Una ko'ng nakilala si Salbe sa isang EB sa SM Megamall kasama ang ilang mga bloggers. Nakasama ko rin siya sa ikalawang Saranggola Blog Awards na kung saan, matapos ang event ay dumiretso kami sa Madison para isang inuman session. Nagkita din kami sa Trinoma nang ibigay ko ang mga libro ni Bob Ong kay Rico. Ang totoo, may pag-aalinlangan ako'ng baka hindi pumayag si Salbe na maifeature dito sa Hot Seat. Kaya naman laking pasasalamat ko ng pumayag siya.
Narito ang nakatutuwa at nakakaaliw na panayam kay Salbe:
Pangalan/Alias: Salve Regina Mogul
Blog Name at URL: A B N K K blog N P L Ko?! (v2.0) at http://salbehe.com
Lokasyon: Quezon City
Edad: 29
Civil Status (importante to): In a relationship.
Una sa lahat nagpapasalamat ako sa pagpayag mo na maging isa sa mga featured bloggers dito sa Damuhan kahit na ang totoo ay pinilit lang kita at bawal tumanggi hehehehe.
GENERAL QUESTIONS:
Q: Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.
A: Ako po si Salbehe, ako ang tagapagtanggol ng pag-ibig at katarungan. Parurusahan kita sa ngalan ng buwan.
Q: Kailan at paano ka nagsimulang mag-blog
A: Dahil sa opisina ako madalas magblog, nagsisimula ako sa pagbubukas ng Notepad. Sa Notepad muna kasi ako nagsusulat tsaka ko pine-paste sa Dashboard.
Q: Bakit mo naisipan na pasukin ang mundo ng blogging?
A: May pasukan ba sa blogging? Bakit walang nagbibigay sa akin ng baon? :(
Q: Bakit sa Wordpress ka nagblog?
A: Dahil mabagal mag-load ang dashboard ng Blogspot.
Q: Ano ang kwento sa likod ng iyong alias?
A: Wala namang likod ang alias ko.
Q: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag. Kung hindi ma'y magbayad ng 1 libong piso. Joke lang!
A: Joke lang pala, edi si Yanah. Dahil isa syang malaking joke. Oo, malaki. Beep beep.
Q: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
A: Mayroong libreng sex.
Q: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
A: Joke ang sagot ko sa previous question.
Q: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag
A: Mula nang nagsimula akong magblog hindi pa ako tinamad kahit minsan. As in, never. Lagi akong may kwento. Isang walang kwentang trivia, sinungaling ako.
Q: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
A: Change will happen, nagblog man ako o hindi. It's up to you na lang if the change will be for the better or for the worse. Sa ibang tao, blogging is their life. Life is about growth. Grow with it. Char lang.
Q: Bakit mo naisipan na comments-off ang mga post mo?
A: Para kapag may nagsabi sa akin na "Salbe, magkoment ka sa blog ko.", ang isasagot ko ay "Chura mo, hindi ka nga nagkokoment sa blog ko!"
Q: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?
A: Magsimula sa pagbubukas ng Notepad kapag nagbablog sa opis.
Q: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa iban'g lahi?
A: Hindi ko maintindihan ang mga Japanese blogger. Dai jyou bu, mu zu ka shi i de su. Wtf?
PERSONAL QUESTIONS:
Q: Sino sa Salbehe sa tunay na buhay? Ano ang pinagkaiba ng Salbe sa blogging sa Salbe sa personal?
A: Maraming nang nakapagsabi na kung ano ako sa blog ko ay yun din ako kapag na-meet mo ako. Ang maling persepsyon lang siguro nila sa akin ay matalino ako.
Q: Umibig ka na ba sa kapwa blogero?
A: Oo.
Q: Minsan ka na rin ba'ng nasaktan sa larangan ng Pag-ibig?
A: Kung hindi ako willing masaktan, sana hindi na lang ako nagmahal.
Q: Kamusta ang buhay-pag-ibig mo ngayon?
A: My boyfriend is great. Sa lahat ng aspeto. Ahihihihi.
