June 3, 2011

Libangang Bata

Hindi na talaga maiiwasan ang mabilis na pagbabago. Nakarating na ang tao sa buwan. Iilan na lamang ang walang kuryente sa bansa at halos computerized na ang bawat takbo ng buhay. Isang malaking kontribusyon ng teknolohiya. Binago nito ang pamamaraan ng pamumuhay ng bawat pamilya.

Ganun na rin ang buhay ng bawat bata.

High-tech na ang mga laruan nila ngayon: PSP, PS3, Xbox (actually toys for the big boys din yan hehehe). High-tech na rin ang mga laro'ng alam nilang laruin gaya ng DOTA (nilalaro ko rin yan eh hehehehe). May mga sariling account na rin sila sa Facebook at Twitter. May mga e-books na rin at tablet PCs para sa kanilang pag-aaral. At kahit ang 4-year old na chikiting ay marunong na ring gumamit ng cellphone!

Pero gaano man ka-high tech ang buhay ngayon, minsan, gusto ko din ipakita sa kanila ang mga naging libangan ko noo'ng ako'y musmos pa lamang:


- Alam n'yo ba ung bulaklak na santan? May matamis na nektar yun sa gitna. Lagi ko'ng tinitikman yung nektar na yun. Pagkatapos tikman, ginagawa ko namang elesi yung bulaklak gamit ung manipis na hibla ng santan. (hindi ko maexplain kung paano eh. Sensya na) Halos maubos yung mga bulaklak ng tanim na santan ng lola ko.

- Libangan ko din yung pinitpit na tansan na lalagyan ng dalawang butas sa gitna. Doon mo isusulot yung sinulit. Pagkatapos nun, pwede mo na syang paikutin. Medyo delikado nga lang kapag napatid ang sinulid at tumalsik yung tansan sa mukha mo. Sirit ang dugo!

- Nagpapaikot din ako ng lumang gulong sa kalsada. Ideal dito yung gulong ng bisikleta. Sobrang effort naman kasi kung gulong ng bus ang gagamitin. Dahil may lugar sa amin dati na pababa, masayang pagulungin ang mga ito. May karera pa nga kami dati. Ang maunang sumubsob ang mukha dahil sa paghabol sa gulong, talo!

- Usung-uso pa sa amin dati ung mga lata na ginagawang sasakyan. Ang katawan at gulong nito, lata. Instant toy car!

- may tinatawag din kaming laro sa goma na "dampa". Pagdidikitin mo ung mga palad mo tapos ihahampas mo sa sahig para lumikha ng pwersa na tutulak sa goma papuntang finish line. Masakit siya sa kamay. Pramis!

- Gamit naman ang mga kaha ng sigarilyo, gumagawa kami noon ng elesi. Wala ring effort sa pag-ihip dahil likas na malakas ang hangin dati dahil bihira pa lang ang mga bahay. Yung mga ayaw naman ng elesi, ginagawa ng mga tito namin ng saranggola gamit ang lumang dyaryo. Bihira pa ang plastic bags noon.

- Nakiuso din ako sa paglalaro ng teks na may drawing ng mga eksena sa pelikula. Nag-evolve ung teks sa pogs na inintroduce ng Coca-cola dati. May mga koleksiyon din ako ng mga slammers. Yun ang dapat ihahampas sa pogs kaso nakakapanghinayang dahil maganda kaya di ko ginamit. Itinago ko na lang.

- Wala naman sigurong bata ang hindi nakaranas maligo sa ulan. At kasabay ng pagligo sa ulan ang pagpapalutang ng mga bangkang papel. Karir ang pag-gawa ng mga bangkang papel gamit ang mga lumang dyaryo. Dapat hindi masyadong malaki para makasingit sa mga kanal ang bangka mo. Di rin pwedeng masyadong maliit dahil madali itong lulubog.

- Kapag tag-araw naman eroplano'ng papel naman ang pinagkakaabalahan namin. Mayroon pa nga tinatawag na "bat plane" dahil hugis paniki ang pag-kakagawa. Loser ka pag ang ginawa mo'ng eroplano ay hindi man lang makalipad kahit isang segundo. Yun ba'ng kahahagis mo lang eh tusok kagad sa lupa. Minsan ginugupit namin ung buntot ng aming mga eroplano para mas gumaaan. Nirorolyo pa namin ng konti yung pakpak para may "paikot effect" ang lipad nito.


Natitiyak ko na ang ilan dyan ay kasalukuyan pa rin'g ginagawa ng ilang mga paslit ngayon. Magbago man ang takbo ng panahon, dahil sa tulong ng mga salin-lahi, mananatili pa rin kahit paano ang mga ganitong libangan. Napakasarap balikan ang panahon'g ito. Higit sa lahat, napakasarap maging isang bata.


