May 26, 2011

Your Song Presents: Mahal Naman Kita

Legend:

"" = dialog
** = bulong
^^= thoughts
%% = song
para mapakinggan ang kanta, punta lang sa link na ito

% Talaga yatang wala nang pag-asa
Upang ako'y iyong piliin pa
Pa'no mangyayari gayong ako'y 'di mo pansin
Pa'no mo malalaman sa 'yo'y may pagtingin %


Nina: "Ano ba'ng type mo sa isang babae bestfriend?"
Kiko: "Syempre, yung maganda, yung seksi, yung caring. parang si Mia."
Nina: "Oo nga. parang si Mia nga." *Sana ako na lang si Mia*
Kiko: "Ano'ng sabi mo tol?"
Nina: "Ah sabi ko bagay kayo ni Mia. Kaya dapat diskartehan mo na, hindi yung patumpik-tumpik ka pa!"
Kiko: "Eto na nga't nililigawan ko na. Sasagutin kaya nya ko?"
Nina: "Oo naman! Panigurado un! Yang gwapo mo'ng yan!"
^kung ako kaya ligawan mo, sasagutin kita^
Kiko: "Thanks tol! Ikaw talaga ang bestfriend ko! hindi kita ipagpapalit! The bestest best friend in the whole wide world!"
Nina: "Bolero!"
Kiko: "Uy seryoso un! kaw talaga!"
Nina & Kiko: "hahahahahaha"
Nina: ^pero di lang best friend ang gusto ko kiko^



% Lagi na lamang sa 'king isipan
Sana ito'y iyong maramdaman
Masabi ko na sana na minamahal kita
Do'n mo lang malalaman pag-ibig ko'y hanggang %



Jason: "Oh Nina! Kanina mo pa tinitingnan yang picture ni Kiko ah. Baka ma-bura na yan"
Bon: "Kasi naman Nina, ba't hindi mo pa kasi sabihin kay Kiko ang nararamdaman mo?"
Brian: "Mga sira talaga kayo! Kung sasabihin ni Nina yung feelings niya, eh baka iwasan siya ni Kiko. Ang alam ni Kiko eh tibu-tibo yan. Paano naman, ayaw mag-palda at blouse, laging naka-maong at t-shirt."
Nina: "Masaya na naman ako kahit bestfriends lang kami. Masaya ako'ng nakikita ko siya araw-araw. Sabay maglunch, sabay pumasok sa OJT. Pag pumupunta siya sa bahay, masaya din ako."
Jason: "Pero mas sasaya ka kung boyfriend mo siya"
Brian: "na malabong mangyari kasi nga, ang alam ni Kiko, tibo ka."



% Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba %



Kiko:" Bestfriend! Sinagot na ko ni Mia!"
Nina: ^aray ko!^ "Wow talaga! I'm happy for you bestfriend"
^sana di mo na lang sinabi. Ang sakit sakit!^
Kiko: "Sabi ko na nga ba matutuwa ka for me eh. Tara papakilala kita"



% Ngunit 'di bale na kahit mahal mo siya
Mahal naman kita %



Kiko: "Nina, si Mia girlfriend ko. Mia, si Nina, ang bestest best friend ko!"
Mia: "Hi Nina, nice meeting you finally. Dami'ng kwento ni Kiko bout you. Lalo na ung mga tinuro mo'ng diskarte para mapasagot niya ako hahahaha"
Nina: "Hi Mia, mahal na mahal ka niyan ni bestfriend!"
^sana ako na nga lang minahal niya^
Mia: "I know right! Hehehe. Mahal na mahal ko rin siya eh."
Nina: "Ok yan. Huwag mo siyang sasaktan ha. Kung hindi lagot ka sa kin! Hehehe. Biro lang"
^Mata mo lang ang walang latay pag sinaktan mo siya^
Mia: "Promise Nina. :)"



% Kung totoong lahat ng 'yan
Sana ako'y nangangarap na lang
Masayang man, 'yan ay pangarap lamang
'Di naman ako gaanong masasaktan %



Kiko: "Thanks bestfriend ah."
Nina: "ilang beses ka ba'ng magte-thank you?"
^dapat i love you na lang sinasabi mo sa kin^
Kiko: "Walang katapusan! Hehehehe. Salamat sa mga tulong mo kung paano ko liligawan si Mia"
Nina: "Adik! Wala yun, best friend kita eh. Malamang tutulungan talaga kita."
^Maging masaya ka lang at ako'y masaktan, ok lang^



% Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba
Ngunit 'di bale na kahit mahal mo siya
Mahal naman kita *



Jason: "Ano? Si Mia at Kiko? You mean.. Sila na?"
Brian: "oo tsong! at hulaan mo kung sino ang tumulong"
Bon: "Sus! Di na kailangang hulaan yan. Pinag-iisipan pa ba yan?"
Jason: "Ah si Nina malamang!"
Nina:" Mga gago, nandito ako oh!"
Brian: "Kita ka nga namin! At kitan'g kita ang pagmumugto ng mga mata mo kakaiyak."
Bon: "Ayan! Ginawa mo'ng tulay ang sarili mo tapos iiyak-iyak ka"
Jason: "Guys, ano'ng magagawa niya, eh mahal niya si Kiko. Kung tunay ka'ng nagmamahal, gagawin mo ang lahat para sa minamahal mo, kahit ikaw pa ang masaktan. At yun nga ang ginawa ni Nina.
Brian: "Wag ka nang umiyak. Lilipas din yan"
Nina: "Ano ba kayo, wala to! Kaya ko to"

^hindi ko kaya. ang sakit-sakit!^



% Pa'no mangyayari gayong ako'y 'di mo pansin
'Di mo ba nalalaman pag-ibig ko'y hanggang %



Kiko: "Bestfriend! Magtatalong buwan na kami ni Mia. Tulungan mo naman ako'ng isurprise siya"
Nina: "Oo naman basta ikaw!"
Kiko: "Salamat bestfriend I love you bestfriend!"
Nina: "Wag mo ko'ng i-i love you, baka maniwala ako"
^you love me as a friend at ang sakit-sakit^ "
Kiko: "ha?"
Nina: "Joke lang! Adik!!!"
Kiko: "Binibigla mo naman ako kasi hehehe"



% Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba
Ngunit 'di bale na kahit mahal mo siya
Mahal naman kita %



Kiko: "Hello Nina? Punta ka naman dito sa bahay. Gusto ko ng kausap"
Nina: "Ok sige wait lang"

^ano'ng problema niya?^

Nina: "Oh bestfriend, bakit? ano'ng nangyari sa yo?
Kiko: "Si Mia tol, nakipagbreak siya sa akin"
Nina: "Huh Bakit"
^dapat ba ko'ng matuwa?^
Kiko: "Di daw siya sigurado sa feelings niya for me. Three months? Di pa siya sure? Tang-ina naman!"
Nina: "Tol, mabuti nga yung hangga't maaga nalaman mo. Madami pa'ng iba diyan. Kung makaiyak ka naman, kala mo wala nang bukas"
Kiko: "Mahal ko sya Nina! Hindi mo ba naintindihan! Mahal ko siya! palibhasa di ka marunong magmahal kaya di mo alam ang pakiramdam! Para ka'ng manhid!"
Nina: "Hindi ako manhid Kiko!"
Kiko: "Manhid ka!"
Nina: "Hindi! Dahil kung manhid ako, hindi ko mamahalin ang tulad mo!
Kiko: ---
Nina: "Oo Kiko, mahal kita! Hindi ako tibo gaya ng iniisip mo! Mahal na kita mula pagkabata. At nasasaktan ako sa tuwing nagpapatulong ka kung paano ligawan si Mia. Sa tuwing kasama mo siya, sa tuwing kinukwento mo kung gaano ka kasaya sa piling niya! Pero lahat ng iyon, tiniis ko! Dahil mahal kita!"
Kiko: Nina--



%Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa (ooh)
Bakit may mahal ka nang iba%



Jason: "So nasabi mo na pala lahat kay Kiko! Ang galing mo Nina!"
Nina: "Kaya wala ako'ng mukhang maiharap sa kanya"
Bon: "Well, at least nasabi mo na, lumuwag na yang dala-dala mo sa dibdib mo"
Brian: "Antayin na lang natin ang sasabihin ni Kiko tungkol dyan."
Nina: "Hindi na ako nag-eexpect na mahalin niya ako."
Jason: "Bakit? Hindi mo na ba siya mahal?"
Nina: "Syempre mahal ko siya. Hindi na magbabago yun"
Kiko: "Mahal din kita Nina"
Nina: "Kiko? Kanina ka pa?"
Kiko: "Medyo. Pinag-isipan ko ang mga sinabi mo.Ganun din ang nararamdaman ko. Mas masaya ko sa piling mo. Mas masaya ko pag tayo ang magkasama kesa kami ni Mia. Mahal kita."
Nina: "Wag mo ko'ng biruin ng ganyan at di nakakatuwa"
Kiko: "Narito ako ngayon, nakaluhod sa iyong harapan, bilang pagpapatunay na mahal na mahal kita"
Nina: "Kiko--"
Jason: "Huy Nina! Wala ka ba'ng sasabihin? Kanina pa nakaluhod yang si Kiko oh!"
Bon: "Kailangan may sabihin muna si Kiko!"
Kiko: "Will you be my girlfriend Nina? Please?"
Brian: "yun oh!!! Sagot na Nina!!!"
Bon, Brian, Jason: "Sasagot na yan! Sasagot na yan!"
Nina: "Tumigil kayo!"
Kiko: "Nina?"
Nina: "Oo Kiko. Pumapayag ako'ng maging girlfriend mo"

^Ang tagal ko'ng inantay to!^

Bon, Brian, Jason: "Yes!!!!"



% Ngunit 'di bale na kahit mahal mo siya
Mahal naman kita
Mahal naman kita %



Kiko: "Mahal na mahal kita Nina"
Nina: "Mahal na mahal din kita!"


-end





27 ang nakaappreciate:

  1. base na siguro ako nito!? madaling araw eh! hahah

    happy ending naman pala! hahah ^^ kala ko eh mauuwi sa pagsasara ng ano ni mia..... (ng puso) lels!

    kasarap naman ng ganun! magiging sayo ng buong buo yung taong matagal na matagal mo ng hinihintay at pinapangarap! ^^


    ** at talagang may legend. hahah taragis!

    ReplyDelete
  2. Yehey! bumase ka din sa wakas! heheheh @bon

    ReplyDelete
  3. ang galing naman! napapakanta ko tapos titigil ako para basahin ung mga linya, tapos kanta uli.parang sa pelikula. two thumbs up!

    ReplyDelete
  4. shete nakakakilig!!!! buti na lang hindi kagad bumaling sa iba si nina...

    at happy ending na!


    wow!!!

    teka asan leading lady nila bon at jason. lels

    ReplyDelete
  5. ASTIG!!! Sana lahat ng love story ganyan ang ending! :)

    ReplyDelete
  6. Teka di ko pa tapos basahin. hanggang dun palang ako sa bestest best na bahagi. Magcocomment ako sa naririnig kong kanta naalala ko lang ang aking kakisigan hahaha. Mangangarap muna ako hahaha

    ReplyDelete
  7. Sumabit ang mata ko dito sa parteng ito

    "ilang beses ka ba'ng magte-thank you?"
    ^dapat i love you na lang sinasabi mo sa kin^

    Mangilan-ngilan lang ang mga nababasa at naririnig kong kwento na ang babae ang unang nahuhulog ang loob sa kabarkadang lalaki (siguro mga isa palang at ito yun hahah). KAdalasan kasi lalaki ang unang bumibigay hahaha.

