1. Suplado ba ako?
Hindi lang 10 katao ang nagsabi sa kin ng ganyan. Hehehehe. Hindi daw kasi ako madalas mag-pm sa Yahoo Messenger o sa Facebook chat.
Opo. Suplado ako ONLINE. Hindi kasi ako sanay ng ako ang mauunang mag-send ng instant message. Kung ako man ang mauuna, sa mga piling-piling tao lang. Kaya masanay na kayo na kahit online ako eh di ko kayo pinapansin. Gusto ko kasi ako ang unang pansinin nyo. Wahahahaha. Ayoko din makipagplastikan. Kapag ayaw ko sa isang tao, di na ko uulit kausapin to. Pero kapag personal, hindi naman. Mas nakikilala ko kasi ang isang tao sa personal na pag-uusap. Kaya naman madalas ako’ng umattend ng mga bloggers’ eye ball.
2. Pikon ba ako?
Hindi ito oo o hindi eh. Bagamat hindi ako madalas mapikon at kayang kaya ko’ng sakyan ang mga biruan, tablahan at balahuraan, may hangganan din naman ang aking pasensiya. Ilang bagay lang ang ayaw ko’ng gawin sa kin dahil hindi ko rin naman ito ginagawa sa iba: Hindi ako sanay na ginagawang katatawanan ang mga litrato ko. Alam ko’ng hindi ako gwapo pero hindi ibig sabihin naman nun ay kailangang paglaruan ang mga larawan ko. Sinabi ko na rin dati na ayoko ng pinipitik ako sa tainga at sinisigawan o minumura ko.
3. Bakit maiksi ako’ng magsulat ng mga post?
Karamihan sa mga post ko maiksi. Pero marami ring mahaba lalo na ang mga kwento. Mas maliit kasi ang chance na mag-skip read ang mga readers kung maiksi lang ang post. Kung mahaba naman ang aking isusulat, syempre may part-1 part 2 etc yan. Pero sa isang skip-reader, walang mahaba o maiksing post.
4. Panay ang parinig ko sa mga skip-readers. Ibig sabihin ba pag mahaba ang post mo, nag-i-skip read din ako?
Isa lang ang uri ng post kung saan ako nag-i-skip read. Yung mga masyadong malalim na pananalita na tila kailangan mo’ng gumamit ng balarila para maintindihan ang gusto’ng sabihin. Mga hindi normal na salitang tagalog o inggles ang ginagamit. Sakit sa utak! Ganunpaman, exception to the rule dito ang ilang bloggers na kasundo ko. Hehehe.
5. Bakit hindi ako nagcocomment sa post mo? Nagbablog-hop ba ko?
Madalas ako’ng magcomment. Madalas din’g magblog-hop. Pero syempre, magkokomento lang naman ako kapag naintindihan ko ang sinulat mo. Kesa naman magsabi ako ng “Nice post. You should write more often. I like the way you write. Exlinks please”, eh di hindi na lang ako magcocomment. Pero hindi ibig sabihin eh hindi ako dumadalaw. Dumadalaw ako. Di lang ako madalas mag-iwan ng bakas. Parang multo lang. Pero aaminin ko, nakakapagod mag-blog hop lalo na pag hindi naman bumibisita sa blog ko ang blinog-hop ko.
6. Bakit ang yabang ko mag-blog?
Ako? Mayabang? Define mayabang! Hehehehehe. Kung kayabangan ang pagsasabi ng nararamdaman, mayabang nga ako. Bakit sa blog ko? Natural! Blog ko nga to eh. Ano’ng gusto mo? Sa blog mo ako magyayabang? Lels! (slang ng Lols)
7. May mga ayaw ba ako’ng bloggers?
Meron. Sa parehong paraan na may mga bloggers din na ayaw sa akin. Di natin mapiplease ang bawat isa. Hehehehe.
8. Mayaman ba ako?
isa pa to sa mga katanungan na bibigyan ko ng linaw. HINDI PO AKO MAYAMAN. I REPEAT! HINDI PO AKO MAYAMAN.. HINDI PO AKO MAYAMAN.. (Repeat ’til fade). Hindi ako magtitiyaga na magpuyat gabi-gabi sa pagtatrabaho kung marami ako’ng pera. Mayaman ako sa ibang aspeto pero hindi mayaman sa pera.
At iyan ay ilan lamang sa mga tanong na aking sinagot mula kaibuturan ng aking atay. Kung meron pa’ng ibang tanong, maaari nyo ako’ng i-twit o i-message sa Facebook. Kung hindi ninyo nagustuhan ang mga sagot ko, iginagalang ko ang inyong desisyon. Maraming salamat.
Ako una comment! Anyways, d ko hilig magskip read liban na lang kung may maecounter akong mhirap na salita...detailed na detailed itong post na ito about urself! anyways, i dont want to react each number pero as a whole, I am now getting to know u better nong bino kahit di pa tayu nagkikita personally ;D, pero mas masarap kung ako na lang nag interview sau nyan :D
ReplyDeleteayuunn ooh....
ReplyDelete1-hindi ko alam kung suplado ako, sa online siguro hindi..pero s personal parang oo, pero hindi pagsusuplado ang intention ko, nahihiya lang ako..
2- Murahin mo na ako, laitin mo na ako, pero wag na wag mo akong kikilitiin..lels
3 -noong bago palang ako, sobrang haba ko na din magblog, hehehe..pero ngayon maigsi na rin.
4- may mga post na hindi ko alam ang ikukumento ko,kaya hindi nalang ako nagkukomento kahit binasa ko...tulad ng 5 to 6, hindi ko alam sasabihin ko dyan..hehe
Nice post. You should write more often. I like the way you write. Exlinks please. Hehehe....
ReplyDelete-Hindi ka naman suplado. Konti lang.
-Ewan ko lang po kung pikon ikaw.
-Oo maiksi ka magpost ng blog kaya nga ikaw ang NUMBER 1 FAVORITE BLOGGER KO :)
-Hehehe nahuli na kitang nagskip read :P Once nga lang.
-Oo nga, lagi ka nagcocomment ♥ Salamat. Pangpataas din un ng PR.
-Di ka mayabang magblog. May kilala akong ganun malayo aura mo sa kanya lels.
-Hehehe ako hindi mo ko ayaw. JUK!
-Mayaman ka. Astigin ka nga eh.
Career mode sa comment~
@jhiegzh - sana sinabi mo ng maaga para nainterview mo ko. lels. magkikita din tayo heheh
ReplyDelete@akoni - mahiyain din ako minsan. minsan lang hehehe.
@zyra - ah oo naaalala ko. ung sobrang antok ako nun kaya di ko nakita ung picture ng tamaw-an hahahha. di ako mayaman.. di ako mayaman... di ako mayaman...
minsan nag-iiskip read ako pero hindi totally skip. Skim reading. yung tipong lalaktaw tapos babalik. pero pag di ko na nafeel ang wento, stop na, pero minsan no comment. :D
ReplyDeletesame tayo, hanggat di pinapansin, di kikibo.
nice to know you, bino!
ReplyDeletewahaha! ang daming tatamaan dito sa entry na 'to! lels!! ^ ^
ReplyDeletesi arvin kahit sa personal parang suplado haha! pero para lang, yun nga pag kinausap na eh ayos naman na! siguro nga mapili lang sa kausap!
Hmm.. Di pa kita nakita noon, akala ko tlga suplado ka.. pero ngayon hindi na. Choz! Cool ka naman pala. Nakakaintimidate ka lang kasi.. haha.. Personal opinion to ha. Naiintimidate ako sayo.. ang galing kasi magblog. (naks!)
ReplyDeleteAy tama namang magyabang kung merong dapat ipagyabang.. #lels.. joke. Hindi ka mayabang. Meron akong kakilalang mayabang sa blog nya. Di ikaw yun.. At madalas ka nga magkomento. Kada blog na nabibisita ko, meron kang koemnto palagi.. meaning, angsipag mo tlga magbloghop.
Anyway. Nice post. You should write more often. I like the way you write. Exlinks please?
Sa ilang taon ko na ding pagtambay sa online world, at ilang daang tao na ding nakasalamuha at nakausap, masasabi kong marami na akong binago sa pamamaraan ko ng pakikisalamuha sa mga tao.
ReplyDeleteHaters gonna hate. lol. Natuto na akong mawalan ng pake sa kung sino mang mga taong hindi ko nakakasundo. Sarili ko to, kung may isyu sila saken, wala na akong pake. Hehehehe. Kung tanggap ako sa kung ano ako, e di masaya. Kung hindi, ayos lang. Ganun din naman ako minsan. Kwits lang. :D
hindi ko alam bkit may tao daw na mga skip-readers.. paano nila nalalaman yon, alangan naman na mag comment ka sa lahat ng nilalaman ng kwento diba? don ka lang magko comment sa words na tumatak sa isipan mo.. basta ako hnd ako yan, at tama comment ng anak ko, minsan hndi ko din alam e cocomment ko.
ReplyDeleteHindi pa tayo nagkakausap o nagmeet in person, pero dahil sa post mo na to, parang kababatang kalaro na kita dati! Ilan dyan ay ako!
ReplyDeleteGusto ko yung "May Ayaw Ba Akong Blogger?' na tanong mo. Ako meron, at wala rin akong pakialam sa mga negative comments nila. Hindi nga naman natin sila mapi-please, may mga taong sumasangayon, may mga taong hindi. PEro wala tayong magagawa, nasa free world tayo. Nice topic parekoy.
nakanang, makabagbag damdamin ito bino. pero natawa ako sa mga skip reader. nyahahaha. walang mahaba o maikli makapg skip read lng. hahaha
ReplyDeletenaku kung makikilala niyo si bino ng personal da best na dabarkads yan.. aun hehehe at least kuya ngshare k ng sumting about ur self..hmmm ako rin kaya gagaya ng post hahhaa
ReplyDeletesuplado si bino? hmm di naman, hehe mayaman? oo may DSLR cam eh! hahaha. si bino nga lang ata ang regular kong commentator eh! ahahaha. at ganun din ako,. bawat post mo parekoy binabasa ko ^^ keep on blogging parekoy! ^^
ReplyDeleteako simple lang..pagnagkoment ako...ibig sabihin buong puso kong binasa ang entry mo...kya normally mapapansin na mejo may kahabaan ang mga epal kong koment... pagdumaan ako sa blog mo tpos nasa chatbox lng..malamang sa malamang na hindi ako nagbasa..nagpapansin lang.. pero kadalasan hindi na din ako nagkokoment kahit nagbasa ako...lalo na kapag inatake ako ng katamaran at hindi ako maka-relate sa entry... kung basura ang entry at ang gusto lang ay makakuha ng maraming viewers, wag ng umasang magkokoment pa ko...mahalaga sa akin ang laman ng entry... hindi mo kailangang bumisita din sa blog ko dahil binisita ko ang blog mo... walang kapalit ang pagpunta ko sa mga blog nyo..pumupunta ako dahil yun ang gusto ko at inasahan kong iteresante ang laman nito... kung nagkoment ako, itaga mo sa bato na may sense ka pa lang magsulat... :)
ReplyDelete1. Siguro natural na sa tao ang di masydong nagpapansin pag di nakikita ang nagpapapansin. Iba rin naman kasi yung personal, mas malalim.
ReplyDelete2. Lahat naman din nga tao ay may pasensya kahit na isag dangkal lang. Lols. At tulad ng lahat, meron din itong hangganan. Anong akala nila, bottomless o di kaya unlimited ang pasensya? haha
5. Tama. Ang plastik naman nang ganyang comment. Napaka-general at pwedeng i-comment sa halos lahat ng posts.
3&4. Haha. Nagsi-skip read din ako lalo na kung dumudugo na ilong ko sa mga salitang ginagamit ng isang blogger. Pero, sa kalagitnaan ng pagbabasa ko sa mga nosebleed na posts ay bigla akong mapapabalik sa unang words sa post kasi feel ko meron akong namimiss. Kaya, hindi ko alam ko skip reader ba talaga ako o hindi. Slight lang siguro. haha. (isang safe na sagot.lels)
Haha. Medyo parehas tayo in some points. Haha. Ako kasi isnabero sa personal ng konti, pero di sadya. Haha. Bakit ba uso ang pagalit sa skip reader ngayon? What's wrong with the world?
ReplyDeletehehe..
ReplyDeletehangkukyut ng mga post mo..
nakakatuwa syang basahin.^_^
napadaan lang po..
wow! gusto ko ang post na ito.. hahaha.. masagot din ang mga tanong na yan... hahha..
ReplyDelete