ay magagawa'ng hulaan ang inyong nararamdaman. Ilagay din sana sa lugar ang pagtatampo. Huwag sana'ng mag-asal-bata na inagawan ng kalaro ng lollipop. Ok lang magtampururot. Ang tanong, tama ba?
base ako idol! yay!
ReplyDeletemahirap nga hulaan why sudden silent treatment. Minsan kailangan mo pang balikan ang past, magrewind kung ano nasabi mo o hindi mo nasabi etc.
ReplyDeletesayang di ako nakabase
Maging masaya na lang. Pilitin lagi dapat everyday.
ReplyDeleteHehehehe.
mahirap nga yun kanyang situation tampo tampo tapos di sasabihin ang dahilan kung bakit nagtatampo...
ReplyDeleteKaka-stress yan! :D
ReplyDeleteAy tomoh!! ANg hirap nga nyan.. yung hindi mo alam, nagtatampo na pala. Inis ako sa mga taong ganyan.. kunyari okay, eh hindi pala. Be mature enough to talk me kaya.. choz! hehe..
ReplyDeletePero aaminin ko, minsan ganyan din ako. Haha.. Ipokrita bah? LOL MINSAN lang naman. Take note. Hahaha.. Pag nagtatmpo, tahimik lang, hindi namamansin.. hihi.. hindi kasi ako confrontational. Ang paniniwala ko kasi.. pag meron kang nagawang mali (na dapat ko ngang ikatampo), eh dapat alam mo yan... hmmm...
Ang gulo.. di yata klaro ang point ko. hehe. Eto na lang.. in short, NAKAKA STRESS. Kaya dapt wala nang tampuhan. :P
My Tasty Treasures
Ako si LEAH.
I am LEAH.
yung mga ganyang tipo ng tao. mga immature yan. tampo tampo kagad. lalo na nang walang mabigat na dahilan. tama yung mga galawan mo sir bino. antayin na lang sya ang gumawa ng move. tutal sya naman tong nagtampo e. :)
ReplyDeletehahaha. tampururot na naman! minsan nakakinis pero minsan siguro papansin lang din!
ReplyDeleteI heard you pare, lalo na don sa hindi man lang mareply OMG, masakit sa matress ang mga ganon...geezz, minsan din naiinis ako...Hindi naman sa lahat ng oras e wala kang ginagawa...
ReplyDeleteako nga madalas din magtampo. nyahahahaha
ReplyDeletesinong matampuhin?!! ha?ha?ha?.....
ReplyDeletedi ako nkakarelate..hindi...hindi...hindi sabi...
edi magtampo sila.... ahahaha...
ReplyDeletemay text akong nasa inbox ko pa at last 2009 pa ito.. ang sabi.. magkaiba ang TAMPO kesa sa GALIT... mas OK pa daw ang MAGTAMPO ang isang tao kesa sa magalit.. ang TAMPO daw kasi ay para sa mga taong ayaw mong mawala sa piling mo...
pero konting lambing lang yan... mawawala na din yan.. hehe...
Nakakainit nga to ng ulo. Haha. Pag ganto pa namang mainit. Biglaang may tampo, at yung biglaan pang ganyan, sa gitna ng masayang moment na tipong ikasisira nung oras na yun. Haha. Pambihira!
ReplyDeletewahhh parang mag-asawang hindi nagkikibuan lang yan... kakainit ng ulo pag ganyan, pacute pa nagtatampo ayaw naman sabihin kung bakit...hehehe iinom natin yan tara sa #Bocaue...hehehe
ReplyDeletetama!!! malaking tama! sana mabasa to ng mga taong tampurista! hahaha! yung hindi mo malaman kung ano ang gusto, konting kibot tampo! nakakasawa yung ganun!
ReplyDeleteTARAGIS!
aw.. lam mo, mejo tinamaan ako dito. sa totoo lang, isa ko sa mga taong tamporurot. madali akong magtampo pero madali rin akong mapangiti. although hindi naman dumarating sa punto ko na hindi ako nangingibo dahil lang sa nagtampo ako, sumasama lang loob ko pero palipasin mo lang ang limang minuto, oks na ulit ako.
ReplyDeletehaha ayan ha, patunay na dumaan ako :)
ReplyDeletesa case ko naman, kaya minsan silent treatment ang nagiging dating kasi hindi ko kayang sabihin, pramis pag mga ganitong sitwasyon, nauuna na yung iyak ko. :)) madali naman mawala yung tampo ko, bigyan lang muna ng konting space.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMay pinaghugutan. haha. Ako din, medyo badtrip sa mga drama-rama sa buhay.. okay lang yung tampo, pero kapag madalas, nakakaburat.
ReplyDeletebakit ngyn ko lang nabasa ito.. aahhhhhhhh naka bakasyon ako sa araw na ito.. hehe
ReplyDeleteay tinamaan ako.. :( ganyan na ganyan ako eh... hahaha pero minsan lang din naman.. di ako nagsasalita pag may tampo ako.. :p