June 17, 2011

Dear Tatay

Dahil sa darating na linggo ay Fathers' Day na, hayaan n'yo ako'ng handungan kayo ng isang sulat ng anak para sa kanyang ama. Ito ay akda ng inyong lingkod at nailathala na din sa June Issue ng The Kablogs Journal.

Dear Tatay,

Bulaga! Kala mo di ako gagawa ng sulat para sa yo 'no? Hindi naman pwedeng mangyari na si Nanay lang ang sulatan ko eh pareho ko kayong magulang. Ganunpaman, pipilitin ko na hindi maging madrama ang nilalaman ng liham na ito. Yun eh kung kaya ko. Alam mo naman na emosyonal akong tao eh. By the way, malapit na ang araw nating mga ama. At kaya ko kayo sinulatan ay para batiin kayo ng Happy Father's Day!

Siyanga po pala, humihingi ako ng kapatawaran dahil maaga ko kayo'ng ginawang lolo. Imagine 'tay, 19 anyos pa lang ako at pagraduate pa lang ng kolehiyo ng biglain ko kayo sa balita na nakabuntis ako. Bagamat hindi ko nakita ang galit nyo, ramdam ko ang disappointment ninyo sa inyong unico hijo. Nag-alala kayong baka hindi na ko makapagpatuloy ng pag-aaral at masira ang kinabukasan ko. Ganunpaman, nakahinga kayo ng maluwag ng makita ninyo akong nagsikap na makatapos. Pinagsabay ko ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang paghahanda sa parating ninyong apo. At isang buwan na lang bago ang graduation, sinilang ang batang babae na ngayo'y nagbibigay ngiti sa ating lahat.

Maraming salamat 'tay sa suporta na inyong ibinigay sa akin at sa inyong apo. Bagamat hindi buo ang aking sariling pamilya, hindi ninyo ako pinabayaang mag-isang alagaan at turuan ng mabuting asal ang aking anak. Salamat sa pagta-tricycle ninyo, naibili ko ng gatas ang aking anak noong panahong wala akong trabaho. Salamat sa iyo at di nyo siya pinabayaan ng ako'y magpasyang magpunta ng Dubai para sa kinabukasan niya. Salamat din po sa laging pagpapasensiya ninyo sa katigasan ng aking ulo. Salamat dahil sa bawat pagkadapa ko, nandiyan kayo para muli akong ibangon.

Kung bibigyan ako ni Papa Jesus ng pagkakataon na pumili ng magulang. Buong puso ko pa rin na sasabihin sa Kanya na kayo pa rin ni Nanay ang pipiliin ko. Ang mga parangal na aking nakuha mula sa aking pag-aaral, ang mga promosyon at pagasenso ko sa aking trabaho, at ang isang magandang bahay na kakapundar pa lamang mula sa dugo at pawis ko, lahat ng iyan ay alay ko kay Nanay at sa Iyo.

Ano ba yan! Sabi ko kanina di ako magiging emosyonal eh. Pasensiya na 'tay ha. Minsan ko lang kasi kayong sulatan. Hindi ko naman kayang sabihin ang mga isinulat ko dito sa inyo ng personal dahil baka bumaha ng luha sa buong Muntinlupa. Kaya bago pa tumulo ang luha ko, sasabihin ko na lang dito ang kanina ko pa gustong sabihin:

Tatay, Mahal na mahal kita.

Ang iyong anak,
Juan

17 ang nakaappreciate:

  1. Dakilang ama...at ngayon ko lang nalaman na ikaw pala ay isang ina...kahanga-hanga ka, dahil hindi ka napatumba ng ganun pagsubok. Ako si akoni, buong pusong sumasaludo sa'yo bilang ama at opkurs isang saludo rin para sa iyong tatay...Maligayang araw ng mga AMA.

    what a great article. Keep posting!

    ReplyDelete
  2. Ganun talaga ang mga magulang may disappointment pero tatanggapin ka pa rin at tutulungan bumangon. :)

    Happy father's day sayo at sa tatay mo, bino!

