July 13, 2011

Blogger's Hot Seat: Joel of Bulakbolero.com

Maraming mga bloggers ang naghahanap-buhay sa bansang Singapore. Kabilang na dito ang tao'ng ating itatampok bilang blogger of the week. Sa totoo lang, hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makaharap ang isa't isa no'ng panahong umuwi siya ng Pinas dahil sa conflict of schedule. Madalas ko siyang kausap sa Twitter maging sa Yahoo Messenger. Nakilahok sa Kamalayang Malaya 2 ni Jkulisap. Isa rin siya sa mga nagwagi ng lifetime domain sa munting pakulo 3 ng Damuhan. Kilalanin natin si Joel ng BULAKBOLERO.COM







Pangalan/Alias: Joel/Bulakbol
Blog Name at URL: bulakbolero@sg, bulakbolerosasg.blogspot.com (bulakbolero.com na ngayon)
Lokasyon: Singapore/Bulacan
Edad: 27
Civil Status (importante to): Single

General Questions:

Bino:Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.
Joel: isang simpleng gwapong panggap na bloggero. Nagtatrabaho sa ibayong dagat para kumita ng pera at maibahagi sa mga minamahal sa pinas.

Bino: Kailan at paano ka nagsimulang mag-blog
Joel: kung counted yung multiply, hindi ko na tanda kung kailan at papaano ako nagsimula. Bigla nalang.

Bino: Bakit mo naisipan na pasukin ang mundo ng blogging?
Joel: matagal ko din tong pinag-isipan, kung mag-aartista ba ko o magbloblog. At pagbloblog ang nangibabaw.

Bino: Ano ang kwento sa likod ng iyong alias (kung meron man)?
Joel: wala naman. Gawan ko ng kwento next time balitaan kita pre.

Bino: Paano nagsimula ang BULAKBOLEROSASG?
Joel: kung nadadalaw kayo sa ibang pc forum sites at sa mga adult porn sites (joke lang to), at may nakita kayong bulakbolero na userID, ako na yon. dun nagsimula yon. nakilala na kong bulakbolero (dahil likas na bulakbol ako sa tunay na buhay) at nung nagpunta ko dito sa sg, nilagyan ko lang ng “sasg” sa dulo kase parang may bulakbolero.blogspot.com na (ata?).

Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag. Kung hindi ma'y magbayad ng 1 libong piso. Joke lang!
Joel: magbayad nalang ako ng 1milyon. Oks? Joke lang den. Kung inspirasyon, yung isang kaopisina ko at yung isang ka-org ko nung college nagbloblog dati, isang emotero at isang komedyante, naaliw ako sa pagbabasa ng blog nila, at dun nagsimula ang pagkahilig ko sa blog at pagtakwil sa forum sites. Kung sa hinahangaan, marami, ayaw ko na sabihin kase baka may magtampo pa. matampuhin pa naman lahat ng bloggero mapalalaki man o babae. LOL!

Bino: Kung may hinahangaan ka'ng blogero, mayroon ka ba naman'g kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
Joel: kinaiinisan? Wala naman siguro, pero may mga hindi ako trip na bloggero (anu ba pagkakaiba? Ang labo ko lang). Sabi nga nila, galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw, kaya siguro di ko trip yung mga mayayabang na blogger. Pero hindi naman ako sinungaling o plastic na tao pero di ko din trip yung mga blogger na parang ang plastic lang. Ayaw ko din yung mga blogger na mahilig magpatama sa kapwa blogger nila. Tayo-tayo na nga lang dito, hindi naman tayo pulitiko para magsiraan at magkwentahan ng baho ng isa’t-isa. Respeto lang. Dapat pag blogger ka yung sarili mo yung ipagbebenta mo. Iba ang mapanira sa mapanuri. Dahil dyan, nalaman ko ang pagkakaiba ng writer sa blogger.

Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Joel: tulad ng sabi ni Salbe, libre sex at dahil binawi nya sa huli at joke lang daw yon, ako di ko babawiin. Hahaha. Seryoso, tamad talaga ko magbasa dati, pero ngayon medyo nahilig na ko magbasa.

Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Joel: parang showbiz ang pagbloblog at hindi ako sanay sa ganon.

Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag
Joel: madalas akong tamarin magblog. Hindi naman talaga kase ako manunulat. Kung mapapansin mo yung mga entries ko, kahit ano lang. may unteng pedeng pagtyagaan at madaming boring.

Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Joel: naging negosyante dahil sa nuffnang.

Bino: Importante ba sayo ang may mga nagkokomento sa mga post mo?
Joel: importante.

Bino: Paano kung sakaling walang nagkomento?
Joel: malungkot siguro.

Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?
Joel: beware of the falling debris.

Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa iban'g lahi?
Joel: halos parehas lang siguro. Sa tingin ko lahat ng bloggers malalim at creative, ang pagkakaiba lang siguro nasa bumabasa. Kase para sa akin, mas nadadama ko sagad hanggang balunbalunan kung istorya ng kapwa pinoy yung binabasa ko.


Personal Questions:

Bino: Sino si Joel sa tunay na buhay? Sa likod ng blogging?
Joel: parang katulad ‘to ng unang tanong ah. Si joel at si bulakbolero, halos wala naman pinagkaiba. Personal naman yung sinusulat ko sa blog entries ko, kaya ako’t ako din yon. Gwapong gwapo pa den.

Bino: Batid ko'ng ika'y nagtatrabaho sa ibang bansa. Ano ang dahilan?
Joel: trip trip lang. sabi nila mas malaki daw kita dito, kaya ‘yon.

Bino: Ano'ng mga pagsubok ang iyong naranasan sa ibayong dagat?
Joel: nosebleed ako lagi. Nagkakaroon din ako ng pagkalito, kase para lang hunyango turing nila sa akin, pag nasa korea, Korean nila ko kinanausap, sa Malaysia at Singapore, intsik at sa japan naman salitang hapon. Minsan iniintay ko na nga lang na pagkamalan akong kano sa bayan ni uncle sam.

Bino: Maaaring nararanasan mo din ang homesickness. Paano mo ito nalalagpasan?
Joel: medyo lang siguro. Lagalag naman ako nung bata palang, kaya sanay na ko mamuhay mag-isa. Tanggap ko na yung ibang tao, katawan ko lang ang habol nila, pag-tapos akong gamitin at samsamin ang bawat katas ng katawan ko, iiwanan nalang ako ng ganun ganun nalang. Ano ba ko, palahian? Ang sakit minsan sa damdamin pag naiisip ko yun sa mga gabing wala akong kasama.

Bino: Ang iyong entry sa Kamalayang Malaya II ni Jkulisap ay umani ng pagkarami-raming papuri. Sa kabila nito'y mayroo'ng bumatikos. Ano ang masasabi mo tungkol dito?
Joel: natutuwa ako. Perstaym ko kasi sumali sa tunggalian sa pagsulat. Persytam ko din umabot ng mahigit 90 na comments kasama na dun yung sapilitang pag reply ko sa comment nang iba para umabot sana ng 100. Natuwa din ako kase perstaym na may naglantad na hater ko, alam ko naman kase na madami din na di nagkakagusto sa blog ko. sa mga di pa pala nakakabasa at nagkukumento sa entry na yon, pagkakataon nyo na… pakoment naman oh. Please…baka sa papamagitan nito maging 100 na comment ko at matupad ang pangarap kong jackpot. LOL.

Sipi mula sa KM2: Tsismis

Tila isang panaginip. Nakahiga sa aking harapan si Rosario, ang babaeng pinagnanasahan ko noon pa man. Dahil hindi nagmula sa pamilyang maharlika, napilitan siyang magtrabaho sa isang bahay-aliwan. Ito ang dahilan kaya sa tuwing makikita ko siya ay laging nakamaiksing damit at kita na ang kuyukot. Nangangalumata na ako sa gabi-gabing pagpupuyat kakapanood ng kanyang palabas. Sadyang napakainit niya sa aking paningin. Ang adhika ko noon pa ma’y maipasok ko ang aking pagkalalaki sa kanyang yungib. Kinumpara ko pa nga siya sa isang dikya na manananggal ng lakas kahit puro imahinasyon ko lamang ang aming pagtatalik. Sariling sikap lagi ako.

Bino: Kaiba sa ibang blogero, ikaw ang tao'ng marunong tumanggap ng mga kritiko. Hindi ka ba napipikon sa mga komento nila?
Joel: hindi naman. Sa katunayan, mas napipikon ako sa mga taong di tumatanggap ng kritiko. Ang pagbloblog sumasaklaw yan sa panget at magandang bagay, kung may panget kang nagawa, kailangan mo itong malaman at tanggapin at duon ay matuto.

Bino: Kung mayroon ka'ng gusto'ng pasalamatan o batiin, eto na yun!
Joel: una, bino maraming salamat sa eksposyur. Yahoo! sikat na ko. pangalawa, salamat sa mga nagbasa neto. Pangatlo, sa mga gumamit ng katawan ko, salamat din sa inyo dahil dun, natuto akong bumangon at mabuhay sa sarili kong paa. Pang huli sa mga sponsors ko, silber swan-pinyakamasarap, united American tikitiki, at yc bikini brip. Salamat.

Maraming Salamat sa iyo Bulakbolero!


34 ang nakaappreciate:

  1. pabeys ulit! takte nawala yung comment ko di yata pumasok...

    ReplyDelete
  2. Bwahahaha..Congrats Bino for a very nice hot seat of the week. Haha

    To Joel: ikaw na ang palahian..Lol. Ikaw na ang gwapo. Ikaw na. You already! Ikaw na ang mayaman at namimigay ng ipad 2 sa tatay. Ikaw na ang may hater. ikaw na nga! hahaha.

    Pero di ko maintindihan kung bakit nagkakaroon ng hater ang isang blogger? May kanya kanya naman tayong paraan at estilo sa pag boblog. Kung di mo gusto ang estilo ng isang blogger, then why not shut that f**ckng mouth and do your own thing. Diba? Diba? Kung wala ka din namang maganda masabi sa kapwa mo, wag na magsalita. Cguro constructive criticism lang. wag na yung umabot sa hate mo ang blogger.

    Hahaha.. wala lang.. still wondering why nagkakaroon ng hater ang isang blogger?
    Peace!

    ReplyDelete
  3. hahaha! para lang si Goyo ito ah!
    anyway. MABUHAY KA BULAKBOLERO.COM dadalaw ako sa dotcom mo maghanda ka ng maiinom haha

    TARAGIS TAGAY NA!!

    ** ps. puro ganyan nalang ba talaga ang script ni Bino? haha!! joke onli.

    ReplyDelete
  4. @bon - mahirap baguhin ang script. magtataka ung ibang bloggers pag nabago ung mga questions hehehe

    ReplyDelete
  5. pati sagot ni Bolakbolero makulet.kelan ba magbabakasyun yan at ma-eb nga.gusto kong masampelan kakulitan nya sa personal.:D

    ReplyDelete
  6. hehehe astig! "katawan ko lang ang habol nila" :D

    ReplyDelete
  7. Siya pala si joel aka Bulakbolero? akala ang Joel na nasa hotseat si batangmangyan. Hahaha. Sorry!



    Empi

    ReplyDelete
  8. "Iba ang mapanira sa mapanuri. Dahil dyan, nalaman ko ang pagkakaiba ng writer sa blogger."

    nice one! aliw ang blogger of the week feature ng blog mo bino! :)

    ReplyDelete
  9. Hello bolero, hinangaan kita don sa hnd mo pagkapikon sa nagcomment na anonymous don s blog mo na hnd magandang comment.. ay nalito ako sa sinabi ko.. haha! basta yon na..

    ReplyDelete
  10. madami at nagkalat ang mga ganyan sa mundo... i posted something about a place which i did not make enough research. And this anonymous commented against my blog na kesyo. mga blogger na tulad ko daw eh di marunong magresearch. Parang ang laki ng naging kasalanan ko . It was something about a post related to Rizal Monuments in the philippines... Anyway, magkwento daw ba ako. Naaliw lang ako sa blogger hot seat.. sana next time may close up photos para madiscover sa entertainment industry hihih. just kidding ..

    ReplyDelete
  11. SG,Bulakbol.

    You forgot to mention our favorite radio program, DEAR TIYA Dely. Palagay ko diyan nahasa ang ating emosyon. hahaha.

    Nice.

    ReplyDelete
  12. This! astig nitong usapan na to. The best. Naiinspire tuloy ako. . .nadagdag ang kaalaman ko sa blogging . . . :''>

    ReplyDelete
  13. nice to know you bulakbulero... dito sa damuhan...

    ReplyDelete
  14. Noong medyo balasubas pa ako sa blogosphere, totoong nakakuha ako ng libreng sex, swear. Joke!

    Nagustuhan ko din ang entry ni Bulakbolero sa KM2.

    ReplyDelete
  15. Pa-otograph. Sa seryosong bahagi nagustuhan ko ang linyang ito:
    "Iba ang mapanira sa mapanuri. Dahil dyan, nalaman ko ang pagkakaiba ng writer sa blogger."

    At sa Joke na bahagi parang kalahati hindi joke gusto ko ito:
    "Tanggap ko na yung ibang tao, katawan ko lang ang habol nila, pag-tapos akong gamitin at samsamin ang bawat katas ng katawan ko, iiwanan nalang ako ng ganun ganun nalang."

    Ramdam na ramdam ko eh hahaha. Congrats SG sa exposure. Congrat sir Bino sa hotseat na ito.- joeyvelunta

    ReplyDelete
  16. At marami akong nalaman kay Dyowel. Kabayan, ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw? galit ka sa akin? LOL

    Naaliw ako sa 2 pictures...lalo na yung nakasalampak ka par sa sahig. Astig!

    ReplyDelete
  17. naks naman totoong totoo kng sumagot.nice. ska ang gling nung gnwa nia sa KM2 uncontemporary kasi ung pgkkasulat nia.. krmhan kasi takot sa puna ng iba..astig.

    ReplyDelete
  18. hahahah! PUGEEEEE!!! talagang katawan lang ang habol nila ha! kaloka! uuuuyy congrats sayo my friend galing-galing naman! hihihih!

    infairness my slight na akong pagkakakilala sa kanya, sinasabi nyang boring sya pero sa totoo hindi, malibang sa pagdidiet nya pero kung lumapang naman eh kay dami-dami. laging busy sa work nasa meeting daw sya lagi pero sige pa din ang tweet at ym! hahaha! apir! isa sya sa malapit sa puso ko...ayiiii! lab ya biboy! hihihi!

    ReplyDelete
  19. ahahahah. sa ilang beses ko ng finollow blog ni bulakbulero, ngayon ko lang nalaman real name nia. lols. ako na ang aanga-anga.

    bumilib ako ng bongga sa km2 entry nian ni bulakbulero. iba ang bangis. :D

    ReplyDelete
  20. hahahahaha sikat k n bulakbolero, baka makalimutan mo na kmi. manlibre ka namn pag uwi mo. hehehe

    ReplyDelete
  21. hehe..dapat nagartista ka nalang. at gaya mo, option ko din ang pagaartista pero mas nangibabaw sakin ang magsulat. yun nga lang, sayang ang kapuGEEEEEEEan natin. hehe

    ReplyDelete
  22. Kung may hinahangaan ka'ng blogero, mayroon ka ba naman'g kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
    dahil sa sagot dyan ni PAPA B. Hinahangaan ko na siya....

    ReplyDelete
  23. haha ..ikaw na ang gwapo , iakw nang galante magbigay nang regalo.. ikaw nang ginamit ang katawan at pinalahian...wahahha..

    isang malaking congratulations bulakbolero.
    you deserve it joel ( oy english)

    hahahaha...

    ReplyDelete
  24. unexpected na si joel ang ilalagay mo..
    natawag ko dun sa tsismis whahah "D

    i love this statement...


    "ino: Kaiba sa ibang blogero, ikaw ang tao'ng marunong tumanggap ng mga kritiko. Hindi ka ba napipikon sa mga komento nila?
    Joel: hindi naman. Sa katunayan, mas napipikon ako sa mga taong di tumatanggap ng kritiko. Ang pagbloblog sumasaklaw yan sa panget at magandang bagay, kung may panget kang nagawa, kailangan mo itong malaman at tanggapin at duon ay matuto."

    ReplyDelete
  25. ibang level na si joey...

    ikaw na ang gwapo sir!

    ang galing sumagot hehe

    ReplyDelete
  26. pre hot seat ka ngaun, ok un mga sagot

    parang miss u ang dating just kidding lang pre...

    1 ka sa mga naunang ngkomento sa mga blog maraming salamat... joel!

    ReplyDelete
  27. Wow.. " Ang pagbloblog sumasaklaw yan sa panget at magandang bagay, kung may panget kang nagawa, kailangan mo itong malaman at tanggapin at duon ay matuto." ---> Tama!

    Nabasa ko rin yung entry nya sa KM2. Though aaminin ko, medyo naging uncomfortable ako, hindi pwedeng itanggi na maganda ang obra. Galing! :)

    Galing ng hotseat ngayon ah.. Who's next?

    ReplyDelete
  28. @xander - ahaha NAPANIS ANG MR. POGI AWARDS NI XANDER SA TABA AWARDS NI ZYRA! ahahaha

    ReplyDelete
  29. Muse. Edi ikaw na nagbase. Natats ako sa comment mo. Masyadong madrama.

    Xander. Siguro ganun talaga artistahin, may hater. Intindihin mo nalang pre.

    Bon. Aba’y pagkatagal ng alak. inaabangan ko ang iyong pagbisita may sisig na dun.

    Pusang kalye. Di ako makulit sa personal.

    Ser Lord. Astig ba? \m/

    Empi. Ako nga ito.

    Helena. Naaliw ba kita? hehe

    Mame Raz. Hello din po. Salamat po sa magandang feedback.

    Chino. Bawal ang eksposyur kaya walang close up pic.

    Ser Jkul. Nga no, sorry naman ser matanda na makakalimutin.

    Monik. Salamat sa pag lagay mo sa tumblr mo ng ilang linya ko dito. Natats ako.

    Daemonite. Salamat ser.

    Salbe. Lagi nalang may joke sa dulo. Wala na bawian dapat. Tats muv already.

    Ser Joey. Panu mo ga naramdaman?

    Moks. wala akong galit sa’yo wla naman ako naisulat dito na may galit ako sa isang blogger. Assuming ka pre. Lol. piz.

    Rico. Di ko alam na nabasa mo yung KM2 ko wala ka kaseng bakas. Salamat.

    Iya. Hehe. Salamat naman dito sa comment. Apir tayo. Hehe.

    Khanto. Oo ako nga si Joel.

    MG. hulaan kita. Di mo binasa sagot ko no? lol. piz.

    MD. pareng pugee. Sikat na ko. wahaha.

    Akoni. Salamat ser.

    Ako07. Hehe. Edi ako na nga! Hehe. Salamat.

    Axl. Expect the unexpected. Hehe.

    Jay. Sino si Joey?

    Ser Palakanton. Edi ako na pang miss u sumagot. Lol.

    Leah. Salamat leah. Hehe. Salamat sa suporta na binigay mo nung KM2.

    Lhanlhan. Sinu ba nakatalo si bino o yung sumagot? lol

    ReplyDelete
  30. pa autograph nman dyan dyowel. manlibre ka dapat ng karaoek

    ReplyDelete
  31. ikaw na ang sikat ser SG!
    Ikaw na ang may libreng joke hahaha

    ReplyDelete
  32. Akala ko nung una, batikang blogger ang bulakbolerosaSG na yun. Hahaha. Nun pala, kasabayan ko lang siya nagstart. Ganun ako naimpress nung nagbasa ako dati sa kanya. Naks.. Ikaw naa! Hahaha. Lalo pa akong napabilib dun sa tsimis na entry. Kung ayaw mo iadmit na may dugong writer na nananalaytay sayo, creative blogger na lang. Hahaha. Congratulations. :)

    ReplyDelete
  33. pareng jojo, ser pong, yow, diamond, salamat sa inyo. \m/

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS