Sumenyas si Fernando sa kanya sabay turo sa telepono na nasa tainga nito. Nangangahulugang maghintay siya dahil may kausap pa ito'ng kliyente.
Hindi nakatiis si Josephine at nilapitan si Fernando. Walang sabi-sabing pinindot nito ang plunger ng telepono. Dahilan para mawala sa linya ang kausap nito.
"Hindi ka ba talaga makapaghintay kahit ilang minuto?" tanong ni Fernando na naiiling dahil sa kalokohang ginawa ng dalaga.
"Obvious ba? Tinutubuan na ko ng ugat sa pag-hihintay. Pengeng pera! Magshashopping ako." sagot ni Josephine.
"Kabibigay ko lang ng allowance mo noon'g isang araw. Para yon sa mga gastusin mo sa loob ng isang buwan. Tapos humihingi ka na naman?" takang tanong nito.
"Eh sa marami ako'ng kailangang bilhin eh. At sinabi mo rin na ibibigay mo ang lahat ng gusto ko. Dahil ang totoo naman ay pera ko rin ang hinihingi ko sa yo." singhal ni Josephine.
"Excuse me Ms. Aragon. Pera ito ng Daddy mo na ipinagkatiwala niya sa akin dahil alam niyang wala ka'ng pakundangang gumastos. At wala ka pa sa wastong edad para makuha ang mamanahin mo."
"Niloko mo lang ang Daddy ko. Alam ko ikaw ang nagpapatay sa kanya para makuha mo ang ari-arian namin!"
"Ilang beses ko ba'ng sasabihin sa iyo na hindi ako ang may kasalanan."
"Basta! Isa ka'ng kriminal! At mapapatunayan ko yon!" sigaw ni Josephine
"Pero hangga't di mo pa napapatunayan eh susundin mo ko dahil ako ang itinalagang guardian mo. " ani Fernando.
"The hell I care kung ikaw ang guardian ko! Penge ng pera at wala ako'ng magawa dito sa pagkalaki-laki NAMING bahay!" muling sigaw ni Josephine.
Tumalikod si Fernando at nagpunta sa isang drawer at tila mayroo'ng kinuha mula doon.
"Wala ka kamo'ng magawa?" tanong ni Fernando kay Josephine.
"Paulit-ulit kuya? Sinabi nang wala!" singhal niya.
Bilang tugon. Kinuha ni Fernando ang kamay ni Josephine. Buon'g kagalakan'g ibinuhos nito ang tube ng epoxy sa palad ng dalaga.
"Yan, antayin mo'ng matuyo, tapos tanggalin mo. Para may magawa ka buon'g maghapon." ani Fernando at lumabas ng kanyang opisina.
Naiwang tulala sa Josephine habang tinitingnan ang natutuyong epoky sa kanang palad niya.
"Fernandoooooo!!!!"
Tawa lang ng tawa si Fernando habang naririnig ang sigaw ng dalaga. Dumiretso sya sa kanyang kwarto at nagpatugtog ng musika mula sa kanyang iphone. Isinaksak ang earphone at nag-enjoy sa kanta.
itutuloy....
nakakabitin naman!
ReplyDelete"plunger" pala ang tawag sa pindutan sa telepono para marinig mo 'yung dial tone...hehehehe...
ReplyDeletenakakabitin pero mukang maganda...
teaser ba 'to?
:)
buti nga kay prinsesita!
ReplyDeletepagsisihan kaya niya dahil nauubos na kayamanan niya kakagastos?
ayn lokoloko pala itong si fernando hehe..
ReplyDeletemakatalak naman kasi itong si josepina parang manok hehe..
aabangan ang kasunod...
ano to? lol. di ko malaman kung labstory, tragic, o anu ba? walang clue? haha!
ReplyDeletewow.. parang story lang po sa pocket book ah.. pati pangalan... :))
ReplyDeletebasahin ko to bukas or late tonight... bc bchan lang ang liyad ko...
ReplyDeleteWala talaga akong hilig magbasa ng pocketbook, kasi nakakbitin kung hindi tuluy-tuluy ang pagbabasa. Tulad nito, bitin!
ReplyDeletepang precious Romance. pwedeng si Kristine Reyes ang gumanap o kaya si Melason ba iyon?
ReplyDeleteMukhang exciting.
Epoxy? Ahahaha!! Pocketbook to, Bino? hehe.. ay ambot. :P
ReplyDeletebuti nga sa malditang yon.. hehe kong ako si Fernado uupakan ko yon.. #lol
ReplyDeleteayun oh pumipiksyon!!! bitin next please!
ReplyDeleteay epoxy?! patay tayo dyan tagal matanggal nyan!
-iya
yey, part 2 next. :) aliw
ReplyDeleteang kwento ng natuyong epoxy.. hulaan ko ito ang title hahah... dapat diba?
ReplyDeletewow bet ko ditembang ...
ReplyDeletehehehe. mahilig ako sa mga ganitong kwento ...
ahhahahaay!
Simulan kong subaybayan ito mukhang magandang kwento ito Bino.
ReplyDelete