    ReplyDelete
  3. isang larawan na pagiging mabuting anak at ama!

    mabuting tao kaya pinagpapala.

    ipagpatuloy mo lang .

    maligayang araw na mga ama sa ama mo at sa iyo!

    ReplyDelete
  4. Nabasa ko to sa Kablogs....

    There's always a time in our lives when we lose our way.. nagiging rebel, nakagawa ng pagkakamali, nasaktan ang mga minamahal at nagmamahal sa atin.. but the important thing is that we learn..

    Way back in college, andami kong nagawang pagkakamali. Pareho mo, alam kong nagalit ang tatay ko sa akin. BIG DISAPPOINTMENT.. pero hindi ko sya nakitaan ng galit. Actually, hanggang ngayon.. nahihiya pa rin ako sa mga mga magulang ko.. lalo na sa tatay ko.. Ang taas ng pangarap nila para sa akin. Expected na yun kasi ako yung only girl, ako pa yung bunso.. Parang, lahat na ibinigay sa akin.. tapos.. yun pa ginawa ko. Sinaktan ko sila.. Ang tanga ko lang... :( Ang hirap kasi.. Minahal nila ako nang todo, tapos yun pa ang ginawa ko..

    Ayan, naiiyak na rin ako... :'(

    Happy Father's day sa lahat ng tatay... ♥

    ReplyDelete
  5. wow! tinablan ako dito bino... nakakarelate kasi ako... hindi dahil nakabuntis ako (wish ko lang?!)

    hindi rin dahil nag dubai ako...

    lalung hindi rin dahil nagdelikado na matapos ko ang aking pag-aaral...

    nakakarelate ako... higit sa anu pa man... kasi...

    katulad mo... mahal na mahal ko rin ang tatay...

    ngayun... at nuon pa man...

    NABUBUHAY pa sha!


    (sigh)

    ReplyDelete
  6. aba tatay na pala si kuya Boy(Abunda)hehe!i mean Bino..

    touched naman ko sa sulat mo, ulirang tatay ang tatay mo, saludo ako sa kanya! you're lucky to have him as father..

    happy father's day sau, sa tatay mo at sa lahat ng tatay sa buong mundo..

    ReplyDelete
  7. Juan ba real name mo bino? nagdadalawang isip ako kung this is a little fiction o totoo na isa na pala you na ama.

    yung mga nagiging maagang ama, minsan nakakadisappoint sa magulang pero kailangan nilang tanggapin yun kasi its part of life and its part ng pagmamahal ng ama.

    ReplyDelete
  8. Maswerte din siya sa pagkakaroon ng anak na katulad mo....

    Happy Father's day!

    ReplyDelete
  9. tatay ka na ba talaga? (nagduda e noh?!)

    saludo ko sa lahat ng mabubuting tatay sa buong mundo! happy father's day! :)

    ReplyDelete
  10. ganda parekoy! happy fathers day!

    ReplyDelete
  11. I had had a hard time dealing with my dad, but still he is my father.. Cannot changed the fact.

    ReplyDelete
  12. "Kaya bago pa tumulo ang luha ko, sasabihin ko na lang dito ang kanina ko pa gustong sabihin:

    Tatay, Mahal na mahal kita."

    naluha ako dito. ang lupet.ang tindi ng tama.parang biglang bumuhus ang malakas na ulan.

    happy fathers day sa lahat ng tatay sa mundong ito.

    ReplyDelete
  13. happy father's day! Ayyaw ko magreact kasi iba naman case namin per pareho natin mahal mga magulang natin!

    ReplyDelete
  14. a big cheers to ur tatay!!!

    ReplyDelete
  15. Wow, iba ka talaga.. Nakakatuwa na grateful ka sa mga nagawa ng iyong ama, galing sa anak na isa ring ama. Galing.
    Happy father's day sa inyo. :)

    ReplyDelete
  16. Tunay na walang kapantay ang pagmamahal ng magulang, ng ating TATAY... Tnx for sharing! Happy Father's Day sa'yo BINO! God bless! =)

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS