July 6, 2011

Blogger's Hot Seat: Jaypee of Enjayneer.com

Ang ating Blogger of the Week ay isa sa mga kasabayan ko sa blogging. Siya ay isa'ng photographer at traveller. Ayon sa kanya, hindi siya mahilig magblog-hop kaya bihira DAW ang nakakakilala sa kanya. Ngayon niya lang malalaman na isa siya sa mga photo-bloggers na hinahangaan ko dahil sa kanyang husay sa pagkuha ng mga larawan gamit man ang DSLR o Cellphone camera. Siya rin ay isang Admin Officer ng HELIOS PROJECT INTERNATIONAL. Kilalanin nating lahat si Jaypee ng ENJAYNEER.COM

www.enjayneer.com




About Jaypee (taken from enjayneer.com)

Jaypee David*, also known as Enjayneer is a registered Electronics Engineer from Angeles city, Philippines and is the creator and sole author of enjayneer.com. Jack of All Trades as they call him, has the passion for writing and photographyand literally writes and captures everything and anything he encounters in his journeys and trips. The blog serves more of like his online diary since he wants the world to see his life as an open book and inspire people in his own little ways.


Lokasyon: Ciudad ng Angeles
Edad: 23
Civil Status: (Pogi Hahaha) Single

Bino: Isang maligayang araw sa iyo! Maraming salamat sa pagpayag mo na maitampok sa Bloggers' Hot Seat ng Damuhan.Nahirapan ako sa mga personal questions ganun na din sa kung paano kita ipapakilala sa madla. hehehehe. Narito ang ilang mga katanungan:


General Questions:


Bino:Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.
Jaypee: Hello! Bago ang lahat, in fernes kay Bino, talagang nakaka-kaba pala ang mai-hotseat sa damuhan! LOL. Maraming salamat at ikinagagalak ko ang pagkakataong ito na maipakilala sa mundo ng blogospoeryo ang isang ordinaryong nilalang. Hehe.

Going back, ako po ay isang hamak na mamamayan ng Pampanga, dito lumaki, nagka-isip, nadapa, umiyak, bumangon, natutong mang-asar, mang-bully, at kung ano ano pang kalokohan ng isang normal na bata.

Ako ay graduate sa isang university dito sa Angeles city sa kursong Bachelor or Science in Electronics and Communications Engineering at binigyang palad na mapagkalooban ng lisensya sa aking field. Ako din ay nakapag-aral ng kursong European Studies specializing in Spanish Language sa Instituto Cervantes de Manila. Bakit? Kasi mahilig akong manood ng Mexicanovelas. Hehe.

Well, let’s jump to the present nalang kasi di masyadong interesting ang aking past. Haha. Sa ngayon, sadyang napakarami ng aking ginagawa na kung minsan ay hindi ko na alam kung saan ako magfofocus. Sa mga hindi nakaka-alam, isa sa mga hilig ko ang Photography, kaya madalas, nasa Manila ako kasi ako ay isang member ng isang Photography group na based sa Manila. Minsan suma-sideline din ako sa mga news and media events dahil siguro sadyang napaka-chismoso ng inyong abang lingkod. Hmm, let’s use the term sociable nalang. Hehe.

Sa totoo lang, napakagulo ng buhay ko, literally, kasi hindi ko alam kung saan ako patungo.. Pero sa tingin ko normal lang ang ganito sa mga binata at kadalagahan na pumapasok sa mundo ng adulthood (Naks! May ganon). Pero seriously, If I were to ask you kung saan patungo ang buhay mo, sadyang napakahirap sagutin diba? Basta ako, ang purpose ko sa life ay laging may kakambal na adventure at risk. Yun ang nagbibigay ng thrill at excitement sa buhay diba? Kaya ayun, hanggat may butas ng oportunidad, pasok lang ako ng pasok. Ganyan ang isang enjayneer, mahilig makisawsaw, makialam, makipagkaibigan, makipagkapwa-tao at maglakad lakad sa damuhan. :)


