Nakakuha din siya ng special award sa ikalawang Saranggola Blog Awards. Tinanggap naman ng kanyang tiyahin ang nasabing parangal.
Isa'ng karangalan ang maitampok siya dito sa Damuhan. Ngayon pa lang, nagpapasalamat na ko dahil sinagot niya rin ng buo'ng puso ang mga tanong ng kapwa blogero. Kilalanin natin si Dahn.
Pangalan/Alias:
Dahn Jacob/ Animus, taga-bundok, Nuno, Daneru (Pseudonym, Bubuli, Jajah Collins, dan3ru, Ellipsis_1 - mga dating alias na ginamit ko sa mga dati kong blog at depende sa tema ng mga posts na binibisita ko.)
Blog Name at URL:
Animus: Anonymous Sanctuary (Patpating Talinghaga) - http://dahnjacob.com
Putohan: Putonggala ni Dahn - http://putohan.dahnjacob.com
Titik Ninuno: Baybayin ang Titik ni Nuno - http://titikninuno.dahnjacob.com
Scratch Pencil - http://scratchpencil.tumblr.com
Pixels & Letters - http://my.opera.com/daneru
_____________ - http://_________.wordpress.com (Anonymous blog ko. :p)
Lokasyon: Salmiya, State of Kuwait
Edad: Turning 29 this September (Asahan ko regalo nyo, iba pa yung picture greeting. Hehe...)
Civil Status: Hot and fresh off the grill. Eat all you can. :p
Personal Questions:
Bino:Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.
Dahn: Hmn, pitong taon ng OFW dito sa Kuwait pero hanggang ngayon wala pa ring ipon. Dating naglalako ng encyclopedia at malamang nakatok ko na ang pinto ng bahay niyo at isa ako sa mga ipinagtabuyan ninyo. Nagka-syota na umabot ng dalawang oras at for the record tatlo lang ang naging girlfriend, hindi na kasama ang fling. Nanalo dati sa isang game show/portion ng Eat Bulaga. Quasi-activist. Taga-timpla ng kape at taga-hugas ng baso. Wala naman gaanong pinagkakaabalahan - 1) Gising. Ligo. Trabaho. Tulog. 2) Gising. Ligo. Kain. Tulog. 3) Gising. Ligo. Internet. Tulog. 4) Gising. Internet. Gising pa rin. 5) Tulog. Yan lang naman options ko. Walang naman matambayan. Nakalimutan ko pala isama ang 6) Laklak (kahit bawal dito). Hati naman kasi ang pagkatao ko sa mundo ng blog, madali kong ihiwalay yung mabait na ako sa seryoso, sa sira-ulo at sa bastos (pilyo lang pala). Sa totoong karera ng buhay, kumplikado.
Bino: Kailan at paano ka nagsimulang mag-blog?
Dahn: Nagsimula akong mag-blog nuong 24th of August 2004 sa Tabulas. Kung paano, ah... dahil ata naligaw ako sa website na yun. Tapos napunta ako sa Friendster blog, Multiply, MySpace, Blogspot, Opera blog, Wordpress, Blogstery, Blog.com. Ewan ko. Yun nga ata. Di ako sigurado pero malamang ganun na nga. Pero, kung blogging na ang pagsusulat sa mga pira-pirasong papel, tissue at likod ng notebook, baka duon ako nagsimula.
Bino: Bakit mo naisipan na pasukin ang mundo ng blogging?
Dahn: Para lang may online archive yung mga poems, unsent letters at kung anumang shit meron ako. Kalaunan (August 2009), dito ako nagseryoso mag-blog kaya sa tingin ko dito ko talaga napasok ang blogging. :D
Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag. Kung hindi ma'y magbayad ng 1 libong piso. Joke lang!
Dahn: Sabi nila jokes are half-meant. Kaya, seseryosohin ko lang 'to ng kalahating porsyento. Haha. Biro lang. Yun na nga, kung may hinahangaan man ako yun ay dahil sila rin ang dahilan kung bakit talaga ako nagseryso mag-blog. Kailangan pa bang pangalanan? Sigue na nga, si J. Kulisap (http://jkulisap.com), Salbehe (http://salbehe.com) at Ian Austria (http://emotero.com). Oo, tama kayo ng pagkakabasa kasama talaga si Salbehe sa mga nabanggit ko. Kahit na barubal yang babaeng yan, ubod pa rin ng busilak ang kaluoban niya. Si Kulisap, wala ng paliwang pa diyan baka masobrahan na siya ng popularidad (Joke lang, labs kita Kulas). Si Ian Austria, una kong nakilala yan sa MJOY (mobile chat) hanggang sa mabisita ako sa Friendster blog niya, may angking husay sa wikang taal kung kaya't nagkaruon ako ng ideya na gumawa ng Tagalog blog. Sa ngayon, marami na rin naman akong hinahangaan pang iba. Iba't-ibang dahilan. Ang maging inspirasyon ang kapwa blogero ay patunay lamang na magkakaiba man ang kanilang panulat ay may nakatago pa ring yaman sa akin na dapat kong linangin.
Bino: Kung may hinahangaan ka'ng blogero, mayroon ka ba naman'g kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
Dahn: Siempre naman meron. Kahit saan hindi mawawala yan. Kung hindi ikaw o sila, eh di ako. Sarili ko. Seryoso, meron. Pero dahil may karapatan silang kainisan, yun kasi ang pinupunto ng blog nila. Ang mainis sa kanila at pakatapos, iiwanan ka ng tanong sa sarili kung bakit nga ba? Simple lang naman ang sagot. Para mag-isip ka ng mas malawak, mas malalim at maging mapanuri sa bawat emosyon na dumadaloy ng sa ganun sa susunod alam mo kung paano sila aatakihin o iiwasan ang ganung sitwasyon. Pero kadalasan, kakitiran lang talaga ng utak ang dahilan. So far, wala naman talaga. Dapat maging open-minded na lang.
Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Dahn: Ano nga ba? Kung pwedeng isama ang mapagsasabihan ng sikreto yun malamang ang isa sa pinakamagandang karanasan ko. Sa kadahilanang di ko naman sila (blogger) kilala ng husto pero buong-buo kong naipagkakaluob ang dirty secrets ko at nabibigyang payo pa ako sa mga suliranin na walang halong bias. LOL. Maliban diyan, ang pagkakapanalo ko sa PEBA 2010. Ito na ang pinakamagandang regalo ko sa aking ina. Basta. Mahabang istorya.
Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Dahn: Wala. Kahit naman kasi pangit yan, positive pa rin ang tingin ko. Ganito kasi yun para sa akin, may pinakamaganda, may mas maganda, may maganda, mayruon ding di-kagandahan, may medyo maganda at meron din namang hindi talaga maganda. Pero walang pangit. Gets? Lahat ng pangyayari maganda, depende na lang kung paano mo titignan yung sitwasyon. Dun mo na lang aalamin kung paano mo lalampasan.
Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag
Dahn: Lagi. Marami akong gustong i-blog pero nauunahan ako ng katamaran, antok o kaya walang pumapasok sa kukote ko at walang kohesyon ang pinagsusulat ko. Kung wala sa draft, sa trash bin napupunta ang post.
Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?
Dahn: Hanggat may ideya ka, magsulat ka. Kesehodang walang mag-comment ang mahalaga masabi mo ang nais mo. Darating din ang panahon para sa'yo. Dahil diyan ipo-promote ko ang isa kong post na pinamagatang "Ako ang Blog. Ang Blog ay Ako (http://dahnjacob.com/2010/11/ako-ang-blog-ang-blog-ay-ako-para-sa-adbokasiya-ni-pafajex/).
Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa iban'g lahi?
Dahn: Versatile ang Filipino Bloggers. Pero di ko naman sinasabing hindi ang foreign bloggers, may kanya-kanya lang silang expertise. Ang Pinoy kasi, lahat na lang nagagawang i-blog kahit na kababuyan pa yan o banal at anumang in-between. Yung Pixels & Letters (http://my.opera.com/daneru), united nations ang mga ka-blog ko dun. Kaya masasabi kong pagdating sa interaction at talastasan ay halos walang pinagkaiba.
Bloggers' Questions:
Xander: Nanalo ka sa PEBA last year sa dahil sa akda mong "Ang Bakal na Ibon sa Himpapawid". Ano ang pakiramdam ng nabigyan ka nang ganitong pagkakataon? pano nabago ang buhay mo bilang isang blogero? Ano ang naidulot nito sa pag boblog mo?
Dahn: Ang maging bahagi pa lang at kalahok ng PEBA ay karangalan na. Aag tanghaling nagwagi sa patimpalak na yaon ay higit pa sa inaasahan ko. Isa na marahil sa mga pagbabagong dulot nito ay ang makilala ako at magkaruon ng mga kaibigan sa labas ng iniikutan kong circle of bloggers. Kasunod naman nito ang bigla kong pagkawala sa blogging (dahil nasira ang laptop ko, natanggal ako sa trabaho at isang buwang nakatambay sa Kuwait, naputulan ng internet dahil walang pambayad - lahat ito nangyari same month nung nanalo ako) kung kaya't sa halos limang buwan na di-aktibo, masasabi kong walang halos nabago sa akin bilang blogero maliban sa una ko ng nabanggit. Sa pagbabalik blogging ko, medyo nangapa lang ako sa mga dapat kong i-post kasi alam na ng aking mga kamag-anak yung website ko (hindi na ako makapag-post ng medyo personal baka mag-alala sila at tulad ng post kong may titulong "libog" (http://dahnjacob.com/2009/11/libog/), "poki" (http://dahnjacob.com/2009/10/kumakain-ka-ba-nang-poki-poqui/) at anumang may temang green. LOL. Hindi naman ako masyadong nagpo-promote ng mga old posts. Haha! :p
Leah: Pet lover ka ba? If so, which do you prefer, cats or dogs?
Dahn: Oo. Dogs. Trivia: Yung babae kong aso pinangalan kong Ki-u (binaliktad na Uki - ari ng babae, wala yan halong kabastusan ah.)
Leah: Kung meron kang isang milyong piso, saan mo ito gagamitin? At bakit?
Dahn: Para sa pagbabalik-eskwela para kumuha ng Educ. Para sa kumikitang kabuhayan habang nag-aaral. Para sa pagpapatayo ng eksklusibong paaralan para sa mga kapus-palad. Siempre, yung iba iimpok sa banko para palaguhin at mapakinabangan pa para sa makabuluhang pamamahagi, hindi ng salapi kung hindi ng kaalaman. Bibigyan na rin kita ng porsyento ng premyo sa ilang kondisyon. LOL
Leah: What's your biggest pet peeve?
Dahn: Those who doesn't accept their fault or mistakes. Communication is two-way, so every time there is a misunderstanding it concerns both parties. It couldn't just be you or me. I would humbly accept my fault and apologize so we could start a better conversation. I'll share another post, "Misunderstanding. Misinterpretation."( http://dahnjacob.com/2010/08/misinterpretations-misunderstandings/) :D
Jkulisap: Sino si Danilo sa isang salita lamang?
Dahn: Balon.
Moks: Nung napaupo ako sa Hot Seat last Week, duon ko lang kita nakilala at follow sa twitter. Ang tanong ko, Awkward bang malaman ng pamilya mo o barkada mo na may blog ka? Open ba ito sa lahat ng kaibigan mo bukod sa bloger friends mo.?
Dahn: Awkward talaga na malaman nila yung blog ko kaya may iba pa akong blog. Yun din ang reason kaya di ako gaano makapag-post ng medyo personal baka mag-aalala sila at medyo green baka kasi mabastusan sila, santo kasi ako sa pamilya. LOL. Ngayon open na sa kanila yung Animus, pero buti na lang at yung ibang blog ko ay anonymous. Minsan kapag nagko-comment ako, nagpapaka-anonymous din ako. Nakakaramdam din ako ng awkwardness. Feeling close kasi ako minsan. Maidagdag lang. Haha. :)
Iya_khin: may nakapagsabi na ba sayong kamukha mo si Wally ng Eat Bulaga? sinong mas gwapo sa inyong dalawa?may magpapatunay ba?
Dahn: Wala pa namang nakapagsabi. Pero may isang napagkamalan na ako. IKAW! Hindi ko siya kamukha. Hindi naman dahil mas hamak na gwapo ako... hehe, pero di naman kasi ako kalbo. Eto lang, nasabi na sa akin dati ni Anjo Yllana na kamukha ko si Michael V. Pero, ayoko pa rin maniwala. Walang taong magkamukha, magkahawig meron pa. :p
Bon: Kelan mo nalaman o na confirm sa sarili mo na isa ka ng ganap na Blogger?
Dahn: Napagtanto kong ganap na akong blogger nung natuto akong makihalubilo sa kapwa blogger. Nung natuto akong hindi lang naman umiikot sa mga tinitipa ko ang blogging kung hindi sa lahat ng blogista. Nung nagkaruon ako ng hinahangang blogger at mapabilang na inspirasyon sa iba para magpatuloy na magsulat.
Charlie Lord CM: Pagkatapos mong manalo sa PEBA 2010 at ma-feature sa iba't ibang blog ang emosyonal na pagtanggap ng award ng iyong mabuting Ina, ano-anong nagbago sa buhay nyong mag-ina(kung meron man)?
Dahn: Naging instrumento ang PEBA upang mas mapagtibay namin ang relasyon namin bilang isang pamilya. Bagamat hanggang ngayon, magkakaibang landas pa rin ang aming kinaruruoan, mas naunawaan ng dalawa ko pang kapatid ang sakripisyo ng aming Ina para sa amin. Sa aking Ina, lalong humigpit ang paniniwala at pasasalamat niya sa Dakilang Lumikha na sa kabila ng lahat ng luha laging may ngiting nag-aantay humalili sa kanyang mga labi.
Charlie Lord CM: Any message o payo sa mga nominees ng PEBA ngayong taon?
Dahn: Sa lahat po ng nominado sa PEBA ngayong taon, huwag po kayong mawalan ng pag-asa sa anumang balakid na kinakaharap lalo pa't karamihan sa atin ay mga OFW o may kamag-anak sa lupang dayuhan, lagi ninyong isa-puso at isa-isip kung para saan ang bawat patak ng pawis at pagod na inyong nararamdaman. Ang PEBA, ay isang behikulo para mas maipabatid natin sa ating mga kababayan ang dangal na ating pinakaiingatan sa ibayong-dagat. Tayo ay Pilipino, saan mang panig ng mundo, panalo pa rin tayo. Sa mga nais pang lumahok sa patimpalak ng PEBA, huwag na kayong mag-atubili pa. Makibahagi sa layuning isulong ang ngalan ng bawat Pilipinong naghahangad ng magandang bukas. Higit pa sa pagkapanalo o anumang gantimpala ang pakiramdam na tayo ay maging inspirasyon sa kapwa Pilipino.
Salbe: Nag-iinit ka ba tuwing tag-lamig? Paano?
Dahn: Sa kasamaang-palad depektibo ako. Pero, sa di maiiwasang pagkakataon kailangan pa rin naman ni Manoy si Maria.
Salbe: Bakit kailangan pa'ng masaktan? Pwede ba'ng puro sarap na lang?
Dahn: Mas masarap kapag nasasaktan. Nakakasawa kapag puro sarap. Walang thrill kung walang sakitan. Tungkol ba sa love yung tanong mo? LOL
L: Anong bagay ang pwedeng magtulak sa’yo para itakwil mo ang buhay bilang isang blogger?
Dahn: Walang bagay o anupaman. Kung ako man ay nananahimik sa isang kuta, namumugad naman ako sa iba. Kung sakaling di ko mahanap ang landas at di na makabalik sa mundo ng blogging, yun ay dahil naligaw lang ako. Kung ang pagiging blogger ay patuloy na pagsusulat, isasatitik ko ito sa pahina ng libro. Kung gayon, blogger pa din ako.
Jay Solemar: Ano ang weakness ng isang Animus?
Dahn: My weakness is my strength. My strength is my weakness. I gain my strength from them and they also make me weak. My Family.
Supladong Office Boy: What would you like to see done to improve the public’s understanding of the importance of blogging? Why?
Dahn: First of all, thank you Sir Anthony for this wonderful question. As a blogger, we have the responsibility over with what we share to the public. Whatever we give out for public reading must uphold to our own understanding of a domain that doesn't just reach those who maintain their own but those of the silent readers that consume most part of their lives hanging out in front of their computers. What ever we impart improves the importance of blogging itself, may it be personal or in any other way. You and I, can give a multitude of improvement through responsible blogging. We, the bloggers can influence. That's all. Thank you and Good night. :p
Supladong Office Boy: Dan, what has been the most significant accomplishment in your life? Why?
Dahn: In my 28 years of existence, the major major, I mean the most significant accomplishment in my life is setting foot in a foreign land. You could compare a foreign land to your own risk that you never tried to take. Having the guts to go here taking with me the dreams that I kept all the time. I set myself free. Though risks were taken and some made me hopeless at one point, I still hold a grain of hope that I could still go on. I already took the risk and had the courage to face my fears, I will continue to fight the battle and aim to accomplish more.
Supladong Office Boy: Kuya dan, at what point does a boy become a man?
Dahn: A boy becomes a man when he holds himself responsible for his own actions. Salamat, huling question na 'to. Hayop ka SOB. Pinadugo mo utak ko. LOL. :D
Dahn: Ayan, natapos rin. Boss Bino salamat sa pagkakataong ito. Kung pwede lang kitang murahin hindi ko pa rin gagawin, dapat kang mahalin. I lab yu na pare. LOL. Seryoso, malaking bagay siempre ang mapabilang dito sa Blogger's Hot Seat mo, well... exposure! Maliban dun, at least kahit papaano ay may nai-share ako sa inyo. Salamat din sa Blogger Rangers (G Spot!) dahil nagsimula ito sa kalokohan ninyo. Salamat din sa lahat ng nagtanong. I really enjoyed this! Happy blogging everyone!
Para sa yo Dahn:
Tulad na sinasabi ko sa iba pa'ng naitampok dito sa Hot Seat, maraming-maraming salamat muli.
Bino
Next Week: Yow of itsyowtime.blogspot.com
DM your questions via twitter.com/binobautista
Message me in Facebook and/or YM (vin_bautista)


base muna ko! =)
ReplyDeletewow, ang gaganda ng mga sagot! =) salamat sa pagshare!.
ReplyDeletecongrats damuhan!! =)
panalong-panalo ang question ni SOB!! pang Mr. Universe?! oo nga naman nakakadugo kaya ng utak!! hahaha!
ReplyDeleteNice to meet u Dhan, sensya naman at napagkamalan kitang si wally dahil dun sa pic badge mo! hahaha!
Ayos ng hot seat.. sobrang ganda ng flow ng interview hahaha.. at dinugo ako sa mga tanong ni Supladong Office Boy.. wahahaha.... kung ako ang tinanong nun baka hinimatay na ako.. hahha.. Pero astig sumagot si Dahn.. palakpakan.. tama nga at nanalo siya sa PEBA. hahaha
ReplyDeleteIsang linggo palang tayo magkakilala at dahil sa hot seat na to parang barkada na tayo.
ReplyDeleteAng daming award! Daming blogsites! Ikaw na!
Salamat sa pagsagot mo sa tanong ko, salamat sa time!
Wow! Ang galing-galing! Ayos ang sagot no Dhan sa tanong ni SOB.. Nosebleed pero achib na achib! :)
ReplyDeleteAt napa-smile naman ako sa mga tanong ni Salbe. hehehe...Kering-keri rin ang mga sagot ah.
Share ko to. :)
P.S. Whoa. May porsyento ako sa 1M premyo mo? Ano yung mga kondisyon? hehe..
Panalo ang tanong ni Suplado. At ang sagot naman parang si Venus Raj lang. Lol! Astig!
ReplyDelete:D
Empi
sandamakmak na blog pala ang meron ka...
ReplyDeleteat napansin ko ang taglay na yaman ng iyong utak!
magaling!
bow!
Hehehe, AStig ng mga sagot, salamat din sa pagsagot sa tanong ko...
ReplyDeleteIniibig ko ang mga salita ni Anjong, labs din kita Nuno. Hehe.
ReplyDeleteMapalad ang jkulisap.com dahil nasa blogroll ko ikaw.
Si Anjong kasi yong blogger na kaya niyang gawing mabaho ang isang salita, patay at pwedeng buhayin, kaya niyang paliparin ang imposibleng makalipad. Kaya niyang gawing tubig ang lupa at anghel ang demonyo. Yon ang kaniyang lakas kaya nabighani naman ako bilang isang gutom sa literaturang Filipino. Ang pagiging malikot at malikhain ay isang karakter ng isang magaling kung hindi man mahusay na manunulat/blogger.
Isa pa sira-ulo din siya pero kitang kita mo naman yong kaniyang mithiin sa buhay.
Namimiss ko na ang collaboration natin sa paggawa ng tula.
Salamat Dahn
and the winner for Mr. Blogger Universe 2011 is.... (insert drum rolls here)
ReplyDeleteDahn Jacob of Kuwait!
clap clap clap!
ang galing sumagot. isa ka ngang 'balon'. =)
Ser dan3ru, animus, tagabundok at kung sino pa man. sa mga sagot mo, madami akong nabasa na napatango ako. asteeg.
ReplyDeletehindi ko din akalain na kengkoy ka. ewan ko kung bakit pag binabasa ko yung mga entries mo e seryosong seryoso ang dating.
ayon. wala lang. salamat sa mga magagandang entries. dami kong nabackread dahil sa pag post mo sa twitter ng mga links. hehe.
nice!... animus... pwede... ngayon mas lalo kitang nakilala...:D
ReplyDeleteidol ko talga si animus yun lang kakilala yan ng ate ko.. hahahaha kala lo dati ninja to ska kahawig nung bida sa f4. hahahaha. yun lang
ReplyDeleteHoooo.. Kinabahan na naman me. Ang hirap ng tanong! Hahaha.
ReplyDeleteAng husay sasagot ni celebrity blogger Kuya Dahn. Haha. Ikaw na! Madami ako natutunan, magamit nga pag ako na. Juk.
Bloggers talaga ang nagpalevel-up nitong Hot Seat. Nakakatensyon magtanong. Hahaha.
salamat sa pagshare, ganda ng mga sagot.. nakakainspire!!
ReplyDeleteAng daming magagaling na Bloggers Thanks Bino dito ko lang nakilala ang magaling na bloggers na ito.
ReplyDeletearay di parin ako nakaabot sa tanonga portion.. tsk2
ReplyDeleteaheheh, dahil ay i get to know dahn on a bloggers perspective. eheheh.
ReplyDelete:D
wow... bagong blogger 1st time ko lang nabasa yung blog niya tas ang ganda ng sagot niya kay carlo sa tanung...
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletehello dahn, nice to meet you..
ReplyDeletetiningnan ko ule 'yung karakas mo sa taas. hindi mo naman kamuka si wally, pre. o kahawig.
ReplyDeletep.s. panalo ang tanong ni salbe. pwede pala ang barubal questions dito? :D
Binasa ko ng buong puso at katapatan. Isang mabait na blogger si kuya dahn Popong pogi yan ang tawagan namin!
ReplyDeletesalamat sa mga shared secrets natin hahaha. xD joke lang!
be blessed!
congrats, tol dahn. 'di talaga maitatanggi ang husay mo sa loob man at labas ng blog. achieve na achieve mo ang mga achievements mo and well deserved dahil talagang halatang pinagbubuhusan mo ng sarili mo at oras.
ReplyDeletekinagagalak kong makilala ka pa lalo sa pamamagitan nito.