Q: Ano naman ang tipo mo sa isang lalaki?
A: Basta may balls.
Q: Heto na ang pagkakataon mo'ng magpasalamat at bumati, magplug ng shows atbp
A: Hi. Hello. I'm fine. Thank you. Sana sa susunod may tanong na sinong blogger ang kinaasaran mo? Yung tipong kapag nakita mo ang pangalan sa comment section ay nag-iinit na ang ulo mo?
Muli, isang malaking pasasalamat sa iyo Salbe! :)

wala kang kupas Salbe...tawa ko ng tawa dito....lol mejo nabitin ako..sana sinama yung mga tinatanong niya sa eb..haha
ReplyDeletenice meeting you ma'am! :))
hahaaha.. habang binabasa ko ito nasa opisina ako.. tulog lahat ng kasama ko.. nagising na lang sa lakas ng tawa ko.. hahaha.. nakangiti pa din ako habang nag kocomment.. hahahaah.. Salbe.. ikaw na ang tagapagtanggol ng mga naapi.. hjahaha..ajah!
ReplyDeletenagulat naman ako sa sagot mong "may libreng sex"
ReplyDeletebuti na lng at may kasunod na " joke ang sagot ko sa previous question" hehehehhe..
anyway.. hello salbehe ^^
I didn't have the chance to meet Salbe but with all the things I've been reading about her in Facebook and this article I have come to the conclusion that ahmm.. she likes men with balls. KthanksBye!
ReplyDeleteang bibilis magcomment! ^^ sa notepad din ako nagsisimulang mag blog lels!
ReplyDeletesi salbe ang pinaka cool na host na nakilala ko. pinaka kalog pero kayang dalin. kayang ihandle.
sya din ang may mga malulupit na question pag kainuman mona sa madison..
at cute na cute sya sa costume na picachu! hihi
kulit lang ni ms. salbe. Nakakaaliw ang mga sagots nia sa tanongs mo bino.
ReplyDeleteAt may linya pa sya from sailormoon. ahahah
IDOL!!! Natitibo n tlg ako.. I lab yu n tlga, ms Salbe.. hehehe.. Hindi ako nagkamali, ikaw tlga ang nasa HOT seat ni Bino.
ReplyDeleteHindi rin ako nagkaroon ng chance na mameet si Salbe. Sayang.. Pero I'm sure naman na merong next time. :) Ang galing ng mga msagot.. simple pero PAK! Natawa ako sa Japanese bloggers.. Oo nga naman, ano bang pinagsasabi nila??? LOL.. Ay really po, merong libreng sex? hehehe...
na shocked ako don sa sagot mo sa 'Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?' hahaha! buti na lang binawi mo sa sunod na question..
ReplyDeleteHOT seat blogger ka nga.. windang ako! hehe!
nice meeting you salbahe.
Thank you din Bino sa pagkakataong ito. Pakibura ang unang picture, practice shot naming magkakapatid yan. Karimarimarim!
ReplyDeletesalbe - ok. tinanggal ko na. hot ka kaya dun! hehehe
ReplyDeleteayus ang mga sagot ni salbe, solb. lol.
ReplyDeleteone time napahiya ako ke salbe, hindi ko yun makakalimutan.
Iisa lang ang nakagulat saken, yung malaking joke na blogger. oo, nakabold pa at malalaki ang letters. It's you already! bwahahhahaha!
ReplyDeleteall the rest, I'd say, is typical salbe. haha! =)
putek salbe alam mo bang muntek na kong maubusan ng hininga dito kakatawa sa JOKE! isang malaking JOKE na yanah.
