June 8, 2011

Blogger's Hot Seat: Steph of Traveliztera

Ang ating blogger of the week ay isa sa mga hottest bloggers sa blogosphere. Mahilig sa YouTube at isang fashionista. Isa siya sa mga may pinakamagandang mukha sa daigdig ng blogging at panigurado'ng marami ang nagkakagusto sa kaniya. Kilalanin natin si Steph, ang babae sa likod ng blog na Traveliztera. Narito ang aking panayam sa kanya:







Pangalan/Alias:Steph / Traveliztera
Blog Name at URL: Traveliztera: Randomly Entertaining - http://traveliztera.blogspot.com
Lokasyon: Australia
Edad: secrettt :P
Civil Status (importante to): Single but not available :P
Youtube Account: youtube.com/mshypersinger




Bino: Una sa lahat nagpapasalamat ako sa pagpayag mo na maging isa sa mga featured bloggers dito sa Damuhan.

Steph: -SUUUURENESSS! :P


GENERAL QUESTIONS

Q: Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.
A: Kasalukuyan po akong alagad ng kalusugan... Minsan gumagawa ng weird ('yung tipong sinasama ko sarili ko sa mga movies ni Orlando Bloom) at singing videos tapos nilalagay sa Youtube (youtube.com/mshypersinger) ... Kumbaga gusto kong tumulong sa mga tao physically and emotionally. Naks! Mahilig din akong mag-bloghopping nang di niyo namamalayan. Stalker ako.


Q: Kailan at paano ka nagsimulang mag-blog
A: Matagal na akong mahilig mag-blog. Kung nagka-blogger na nung bata pa ako, malamang nagsimula na ako. Marami akong notebooks at andito pa yung diary ko nung 6 years old ako. Sa mundo ng internet, nagsimula akong mag-blog noong 2002. Xanga, Livejournal, Friendster... Sige lang. May kopya pa ako ng mga dati kong blogs. Syempre teenager, puro personal rants laman ng blogs ko dati (haha!), pero noong tumanda na, kung anu-ano nalang binablog ko. Bilang Traveliztera, nag-focus ako sa TRAVELS tapos naging WEIGHTLOSS tapos kung anu-ano na. Kaya ngayon "RANDOMLY ENTERTAINING" na siya. Observant kasi akong tao. Gusto ko i-share lahat ng pwedeng makatulong sa lahat--lalo na 'yung magpasaya. Pinilit kong gumawa talaga ng seryoso na blog through Traveliztera kasi nga puro kakulitan 'yung posts ko, kaso habang tumatagal, tinatamad na akong mag-blog kasi nga makulit ako, at 'yung blog ko masyadong seryoso. Unti-unting nag-iba ang blog ni Traveliztera. Puro kalokohan na ngayon.


Q: Bakit mo naisipan na pasukin ang mundo ng blogging?
A: Kasi madaldal ako. Marami akong napapansin na mga bagay-bagay na masarap ikwento tapos natutuwa naman 'yung mga nagbabasa--pwera mga skipreaders kasi hindi nila nababasa 'yung best bits. Haha!



Q: Ano ang kwento sa likod ng iyong alias?
A: Si Traveliztera o 'yung isa? Malamang si Traveliztera. Muhahaha. Si Traveliztera, mahilig mag-travel. Marami siyang gustong ikwento na nanggaling sa mga travels niya. Para maiba sana, lahat ng mga nangyaring bloopers sa mga travels niya...Kaso, nadidistract siya sa ibang bagay kaya wala na sa tema 'yung blog niya. Haha.


Q: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag. Kung hindi ma'y magbayad ng 1 libong piso. Joke lang!
A: Inspirasyon ko... Si Orlando Bloom. Joke. Actually, ano ba... Ayoko magbanggit ng certain blogger kasi maraming magseselos... :P Pero walang halong joke-- mahilig ako magbasa ng mga blogs niyo at naiinspire ako sa kung anu-anong posts niyo. ;)


Q:Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
A: Hindi ko ineexpect na magkakaroon ako ng true friends sa blog world. Bilang lang sila. :)


Q: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
A: Hindi maganda?... Hmmm... Siguro 'yung tipong binibisita ka lang kasi may kailangan. Hehe ! Hindi ko na isespecify pero I'm sure lahat naman naranasan na 'yun. Paano ko nalampasan? Move on lang! Hehe!


Q: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag
A: Oo naman. Minsan kasi 'yung oras e sobrang kulang tapos minsan sobrang dami mong gustong ikwento pero hindi mo alam saan ka mag-uumpisa... Tapos minsan wala lang talagang inspirasyon. Pero alam mo 'yung pinakatamad kong moment? Nung nag-decide akong gawin si Traveliztera para sa mga seryosong posts. Kaso... MAKULIT TALAGA AKO E! Hindi ko kayang pigilan. Pag gumagawa ako ng seryosong posts, tinatamad na ako, kasi hindi ako 'yun e. Kaya ngayon, bago na. Informal na 'yung blog ko.


Q: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
A: Mas naging makulit ako and mas lumawak pag-iisip ko dahil sa mga iba't ibang opinyon at mga kaalaman ng mga nakakasalamuha ko sa mundo ng blogging. Tsaka 'yun nga... mas naging makulit ako.


Q: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?
A: Unang-una sa lahat, mag-blog ka ayon sa interes mo--hindi dahil lang sa ito 'yung "trending" na theme o topic. Nagiging "pilit" 'yung post mo kapag pinipilit mo ngang maki-"in". Mahirap makahanap ng mga interesadong magbasa niyan. Syempre, kailangan paminsan-minsan maki-"in" para mapansin, pero wala ring mangyayari kung hindi naman maayos 'yung pagkagawa mo kasi nga pinilit mo lang. Pangalawa, huwag kang malungkot kapag hindi binabasa ng mga gusto mong magbasa ng blog mo ang mga posts mo. Makukuha mo ang audience na kapareho mo rin ng trip. Promote ka lang, pero huwag kang madismaya kapag hindi mo nakuha 'yung mga gusto mo. Mafifilter out lang naman 'yung mga talagang interesado sa gawa mo. Darating din yan--PARANG PAG-IBIG. Naks! Pero doon sa mga mag-uumpisa pa lang ng blog, may mga etiquettes din sa mundo na ito. Basta matuto ka nalang tumanggap ng mga critics, lalo na kung pagsusulat ang usapan. Like life, blogging does not please everybody. Behlat.


Q: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa iban'g lahi?
A: Mga Pinoy makukulit kung makulit. Minsan sumeseryoso, pero kadalasan, parang puro makukulit. Sadyang masiyahin lang talaga mga Pinoy e, noh? Tsaka kahit gaano kaseryoso ang isang isyu, nahahaluan pa rin minsan ng onting singit ng kakulitan. Alam niyo na 'yun. Nagdadamayan pa sa posts. Mention kung mention e! Parang twitter lang. AT TSAKA PICTURE GREETINGS! USO! LUMELEVEL-UP PA NG VIDEO GREETINGS! :P



PERSONAL QUESTIONS:


Q: Sino si Traveliztera sa likod ng blogging?
A: Isa siyang makulit na tao. Minsan hindi kayang i-blog 'yung kakulitan niya kaya makikita niyong nag-iiba alyas niya at nilalabas niya 'yung alter ego niya sa Youtube videos niya. May drama? Chos.


Q: Nagmahal, umibig, nagkagusto ka na ba sa kapwa mo blogero?
A: Hindi pa e... "PA" talaga. Haha!


Q: Aware ka ba na isa ka sa mga hottest female bloggers? Ano'ng sikreto ng kagandahan mo?
A: Hindi ako aware nung una at hindi ko cinoconsider sarili ko bilang isa sa hottest female bloggers. Taray! Haha! Nalaman ko lang na may ganyang isyu-isyuhan dahil sa pakulo ni Kikilabotz. Nakakakilabot talaga. :P


Q: Ano ang tipo mo sa isang lalake?
A: Hahaha basta ba marunong rumespeto at magpatawa. May listahan ako pero hindi ko sasabihin lahat para naman may suspense kuno. Haha!




Bino: Maraming Salamat.
Steph: Thanks dude! :P



24 ang nakaappreciate:

  1. one blazing hot blogger ang nainterview mo. :D

    nice. nice.

    just wondered ano kaya yung sinabi ni steph na bumibisita lang kasi may kailangan... manliligaw kaya ito?

    ReplyDelete
  2. ang galing naman hehehe.nakakatuwa ka namang magtanong bino.. saka ang humble ni steph. huwaw

    ReplyDelete
  3. Kulet lng ni Stephie haha!Likey ang payo niya for bloggers... :)

    ReplyDelete
  4. ayun yun eh, kaya pala ang dami nyang fb profile lolzz 2 lang pala ung nakikita ko :D

    ReplyDelete
  5. nakks.. siguro feeling mo ikaw si Boy Abunda na ininterview ang isang sikat at sexy at hot na blogger no.. hahaha.. madibdibang tanong.. hahaha.. ayos..

    halatang makulit nga si Steph.. hahaha

    ReplyDelete
  6. Steph,

    yabyu. lol. piz.


    hmmm... mabait si steph, makulet, mahilig magtwit, etc. kala testi di pala. haha.. sorry naman.

    madaya yan, mahilig daw sya magblog hop at magbasa, pero di nya naman binibisita ang bahay ko. tsk.

