"Paniguradong hindi na ko mabubuhay kung tatalon ako mula dito" - sambit niya sa kanyang sarili. Dinukot niya mula sa kanyang bulsa ang isang papel. Muli niyang binasa ang nilalaman ng sulat na ginawa nya habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha.
Nanay,
Sa oras na matagpuan ninyo ang sulat ko'ng ito, bali-bali na ang mga buto ko at tiyak na sabog ang aking ulo. Siguro nama'y magiging masaya na kayo dahil ang isang pabigat na tulad ko ay wala na sa buhay mo. Wala naman ako'ng nakikitang masama sa paminsan-minsan ko'ng pakikisaya sa mga kaibigan ko. Sa mata ninyo, wala na ako'ng ginawang tama. Para ako'ng nakatuntong sa numero. Bawat kilos ko, binabantayan ninyo. Hindi na ko naging mabuting anak para sa inyo. Alam ko'ng kapakanan ko lang ang iniisip ninyo pero sobra na! Sakal na sakal na ko.
Humihingi ako ng tawad sa ginawa ko'ng ito.
Rachelle
Itinupi niyang muli ang liham at inilagay sa kanyang bulsa. Buo'ng diin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi alintana ang lakas ng hangin na patuloy na humahampas sa kanyang buon'g katawan.
"Goodbye, cruel world." bulong niya. Idinipa nya ang kanyang mga braso. Handa na siyang magpatihulog mula sa gusaling yon.
"Sigurado ka na ba sa napili mo'ng desisyon?" tila nanigas sa kanyang kinatatayuan si Rachelle ng marinig ang tinig sa kanyang likuran. Dahan-dahan pumihit para makita ang nagmamayari ng boses na yon. Isang lalaki na halos kasing-edad niya.
"It doesn't concern you!" sigaw niya.
Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa kanya. "And what's your reason? Broken hearted? Freedom?"
Natigilan si Rachelle. Di niya alam ang isasagot.
Sumilay mula sa mga labi ng lalaki ang isang matamis na ngiti. Kita'ng kita ang biloy sa kaliwang pisngi. "Sa edad natin, those are the only reasons why we want to end our lives. So alin ang sa iyo?"
"Lumayas ka nga rito! Leave me alone!"
"Do you think your parents will be happy sa gagawin mo? And do you think na mabibigyan ng justice ang mensahe na gusto mo'ng iparating sa kanila? Do you think this can solve all your problems?" sunud-sunod na tanong ng lalaki.
Natigilan si Rachelle. Tila tinamaan sa mga sinabi ng lalaki.
"No one understands me. Hindi nila ako mahal." at unti-unti nang bumuhos ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
"Ganyan ang dinadahilan ng mga gusto'ng tapusin ang kanilang buhay." sabi ng lalaki. "But if you're gonna do it, huli na for you to know na maraming nagmamahal sa yo. Maraming iiyak at masasaktan kapag nawala ka. Lalung lalo na ang mga magulang mo."
Tuluyan ng natauhan si Rachelle. Bumaba siya sa kanyang kinatatayuan. Tama ang lalaking yon. Napagdesisyunan nyang hindi na muling magpapatiwakal.
"T-thank you." sagot nya sa lalaki.
"Glad you realized what I was trying to say" muling ngumiti ang lalaki
"Ano nga palang ginagawa mo dito?" muling tanong ni Rachelle.
"Wala lang. Tumatambay. Actually lagi ako dito. Binabalik-balikan ko yung nakaraan ko.. yung mga kagaguhan ko." sagot nito
"Ako nga pala si Rachelle"
"And I'm Mathew Gonzales. Matt for short."
"Taga-rito ka?"
"Medyo. Doon ako nakatira oh!" itinuro ni Matt ang bahay sa di kalayuan. "Yung blue ang bubong"
"As in? Eh di kapitbahay kita. Tabi nun ung bahay nami eh. yung orange ang bubong." sabi ni Rachelle.
"Ok. Sige na, alis na ko. Umuwi ka na at tiyak nag-aalala ang mga magulang mo. Bye Rachelle!" sabi ni Matt at tumakbo na palayo.
"Hey wait, bakit di kita nakikita--"
Hindi na naituloy ni Rachelle ang sinasabi dahil nakapasok na ng pinto si Matt. Nagtataka dahil di niya kilala si Matt kahit magtabing bahay lamang sila. Dito na siya lumaki at nagkaisip. Siguro'y bagong lipat lamang ito.
Napagdesisyunan niyang umuwi. Tama si Matt, nag-aalala na ang kanyang ina.
"Saan ka galing Rachelle? Gabing gabi na ah. Alalang-alala na ko sa iyo. Di mo man lang sinasagot ang tawag ko." ang sabi ng kanayang ina.
Mahigpit siyang yumakap sa kanyang nanay at muling umiyak.
"Nay, I'm sorry. Di ko po kayo dapat sinusuway. Patawarin n'yo po ako."
"Ano ba'ng nangyayari sa yo anak? Tumahan ka na. Hindi naman ako galit"
"Wala po 'nay. Nanggaling po ako sa 18th floor ng abandoned building sa kabila. Then nakilala ko po si Matt. Kapitbahay daw natin siya pero ngayon ko lang siya nakita eh. Dun daw po siya nakatira sa katabing bahay natin. Kilala nyo po ba yun?"
"Matt? Matthew Gonzales?" gulat na tanong ng kanyang ina.
"Opo. Bakit po? Kilala nyo po siya?"
Bilang sagot ay nagtungo ang kayang ina sa sa damitan nito. Kinuha ang isang kahon na naglalaman ng mga litratong pinaglumaan na ng panahon. May kinuha ito'ng partikular na litrato at ipinakita sa kanya.
"Ito ba ang lalaking nakita mo anak?" tanong nito sabay abot sa kanya ng larawan.
"Opo. siya nga po. Pero luma na po iyang picture nay. Bakit may litrato niya kayo. At di ba po ito'ng katabi niya eh kayo nung highschool days nyo?"
"Si Matthew Gonzales, ang first love ko nung highschool. nagpakamatay siya doon mismo sa gusali na pinuntahan mo."
Tumaas ang balahibo ni Rachelle sa batok. Bigla siyang kinilabutan. Muli niyang tiningnan ang larawan. Ibinaling niya ang tingin sa kanyan ina at nalaman niyan hindi lang pala siya ang nag-iisang... Tulala.
Ngiinniiggg... scary naman.. awoooo.. but totally a nice story...
ReplyDeleteIsa sa magandang blog na nabasa ko dito sa damuhan, kaya normal ang storya, kakadala ang pagkasulat mo...bawat sambit ko sa salita ay nagkakaroon ng larawan sa akn isip...Para lang akong nanonood.
ReplyDeleteAstig to...keep it coming...
Kahit normal lang at simple lang ang story, nakakadala parin dahil sa pagkakasulat mo.
ReplyDeletesabi ko na nga ba e, ghost yung matt pero di ko inakalang classmate ng nanay ni rachel yung ghost na tumulong sa girl na marealize na di solusyon ang pagkakamatay.
ReplyDeleteat marahil dahil sa pagmamahal ang reason why nagpakamatay si matt.
waaah pwede bang dugtungan ang kwento!? haha anak ba ni Matt si rachelle? hihi kase baka may nangyari sa kanila ng nanay nya nung HS pa sila lels!
ReplyDeletenanlaki naman ang ulo ko at ,mejo nanginig yung pakiramdam ko...
ReplyDeletehindi talaga solusyon ang pagpapatiwakal kahit kelan...
ganda ng kwento..
LIKE!
Akala ko matutuloy magpakamatay si Rachelle. Buti na lang pinigilan ng ex ng nanay niya.
ReplyDeletepare, pwedeng pwede ka na gumawa ng isang libro, ayos ang pagkakakwento mo, mabuti at umaga ko to binasa. LOL Nice story pare.
ReplyDeletenanlamig ako bigla, tumaas ang balahibo, nakakapangilabot :D
ReplyDeletemagaleng pre. nakakapangilabot habang nagbabasa. bagamat may mga maling spelling (halimbawa buildong), ayus ang pagkakahabi ng storya.
ReplyDelete\m/
walang hiyang matthew, bkit pa pinigilan ang Rachelle na yon, ibigay sa tao ang gusto niya, kong saan siya maligaya supurtohan.. hahaha!
ReplyDeleteang galing mo bino! parang nanonood lang ako sa isang tv show.. magaling!!!!!!
good morning!!!
naks naman! kaya pala ang daming alam nung lalaki about consequences ng pagpapatiwakal kase nagawa na nya. ayaw na nyang may susunod pang iba sa nagawa nya.
ReplyDeleteang galing kuya bino :D
nakakata-kyut.. maganda at magaling ang pagkakakwento.. sana may part 2!! parang sa movie premieres lng.. LOL ;)
ReplyDeletehangaling nomon!
ReplyDeleteang angang pang-halloween neto!
:)
creepy.. pero gusto ko yung gulat factor... hehehe
ReplyDeletesa totoo lang kinilabutan ako nun ending na...
ReplyDeletekakatakot pala magpakamatay, madeadlak na lang makakakita ka pa ng multo hano?
ano kea hitsura ni mark? maputi kea? matangkad? gwapo?
im sure diko na malalaman, ayaw ko magpakamatay na may makikita muna multo...
nice bino.. thumbs up for this.. super like!
Ang ganda. ng kwento. Naiisip ko rin yong tatay niya na ba si matt bakit nagpakita ito sa kanya.
ReplyDeletemadami kang pweding maiisip na karugtong sa kwentong ito.
at buti nalang hindi natuloy! galing talga parekoy! ahhaah writer ka na!
ReplyDeleteYehey. Di ako na-scared. Nahulaan ko na kasi na nagpakamatay yung Matt na yun. Yabang ko noh? Pero in fairness, kung nangyari sa aking yun siguradong magiging tulala din ako.
ReplyDeleteIsa pa, maganda ang kwento hindi dahil sa may twist sa ending kundi sa aral na hatid nito. Temporary lang naman ang problems pero ang buhay pag nawala permanent na. Absence. Wala ng life. :D
bino ang galing ng story. hehe . nakakapanabik basahina ng ending ^_^
ReplyDeleteWow. Sabi ko na patay na si Matt pero di ko naisip na perslab pala siya ni Nanay. Haha. So naghiwalay si nanay at matt kaya nagpakamatay siya? Brokenhearted nga.
ReplyDeleteAng galing. Ikaw naaa!
Nice story , short pero naglalaman ng katotohanang nangyari sa mundo , mga problemang kinahaharap ng isang teen na dapat ay matuto nyang harapin kahit walang tulong ng multo o sinuman .. Salute :))
ReplyDeletehala mumu......buti di sya itinulak...hehe joke!
ReplyDeletemagaling magaling magaling!
ang tawag dito ay death defying post! ang GALING.. Publish mo na kaya?
ReplyDeletesayang di nagpakamatay...wehehe. joke lang :)
ReplyDeletenice post po ^^,