ReplyDeletebwahahahahhahaha
onga kuya bino nakakabitin.. more more sana may part two kay salbe at ng masagot nya last hanging questions nya :D
thanks bino for subscribing sa dail pic!
nakalimutan mo itanong kuya bino kung sino ang nagturo sa kanya mag rap kasi ang husay talaga
ReplyDeletehunga sana sinama mo iyong mgac tanong sa eb lols..ang kulet parin niya hehehe..sana may like us on facebook hehehe lols pero congrats ha.good i dea u featured salbe :)
ReplyDeletepanalo to "Kung hindi ako willing masaktan, sana hindi na lang ako nagmahal." :D
ReplyDeleteBino, malamang kapag ikaw na si Boy Abunda at nasa tv na kayo ni Salbe eh maging comedy show ang The Buzz :D
Wow naman! Ganda ng interview! Ikaw na talaga Salbe! :D
ReplyDeletecongrats kay ate salbe, may bf siya at yun ang pinakamahalaga. hahahahaha.
ReplyDelete-kikilabotz
ngayon confirmed na! LOL..ung sa JOKE niyo..hahaha...hanggaling ko talaga, puwedi na ako sa SOCO...hahaha
ReplyDeleteSi salbe lang ang kaisa-isang taong nahikayat ko mag whatsapp, isang walang kwentang app sa celphone. Gusto na nya akong isumpa nung malaman nya na sya lang sa libo libong bloggers ang nabola ko. Lol!
ReplyDeleteAt bakit in a relationship ka na ngayon? Nasan na ang sinumpaan mong adhikain na pahinga muna? Tsk tsk
ahaha.. kakatawa mga sagot ni salbe! lol. ill check out her blog (;
ReplyDeletePanalo lang ang interview kay Ate Salbe, TNt sa notepad!
ReplyDeletesi kristina na talaga ang may boyfriend na is great in all aspects. saka bat ka pa manghihingi ng baon neng? di ba may packed lunch ka na? sus! magastos!
ReplyDeleteKIlala ko po siya Sir Bino.. I mean.. pinapalo ko po siya.. nawiwindang ako sa mga kwents niya.. at lalo na sa quotes niyang "Angblog na maarte at ayaw sa comment" ahahhahaha... while everyone loves to hear and recieve some cooments sa kanya eh hayop ka kung magkument ka sa blog niya... ahahhahah..... I always visit her blog.... thansk
ReplyDeleteMaryosep ka Salbe! Pero tama ka, libre ang sex sa blogworld hahaha!!! Promise! Whakhakhak!!! May BF ka na pala..sino yan?
ReplyDeleteIdol talaga si Ate Salbe. Haha. Wag lang sana ako yung kinakaasaran niya. Hihi. Feeling ko nga kung anu sya sa blog ganun din siya. At pakiramdam ko, parehas sila ni best Greta ko ng ugali. Hahaha.
ReplyDeleteang kulet ng mga sagot mo salbehe!!hahaha!!
ReplyDeletemuntik na akong malaglag sa inuupuan ko about sa libreng sex sa blog! whahaha! nawindang ako!
nice to know you!!!
Panalo ang one on one nterview with Ms.Salbe...
ReplyDeleteat sya na ang may lovelife :-)
hindi pa kami magkakilala ni Salbe, pakilala mo nga ako... at natawa ako sa sagot nyang "A: Mayroong libreng sex." LOL
ReplyDeleteSalbe, sino nga ba ang kinaiinisan mong blogger?
ReplyDeletenice! libreng sex daw. astig. hehe! :) dinaig ang mga questions ni boy abunda sa the buzz ah! :P
ReplyDeleteBDW, thank you po sa pagdaan sa aking blog... kung blog ka nga bang matatawag yun. hehe. :P
si sailormoon pala yan...hehehe
ReplyDeletenkakatuwa syang sumagot hehehe
lalo na sa big JOke..lels
muztah dito. nice meeting every blogger in your hotseat \bino.
ReplyDeletemorning!
congrats!
ReplyDeleteIto ang pinakamasayang bloggers in your hotseat Bino.
ReplyDeleteUpdate mo rin pala ako sa blogroll mo kasi www.oneacreofdiamond.com na ako.
salamat
gusto ko sana sa patimpalak nyo kaso hindi po ako nabiyayaan ng kahusayan sa pagsusulat. Salamat po.
ReplyDeletena-enjoy ko to! the best!
ReplyDeleteRonadelle
www.athomeakodito.blogspot.com