    ReplyDelete
  8. script writer ka ba ser? ^_^

    ReplyDelete
  9. At least sa bandang huli... naging sila! worth it ang sakit na naramdaman ni Nina dahil napawi naman ito dahil naging sila naman.

    ReplyDelete
  10. waahhh nalito ako sa umpisa, ilang beses ko binasa.. ang sarap ng ending.

    ReplyDelete
  11. hehehe.. ang cute! kakilig! (; true to life ba yan?? hehehe

    ReplyDelete
  12. putek, ang galing mo pare..totoo, para akong nanonood ng movie eh...astig cute, kahit typical lang na love story, pero astig pagkakasulat mo..

    okay ito na:

    I enjoyed every lines in your post, you should write more often...lels


    OO nga pla, masaya at kilig basahin habang pinapakinggan ang tugtog, classic pero ayos din..hehe

    ReplyDelete
  13. Happy happy at the end..

    ReplyDelete
  14. biglang nag iba ang kanta sa end na nasaisip ko...yung kanta ng MYMP would you be my girlfriend..would you be my girl!!!! wahahaha! ayos..kaya ayoko ng bestfriend na lalaki eh...ganyan madalas ang nangyayari! hahah! ako na ang affected! wahaha!

    nice post!

    ReplyDelete
  15. hahaha nakakatuwa kapangalan ko pa ang bida... yun nga lang baliktad ang nangyari.. ako kasi naghahabol sa bestfriend ko.. at in reality wala namang happy ending sa nagmamahal sa bestfriend.. ahahah panirang trip lang.. pero base on my experience yun ha.. ahahaha

    ReplyDelete
  16. ay dami ng bulaklak sa damuhan...

    ReplyDelete
  17. pang-episode ng mga teen oriented show sa TV.. hehe. kikiligin ang mga bata dito sa kwentong ito.

    ReplyDelete
  18. While reading, iniimagine ko na eksena sa pelikula tapos habang nagbibitaw ng linya tumutugtog yung OST (Mahal naman kita), nagfefade pag amy linya tapos lalakas sa next na eksena. Kalakas makamovie ng kwento mo. Hahahaha

    ReplyDelete
  19. Nakakakilig naman ng kili-kili ito Bino.. hahaha.. nawala antok ko.. akala ko sad ang ending happy naman pala.. wala bang kasalan? bwahaha

    ReplyDelete
  20. mahirap at masakit kapag nakikita mo yung taong mahal mo ay mahal palang iba. Walang magawa kundi isoot ang maskara at magpanggap na masaya at okay ka samantalang sa loob ay mahina na sa sakit na nadarama

    ReplyDelete
  21. if she's a genuine one, she would tell everything to her bestfriend... everything.. wala na dapat syang itinago dati pa.. mas close pa sya sa tatlong mokong na si Jason, Brian at Bon.

    its unfair for Kiko at his back sya ang topic! what the heck!

    i'd rather call nina as a secret admirer rather than a so dear "bestfriend" of kiko.

    ReplyDelete
  22. this is classic... yet kakakilig pa din heheh!

    ReplyDelete
  23. sana ganayn ang maging love story nyo ni ano **madz (Bulong yan) kaw lang makakarinig! lels

    ReplyDelete
  24. iniisip ko kung ikaw si kiko o si brian eh... kasi anjan na si jason at bon... hehehehe...

    nice story, ganda rin nung kanta...hehehehe...

    ReplyDelete
  25. Hi Bino! Ganda ng blog mo ah. Thanks pala sa pag visit :). Nice talaga ang Mount Sea Resorts in Cavite.

    ReplyDelete
  26. yehey happy ending ..hahaha


    martir martiran ang drama ..hehehe

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS