August 8, 2011

Ang Aking Lola

Ang lola at tita ko

Ako ay may lola. Edad mahigit 85 na. Sa ganito'ng edad, nagsesecond childhood na siya. Nagsimula ang pagiging ulyanin niya noon'g isang taon. Bigla ito'ng gumigising ng madaling araw at sinasabing marami daw tao sa kwarto niya. Nakahiga sa kama niya, nandun sa loob ng damitan niya at iba pa. Galit na galit si lola sa mga "tao" na yun. To the rescue naman ang mga anak niya. Nagpabless muli kami ng bahay, nagrorosaryo tuwing ika-6 ng gabi. Nag-i-insenso din para mawala ang bad spirits. Huwag ka, mayroon talagang "visitor" dito sa aming bahay, isang dopleganger pero di lang namin pinapansin. Kumbaga sanay na kami. Kala nga namin yun ang nakikita ni lola. Yun pala, senyales na ito ng unti-unting pagkawala niya ng memorya.





Napagtanto namin na nag-uulyanin na ang aking mahal na lola dahil unti-unti na niyang binabalikan ang nakaraan. Tila nabubuhay siya sa kahapon. May mga pagkakataon na hinahanap niya si lolo na taon'g 1990 pa kinuha ni Lord. Hinahanap din niya ang mga kapatid niya na matagal ng pumanaw. Siya na lang ang natitira. May mga oras din na hinahanap naman niya ang mga batang kami. Oo. yung panahon na kami'y musmos pa lamang. Minsan di na niya kami nakikilala. Tinatawag nya ko minsan na tatay ko, minsan naman, kapatid ang akala niya sa akin.

Pero ang grabe'ng paguulyanin ni lola ay ang pagiging mataras niya. Walang araw na hindi ito nagmumura at muli'y babalik-balikan ang kanyang kapanahunan. Yun lang ang pangit dun, ang madalas na pagbitaw ng mga P.I, at iba pang bad words. Minsan nga, nakasagutan ko pa siya dahil dun na alam ko naman na mali. Dala na rin siguro ng pressure sa trabaho at pagod sa maghapon kaya nauubos din ang aming mga pasensiya.

Ganunpaman, matapos ang aming sagutan, bigla na lang ako'ng matatauhan at magsisisi kung bakit ko nagawa yun sa kanya. Kaya naman hangga't maaari, lumalayo na lang ako pag nagmumura na siya o kaya nama'y nagpapasak ng earphones sa tainga. Nakakalungkot na walang gamot sa alzheimer's (meron ba?). Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit ganun si lola, malakas pa rin ang kanyang pangangatawan. Mabagal na nga lang siyang maglakad pero nasisiguro ko'ng kaya pa niya ako'ng sapakin. Hehehe.


Sa kabila ng lahat ng ito, mahal na mahal ko ang aking Lola.

Isang magandang umaga sa inyong lahat.




24 ang nakaappreciate:

  1. wow...85 years old..bongga yun ah..ako umabot lng ako ng 70...ayus na akin yun... wahehehe...wag mong inaaway si lola, baka masapak ka nyan... ahahaha...anyway, nasa atin nmn na ang tamang pag-unawa at kita naman mahal na mahal mo ang iyong lola..mahalin natin sila kahit ano pang ugali meron sila...ayt... :)

    ReplyDelete
  2. Mahal ko rin ang nag iisa kong lola, kaya lng lubhang npakalayo namin ngayun at na-miss ko sya ng basahin kong post mong ito.

    Thanks Bino

    ReplyDelete
  3. na-miss ko tuloy ang lola ko... di bale, makikita ko din siya soon. :)

    ReplyDelete
  4. naks yan ang the best ang pagmamahal sa lola, nwei laht ata ng tao darating sa ganyan,pero sana wag tayo magmadali. cguro isang lesson lang ng hanggang bata pa tayo ienjoy na natin.

    nga pala, since ito na rin ang topic eh, sa darating na sept 4 , yung church na inaatenand ko eh may outreach plan sa anawim o home for the ederly, iniinvite ko yung mga gustong tumulong o sumama. hehe ^_^mas marami mas masaya

    ReplyDelete
  5. Ipagpatuloy ang pagmamahal at pag-aalaga sa iyong mahal na lola ser. Ako both sides wala ng mga grandparents.

    Di ko alam kung may gamot sa pagkakaulyanin.

    Be blessed po!

    ReplyDelete
  6. namiss ko din ang lola ko...

    Dahil sa alzheimer's. Naalala ko yung movie na pinanood ko kahapon, tungkol din dyan yung tema, Rise of the planet of the apes.

    ReplyDelete
  7. namiss ko din tuloy lola ko, hnd niya naranasan ung nagsecond childhood kc maaga siyang nawala.. :(

    share ko lang, Grandma na ako, haha! D youngest Grandma on earth, JOKE! the most beautiful grandma on earth.. CHECK!

    ReplyDelete
  8. hmmm... di ren madali pag nasa ganong state na silah siguro na makakalimutin at mainitin ang ulo... i dunno really how its like to live w/ lola.. well i did live w/ my nanay's mom for a bit non pero she passed a way na ren... then my dad's mom eh malayo sa amen... nde naman tlgah nakasama... once in a blue moon lang namen makitah... anyhoo.... sana patuloy pa ren sa pagiging malakas hanglola moh.... so yah... ingatz po... Godbless!

    ReplyDelete
  9. na-experience ko din yan. well, nakikipagsagutan ako sa lola ko noon kasi nasa peak ako ng puberty (me ganun?) hahah, medyo immature ako noon kaya halos lahat na ginagawa ng lola ko is irritating for me.

    ReplyDelete
  10. Mabait na bata.

    Wala yatang gamot sa ganiyang karamdaman. Buti kamo eh, matanda na siya nang tamaan siya niyan.

    Support at mahabang pasensiya pa siguro at maraming pagmamahal pa ang kailangan niya.

    :)

    ReplyDelete
  11. Aww.. yung Lola ko, 86 years old na.. Pero hindi pa siya ulyanin. Makulit lang. Like, very curious.. or.. chismosa. haha! Nakikisawsaw. ksp. hihi.. Hay. Chika-chika lang kami ni nanay, gusto laging magjoin.

    Nung medyo malakas pa sya, bantay-sarado ako dun. Mahigpit. Strikto. Kaya dami ang natatakot sa kanya. Pero kahit ganun yung lola ko, mahal ko yun.

    Okay lang yan, minsan nadadala lang din sa init ng ulo. Pinagsisihan mo naman yung nagawa mo. Yes, iwas ka na lang next time pag medyo nagmumura si Lola mo.. hehe..

    ReplyDelete
  12. wala akong inabutang lola kahit isa, siguro dahil matanda nang nag asawa ang aking mga magulang, ang nakakamiss ay ang lola ng aking mga anak. Kailan lang ay nagpaalam na siya, syempre masakit para sa akin ang mawalan ng lola ang aking mga anak at mawalan ng ina.

    Magandang Umaga Bino

    ReplyDelete
  13. I miss my lolo and lola ... ganyan din nuong mag-ulyanin na sila ... sayang , ako pa naman ang kanilang favorite granddaughter este , grandson pala he he he...

    ReplyDelete
  14. lahat naman ng lola dumadaan sa ganyan state... namiss ko lalo yung lola ko.. same situation din siya...

    ReplyDelete
  15. naalala ko tuloy c lola...naging pasaway na apo ako before pero pinagsisihan ko na yun...haaaay...dapat talaga tayong mga grand kids ang umiintindi sa kanila..
    daan lang po..

    ReplyDelete
  16. naalala ko rin si lola kasu nga lang pumanaw na sya lake me sa lola pero still naalala ko pa rin sya nice post sir!

    ReplyDelete
  17. hahaha nasanay siguro sya nung kabataan nya na nagmumura!hahahaha pero dapat talagang unawain natin sila....yun yun eh! buhay pa din ang mga lola ko..kamusta na kaya sila?

    ReplyDelete
  18. Whoa! Ang bata pa nga para magkaganyan ng lola mo eh. Siguro madami siyang anak? Hula lang. Ang hina ko sa ganyan, pag matatanda na ang usapan hindi ko maiwasang malungkot. Medyo nakakasagutan ko din kasi ang lola ko, pero wala siyang sakit. Madaldal lang talaga at nakakapangsisi na pumapatol ako. Tsk.. Alagaan mo kuya mabuti ang lola mo. She needs that.

    Trivia: Autopsy (after death) lang ang confirmatory test kung may AD nga ang isang tao. Ang epal ko. LOL!

    ReplyDelete
  19. Huhuhuuh.. na miss ko tuloy ang aking lola.. Ulyanin na din yun. Pero wala na siya at nasa kamay na ni Lord taong March 2010. haayy Lola's boy kasi ako..lumaki sa lolo at lola.. inalagaan din ako ni Lola. Huhuhu..

    ReplyDelete
  20. :''> laking lolo't LOLA ko, namiss ko lola ko. . .:''>

    ReplyDelete
  21. sana mabuhay pa nang matagal ang lola mo. 'yung lola ko, 87 nung binawian ng buhay; pero di naman siya nag-uulyanin. dala lang talaga ng katandaan. it's good to hear that your lola is very dear to you; hope you get to spend more time with her while she's still literally alive and kicking! :D

    ReplyDelete
  22. 2002 na madiagnose ang nanay ko with alzheimer's, mahirap...alam mo na habang dumadaan ang panahon ay nauubos ang function ng kanyang brain. iniwan na kaming magkakapatid ng aming nanay noong 2005, dahil sa complications. mahalin mo ng husto ang iyong lola habang may chance pa - stimulate mo ang brain - magpakita ng mga lumang family photos and talk to her often.

    ReplyDelete
  23. Nung namatay yung lola ko, 76 years old siya. Malayo na siya dun sa ala-ala ko noon kung papaanong may paliwanag siya sa lahat ng bagay na itinatanong ko dati. Madaling magdamdam, mabilis mayamot. Yung term na nag se second childhood nga yata ang tawag dun. I feel sad and miss her nung nabasa ko 'to and at the same time, masaya na kayang kaya mo siyang unawain pa rin.

    Ganun naman kasi dapat. Para kapag andun na rin tayo sa stage nila ngayon, makuha rin natin yung pang unawa ng mga mahal natin sa buhay na mas may kakayahang umintindi.

    Magandang araw, sir bino!

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS