Tingnan mo nga naman. Lunes na Lunes. Unang araw ng klase ng mga bata sa eskwela. Heksayted much sa kanilang mga bagong gamit sa pag-aaral gaya ng schoolbag at notebooks. Pero ganito ang post ko ngayon. Puno ng angst at rants. Hindi naman pwedeng ipagpaliban pa to. Dahil gusto ko'ng ilabas ang nararamdaman ko.
Akala ko madaling magpatawad. Matapos ang mga nangyari, akala ko ok na. Akala ko accepted na ang mga paliwanag. Pero ang hirap pala. Inaamin ko na nadala ako sa pag-iyak mo, pero matapos ang ilang araw ng pag-iisip, dapat pala naging mas matigas pa ko sa bato. Sabi nila, kung Diyos nga nagpapatawad, tayo pa kaya na tao lang? Pero sabi nga ni Magda ng Mula sa Puso:
"Hindi ako Diyos Fernando, kaya wag mo ko'ng luhuran. At dahil di ako Diyos, hindi ko masasabi kung kailan kita mapapatawad"
Hindi ko na din alam kung paniniwalaan ko pa ang mga sinasabi mo. Na kesyo naiwan mo ang phone mo kakamadaling umuwi, na kesyo wala kang internet connection kaya di ka makapagonline. Sa totoo lang, nagdududa na ko sa mga kwento mo. Malay ko ba kung stealth mode ka sa YM at pinagtataguan mo ko, kami. Ikaw ba naman ang sumira ng tiwala ko, di mo ko masisisi kung bakit ako ganito ngayon sa iyo. At lalong hindi mo din masisisi ang mga tao'ng nagbigay ng kabutihan sa yo pero sinuklian mo ng atraso. Ano yun, sorry na lang? Minsan, kahit kabitan mo pa ng "super" ang salitang sorry, bale-wala ito. Dahil hindi mo alam kung gaano kalaking perwisyo ang idinulot mo. At isa pa, hihingi ka lang ng sorry sa mga bagay na hindi mo sinasadyang gawin. At sabi nga ni Dao Ming Si ng Meteor Garden:
"Kung lahat nadadaan sa sorry, para saan pa ang parak!"
Hindi ako perpekto. Minsan na din ako'ng nagkaroon ng mga pagkakamali sa buhay. Pero maipagmamalaki ko na hindi ako kailanman nagbigay ng perwisyo sa ibang tao. At hindi'ng-hindi ko sisirain ang pagkatao ko dahil lamang sa pera. Maliit man o malaking halaga, ang kredibilidad ng isang tao ay nasisira ng dahil dito. Lahat tayo may mga problemang pinapasan. Pero hindi ito rason para kalimutan at bale-walain ang tao'ng binigyan mo ng aberya. Mga tao'ng itinuring ka'ng isang kaibigan na sa bandang huli'y bigla mo'ng tinuklaw.
Sayang. Panahon na lang ang makakapagsabi kung mapapatawad ka pa namin. Damage has been done. Ang dating pagkakaibigan na kasing tibay ng pinakamatigas na metal, nabahiran na at tila isa ng kandila'ng unti-unting nalulusaw sa bawat araw. Hindi ko sinasara ang puso ko, pero ito lang ang nasisiguro ko: MAHIHIRAPAN KA NA'NG MULING MAKAPASOK DITO.
parang relate to sa tweets mo pero cant relate padin.
ReplyDeletehopefully maging ayos ang lahat sa bandang huli. :D
TC and good morning
Nakow bino, saktan na yan LOL
ReplyDeleteNaway maging okey kayo ulit. Mahirap din naman kasi ag ganyan. Mahirap muling ibalik ang tiwala at yun ay kung maibabalik pa.
ReplyDeleteSana ay maging maayos din sa inyo ang lahat. Marahil ay pagsubok lamang iyan na dapat ninyong lampasan. :)
Kuya Bino
ReplyDeleteNakakatakot po galit na galit ka :(
Ahwe.
Hindi mo po ba tunay na mahal ung taong gumawa sayo nun na hindi kayang tunawin ung nabasag mong tiwala para mabuo ito ulit?
Di ba ang bote pag nabasag po tinutunaw para mabuo ulit?
Awe.
Nakakalunkot naman, ang pogi pogi mo po tapos nagagalit ka lang :(
Hindi masaya si Lord pag ganyan, dami pang masasayang bagay sa mundo po pero I symphatize...
Hindi ko naman po alam ang buond istoreee
I love you kuya bino :) Smile ka na :)
tomohhhh
ReplyDeletehugs magda,hugs dao ming...
relax bino...
isang palakpak para kay Magda. At isa pa para kay Doa Ming si (sie?.. dao ambot!..lels)
ReplyDeleteShocks maaga nga at mainit na ulo ni Bino. Halaka kung sino ka man matunaw ka na na paeang kandila. Now na! lels..
Joke lang.. smile na Bino. Wag umpisahan ang araw na may galit. Ay mali pala kasi mag uumpisa ang araw natin mayang gabi pa kasi gabi ang work natin. ehehehe
nyways, ako ayaw ko na isipin ang mga bagay na malulungkot. Alam mo medyo nakakarelate ako sa post mo na to. Pero yung part lang na para bang sorry na lng ng sorry pero ganun pa din. Hirap no? Pero ganunpaman, masaya mabuhay na alang galit at walang iniisip ng ganyan. Kaya ako deadma. Kung ano ang kaya mo ibigay ganun lang din ang kaya kung ibigay at ipakita. Hindi naman sa madamot ako pero mahal ko ang sarili ko at ayaw ko may manakit dito. Hmm.. nakakarelate ba itong pinagsasabi ko? hehe
anyways.. back to sleep muna ako at mahaba pa ang araw.. hehe
ang titindi ng mga banat--at me quote from from Magda.ikaw na!!!! at uo nga--bat kasi 1st day of school rant parin.lols. pero pagbigyan, na-justify mo naman na kailangan nang ilabas--kelangan ng outlet diba. alam mo --kulang ka lang sa sex. awts--bat ko sinabi yun.hahaha. pang-alis namn din ng stress ang sex diba? hahaha.sinubukan pang ilusot. pero ito rin matindi kong banat---sa sex parin syempre at pagpapatawad----""you cannot undo everything with sex sometimes""---Ally McBeal---lols
ReplyDeleteBino, for me, napakahalaga ng tiwala, sabi nga ng mommy ko... "Ang tiwala ay parang isang babasaging kristal, kapag nagkalamat ito, anoma'ng hugas or punas mo, 'di na ito mababalik pa sa dati..." Madali akong magkaroon ng kaibigan, at binibigay ko ang 100% na tiwala ko sa isang TUNAY na kaibigan. Pero, kapag nasira ang tiwala ko sa isang tao, sa anoma'ng dahilan, maaaring mapapatawad ko pa, pero 'di ko masisiguro na maibabalik ko pa ang dati. Kung talagang sincere sya sa paghingi ng tawad, PATUNAYAN nya sana! O'cge, until nxt time kaibigan. Tnx for sharing! =)
ReplyDeleteaaahhh ito yong mga twit mo, hehe!.. love ko tong post mo..gustong gusto ko ung line ni magda kay fernando, napa clap nga ako niyan eh..
ReplyDeletelamo bino, pakinggan mo muna ang side niya, baka naman may dahilan, huwag mo munang husgahan yong tao ng gnon gnon lang.
para sa akin ang walang kapatawaran ay pag niluko ka, sinaraan ka sa ibang tao, pero dahil cool akong mom pwd ko pa yan patawarin basta may valid reason.. ang hinding hnd ko mapapatawad ay pag PINAGTAKSILAN ako.. hahahaha
I agree with zyra bino.. ang basag na bote tinutunaw para muling mabuo..
ReplyDeletepero di tayo bote.. naiintindihan pa rin kita.
ipagpray mo bino...
relax boss bins... mahirap naman talaga minsan magpatawag lalo na kung tiwala ang sinira. pagdating ng panahon, maiisip nya din siguro kung ano ang nagawa nya...
ReplyDeleteChilax lang Bino. Have anf take your time to think about it.
ReplyDeletemakikisawsaw ako... may pang detect nang mga friends na naka stealth mode ehehehe :D cheerup po!!! :)
ReplyDeletesabi mo nga bino, mahirap ipagkatiwala ang tiwala.. lalu pa kaya yun nasirang tiwala diba?
ReplyDeletei can relate... mahihirapan talaga sha!
Mahirap ang ganyang situation mang bino...kung ako sayo ignore mo nalang...hehe..
ReplyDeleteNice post!
Piling ko kilala ko toh, ang taong ikinasasamaan ng loob mo.. pero feeling ko lang naman.. kung sino man yan, sanay mas magpakita sya ng sinseridad sa paghingi nya ng paumanhin. nauunawaan kita sa iyong punto parekoy!
ReplyDeleteonga pag utang ka ng utang tapos tumatakbo ka, masisira credibility mo... sa pangungutang! lels!
ReplyDeletepero seryoso, sana kung sino man yang taong yan eh magkaroon ng iklog para humarap sa mga taong naperwisho nya at humarap sa mga kasong kinasasangkutan nya.
diba maslalala kung patatagalin ng patatagalin ang problema. kaya sana habang maaga pa, maayos na nya ang mga butas na ginawa nya. pag tumagal kase ang butas na yun ay magiging blackhole at mismong sarili nya ay lalamunin din.
hi.
easy kuya..wag k n mglit pagpasadiyos mo nalang. ingat lagi
ReplyDeletekalma.....relak relak lang....
ReplyDeleteTara resbakin natin! LOL
ReplyDeletePampawala ng init ng ulo yun. Makaganti lang! Joke! Inhale exhale lang Bino, o kaya inom ka ng Real Leaf ala Piolo Pascual nawawala ka alng sa focus. LOL
ang hirap mo palang magalit chong no.. kailangan palang walang exemption.. hehehe... pero lilipas din yan.. huwag mo lang dibdibin... masyado... pero mahirap ang process kailangang may buhay na isugal kaya patayin na yan... kung sino yan.. hahaha...
ReplyDeletemukhang seryoso to ano nangyari bro, sana maayos prin..
ReplyDeleteHindi ko talaga alam ang issue. Hope eveything will be fine. Parang galit na galit ka na naman. Kalma and smile.
ReplyDeleteThe funny thing about TRUST is that, it takes a lifetime to build but it only takes a second to destroy. Pwede pa rin namang bumalik ang tiwala.. in time, when the cut heals and the pain disappears. Kung gagawa siya ng paraan para bumalik ang tiwala mo sa kanya, give him or her the chance. But of course, she/he has to bear in mind that your TRUST has to be EARNED! Kung hindi nya kayang patunayan sayo, eh di isa sya... siya syang taong DRAWING.
ReplyDeleteTama :) Hirap naman kasi, pag nasira ang trust.. Hirap na ibalik, kung maibalik man, hindi na yung dati na solid..
ReplyDeleteang bigat nito ah, lalo na yung huling salita.. mahirap talaga pag nasira na ang tiwala mo, yung pakiramdam mo naabuso kana.. nagamit at parang binalewala na kung tutuusin tumulong kalang naman sa bandang huli ikaw pa na perwisyo..
ReplyDeleteako mabait din ako sa tao, pero sabi ko nga din hindi pwedeng abusuhin at bilis kong magsawa at mahirap magbigay ng second chance.
hayst.. sana maging sensitive tayo sa pakiramdam ng kapwa natin lalo dun sa mga nagpapaluwag sa atin, hindi ngunit nakuha na ang gusto natin ganun nalang yon.. hindi isang beses mo lang kakailanganin ang tulong ng kapwa mo kaya hangga't maaari wag sirain at wag abusuhin. kung nangako.. tuparin.. sabihin ang totoong dahilan.. wag ng magimbento pa ng kung ano anong kwento haha!
Late po ako sa mga pangyayari, Sir Bino. Wala din kasi akong net, pasulpot-sulpot lang. May isang bagay ang natutunan sa tuwing hihingi ako ng tawad lalo na ako ang may sala. Hindi sapat ang I apologize o yung sorry na, kailangan lalapatan ito ng "I am" sorry. Dund aw makikita kung sinsero ang isang taong humihingi ng tawad, personal kasi ito.
ReplyDeleteKung ano man po ang inyong pinagdadaanan o ng taong tinutukoy mo sa dalawang poste mo ay nawa'y maayos ang lahat sa takdang panahon. Be blessed po!
parang nakakarelate ako dito sa mga salitang binitawan mo pareng bino.
ReplyDeleteminsan kapag ang tao nangangailangan (o naghahanap ng mabibiktima) napakabait nya. parang isang napakaamong tupa. kaya ayun may naniniwala sa kanya at pinagkakatiwalaan. pero bakit ganun?minsan ang hangarin mo lang naman tumulong kaya ka nagbibigay.pero nakakalungkot na ang pagbibigay o pagtulong pala ang magiging dahilan para masira ang tiwalang ibinigay mo sa isang kaibigan.
mabuti pa sigurong sinabi nalang niyang "hindi ko kayang ibalik yong ipinangako ko sa iyo". magaan sa loob na kalimutan nalang kung ganun.pero 'yong magdadahilan at ang dahilan at gagamit ng bulok na style, nakakaasar lang.
oo nga siguro, ang tiwala parang salamin na kailangang tunawin para muling mabuo.pero sa pagbuo nun, alam ko..dina ganun ka-kompleto.nabawasan na dahil nag evaporate yong iba.