    ReplyDelete
  7. hi steph.. ang ganda mo, love ko itong interview sau.. hehe! light lang, hnd nakapag isip sa akin ng malalim.. naramdaman kong good girl ka.. as in good girl!

    good morning steph and to you tito boy, i mean bino..hehe!

    ReplyDelete
  8. hehe.. si stephie. ILONGGA! Yun tlga pumapasok sa isip ko.. Basta Ilongga, maganda. charot!! hahaha.. Anyway, hindi ko pa name-meet si Stephie.. pero obviously.. the woman's HOT! at makulet.. at inlababo tlga ke Orlando Bloom. :D

    Love the interview.. especially the last part. Meron tlgang listahan, pero it's good advice tlga NEVER to tell.. para merong effort ang mga naghahabol na boys. #LOL.. Nice one, Steph!!

    ReplyDelete
  9. sabi na nga at si Steph yan eh.. hahahaha.

    kasali din sya sa nakipagpustahan sa Twitter kahapon kung sino yung blogger na ininterbyu mo eh.

    anyway, she's really beautiful inside and out! :)

    PS. lalo kong napatunayan sa Twitter na sobrang kulit nya pala talaga. hahaha.

    ReplyDelete
  10. sabi ko na nga ba ikaw yun eh! ahahaha! i like u talaga ever since, i dont know if u remember pero nagcomment ako dun sa diet plan mo dati!! cool! natuwa ako nung nifollow mo ako sa twitter di ko expected!! ayiiii! lab ya girl..ni watch ko yung video mo ang kuleeeet!

    katuwa naman nung answer mo din..parang pag-ibig! ahahaha! mwahugs to u!

    -iya_khin

    ReplyDelete
  11. She's one of the hottest blogger nga. :) Hi Ate Steph, noon talaga, akala ko travel blog ang Traveliztera. Sa name pa lang kasi, pagpunta ko ang naabutan ko na eh yung weight loss posts nya. Naaalala ko nung first time ko doon sa site niya, tinanong ko pa kung pwede magsalita ng tagalog? Haha. Ang serious kasi ng tono ng post niya tapos pre english pa, parang hindi pwedeng magbiro. Nun pala, makulit din siya. Hihi.

    ReplyDelete
  12. Si traveliztera, prang si dora, mahilig mag-travel. lOL... ang swerte mo naman bino, pinaunlakan ka nya!

    ReplyDelete
  13. small world after all.. ang isang salita ang masasabi ko kay traveliztera... aka steph for the medic group whahaha... grabe no small world talaga...
    steph kailan naman tayo makikita.. whahaha :D
    hope see u in the event soon :D

    ReplyDelete
  14. @Yow - Harot lang? LOL.

    Pero, I agree! Hottest lang her ... Ahihihihi! Nakakapagtaka rin kung bakit traveliztera blogger name niya. Bakit nga ba hindi ko naitanong sa kanya iyon? Kasi, kahit kausap mo lang thru internet, you're already lost for words ... LOL! :D

    ReplyDelete
  15. sino siya? hnd ko siya kilala... pakilala niyo ko. ahahahaha

    -kikilabotz ^ _^

    ReplyDelete
  16. wow naman... si ed m l yn ba yan haha
    okay kunwari hindi ko sinabi un...

    thanks bino sa feature feature feature! :D ikaw talaga... kala mo d ko nabasa comment mo-- anong madaya??? kasama ka kaya sa nadadaanan ko... hnd lng ako nakakapagcomment ksi busy nga =(

    pero salamat ulet!

    sa mga nagcomment, salamat sa mga sinabi ninyong nakakataba ng arteries ng puso ko ... :) clogged. haha ! tito boy tlaga o!

    rereplyan ko ung mga comments tomorrow :) exams ko kasi kaya mabilisang daan muna :) pero salamat salamat salamat! <3

    ReplyDelete
  17. maganda at sobrang talented.

    pers taym kong nakita yung mga you tube videos. parang gusto kong gumawa bigla ng account at mag follow. :D

    ReplyDelete
  18. ang hot naman ni traveliztera! ^^

    ReplyDelete
  19. pinapanood ko din mga videos nya sa youtube! kewl! :D

    pareho pala tayo steph, may pagkastalker din. haha!

    ReplyDelete
  20. Yiii na-feature si Steph I'm not surprised! Kahit twice pa lang kami nagkita parang ang tagal ko na syang kakilala dahil sa kakulitan at syempre may extra projects kami na coming soon! LOL. I really admire her kakulitan and her ma-effort na projects na hindi basta-basta. Sobrang quality blogger, quality person, and quality human being si Steph and I'm glad to call her one of my blogger friends. Friendster testimonial ito!

    ReplyDelete
  21. hang ganda niya.. na follow ko na siya...

    ReplyDelete
  22. Napanuod ko videos nya sa youtube, nakakatawa yung iba at ang ganda ng boses niya! =)

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS