Siya ang unang blogger na mapapasalang sa level-up hot-seat. Bakit level-up? Dahil kaiba sa mga nakaraang hot seat na kung saan, one on one ang interview, ngayon, mga bloggers naman ang magtatanong.
Ating kilalanin si Sherwin aka Moks ng engrmoks.com.
Pangalan/Alias: Sherwin Calalang / Moks
Blog Name at URL: www.engrmoks.com
Lokasyon: Balagtas, Bulacan, Philippines
Edad: 32
Civil Status: Married
GENERAL QUESTIONS:
Bino:Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.
Moks: Una sa lahat, salamat kaibigan! Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot. Matutuwa dahil ibibida mo ako, hindi ko inexpect na ganito kaaga para maupo sa hot seat mo. Natatakot dahil lumevel up ang hot seat, at kapwa blogger ang magtatanong, talagang hot seat! Gigisahin ako ng karamihan, malayo sa one-on-one na ginawa mo sa mga naunang bloggers.
Sino si Mokong? Inani sa Balagtas, Bulacan. Minarinade hanggang maging Inhenyerong Sibil. Inihaw sa Makati. Binudburan ng pagmamahal ni Nina. (si Nina ang asawa ni Moks) At inihain upang inyong pagsaluhan. Kung maging katakam-takam man ako sa inyong paningin, paalala ko lamang na hindi ako basta basta matitikman, walang free taste. Ang lasap ay likha lamang ng inyong malikot na panlasa. Hindi ko hinihikayat na inyong subukan.Pero kung ipipilit ninyo, 1 milyon piso lang kada putaheng titikman...Para sa iba pang serbisyo: Tumatanggap din ng labada pag linggo at piyesta opisyal.
Bino: Kailan at paano ka nagsimulang mag-blog?
Moks: June 2007. Paano, naengganyo lang ng 2 highschool classmate ko na may blogsite din. Kaya ko naisipang mag-blog dahil gusto kong sagutin sa mundo ang mga tanong na ito,"Sino ba ako?" "Ito ba ang magpapasaya sa akin?" "Ano ang bagay na tunay na makakapag-excite sa akin?"
Bino: Bakit mo naisipan na pasukin ang mundo ng blogging?
Moks: Para lang #Bocaue yan pare, curious kang pasukin kung ano ang nasa loob. Hindi mo alam kung ano ang kakaibang experience nito sa buhay mo.
Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag. Kung hindi ma'y magbayad ng 1 libong piso. Joke lang!
Moks: Kung sasagutin ko ba to, bibigyan mo naman ba ako ng 1 milyong piso? Marami, at mabuhay kayo! Hanga ako sa mga blogger na halos ibuhos na lahat ng lihim nila sa buhay sa pagsusulat. Pero kung magbibigay talaga ako ng mga iniidolo sa mundo ng blogging, si Chico yun ng Strange Fruit at si FrancisM ng Happy Battle. Isa akong versatile blogger, kahit anu pwede ko isulat. Ayokong magfocus sa photoblogging o food blogging o personal blogging, gusto ko halo-halo.
Bino: Kung may hinahangaan ka'ng blogero, mayroon ka ba naman'g kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
Moks: Marami akong hinahangaan, kinaiinisan? kakaunti. Yung madalas kong dalawin at iwanan ng comment sa bahay nila, sila yung mga kinakaaliwan ko.
Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Moks: Ang magkaroon ng virtual friends, hindi ko man kayo nakakausap o nakukwentuhan in person parang ang tagal na ng samahan. Nakakataba ng puso ang mga bumabati sayo pag birthday mo, o may okasyon, pero nakakasexy naman ng puso ang mga taong walang bayag na anonymous na nagbibigay kritiko sa ilang post ko, pero dahil mabait nga ako, ayos lang yun, lahat naman tyo may mga haters.
Pero iba pa rin ang "tunay na kaibigan" kumpara sa mga blogger friend. 6 ang kategorya ko sa mga nakikilala ko: Strangers, Peers, Acquaintances, Friends, Best-friends, Soulmate. Siguro maituturing ko ang ilang bloggers na strangers, mga dinalaw, dumalaw, pero walang communications o kulitan tulad ng sa twitter, at yung ibang natitira maituturing kong nasa acquaintances pa lang.
Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Moks: Alam mo na. Yung last post ko kung saan ikaw ang Bida! Nalampasan? nag-usap tayo, humingi ng tawad, delete ang post. At magkaroon ng kritiko sa ilang post ko. Hindi mo sila mapi-please, opinyon nila yun, nirerespeto ko, kaya dapat respetuhin nyo rin opinyon ko. Kaya nga minsan ko ng gawing private ang blog ko, pili lang ang makakapunta. Pagiisipan pa!
Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag
Moks: Oo madalas, isang beses sa isang buwan, kahit na araw-araw may new post ako, akala n'yo lang masipag pero tamad ako. Karamihan dyan matagal ko na nasulat, nasa draft lang. At pag nasa office, pinapublish ko na lang. Kaya pag sinisipag akong magblog o magsulat nakaka 5 o 6 na topic ako. Dumating na rin sa punto ko na itigil ang kalokohan kong to, wala naman akong napapala, nauubos lng ang oras ko, pero naisip ko na mahirap pala, parang yosi na mahirap alisin sa sistema, parang pulutan na hindi pwedeng mawala sa inuman.
Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Moks: Negative pare, naadik ako masyado dito. Noon naubos na ang oras ko kaharap ang computer, nawalan ng time kasama ang wifey ko. Ngayon, bilang magandang solusyon, bawas-bawasan ko ang bloghopping. Pili na lang talaga ang mga blogsite na pinupuntahan ko.
Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?
Moks: parang pag-aartista lang yan, subok lang, kung hindi ka naging successful at wala ka pang fans sa simula, wag kang tumigil, antayin mo ang biggest break mo at darating din yan. At wag lalaki ang ulo pag kasing sikat ka na ni Willie Revillame, dahil ang kayabangan ang hihila sayo pababa. Lahat tayo pwedeng magblog, pero hindi lahat agad-agad sisikat.
Kung ano ang nasa puso mo isulat mo, magpakatotoo ka, wag puro fiction ng buhay mo. Nasasayo kung anong uri ng blogger ang gusto mong ipakita sa mundo. Public ang blogging, kaya mag-ingat din ng kaunti sa mga bagay na gusto mong isigaw sa mundo. May mga blogger na makakabasa ng post mo, may makakamisinterpret, may magrereact, may sasang-ayon.
Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa iban'g lahi?
Moks: Hindi tayo boring!
Bloggers' Questions:
Bino: Ano ang pagkakaiba ng Mokong sa blogging sa Mokong sa Personal?
Moks: Mokong the blogger is directly proportional to Mokong in person. Ang Mokong sa blogging parang LOL, plain yung mukha na nakangiti, boring. Ang mokong sa personal parang lels o He3 o Hahaha, tumatawa labas pa ang gilagid.
Leah: Do you have any regrets? if it's okay to share, what are those?
Moks: Ang makakilala ang ilang tao sa mundong ito na hindi pala dapat.
Leah: What is the best advice you have received.. (and did you follow it?)
what's your greatest achievement..?
Moks: Tiyaga lang sa buhay! kung kinakailangang wag ng umalis ng bansa para magtrabaho, wag! Kung okay naman ang sinasahod mo dito, wag! Mas masaya pa rin kasama ang pamilya. At yan ang ginawa ko, hindi ko na inasam ang trabaho abroad. Isa pa, huwag problemahin ang hinaharap kung nakasalalay naman ang kasalukuyan, marami kasi sa atin ang naghahangad ng magandang buhay, pangarap, pero nakakalimutan natin na marami tayong nasasagasaan sa kasalukuyan, na mapapansin lang natin pag natamo na ang pinangarap, wala kang kaibigan, marami kang kaaway, maraming galit sayo. Masaya ka na nga sa natamasa mo, ang dami mo namang sinagasaan, ano ang kayamanan o tagumpay ng karera mo kung wala pa sa 10 daliri mo ang mga nakakaalala sayo.
Greatest Achievement? wife ko! pangalawa ang makapasa sa CE board exam.
Leah: Since blogger ka, malamang mahilig kang magbasa.. Mahilig ka bang magbasa ng libro? Sino yung pinakapaborito mong author?
Moks: Pag may oras. John Grisham
Leah: Since mahilig ka rin sa movies at gumagawa ng reviews, ano yung pinakapaborito mong movie?
Moks: Any Michael Bay movies, pinakapaborito? Armageddon.
Madz: kung may ipapatupad kang batas para maprotektahan si sasa anu yun? (Si Sasa ay ang lovable at adorable dog ni Moks)
Moks: Seryoso? Yan ang personal question mo? LOL. Gawing legal na anak si Sasa, bigyan ng apelyido, bigyan ng birth certificate, pag-aralin sa mamahaling eskwelahan, makapagtapos, makapagtrabaho, bigyan ng pamana, bumoto, at higit sa lahat makapasok sa loob ng sinehan!
Anonymous: Sa papaanong paraan mo malalaman ang tunay/ totoong kaibigan sa mundo ng blogspero? Ilan sila?
Moks: Tunay o totoong kaibigan? basta nararamdaman ko lang, hindi sila plastic. Nabibilang ko sa mga daliri ko kung ilan sila. Ang tunay na kaibigan dito sa blog ay yung mga taong nagpapatawa sa akin na labas ang gilagid sa kakatawa. Pero iba pa rin ang makaharap mo sila sa personal, makatagayan sa inuman, makakwentuhan sa isang kainan. Duon mo talaga malalaman kung totoo ang taong kaharap mo.
Akoni: Describe yourself in 12 words
Moks: I'm really not as awesome as everyone thinks, I am even more.
Akoni: Ano ang pinakagagong nagawa mo sa buhay mo?
Moks: Ang makilala ka! LOL. Ang magtiwala agad sa isang tao kahit na matagal na kayong magkakilala.
Akoni: Bakit tinatawag na apartment ang mga apartment kung magkakadikit naman ito?
Moks: Seryoso? Itatanong mo to? Kasi sobra namang obvious kung gawin pang "close-ments". pero bakit subDIVISION pre ang tawag sa mga bahay na magkakahiwalay???
Anonymous: May post ka about skip-reading. Galit ka sa mga skip reader? Nagiiskip-read ka rin ba?
Moks: At nabasa pala yun, skip reading ang tawag ko sa mga blogger na nagcocomment, makapagcomment lang, pero ang layo sa post. Skip reader ako NOON, madalas. Mahalaga ang comment sa isang blogger, aminin na natin masarap magbasa ng comment sa pinaghirapan o hindi man na post mo sa bahay mo, at dahil dyan, mas marami kang binibisitang blog at nagiiwan ka ng bakas, malaki rin ang tiyansa mo na dumalaw sila sa bahay mo. Hatak ko ang comment-back ng ilang bloggers. NGAYON, oo pero hindi na gaano kadalas. Iilan lang talaga ang mga blog na pinupuntahan ko, mga tinuring kong TUNAY na kaibigan. May mga blogger kasi na hindi ako makarelate, skip to comment box na alng ako. May ilang blogger kasi nagtatampo kung hindi ka nagiwan ng bakas. Okay sana kung may LIKE button ang blogger, manapa yun ang gagawin ko sa mga post na hindi ako interesado.
Xander: Humihilik ka ba pag natutulog? Ipaliwanag.
Moks: Oo malakas, at pag nakasama kita matulog, pilitin mong maunang mahimbing, kundi hindi ka na makakatulog.
Bulakbol: Simula nung nagawi ako sa blog mo e naging isa ito sa tambayan ko. Subalit napansin ko minsan sa mga entries mo na tila mayroon kang mga tao na pinapatamaan hindi man bloggers. Ano ba ang layunin mo dito? Kelangan ko ng matinding eksplanasyon para maliwanagan ako para di na tayo magsuntukan.
Moks: Ayoko na sanang sagutin pa to pre, hindi pa ba tapos to? Pag sinagot ko pa may magrereact na naman. Pero dahil nga ako ang nakaupo sa hotseat, sasagutin ko to. Hindi ko layunin ang manira o magparinig. Naisipan ko lang i-blog yun dahil sa isang usapan sa FB. Hindi ko ginegeneralize ang post na yun, specific na isang tao lang yun, hindi ko na lang nabanggit ang pangalan nya. Hindi ko lang maintindihan bakit may nagreact na parang sila yung pinatatamaan ko, nirerespeto ko opinyon nya, hindi nawawala ang negative reaction, parte yan ng blogging. Okay naiblog ko na, naipost ko na, may mali na ako dun, pero di ba may kanya-kanya tayong opinyon tungkol dyan, kung natatawa ako sa mga kuha nya na ipinagyayabang nya, opinyon at karapatan kong laitin yun, kasamaang palad naisulat ko na.
Nagtaka lang ako, yung isang blogger, hindi ko na babanggitin ang pangalan, iniisa-isa nya ang mga uri ng blogger sa mundo na gumagawa ng paraan para humakot ng hits ang isang blog nya; may skip reader, may nakahubad para humatak ng followers at hits, may mga pa-emo, may mga gumagawa ng novela na ang daming kabanata, may link ng mga scandal ng artista at gumagawa ng kung anu-anong pakulo o pacontest... parinig o patama ang tawag dun di ba? pero wala akong nakitang matinding reaksyon sa naisulat nya. AT talagang napahaba ang sagot ko, Lels!
Bulakbol: nung phinotoshop mo yung mukha ni Bino sa isang blog entry mo, bakit di ka muna humingi ng konsulta sa kanya? Nagalit tuloy.
Moks: Kasi noong panahon na yun akala ko kaibigan na ang turing ko kay Bino, hindi pa pala. Ngayon lang! Nalaman ko na masama pa lang magbiro sa taong hindi mo kabiruan. Nalaman ko na iba ang kaibigan sa mundo ng blog sa tunay na buhay. Experiment... at FAIL! Hindi ako humingi ng konsulta sa kanya kasi akala ko magugulat sya tulad ng ginawa ko kila Glentot, Jepoy at ilan pang mga blogger. At dahil dun, hindi na mauulit ang ganoong tema.
Bulakbol: Mababasa ko yung entries mo tungkol sa mga niluluto mong putahe, kung magkakaroon ng blogger's EB sa bahay nio at may iluluto ka na masisiyahan lahat ng dadalo. ano ito at bakit? At bakit natigil na itong entry mo na ganito tema?
MOKS: LOL marami ang nagrerequest ng pulutan, cguro yung Dynamite at Stir Tofu. Bakit natigil? walang oras magluto, marami pa sana ako gustong lutuin. Pero sabi ko versatile blogger ako, ayoko magfocus sa pagluluto, saka nakakatamad magpost kung madalas na ganun ang tema. Marami naman akong naisulat na tungkol dyan, nakadraft nga lang, problema nga lang walang mga larawan. At kinatatamaran ko na yan.
Daddy Kuri: Naniniwala ka ba sa kasabihang ang maangas galit sa kapwa maangas?. Ipaliwanag
MOKS: 100% naniniwala ako dyan. Kaya nga galit ako sa mayabang! kasi mayabang ako.
Moks,
Maraming salamat at sinagot mo lahat ng mga katanungan ng ating kapwa blogero. Maraming salamat sa pagpapaunlak na maitampok sa hot seat na ito.
Next Week: Dahn of DahnJacob.com (Animus). You can send your questions via Twitter or Facebook. Thanks



pinagpawisan ako sa hot seat na ito.. hahahaha.. parang yung tanong ko lang ang walang kwenta. at syempre nakabanggit ang name ko.. wala na kasi talaga ko maisip na tanong.. yung gusto ko itanong ehh natanong na daw sabi ni Bino.. pero salamat sa sagot Moks.. hehehe
ReplyDeletekarir kung karir ang mga sagot ah...pinagpawisan ka man lang ba diyan sa mga tanong?haha ihain na ang batas na yan ser, para makapag movie nyt si sasa....
ReplyDeleteang sipag ni Bino, hehe
ReplyDeleteI'm glad to know you Engr Mox, you're a man!
makes me inspired blogging more.
thanks.
Andami kong tanong. hahaha... :P Satisfied ako sa mga sagot, Ser Moks. Mahilig din ako sa John Grisham novels.. Armageddon? Yay! That is one movie that never fails to make me cry.. Ewan ko nga ba. haha..
ReplyDeleteYung mga sagot mo sa tanong ni Bolero, very well said Ser. At pefect tlga ang sagot mo sa tanong ni Daddy Kuri. haha..
Galing, Bino! Very nice tong level-up mo. Booyeah! :D
nanghina ako sa pabasa ,ang haba hehehe
ReplyDeletePero enjoy,ang dami ko nalaman tungkol kay moks...
galing sumagot,ang tapang!astig! :)
Astig ang level up sa hot seat na ito bino!
Astig! Ang tatapang ng sagot...nangiti lang ako sa isang tanong "Humihilik ka ba pag natutulog? Ipaliwanag." , kung ako ang sasagot nito, di ko alam kung paano ko ipapaliwanag na humihilik ako pag tulog :D
ReplyDeleteO hai there Sherwin. hehehe. Si Moks pala iyon.
ReplyDeleteAgree ako dito kay Engr.Moks
Kung ano ang nasa puso mo isulat mo, magpakatotoo ka, wag puro fiction ng buhay mo. Nasasayo kung anong uri ng blogger ang gusto mong ipakita sa mundo. Public ang blogging, kaya mag-ingat din ng kaunti sa mga bagay na gusto mong isigaw sa mundo. May mga blogger na makakabasa ng post mo, may makakamisinterpret, may magrereact, may sasang-ayon.
Gusto ko ang payo mo para sa isang katulad kong medyo baguhan palang sa mundo ng blogsperyo. Habang binabasa ko ang parteng yun may naglalaro na sa aking isipan. Yung dalawang paraan daw upang maging sikat na blogger. Una, sikapin mong maging sikat ka muna tapos saka ka magblog. At pangalawa, magblog nang magblog hanggang sa may makapansin sayo at doon maguumpisa ang iyong kasikatan bilang blogger.
ReplyDeletewow.. idol ko rin po ang blog ni chico.. hahaha..
ReplyDeleteang galing ng hot seat na ito.. biglang naging parang open forum ang bandang huli.. lol
sayang hindi ako nagkaroon ng chance na makapagtanong kay Moks..
ReplyDeletepinaka-fave kong part yung sagot nya kay Mads.. dun mo malalaman kung gaano nya ituring na parang tao rin ang alaga nyang dog na si Sasa.
mas marami pa kong nalaman at nadiscover kay Sherwin Calalang..
:)
hahaha ibang iba na nga ang hot seat. ayos. congrats kay moks
ReplyDeletehindi ko kilala si mox kaya wala ako masyadong masabi. hehe. pero totoo nga, okey ang pagba-blog kasi nakakilala ka ng mga ka-wavelength na pareho mo trip at kung anu-anong shit sa buhay.
ReplyDeleteaabangan ko 'yung kay pareng dahn. eto kilalang-kilala ko 'to. hehe. \m/
Moks: Para lang #Bocaue yan pare, curious kang pasukin kung ano ang nasa loob.- ibang klaseng sagoot.
ReplyDeletewahahaha. super special ang hot seat ngayun ah kasi hindi lang si bino ang nagtanung, nashock me dahil parang press conference, andaming nag-interview :D
wow lumelevel up na lang tlga ung hot seat! its nice to know a piece of everything of your blogging life sir moks :)
ReplyDeleteNatawa ako bigla noong nabasa ko ang #bocaue. Hahaha! Pati ba naman dito.
ReplyDeleteNag level up nga ito... may mga bloggers ang magtatanong.... nakakakaba naman kung makaHOTSEAT ka. heehehehe
wow kakaiba na ang hot seat lumelevel up parang panel interview. nagulat ako unang lumabas ang pangalan ni leah at iba pang blogger. At si moks ang na hot seat at nagpaliwanag talaga. Pero magaling.
ReplyDeleteAng galing ng mga sagot ni Engr.Calalang pang showbiz central.
Ang galing Bino.
Isang magaling ng episode ng hot seat, isa lang ang hindi ayos, ung nakahot seat..LOL..lumelevel up na nga to..haha
ReplyDeleteAy. Kabog na ang hot seat. Nakakatensyon. Hahaha. Nagulat ako sa mga tanong ni Kuya Bulakbolero. Hahaha. May issue pa lang ganun di ko nalaman? Hahaha. At may nagreact pala sa skip reader post? Hahaha.
ReplyDeleteKakaiba na tong Damuhan Hot Seat. Nakakapressure. Pero ang exciting basahin. Mas nakikilala ang nakahot seat. At literal na Hot Seat. Bravo Sir Moks.
grabe...... ang init ng mga tanung ng ibang blogger lalo na yung kay joel...
ReplyDeletedi ko expect na si moks ang magiging hot seat mo.. galing..
Teka, pano at kailan nagtanungan? Makikisali ako sa live tanungan next time. Hahaha.
ReplyDeleteparang kontrabida naman ang dating ko dito. hehe.
ReplyDeletemay nakahanda na talaga kong icocomment dito sa pagsagot mo sa tanong ko at nasabi ko na ito sa isang blogger kamakailan. edi ako na prepared.
hindi ako nageexpect na sasagutin mo yung tanong ko dahil lahat tayo ay may karapatan sa isinusulat natin. wala kang dapat paliwanagan ng iyong nagawa bukod nalang kung ito ay kaso sa korte.
naitanong ko ito, dahil nagulat ako ke pareng bino na isa ako sa magtatanong. ayaw ko naman na magtanong nang wala lang e meron naman talaga kong naisip na pwedeng itanong sa iyo.
di naman ako magpapakaplastic, nabahala talaga ko dun sa isang post mo, kung anu man yon, e wag na natin ungkatin. kung bakit yun ang napansin ko, kase yung sayo ang binabasa kong blog, yung sinasabi mong blogger na nagpapatama sa ibang blogger. di ko siguro finafollow yun. kaya di ko alam storyahan.
kung nagagala ka sa ibang blog na finafollow ko, mababasa mo na madalas din ako mag critic, hindi ko naman sila nilalait, pero gusto ko malaman nila yung natutunan ko. saksi si pareng bino dyan dahil madalas ako magcomment sa blog nya na may pagkanegatib.
yung pagtatanong ko sa'yo tratuhin mo na pasitib yon, kase kung lokohan lang ang habol ko, di na ko magtatanong sa'yo. o gagawa ako ng kaplastikan na tanong.
Kaya pareng mokong, salamat sa pagsagot mo sa tanong ko, pinakita lang neto na isports ka. \m/
Pahabol. medyo hindi ko nagustuhan yung sagot mo na kaya mo ito ipinost dahil lang may usapan lang sa fb ng ganito. hindi ko alam kung direkta ding pinatamaan ng fb yung ang blogger na napagusapan. pero anu't ano pa man. mas pabor ako sa respeto sa kapwa natin blogista. Patawad naman. tulad din naman ng sinabi mo, di natin napliplis ang lahat. pero bukod dun, ay ayus naman ikaw at walang halong kaplastikan yon.
Mapolitika ang hotseat mo ah!!! Haha! Pero ayos ang mga sagot ha infairness! :) pero para sa akin tunay kitang friend alam mo yun!
ReplyDeleteLOL! Si Bulakbol na ang Boy Abunda-slash-Mon Tulfo ng blogosperyo. Sayang, hindi ako nakapagtanong kay Engr Moks. Hindi ko kasi alam na pwede ang "phone-in questions". LOL! Pwede bang Part Two? :)
ReplyDeletesayang naman at di ko naabutan ang question portion.. pero congrats kay pareng mokong... paautograph naman hehehe
ReplyDeleteWOW! si derek pala ang hot seat.. hehe! ang haba ng mga sagot pero makabulohan.. kng sakaling maging legal si Sasa bilang anak mo, isa ako sa mga ninang ah..
ReplyDeleteloydi, kakaiba din ito ah, mga blogger nagbigay ng katanungan..:))
Mommy-Razz
Ngayong araw na ito, ako ay nanghihina sa sobrang pagod.. NGUNIT.. habang binabasa ko ito at napapunta sa tanong tungkol sa "apartment" ako'y natawa ng sobra.. grabe.. Alangan namang "close ments" diba? at saka seryoso, pwede pala yung mga ganitong tanong? ahehehe :)
ReplyDeletesi moks yung bloggers na parang kilala ko na hindi.yun lang.:D
ReplyDeletec moks ang isa sa mga blogers na hinahangaan ko khit newbie pa lang ako.....
ReplyDeleteBakit wala yong koment ko?
ReplyDeleteSherwin pala ang totoong pangalan ni Sir Moks
.
Tumatak ito sa akin.
Kung ano ang nasa puso mo isulat mo, magpakatotoo ka, wag puro fiction ng buhay mo. Nasasayo kung anong uri ng blogger ang gusto mong ipakita sa mundo. Public ang blogging, kaya mag-ingat din ng kaunti sa mga bagay na gusto mong isigaw sa mundo. May mga blogger na makakabasa ng post mo, may makakamisinterpret, may magrereact, may sasang-ayon.