32 ang nakaappreciate:

  1. two words "Masarap maging bata" three words pala. Pogs < dito ako nalulong sa bisyo na ito..hahahaha.ubos ang baon ko sa kakabili..

    Great post, i love reading your blogs.

    ReplyDelete
  2. ang eroplano ang fave ko. eto yung paubusan ng papel na nasa bag. kahit may sulat na ay itutupi at paliliparin. may iba ibang design katulad ng paniki, jet, ordinaryong airplane. Tapos minsan kinukulayan din ng ballpen para may design. hahahha. memories of the past... sarap balikan

    ReplyDelete
  3. mas masaya talga ang mga laro noon. pagpapawisan ka. di tulad ngayon puro technolohiya na. kaya mahihina ang mga resistensya ang mga katwan nila ngayon. puro radiation na.


    sa probinsya nalng siguro nangyayari ang mga ganito ngayon. yung hindi pa msyado naabot ng technolohiya.

    ReplyDelete
  4. haha alam ko to lahat!! ^^ ganyan nga ang mga laro nugn panahon natin! wahahah. sa text ang dami kong naipon!! plastic plastic! tapos pag nanalo ka mamimigay ka isasabog mo! taragis! ung tansan na may sinulid pwedeng ipang laban sa kalaro mo! unahan makapigtas ng sinulid hehe!!

    SALAMAT sa pagbabalik ng mga ala-ala! da best talaga nun!!! mas gusto ko dati!!!

    ReplyDelete
  5. Sir bino nakakarelate ako... pero mukhang nalimutan mo or baka lingid sa iyong kaalaman yun about sa mga rubber bands?

    saka pinagbalatan ng candies... na parang denominations ng perang papel. kanya kanyang value yun kulay pula na balat P50, yun violet P100 naman.

    saka yun sa rubber bands, meron kame 2 pcs ng coin at may taya o pusta kung ilang rubber bands, then ihagis pataas yun coin pag pareho head talo ka, pag pareho tail yun panalo ka...

    na try mo ba mga to?

    ReplyDelete
  6. i love this post bino, ang sarap sariwain ang ating kabataan.. ang sarap maging bata..

    kami chiness garter ang madalas namin laruin.. taguan, bahay-bahayan at patentiro..

    ang hnd ko lang naranasan sa sinabi mo ay maligo sa ulan, huhuhu..:( sayang hnd ko naranasan yon.. hnd ako pinapayagan ng nanay ko maligo sa ulan.

    ReplyDelete
  7. alam mo rin pala yung dampa, gawin din namin yan nung mga bata pa kami. tapos pati pinto ginagamit din namin ibabato yung rubber band sa pinto tapos kapag may napatungan yung rubber band na ibinato mo, sayo na yun.

    Pati pala yung maligo sa ulan naranasan ko rin pero yung iba na nabanggit hindi ko yata nagawa nung bata pa ako.

    ReplyDelete
  8. Oo nga. masyadong techie generations ngayon ha. Talo pa tayo.

    hindi lahat pero may iba sa sinabi mo na relate na relate ako.

    Yung pinapaikot ang tansan ginagawa ko yun kahit na minsan ay ayaw ng parents kasi delikado daw pero iba talaga pag matigas ang ulo. haha

    Yung goma, nagkocollect ako pero di ako sumasali da classmates ko sa pagdadampa, Tinatali ko lang yung goma ko at ginagawang chain, inggit pa sila kasi mahaba yung chain ko. haha

    Hindi ko na naabutan yang version ng teks na sinasabi mo. Ang sa time namin, ang madalas meron ay yung sa dragonball z, ghostfighter, pokemon, at slam dunk.

    Tamah! Barkong papel. Nagkakarera kami niyan sa skul. Tapos, pinapagalitan kami ng titser kasi sa kanal namin ginagawa. hahaha

    Ako rin. loser much ako sa paper plane na yan.

    ReplyDelete
  9. halos lahat pare naranasan ko noon, lalo na yung bangkang papel at eroplano, sispsipin ang santan, at yung palobo ng gumamela...

    MOKS

    ReplyDelete
  10. Hehehe, Ang hilig ko nuon, luksong baka, putbol, taguan, taching runner ba yun? syato, lolzz kakamiss :D

    ReplyDelete
  11. madami akong rubber band noon... dampa rin ang tawag sa amin.

    ReplyDelete
  12. Bino, sa mga probinsiyang malayo pa sa kabihasnan tulad ng aking kinalakihan walang signal ang mga network.Ganyan pa rin ang mga larong bata. Mapalad ang mga probinsiyang ito.

    gawain ko rin ang tansan,bankang papel,eroplanong papel ang ang gulong.

    ReplyDelete
  13. ganyan din ang mga laro ko dati. natatawa ako kapag naiisip ko na may mafia rin sa likod ng mga larong pambata. kasi naman, tanda ko. kung kelan ako maraming text at jolen noon, saka ko malalaman na iba na pala ang uso.

    hindi ko talaga alam pero magugulat ka, yung uso sa isang bayan, yun din yung uso sa kabila. tingin ko talaga may mafia. hahaha!

    ReplyDelete
  14. magaling ako gumawa ng eroplanong papel.hahaha namiss ko tuloy maglaro noon...

    ReplyDelete
  15. ahahha! talsik ang dugo! haaay... oo nga mas maganda yung dati kesa ngayon..kasi lagi akong nasa labas ng bahay at nakikipagbangayan sa mga kalaro kong madadaya! haha! tas amoy araw na naging nognog na ako! pero masaya...

    haay...anak ko ngayon eto nkakatutok sa pc maghapon..lahat na nga gadget meron na sya! no choice wala naman playground dito kung di mo sasadyain sa park...

    ReplyDelete
  16. Ay!!! Alam ko yung sa tansan! Mahilig din ako nun dati eh.Grade 4 yata? Or Grade 5 or 6? Basta, bata pako nun! Hehe.. Ang saya lang, kasi kapag todo spin ang tansan, feeling proud and powerful na rin ako. Delikado nga lang. hehe.. Lalo na kapag super nipis na yung tansan.. parang nagiging kutsilyo na. Swerte pa rin na kahit kada araw yata, eh naglalaro ako nun, hindi naman nagkaroon ng aksidente.. like naputol ang sinulid at tumalsik ang tansan sa kamay o sa mukha ko. Eeeeek!!!

    Naalala ko nun, yun ang ginagawa kong "kutsilyo" kapag gumagawa kami ng bubbles gamit ang gumamela at konting sabon. hehe.. Or minsan rin, yun ginagamit ko "gunting" para makagawa ng 1/4 paper out of the 1/2.. hehe..

    Di ako nakapaglaro ng latang toy car o nakapagikot ng lumang gulong ng bisikleta. At.. hm... parang hindi rin yata ako nakapaligo sa ulan. Loser lang. hehe.. Kasi, masyadong strikto yung LOLA ko.. ayaw na naliligo ako sa ulan o nakikipaglaro sa mga bata sa labas ng bahay. Tsk. Wala pa kasing commercial ng NIDO noon eh. "I get stinky. I get dirty, but see, I learn!"

    Kapag nasa bahay naman, kalaro ko mga Kuya ko.. yung mga miniature cars nila tsaka yung mga small soldiers.. Gagawa raw kami ng battle terrain sa likod bahay. Madalas sa garden ni mother dearest. hihi.. Parang DOTA lang. Haha.. Tatlo kami, magkakalaban. Syempre, ako lagi ang panalo. Umiiyak ako kapag talo eh. bwahahaha!! One of the perks of being the youngest. LOL

    Dun sa baryo namin, marami pang mga batang naglalaro ng mga ganitong laro.. at ngayong tag-ulan, andaming naliligo sa ulan. Kakainggit! LOL.. Ang sarap nga talaga maging bata. Kung meron lang time machine, babalik ako grade school days ko. :)

    Ay!! Napasarap ang kwento. Wahihi!! Blogpost!!

    ReplyDelete
  17. Parang lahat ata to nagawa ko din nung bata ako. Pero di pa naman ako ganun katanda. Defensive talaga? Hahaha. Pero hindi ata dampa tawag sa amin dito nung laro sa goma. Nalimot ko lang kung ano. Haha

    ReplyDelete
  18. Waah namimiss ko ang pagiging bata :(

    ReplyDelete
  19. Sakto! Tumpak! Swak na swak! Agree ako dito
    Masarap maging bata
    Masaya maglaro sa ulan (na nakahubad- walang malisya dati, ngayon meron na.. lels)
    Nilalaro ko lahat yan
    Natawa ako dun sa gulong.
    Try mo gulong ng eroplano.
    Hahaha. Masaya maging bata.
    Tama ka dyan!

    ReplyDelete
  20. Nakakamiss nga ang mga larong yan. Pero ang talagang nami-miss ko ay yung patintero kasi doon ay lagi kong tinataya yung crush ko (hihihi!).

    Pinoy Football din masayang laruin, yung pagugulungin papunta saýo ang bola tapos sisipain. Pag nasalo ay out.

    Di ako mahilig sa luksong-baka kasi takot mabalian ng buto. Holen, turumpo, tatsing, monkey-monkey anabelle, langit-lupa-impyerno at kung ano-ano pa. Masaya na basta nandyan ang mga kalaro. Kaya ang friendship noon ay iba sa friendship ngayon kasi may bonding talaga noon.

    ReplyDelete
  21. lahat sa nabanggit ay nagawa ko nung bata... except dun sa magpaikot ng gulong at dun sa kaha ng sigarilyo na nggiging elesi.... may plastic balloon pa din ngayon kaso bihirang bihira na ako makakita...

    ReplyDelete
  22. parang bigla ko tuloy namiss kabataan ko.. pero puro larong pinoy naman kame noon.. hindi kame creative... lol.. at tsaka hindi pa rin uso mga computer games noon.. except xa family computer... :)

    ReplyDelete
  23. ayos! fave ko rin ung teks pero dapat sailor moon tsaka ayokong nilalaro sia--kinokolek ko lang haha! tpos oo nagpapaikot din ako ng mga gulong tsaka ung sa goma--hahahhaa oo gawain ko rin un. sakit sa kamay pero ayos! ayoko talaga nung nectar ng santan. lasang damo. o baka marumi lng tlaga ung natikman ko hahahhaha

    ReplyDelete
  24. nakakarelate ako! 90's baby ka rin ba?! hahaha. 1992 kasi ako eh. dyuk!

    pero seryoso, namiss ko yung ganitong klaseng laro at gawain nung bata pa ko. lalo na yung dampa at putulan ng pisi gamit yung flat na tanzan.

    mas gusto ko ang buhay noon kesa ngayon.. :-/

    ReplyDelete
  25. Oo, paborito kung yung nectar duon sa stem ng Santan flower, kaya lagi akong namimitas sa school, matamis ito at libre pa, hehehe! Tnx sharing, Bino! =)

    ReplyDelete
  26. 'yung mga bata sa mga linang na lang ang gumagawa niyan at yung mga nakatira sa shanty houses. yung mga nasa subdivision, hindi na nakakapaglaro ng mga nilalro dati ng mga bata. mas type nila ang psp at computer. :P tapos lumelevel up din yung ibang laro like "sak-sak puso tulo ang dugo" now, instead na saksak puso tulo ang dugo, "sira-ulo, tarantado" na nung mga bagets na nadaan ko yesterday. hehe

    ReplyDelete
  27. Masarap maging bata muli kasi walang pressure sa buhay hehehe...

    ReplyDelete
  28. miss my childhood days..

    dugyot nga lng minsan :D aii lagi pla :)

    ReplyDelete
  29. miss my childhood days..

    dugyot nga lng minsan :D aii lagi pla :)

    ReplyDelete
  30. hello po...just wanna ask lang po if kayo po ba ang original na may gawa ng blog na ito.im.just wondering kasi may nabasa akong ganitong ganito sa isang page dati at sinabihan ko syang COPY PASTE nga mula dto ang pinost nia.which is kinagalait nya at sinabing bakit d ko daw ikumpara ang date ng pagpost nio at pagpost nia...
    na ang ibig nyang sabihin e kayo po ang nangopya sa kanya...

    i want to prove kung sink ngayon ang sinjngalkng samin...

    thank you po if u will entertain my question.

    ReplyDelete
  31. @anonymous


    sariling likha ko po tong libangang bata. base po yan sa karanasan ko. kung meron mang po'ng pagkakahawig sa ibang otor, ala po yan sa date ng post dahil ito ay mula sa sariling karanasan ko. hindi lang po ako ang naging bata at nakaranas ng mga libangang yan

    ReplyDelete
  32. tanx po for d reply...

    ang blogs po na pinost nia ay exactly the same ng nasa taas:
    which is of course sasabihin kong kinopya nia dto...
    which is ayaw nyang aminin...
    dis is wat he replied nun sabihin kong sa inyo galing ito:

    anong site yan? baka yan pa ang komopya sa site. mar nakakatawa.. hahahahha malalaman natin.

    dapat may website. oras ng post. at kung sino ang nagpost.. 
    wala ring taytel?...
    yun ang linawin mo..


    naalala ko yan. magbasa ka sa website na binigay ko.. ung dalawa. at malalaman mo kung sino ang naunang magpost. magkaroon ka ng comnparison.. sa oras at araw. 
    makikita mo kung sino ang nangopya sa kinopyahang idea!..


    datz it po...bilib ako sa mga gawa nio pero nakakawindang naman ng utak na sabihin nyang kayo ang kumopya sa kanya...


    salamat and may godbless u

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS