Nananatiling gising sa kalaliman ng gabi
Malalim ang iniisip, tila wala sa sarili
naaalala ang mga sandaling kayo'y naririto
sa pagkain at pagtulog, kasa-kasama ko.
Dumating ang sandaling kailangan nyo'ng lumisan
Bumalik sa Pilipinas, ang ating inang bayan
Ako ay naiwan, nakatingin sa kawalan
habol ang inyong ngiting matagal ko'ng masisilayan.
ilang araw ang lumipas at saka napagtanto
unti-unting tumitigil ang takbo ng buhay ko
nawalan na ako ng gana, tuwa, ligaya at saya
at pumatak ang mga luha sa aking mga mata.
Mga luhang simbolo ng sakit at pagsisisi
"bakit nagkaganito", tanong ko sa sarili
Kailangan ba'ng maghiwalay kahit pansamantala lamang
para sa kaginhawaan ng mga mahal sa buhay?
Muli kami'ng magkikita pagdating ng panahon
ngunit bakit ang mga luha, sa pag-agos ay patuloy
ilang beses mang pilitin na huwag ng umiyak muli
dala ng pangungulila'y lumuluha, humihikbi.
Gusto ko man'g wakasan ito'ng aking kalungkutan
o magsuot ng maskara kahit pansamantala lamang
Hindi'ng hindi ko magawa at hindi ko kakayanin
luha'ng ito'y walang tigil, hangga't wala kayo sa aki'ng piling.
Pamagat: Luha: Walang Patid, Walang Tigil
May-akda: Bino
Ipinaskil: ika-28 ng Hulyo 2011
ang tulang ito ay bilang suporta sa patimpalak ni Iyah at hindi opisyal na kalahok
weee...meron an siyang entry hahaha.. parang gusto ko din mag suot ng maskara.. wala lang pauso lang hahaha.. para di halatang emo ako.. hehe..
ReplyDeletemay pinaghuhugutan ang tula Bino.. ahahaha
Salamat sa supporta my friend! You're so kaka talaga kakatuwa!! Naflattered naman ako! See I'm also blushing..
ReplyDeleteSo nice ng tula mo,ako ba nagsulat nito?sapul na sapul ako dito oh!!kita mo?! ++ I like salamat uli
ang ganda nman, nakarelate din ako.... nice sir
ReplyDeleteay bongga-ers! ahehehe... nice nice..makata-ers... may pinaghuhugutan ito...ayus kontest pla... :D
ReplyDeletebakit ndi opisyal na kalahok?sayang naman ito.ganda eh :)
ReplyDeleteIsa sa pinakadistinct na ugali/gawi ng Pinoy ay ang pagkagiliw natin sa mga tao. Yong matibay na pakikipagkapuwa tao natin ang isa sa pwede nating maipagmalaki subalit may kahinaan din naman. Mas kitang kita ito sa ating mga kapamilya. Iyon ang mensahe ng iyong pagluha na walang patid, ayaw nating mawalay sana sa mga mahal sa buhay na umaalis.
ReplyDeleteaw. isang tulang tumatagos at sumasalamin sa tunay na nararamdaman ng isang naulila. magaling na tula at naayon sa paksang luha.
ReplyDeleteNice!!! Galing galing!
ReplyDeletemay pagkamakata ka din pala Bino?
ReplyDeleteayos yun pagkakasulat ng tula..
Mukhang mararamdaman ko na rin ang Luha mo parekoy.
ReplyDeleteparang totoo ah.. totoo ba yan? hehe! good luck!
ReplyDeleteKung ang luha ay pananabik sa taong mahal mo ipunin ito at panghawakan dahil ito ang magandang sangkap na magbibigkis sa inyong mga puso magkalayo man kayo.
ReplyDeleteang lalim mukhang may pinaghuhugutan ha :D
ReplyDeleteaw... alam mo... hay... ang ganda ng pagkagawa mo.
ReplyDeletehay alam mo. aynako. bsta. sana... umayos na ang pilipinas. andaming pamilya ang nasisira para lang mabigyan ng magandang kinabukasan mga naiiwan e :( nakakalungkot talaga... daming sakripisyo...sayang naman kung lagi nalang ganon...
hindi official?... so meron pang isa para maging official?... teaser plng ba to?.. LOL
ReplyDeletekala ko naman sinabay mo sa pagbuhos ng ulan na dala ni Juaning.hahaha. in support ha at di official entry.ikaw na ang MOST SUPPORTIVE BLOGGER!!!:D
ReplyDeleteAko ay pumalakpak sa iyung ginawang tula. Ikaw Bino ay napaka makata. Mabuhay ka!
ReplyDeleteIpakita mo ang Porma mo Ngayon
Sir Bino bago ito sa panlasa ko. Kapag nagagawi kasi ako rito bihira akong nakakakita ng ganito. Pinalundag mo ang puso ko sa galak.
ReplyDeletePang OFW. Pang lipunan. Makabayan at Makatao.
good luck sa contest!!
ReplyDeleteAko ay pumalakpak sa iyung ginawang tula. Ikaw Bino ay napaka makata. Mabuhay ka!
ReplyDeleteIpakita mo ang Porma mo Ngayon
ang lalim mukhang may pinaghuhugutan ha :D
ReplyDeleteay bongga-ers! ahehehe... nice nice..makata-ers... may pinaghuhugutan ito...ayus kontest pla... :D
ReplyDelete