Bino: Kailan at paano ka nagsimulang mag-blog
Jaypee: Noong college ako, isa ako sa mga estudyante na sobrang hate ang mga essay type na exams. Ewan ko, pero nung nag-aral kasi ako, napaka-mahiyain ko sa loob ng klase. Pero sa kabila ng aking pagiging mahiyain, may kinikimkim pala akong pangarap na sa kasamaang palad, hindi ko naisakatuparan noong ako’y nasa skwela. – gustung gusto ko sumali sa mga theatre clubs noon pero nadaig ako ng aking pagiging mahiyain. Kung mayroong isang bagay na pinagsisisihan ko ngayon sa buhay ko, isa na marahil yun. Inggit na inggit ako sa tuwing manonood ako ng mga play sa aming paaralan. Ay teka, lumalayo nako sa tanong. Haha.

Sa madaling salita, bago bago lang ako nahilig sa pagsusulat at pagba-blog. Napagtuunan ko ng pansin ito lalo noong magresign ako bilang engineer sa isang sikat na Telco that was 2008. Nabakante ako sa bahay kaya nabaling ang aking atensyon sa Internet. Sa simula, pabasa basa lang ako ng mga sikat na blogs. Hanggang sa kinalaunan ay naisipan kong gumawa ng sarili ko na sa awa ng Diyos ay ginagawa ko parin hanggang sa ngayon kahit sobrang busy paminsan minsan.


Bino: Bakit mo naisipan na pasukin ang mundo ng blogging?
Jaypee: Gaya ng sinabi ko sa naunang tanong, sobrang in love talaga ako sa Photography pati narin sa pagpunta sa iba ibang lugar. So noong una talaga, ginawa ko lang na parang outlet ng mga ginagawa ko sa pang-araw araw ang aking blog. Kahit ano lang nilalagay ko dun. Kahit walang kwenta, sige lang, post lang ako ng post.


Bino: Ano ang kwento sa likod ng iyong alias (kung meron man)?
Jaypee: Enjayneer. Hindi ko na maalala kung kailan kung unang ginamit ang pen name na yan. Explain ko nalang kung bakit Enjayneer. Based yan sa word na “Engineer” at Jaypee ang pangalan ko, Jay naman ang nickname. Combining the two: Engineer + Jay equals enJAYneer. Galing ano? Haha. (Batang Bonakid! Haha)

Isa pang dahilan, ay dahil masyado daw simple ang aking totoong pangalan (Jaypee), parang walang thrill. Haha. Kaya ayun, minsan pinapalitan ko ng alias ko ang aking pangalan. Kung pwede lang magpalit ng pangalan, hindi ko parin papalitan ang Jaypee (LOL), kasi mawawalan ng sense ang JAY sa enjayneer kung nagkataon. (showbiz!!)


Bino: Paano nagsimula ang ENJAYNEER?
Jaypee: Yun na nga, Nagsimula ang enjayneer.com sa hilig ko sa Photography. From then, nag-root na sya sa iba ibang bagay.

Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag. Kung hindi ma'y magbayad ng 1 libong piso. Joke lang!
Jaypee: Naku ang hirap na taong nyan. Pero mayroon akong idol pero not really a blogger kasi he’s more of a street photographer (The Sartorialist). Sobrang bilib ako sa mga shots nya. Sa photos pa lamang may istorya ka ng mahuhugot. Ganun ang isang magaling na photographer: nakaka-buo ka ng istorya base lamang sa kanyang mga larawan.

Bino: Kung may hinahangaan ka'ng blogero, mayroon ka ba naman'g kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
Jaypee: Actually, wala naman specific na blogger pero may mga attitude lang ako na mejo kinaiinisan. Ayoko sa mga masyadong malakas ang personality. Define “malakas ang personality” – yung mga atribida, intriguera at yung mga walang para ang bibig kung magbigay ng komento. I understand na this is a free country at malaya tayong sabihin ang mga nais nating sabihin pero mayroong mga bagay na mas maiging hindi na natin inilalabas diba?

Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Jaypee: Dahil sa blogging, andami kong nakilalang mga kaibigan, mga totoong tao at yung mga kapareho ko ng hilig. Sa totoo lang, ang mga pinaka-matalik kong kaibigan ngayon ay nakilala ko dahil sa pag-blog.

Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Jaypee: Pressure ang pinaka-kalaban ko noong time na active na active ako sa blogging. Parang naitatak ko sa sarili ko na dapat ganito, dapat lagging ganyan, at kung ano ano pa. Pero sa una lang pala yun at nagging kumportable naman ako kinalaunan.

Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag
Jaypee: Oo! Maraming beses na. Since ginagawa ko ang blogging kapag may free time ako, may mga instances na sobrang busy talaga ako sa trabaho at parang kulang pa ang 24 hours sa isang araw para magawa lahat. Sa mga panahong iyon doon ko parang nakakalimutan ng paunti unti ang pag-blog.

Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Jaypee: Maraming nagawa ang blogging sa buhay ko. Dito ko lalong na-develop ang kung ano man ako ngayon. Sa pagbasa basa ng blogs ng mga iba, andami kong natutunan na bagay na hindi ko naipaliwanag noong ako ay nag-aaral. Natutunan ko rin maintindihan ang iba’t ibang ugali ng bawat tao. Na walang dalawang tao ang magka-pareho ng ugali. Na lahat tayo ay may kanya kanyang karakter pati narin ng mga pasanin sa buhay. Sabi nga ng paborito kong tula na Desiderata,

Even to the dull and the ignorant;
They too have their story.

If you compare yourself with others,
You may become vain or bitter,
For always there will be greater and lesser persons than yourself.


Bino: Importante ba sayo ang may mga nagkokomento sa mga post mo?
Jaypee: Oo naman. Natutuwa ako sa tuwing may mga nagbibigay ng reaksyon sa aking mga blog posts. Parang isa yun sa mga reward ko sa bloggging.

Bino: Paano kung sakaling walang nagkomento?
Jaypee: Hindi naman issue sa akin yun. Syempre, hindi naman ako sikat na blogger. Hindi rin ako masipag mag-blog hop kaya wala masyadong nakakakilala sa akin. Haha. Basta naipapahayag ko ang nasa damdamin ko, sapat na sakin yun para ipagpatuloy ang aking blog.

Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?
Jaypee: Ay sa mga kabataan ngayon (or kahit sa mga late-bloomers na), wag nyong palampasin ang pagkakataon na ito. Immerse yourself sa world of social media kasi napakalaking bagay ang nagagawa nyang sa pagkatao natin. Wag nyong hayaan na mapaglipasan kayo ng panahon at pagsisihan ang bagay na ito pag tanda nyo. Sabi nga nila, life is too short, make the most out of it.

Sa mga nagsisimula pa lamang, wag nyong ilimit ang sarili nyo. Explore lang ng explore. Get to know everyone and speak your mind para mahugot nyo sa sarili ninyo yung totoong sarili ninyo. The best way to know yourself is by writing.


Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa iban'g lahi?
Jaypee: Para sa akin, the best parin ang Filipino Bloggers kasi mas may connection pag kapwa Pinoy. MAs nagkakaintindihan at mas may puso. Although syempre when it comes to technology at mga ka-hightech-an, may ibang lahi parin na nakaka-angat sa atin. Pero who cares dba? Hindi yun ang basehan. Nagkakaintindihan, nagdadamayan, nagtutulungan – yan ang mahalaga.


PERSONAL QUESTIONS:


Bino: Sino si Jaypee sa tunay na buhay? May pinagkaiba ba ang Jaypee sa blogging at Jaypee sa personal?
Jaypee: Sa totoo lang wala naman talagang pinagkaiba ang Jaypee na blogger sa Jaypee na normal na tao. Sabi ko nga sa blog ko, I want people to see my life as an open book. Gusto ko ishare ang mga bagay na nangyayari sa buhay ko. Masyado kasi akong sentimental na tao, gusto ko lahat ng naangyayari sa buhay ko naidodocument ko so that at the end of the day, meron akong babalikang alala.

Bino: Umibig ka na ba sa kapwa Bloggers? O di kaya'y may nagustuhan?
Jaypee: Hmmm. So far wala pa naman. Pero I’m not closing any doors (HAHAHA)

Bino: Ano naman ang tipo mo sa isang babae?
Jaypee: Nakow! DM ko sayo. Baka madami mag-apply eh LOL. Kidding! :)))

Bino: Isa ka sa mga bloggers na mayroo'ng passion for photography. Ano ang madalas mo'ng gawing opening para dito?
Jaypee: When you say opening, you mean inspiration ba? Well, Photography itself is my inspiration. :) And syempre traveling to different places – yan ang mga bagay na nagpapawala ng stess sakin. At ang mga friends ko syempre. Mga best friends ko sa Helios Project, alam nyo na kung sino kayo.

Ilan sa mga Larawang Kuha ni Jaypee





Bino: Ano ang maibibigay mo'ng payo sa mga gusto din'ng matuto ng photography? Naniniwala ka ba na dapat ay DSLR ang gamitin para macapture ang magandang larawan?
Jaypee: Basta keep shooting lang. Shoot lang ng shoot para ma-hasa ang galing. Hindi rin kailangan ng magandang camera o DSLR para mahilig sa Photography, Would you believe na nagstart lang ako sa camera phone bago ako nagkaroon ng DSLR? Serious! Wala sa piesa yan, nasa puso.

Bino: Madalas ka rin'g magpunta sa iba't ibang lugar. Mas gusto mo ba na may kasama ka o mas gusto mo na mag-travel alone?
Jaypee: Never pako nag-travel mag-isa. Ayoko ng nag-iisa, Masyadong malungkot. And isa sa mga effective na pampa-tibay ng samahan ang pagbyahe. And I don’t see myself traveling alone. Atsaka ang gastos naman magbyahe ng mag-isa! Hahaha

Bino: Kung may gusto ka'ng batiin o pasalamatan, eto na yun!
Jaypee: Ehem, una, maraming salamat ulit sa’yo Bino sa pag-feature sa akin. Isa kang alamat at nakakatuwa na napabilang ako sa mga napili mo. :)

Gusto ko rin pasalamatan ang mga best friends ko na nagpupush sakin para matuto sa Photography, sina Franz, Justin, Bobbit, FC, Alexis at andami pa nila, na di magkakasya dito kung iisa isahin ko Haha.

And hi kay Dra. Vicky Belo! Joke!! Haha.


Maraming maraming salamat sa iyo Jaypee sa pagpapaunlak ng panayam na ito.

23 ang nakaappreciate:

  1. astig.. nakakatuwa naman.. very inspiring.. may napulot ako sa hot seat interview lalo na sa field of photography since im a trying hard na gusto maging photographer in the future.. haha.. joke lng! hehehe nice nice!

    ReplyDelete
  2. Galing nia sa photography.
    isa nanamang idolo sa pagkuha ng mga larawan. :D

    at mukang tama ang tip nia na wala sa camera, nasa puso at nasa passion siguro to capture moments

    -khanto

    ReplyDelete
  3. bago ako matulog...binasa ko to hehe...great to know u jaypee...naka EB na kita pero bitin un kasi umalis ako agad..nahiya me nun haha... first impression ko sayo eh masiyahin kang tao kasi palagi kang nakangiti nun ahw...sana maalala mo na OO nakapag EB na tayo haha...anyhoo..pwedeng favorite ko na rin ung favorite line mo sa desiderata? ahw, nagpaalam ba hehe. at tama u, wala yan sa pyesa, nasa puso! encouraging ang hot seat na to! hihi. ^_^ BLOG ON!!! YEAH!!!!

    ReplyDelete
  4. ang haba ng nga sagot! HAHAH!! si enjayneer nga yata ang isa sa mga pinakamatagal ng blogger at masasbing haligi na! naks!!!

    ReplyDelete
  5. ang haba ng sagot sa unang tanong parang essay ah. hehe.. nakachat ko na minsan si enjayneer way way way back. haha

    ReplyDelete
  6. iba ka tlaga bespren! hahaha ang haba mo sumagot! nakakatats nmn ang pag mention mo samin! hahahaha

    ReplyDelete
  7. Hello jaypee! nice to meet you.. ang haba ng sagot mo pero na aliw akong basahin.. very smooth lang, napaka inspiring.. basta i like it, walang intriga, hindi nawindang ang araw ko sa mga sagot mo, haha!

    love ko ang picture sa Mactan bridge, hehe! cebu is my 2nd home..:)))

    Gmorning loydi (bino).. nice one!

    ReplyDelete
  8. Ikaw pala si Jaypee, nice to know you dude, ang tagal mo na palang blogger, great shots, keep up the good work! =)

    ReplyDelete
  9. uy ako pala ito! haha. the boring blogger!
    ihhh, salamat sa mga nagcomment. nakaka-tats. :)
    salamat pareng bino!

    ReplyDelete
  10. @SENDO. oo naman! naalala ko yun! nasa gerry's pa nga tayo nun with the well known bloggers haha. :) pag punta mo ulit ng manila, set tyo ng bloggers' EB!

    @KUYA BON. Weh? Haligi ka jan! Haha

    @KUYA MARK PAULINES (dapat kumpleto) haha. Di kana active sa FB ngayon? dati lagi tayo magkachat ah.

    @FC, syempre! lab ko kayong mga best buds ko!

    ReplyDelete
  11. isa si Jaypee sa mga unang bloggers na nameet ko. Halos sabay din akming pumasok sa photography. I miss Jaypee.....

    ReplyDelete
  12. [quote]
    Bino: Importante ba sayo ang may mga nagkokomento sa mga post mo?
    Jaypee: Oo naman. Natutuwa ako sa tuwing may mga nagbibigay ng reaksyon sa aking mga blog posts. Parang isa yun sa mga reward ko sa bloggging.
    [/quote]

    perfectly said! ang sarap ng feeling pag may nagcocomment sa blog mo :)

    ReplyDelete
  13. lalake na naman? lels..

    nice meeting you sir jaypee.

    -akoni

    ReplyDelete
  14. nice meeting you jaypee :) nabibilib ako sa'yo hindi lang sa mga shots mo kundi sa way ng pagsagot mo sa mga tanong... sabi ko nga kay Bino, napakaintelehente naman nitong guy na 'to :)

    ReplyDelete
  15. Now this is what I'd call an interview. Ang galing!

    About blogging: "The best way to know yourself is by writing."
    About photography: "Wala sa piesa yan, nasa puso."

    Hear, hear!

    ReplyDelete
  16. Ang dami ko natutunan. Ikaw naa! Ikaw na pwedeng speaker. Haha. Ang galing nga niya magkuha ng pictures. naligaw na ata ako sa blog niya dati? Makabalik. Nice to meet you Engr. EnJAYneer.

    ReplyDelete
  17. whahaha sabi na eh kung di si anton si jaypee eh... hehehe congrats to jaypee and now meeting u in the book launching...

    ReplyDelete
  18. natuwa naman ako sa comment nyang About "Wala sa piesa yan, nasa puso." nice words!


    nice to know you jaypee! ^^

    ReplyDelete
  19. magaling yang si jaypee. kahit anong camera nyan kaya nya mag produce ng magandang shots. ako kahit sing ganda ng hubble telescope ang lens ko mas maganda parin kuha nya ;D

    wala sa camera, nasa puso nga ;D

    ReplyDelete
  20. More power Jaypee! know that, you have people behind you. Never let anyone pull you down. You may fall. and when you do, you carry on with no regrets! because that fall makes you who you are today.

    on a personal note : you photography and blogging has been a fruitful journey. your camera may have been into hundreds of places but it doesn’t end there. A whole lot more of learning and experiences are coming your way as you conquer the things you have just been dreaming of years ago.

    you've got a bright future ahead of you bud!

    as i have always said : The Passion lives on!

    ReplyDelete
  21. wow, ang isa sa mga iniidolo kong blogger ang nasa hot seat! congrats parekoy!

    ReplyDelete
  22. di ko pa napupuntahan ang blog niya makatumbling nga ngayon na.

    ReplyDelete
  23. ...Nagkakaintindihan, nagdadamayan, nagtutulungan – yan ang mahalaga....


    Maganda ang binitawang salita ni Jay bilang blogger. Alam niya kung ano ang kaniyang purpose sa blogsphere.

    Isa ang Desiderata sa paborito kong tula.

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS