June 22, 2011

Blogger's Hot Seat : Madz of M(.)(.)D sWings

Ang ating blogger of the week ay masasabi ko'ng malapit sa puso ko. Madalas ko siyang  ka-chat sa Gtalk at YM. Madalas din ang biruan at palitan namin ng mga banat lines sa twitter. Nakamit nya ang ika-limang pwesto sa 2010 PEBA. Minsan na din niya ako'ng sinabihang suplado dahil sa di daw ako namansin noon sa una naming pagkikita (EB sa SM Megamall). Sorry naman. Hehehehe. Anyway, sa pinakahuling EB namin with JD, yun ang unang pagkakataon na nagkausap kami ng masinsinan tungkol sa mga bagay-bagay. Kung ano ang mga iyon, sa amin na lang yon. So pinakikilala ko sa inyo Si Madz ng M(.)(.)D sWings! Narito ang aking panayam:









Pangalan/Alias: Maridel Mangaron/Madz/hartlesschiq
Blog Name: M(.)(.)d Swings
URL:  http://itsmadzday2day.blogspot.com
Lokasyon: QC
Edad: 24
Civil Status (importante to): Single

Una sa lahat nagpapasalamat ako sa pagpayag mo na maging isa sa mga featured bloggers dito sa Damuhan. Pero ang totoo nama'y pinilit lang kita. No choice ka naman eh. Hehehe.


GENERAL QUESTIONS:


Q: Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.

A. Weekdays – nakaharap sa pc 7- 9hrs nanonood ng series o film habang nagjojot down ng mga salita o eksena na tatanggalin o imu-mute. After nito, isasalang sa editing bago i-line up yung programs para sa isang araw. Sa pagitan ng aking trabaho eh nakukuha ko pang magchat, surf sa net o kaya naman magsulat sa blog. Multistasking kung multitasking talaga. Minsan nagjojogging sa gabi kapag may lakas pa ako. :P

Weekends - maglaba tapos kung ano lang matripan kong gawin

Q: Kailan at paano ka nagsimulang mag-blog. Kailan at paano nagsimula ang [M(.)(.)d Swings]?

A: Hindi ko na matandaan yung exact year kung kelan ako nagsimula, iba’t ibang blogging platform kasi yung ginamit ko (Friendster, Tblog, Blogger etc.). Pero itong mood swings, Feb of last year lang siya, noong nagstart na akong magsulat ng mga kwento.


Q: Bakit mo naisipan na pasukin ang mundo ng blogging?

A: Personal diary yung unang purpose sa akin ng blog. Mga reklamo, moments at kung anu-ano pa na nangyayari sa buhay ko ang laman nung mga dating post. Tapos nung tumagal, lalo na nung nagsasarili na ko dito sa Maynila, ayun nga nagamit ko na siya para mahasa ako sa pagsusulat.

Mas nadadalian kasi akong tumipa sa keyboard kesa magsulat sa papel tsaka pag may revisions, delete lang ng delete. Tamad lang  .

Q: Bakit sa Blogspot ka nagblog?

A: Siya kasi yung una kong nakilala at wala naman akong naging problema sa kanya.User friendly ba. Tapos nagkaroon na ako ng follower dito so hindi ko na naisip na lumipat pa sa iba.


Q: Ano ang kwento sa likod ng iyong alias?

A: Walang pinagmulan yung alias ko, basta naisip ko na lang one time and then yun na yun! Hindi ko na pinalitan eversince.

Q: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa blogging? Ipaliwanag. Kung hindi ma'y magbayad ng 1 libong piso. Joke lang!

A: M2M (many to mention) LOL parang slumbook lang. Basta, bilib ako sa mga bloggers na walang takot isulat yung nasa loob ng kukote nila, bukas ang isip, yung hindi sumusunod sa kung ano lang yung uso at tumatatak sa nagbabasa yung gusto nilang iparating.

Q:Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?

A: Meeting people from all walks of life and gaining friends.  Thank you so much. Bow!


Q: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito (naloko ng isang blogger, may mga haters etc..) Paano mo ito nalampasan?

A: Hmmm. Ano bang isasagot ko dito??? Teka isip lang ako… Basahin niyo na lang blog ko. LOL

Q: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag

A: Ummm hindi pa naman. Minsan sobrang busy lang sa work o sa family kaya hindi nakakapag-update. Pero yung tamarin? Hindi ko yata kayang hindi magsulat. Swear! 

Q: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?

A: Nagiging busy na ko. Hahahaha


Q: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?

A: Ummmm siguro, mag-enjoy at wag matakot mag-eksperimento. Kung hindi mo pa alam yung niche ng blog mo, go lang magsulat ka lang ng magsulat o magpost ka lang ng mga pictures. Kasi in time makukuha mo rin yung magiging direksyon ng blog mo, kung ano ba talaga ang gusto mong gawin at ibahagi sa iba, 

Q: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa iban'g lahi?

A: Innovative at creative. Marami kang magugustuhan na basahin kasi iba-iba yung binibigay nila sa’yong impormasyon at kwento. Patok yung mga topic at nakakakiliti ng isip. They finds ways para mas maakit ang mambabasa. Hindi natitigil sa mga letra yung mga akda nila. Nag-eevolve at hindi nagpapahuli. 
Hindi ko maikumpara sa ngayon dahil hindi naman ako mahilig magbasa ng mga blog ng ibang lahi. Siguro dahil na rin mas dama ko yung isinusulat ng mga Pinoy, tagos na tagos. 


PERSONAL QUESTIONS:


Q: Isa ka sa mga bloggers na mahusay magsulat ng fiction. Gaya ni Goyo (www.goyosadventure.com), magaling ka'ng maghabi ng kwento. Napabilang din ang iyong Blog sa nakaraang PEBA o Pinoy Expat/OFW Blog Awards. Ano ang sikreto ng galing mo sa pagsusulat?

A: Puso lang yun men, puso… LOL Salamat sa compliment ser!
Hindi ko rin po alam kung may sikreto ba sa ganyan basta ako kasi mahilig akong gumala. Bukod sa personal experience, ang dami kong nakikita, naririnig at natututunan sa mga gala kong iyon. From there, sumusulpot yung idea tapos yun na tsaraaaan nagiging kwento na.
  
Q: Sino sa Madz sa tunay na buhay? Ano ang pinagkaiba ng Madz sa blogging sa Madz sa personal?

A: Kung anong daldal ko sa blog, ganun naman ako katahimik sa personal. Alam na alam yan nung mga nakakita na sa akin.


Q: Umibig ka na ba sa kapwa blogero?O kaya nama'y may crush ka na isang blogger?

A: Wala pa akong nakakarelasyon na blogger. Yung crush, oo meron.

Q: Minsan ka na rin ba'ng nasaktan sa larangan ng Pag-ibig?
A: Oo naman at hindi lang minsan. Hehe Ako na ang proud...:))


Q: Gaano kaimportante sa iyo ang hitsura ng isang lalaki? Ugali ng isang lalaki?

A: Mas mahalaga siyempre sa akin yung ugali ng isang tao kesa sa kanyang itsura pero syempre hindi mo naman pwedeng sabihin na wala itong bearing kasi yung pisikal na anyo ang una mong nakikita. Sa itsura lang nagsisimula pero yung foundation ng relationship (friendship man o intimate), yung character ng tao ang bumubuo.

Q: Kamusta ang buhay-pag-ibig mo ngayon?

A: Sabi niya, salamat daw naalala mo siya. Mag pagkafickle-minded kasi ‘to eh minsan naghahanap minsan ayus lang siya mag-isa. :D

Q: Ano naman ang tipo mo sa isang lalaki?

A: Dati gusto ko gwapo, tapos naging mabait. Ngayon, kahit ano na basta lalaki! Hahahaha

Q: Kung liligawan ka ng kapwa mo blogero, bibigyan mo ba siya ng chance?

A: Tinatanong pa ba yan? Di ba dapat ginagawa na lang?? haha ako na ang reklamador…

Ang ganda ko naman masyado para tumanggi. LOL Ang akin lang basta sincere siya at totoo siyang tao – as in yung totoo talaga ha yung nakikita at pwedeng hawakan – walang problema.

Q: Heto na ang pagkakataon mo'ng magpasalamat at bumati, magplug ng shows atbp

A: Una, salamat sa’yo Bino dahil hindi ka nagpatinag sa pag-ayaw ko sa pagfeature mo sa’kin dito. No choice talaga eh. Kainaman ka. LOL Pangalawa, salamat sa mga bloggers na naging part na nang aking daily life, personal man o through your post lang.Hindi ko na po kayo iisa-isahin dahil baka wala nang magbasa nitong post na ito sa dami niyo. Basta Thank You! At syempre salamat din sa mga tao na patuloy na nagbabasa ng aking mga akda, sa pagtitiyaga sa pabago-bagong andar ng utak ko. Sana hindi pa kayo nahihilo. 


33 ang nakaappreciate:

  1. ayun oh! Madz ikaw na! Ikaw na! Ikaw na! hahaha.

    ReplyDelete
  2. Sabi ko na nga ba eh ikaw ang sunod! Haha! nice to know u. .
    May napansin lang ako sa mga tanong ni bino,parang nagpaparamdam na tlaga ha! haha

    ReplyDelete
  3. hmmm ano ba pwede ko ikomento dito... teka, teka, ito na lang...

    sabi ni madz....tinatanong pa ba yan? dapat daw gawin na... kaya, ano pa hinihintay mo Bino? *grin*

    ReplyDelete
  4. parang may patutunguhan ang mga question ni bino, parang may part 2 ito pero hindi ipapabasa sa iba lolzz

    ReplyDelete
  5. bakit parang iba ang tanong na sa bandang hulihan?
    hahahah...

    wolo long :)

    ReplyDelete
  6. Bino, ano pang hinihintay mo? aba eh kainaman.

    Seriously, si Madz, nakagaanan ko na ng loob. Palagay ko 'yong koneksiyon ng pinagmulan namin, pareho kasi kaming laki sa probinsya kaya may mga bagay o pangyayari sa buhay na nagkakaintindihan kami. Bukod pa diyan, taga Katimugang Tagalog din si Madz.

    Ang gusto ko sa kaniya bilang manunulat/blogger 'yong mga pag-ibig serye niya. Nasabi ko yata pwede siyang sumulat ng romance novel. Maalam siyang humanap ng kiliti ng kaniyang reader.

    ReplyDelete
  7. mads! hahahahaha huwaw naman teka baket ke mads sobrang haba ng question and answer portion~ bwahahhhahha


    ayieee kakilegs lang.

    -jason

    ReplyDelete
  8. sadyang maliit lang ang mundo ng blogging at nakakatuwa na halos lahat ng finefeature mo e kakilala ko na pero madami pa kong natututunan tungkol sa kanila dahil dito.

    para kay madz, panigurado ako, ako yung iniidolo mong blogger. pinapatamaan mo ba ko nasapol ako eh. lol. joke unle. at ang dami kong tawa dun sa kahit anu nalang basta lalake.

    ehem bino, anona? kilos na. kainaman. lol.

    ReplyDelete
  9. AYOWN OH AYAW UMIBIG SA ISANG BLOGERO CRUSH LANG DAW! PANO YAN bINO, CRUSH KA LANG PALA NI mADZ

    ReplyDelete
  10. natuwa ako don sa tanung na ""anung nabago sa buhay mo dahil sa blogging"" at yung sagot na ""naging busy nako-"diko alam kung naging busy in a positive or negative way yun.hahaha

    ReplyDelete
  11. natawa naman ako sa sagot niyang "dati gusto ko lalaki, tapos mabait, ngayon kahit ano na! " hahaha..


    anyway.. hello madz!

    ReplyDelete
  12. Bakit may halong malisya ang tanong-sagot na ito? Ako na ang intregera.

    ReplyDelete
  13. ayun o loveteam, para paraaan. hahahaha

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  14. basta daw lalaki hehehe... makapagfollow nga kay madz..

    ReplyDelete
  15. isa ako sa makakapagpatunay kung gaano katahimik sa personal si Madz! first time ko siyang nameet nung nag-star city kaming dalawa. :)

    isang tanong isang sagot yan pag kinakausap. hahaha. but she's definitely nice and sweet!

    ReplyDelete
  16. haha! ang love team ng twitter..

    natawa ako sa sagot ni madz don sa dapat ginagawa ang panliligaw hnd tinatanong.. gawin mo na kuya boy, i mean bino..

    nice to know you better madz.

    ReplyDelete
  17. Weekly na talaga itong Hotseat, parang komiks lang! haha.

    mainam talag ituloy mo lang bino gang maubos mo na ang lahat ng blogger haha by that time kilala na natin lahat lahat!! or baka paraan mo lang to para maghanap gf! hahaha!!

    ako na ngayon ang showbiz!!

    ReplyDelete
  18. ayayayay.... inaad ko siya.. di ko siya maad add.. naikwento na kasi siya ni akoni sa akin eh... mayamaya try ko add sa bahay... ehehhe.. di ko kasi mahanap ang follow button niya sa blog niya eh...

    ReplyDelete
  19. Q: Ano naman ang tipo mo sa isang lalaki?

    A: Dati gusto ko gwapo, tapos naging mabait. Ngayon, kahit ano na basta lalaki! Hahahaha


    bwahahaha!! ikaw na madz! kahit sino na! basta lamang tyan din!!

    ReplyDelete
  20. Bakit ba habang binabasa ko ito eh kinikilig ako... naks! salamat naman naging daan pa pala ang araw ng bagyong nagkitakita tayo para lumalim pa lalo ang inyong pagkaka-ibigan este pagkakaibigan... hehehehe... mabuhay kayo! hehehhehe

    ReplyDelete
  21. naaalala ko ang trinoma moments nu hahaha sana kasi kayo nalang hahaha.. cge na cge na please hahaha

    ReplyDelete
  22. "Dati gusto ko gwapo, tapos naging mabait. Ngayon, kahit ano na basta lalaki! Hahahaha" ayos hindi masilan...hahaha...

    taga subaybay ako sa love team niyo...hehe

    ReplyDelete
  23. whahaha parang may bigla tuloy ako naalala kay mady :D sa mga tanung na yun :D

    ReplyDelete
  24. Si Ate mads na talaga xD
    mabait yang si Ate Mads.
    =)

    ReplyDelete
  25. Loveteam!! Totohanin na kasi.. hehehe...

    Hindi pa kami nagkita nitong si Madz.. Sayang lang last time, walang time para mag meet kami. I'm sure mabait n bata ito.. bukod sa maganda. Very alluring. Naks.

    "Dati gusto ko gwapo, tapos naging mabait. Ngayon, kahit ano na basta lalaki! Hahahaha"... Naku naman.. ano na? Ano na? KILOS!!! hehe..

    ReplyDelete
  26. Bakit parang nagkaroon ng dagdag na questions kay Ate Madz? Haha. Ayiee... Labteam! Haha. Parang kimerald lang. Haha.

    ReplyDelete
  27. dito ako natawa sa linya na itu:

    "A: Dati gusto ko gwapo, tapos naging mabait. Ngayon, kahit ano na basta lalaki! Hahahaha"


    panalo!

    ReplyDelete
  28. May naaamoy akong madamo dito sa interview na to. LOL!

    Pero, iba tong mga sagot na to, Mads. WAGAS NA WAGAS, lalo na yung "gawin na lang." hahahah!Bakit nga pala si Bino ang naiintriga eh parang GUSTO din naman si Mads?

    ReplyDelete
  29. Ang kulit ng mga sagot! :) Mahusay mahusay! :)

    ReplyDelete
  30. Nice interview, pwede ka ng mag asawa! =)

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS