August 31, 2011

Blogger's Hot Seat: Anthony Carlo of Supladong Office Boy

Ang ating blogger of the week ay kilala sa tawag na Suplado'ng Office Boy. May kaangasan ang kanyang mga posts pero nitong bandang huli ay medyo kalmado ang kanyang mga isinusulat. Nabigyan ako ng pagkakataon na makilala siya sa personal dahil na rin sa kanyang imbitasyon para sa isang exclusive eyeball kasama ang iba'ng bloggers na malapit sa kanya. Inulan man ang aming "maitim na balak" hindi ito naging hadlang para mag-enjoy sa Laguna at Tagaytay. Ating kilalanin ang tao na "suplado". Si Anthony Carlo:







Pangalan/Alias: Anthony Carlo aka Supladong Office Boy
Blog Name at URL: Ang Mga Kwento sa Buhay ng Supladong Office Boy (http://www.anthonycarlo.com)
Lokasyon: Batangas City
Edad: 25
Civil Status: Single





PERSONAL QUESTIONS:


Bino: Tell me something about yourself.
SOB: My real name is Anthony Carlo. Born on the 21st of July. Second to the four children of my mom and dad. I value family and friends over family and fortune. I’m imaginative, full of creativity and loves adventure. I’m very protective and sympathetic to all my loved ones. I love giving gifts to anyone. I have a very strong personality. Prangka at totoong tao. I hate panget – meaning panget na ang mukha, panget pa ang ugali. I’m quick-tempered and highly sensitive. Ayaw ko sa mga epal at feeling close na tao. Mabait ako kung sa mabait, pero once na ginalit mo ko, delikado ka.

Bino: Kelan at paano ka nagsimulang magblog?
SOB: Year 2006 nung nahilig ako sa pagsusulat ng sarili kong kwento dahil gusto kong gumawa ng isang libro. Literal na nagsusulat ako sa isang personal notebook then I realized na nakakapagod pala ang ginagawa ko. Kulang na lang ay balahibo ng manok ang gamitin kong panulat at pakiramdam ko ay babalik na ko sa panahon ni Rizal. Sa kabutihang palad, nadiskubre ko ang pagbablog dahil sa Friendster. At dun na nagsimula ang buhay ko bilang isang simpleng blogero na nagtatago sa ibang alias. Then I created my blogspot account noong 2008 but year 2010 na nung isinilang si Supladong Office Boy.

Bino: Bakit mo naisipang pasukin ang mundo ng blogging?
SOB: Simple lang, hindi upang kumita ng pera o magkaroon ng maraming mambabasa kundi dahil nais kong ibahagi ang buhay ko sa ibang tao at makapulot sila ng aral mula dito.

Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa blogging? Ipaliwanag
SOB: Hinahangaan ko yung mga blogero na magaling magpatawa sa paraan ng kanilang pagsusulat. Dahil naniniwala ako na yung mga taong mahilig magbigay ng kasiyahan sa iba, sila yung malalalim at matatalinong tao na masarap makausap at makasama sa personal.

Bino: Kung may hinahangaan kang blogero, mayroon ka ba namang kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
SOB: Walang kagatul-gatol kong sagot – Oo! Ayaw ko sa mga blogger na mahilig magmagaling o makialam. Mga plastik, tsismoso at epal. Bago mo ko pakialaman o husgahan, tignan mo muna ang sarili mo sa salamin at siguraduhin mong mas malinis ka pa saken! (may pinapatamaan ako dyan!) Ayaw ko rin sa mga bloggers na inuutusan akong i-follow sila at makipag-exchange links, please lang! Ifa-follow kita kung gusto kita kaya wag na wag mo kong didiktahan. (high blood?!)

Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
SOB: Pinakamagandang karanasanan na yung makatanggap ako ng mga fan e-mails mula dito sa Pinas at maging sa mga taga-ibang bansa. Alam mo yung feeling na may naiinspire kang mga tao? May mga natutuwa sa sinusulat mo. May mga humahanga sa’yo. Dumarami ang nagiging kaibigan mo. Sobrang sarap sa pakiramdam. Nakakataba ng puso. Idagdag mo pa yung nakakatuwang female blogger na nag-offer sa akin ng fiancĂ© visa at gusto akong mapangasawa. (Di ko lang inaaccept kasi may recession ngayon sa US. Dyuk!) Haha. Kaya lahat ng private emails nila ay nakatago at hinding-hindi ko binubura. Nakakatuwa lang balik-balikan ‘coz they really make me smile up to now.

Bukod sa mga naging fans ni Supladong Office Boy, magandang karanasan din yung nakilala ko ang iba’t ibang bloggers sa personal tulad na lamang noong nakaraang iBall. Lahat yun, every single moment na nakasama ko kayo (iBloggers), tine-treasure ko ng sobra..

Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
SOB: Almost five months pa lang noon si Supladong Office Boy, dinagsa na ko ng haters. Kung anu-ano sinasabi sa akin na masasakit na salita. Hanggang ngayon na lampas isang taon na ko, hindi pa rin sila nawawala. Sa una, naapektuhan ako. But later on, mas naisip kong hindi na lang sila dapat pagtuunan ng pansin. Because haters will hate me, rate me, shake me, and break me. But how strong I stand is what makes me.

Bukod sa mga haters, another bad experiences ay yung nakatanggap ako ng indecent proposal galing sa isang gay. Marunong naman ako makipagkaibigan kahit kanino pero may limitation pa rin. Meron din dalawang female readers na nag-stalk sa akin at prangkang sinabihan ako na pinapantasya nila ko at gusto nilang maging girlfriend ko sila. Ang weird lang. Kahit lalaki ako, nababastusan ako sa ganun dahil disente akong tao. Kaya no choice, naka-block na sila sa lahat ng networking sites ko.

Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka na magblog? ipaliwanag.
SOB: Oo, maraming beses na. Nakakaadik kasi. Parang mas nafofocus na yung maraming oras ko sa pagbablog. Tapos makakatanggap ka pa ng comment mula sa haters. Or mauubusan ka ng topic for your new post. Paminsan-minsan maiisip ko na lang din, ano nga ba ang napapala ko sa pagbablog? Pero dahil sa mga readers ko, nandito pa rin ako. Hindi ko pa silang kayang iwan sa ngayon. Titigil lang ako sa pagbablog kapag naubos na yung mga taong nagmamahal at sumusuporta kay Supladong Office Boy.

Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
SOB: Mas nakilala ako ng karamihan kahit sa online world lang. Overwhelming yung feeling na marami kang followers, readers, acquaintances and later on, nagiging friends. Mas marami rin akong natututunan sa mga kapwa bloggers ko and at the same time, may mga taong naiinspire dahil sa kwento ng buhay ko. Pero ang pinaka-da best, minahal ng masa si Supladong Office Boy. (feeling celebrity?? Lol)

Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gustong gumawa ng blog?
SOB: Kung interesado kang magblog, wag kang matakot subukan ‘to. Eh ano kung wala kang readers, comments or followers?! Demanding ka eh nag-uumpisa ka pa lang. Syempre maghintay ka! Basta isulat mo kung ano yang nilalaman ng puso at isipan mo. Hindi kailangan na magaling kang mag-ingles, o mahusay ang structure ng blog post mo, dahil ang mas mahalaga ay yung nais mong iparating at ibahagi sa iyong mga mambabasa. Magpakatotoo ka lang, at mamalay ka na marami ka ng taga-suporta.

Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa ibang lahi?
SOB: It’s kinda difficult to compare kasi nga piling-pili lang nga ang Pinoy blogs na binabasa ko, what more pa kaya ang foreign blogs. Anyway, kahit saang larangan naman, nag-eexcel ang mga Pinoy. We are proud of who we are kahit mga skip readers tayo. Haha. Filipino bloggers I think are more creative and we can give justice to any topic we have in mind kahit pa kwentong sabaw lang yan. Ganun tayo kagaling! And I’m proud to be a Pinoy blogger.


Bloggers' Questions:




MARK BRYAN GARCIA : Name 3 of your fantasy bloggers. What wld you do if you're with them.!?
SOB:


Steph aka MsHyperSinger –gusto kong manood kami ng Westlife concert together.
Roanne – gusto kong pumasyal ulit Macau at siya ang magiging tour guide/date ko.
Hartlesschiq – naudlot yung plano naming nung January na pumunta sa EK, kaya next time, gusto ko ng matuloy yun kasama siya.

MARK BRYAN GARCIA: How do you make ur blog entries interesting!?
SOB: By making it simple yet witty. Patok sa panlasa ng mga readers ko pag ganun ang mga entries ko. Sa panahon ngayon na maraming problema sa paligid, mas gusto na rin ng mga tao yung kwento na kung saan ang mababasa nila ay yung nakakatuwa at kahit papano ay makakatulong para gumanda ng kaunti ang pakiramdam nila. Kaya as much as possible, bibihira na kong magpost ng puro rants or negative yung tema. Puro pampa-good vibes na lang.

Randolph Crumpton: May mga posts sa blog mo na medyo mapait sa panlasa at nagbigay sa akin ng medyo hindi magandang impresyon. Si Supladong Office Boy ba ay mayabang, maangas, bayolente at sobrang mainitin ang ulo sa totoong buhay, o isa lamang itong palabas upang maitago ang totoong Anthony Carlo?
SOB: Sa totoo, may taglay talaga kong kayabangan, angas at hindi ko maitatanggi na mainitin ang ulo ko. Yun ang mga kapintasan na maibabato mo sa akin. Nagpapakatotoo lang ako at inaamin ko naman yun. Pero subukan mo lang kilalanin ako sa personal, at paniguradong etong mayabang, maangas, bayolente at sobrang mainiting ulo na si Supladong Office Boy ay mamahalin mo bilang isang totoo at tunay na kaibigan.

Augustine Grepo (EGG): Ser Carlo di ba dati rati lageng highblood ang mga post yung tipong sasabog na ang iyong puso.. eh bakit ngayon hinde na??? saaka ano ang feeling ng hindi na hinahighblood?
SOB: Lagi akong high blood noon sa mga blog post ko dahil sa kumpanya na pinagtatrabahuhan ko. Hindi ko gusto ang mga mga taong plastik, credit grabber at back fighter kaya dito sa blog ko nilalabas lahat ng sama ng loob ko. But in the end, iniwan ko na rin sila kaya eto ko, kahit kasalukuyang hindi nagtatrabaho, masaya naman at hindi na naha-high blood.

Pag naha-high blood ko, naninikip ang dibdib ko, sobrang bilis ng heart beat at sumasakit ang batok. Meron na rin akong maintenance na Amvasc and Pritor kaya kahit papano, nacocontrol na yung biglaang pagtaas ng blood pressure ko.

Augustine Grepo (EGG): May abs ba kayo? Ilang packs?
SOB: Meron akong baby abs. 4 packs pa lang. Eto yung pinaghalong baby fats at abs kaya naging baby abs.

Mommy Razz: napakapihikan mong tao.. kaya anong ideal girl mo?
SOB: True that! Gusto ko sa babae yung simple, matalino, magaling magluto, mamahalin yung parents at mga kapatid ko, may sense kausap at may takot sa Diyos. Actually, natagpuan ko na siya at siya nga yung gusto kong pakasalan 3 years from now.

Cuteberl: matapos mo mameet ang ibang mga ubloggers na kasama sa iball. kmusta naman ang first impression sa kanila?
SOB:


Berl - mukha siyang barako. maangas. (parang bouncer sa unang tingin pero pag nakausap mo na parang bata). makwento. mabait.
Xander - comedian. bungisngis. mabait. sobrang cool. (magkasundo kami sa lahat lalo na sa kalokohan!)
Leah - sweet. mahiyain. mabait. simple. (unang pagkakita pa lang, mas lalo kaming naging close)
Yow - tahimik. magalang. mabait. mahiyain. (gumagamit siya ng po at opo sa amin. LOL)
Bino - misteryoso. mahiyain. mabait. (galante pa! hahaha. pero nahihiya siya makipagkwentuhan saken)
Melissa - mahiyain. tahimik. mabait. natural. (tahimik lang siya at pangiti-ngiti at walang time na makakwentuhan ko siya)
Desole Boy - mayabang. mabait. madaldal. (sobrang confident siya pag nagsasalita. haha)
Jay - mahiyain. mabait. simple. (sobrang simple ng taong 'to, walang reklamo sa buhay.)

Cuteberl: magbigay ka ng isang salita na masasabi mo sa bwat blogger na nameet mo sa iball
SOB: Iisa lang ang common denominator ng lahat ng bloggers na nakilala ko sa iBall: MABAIT silang lahat!

Cuteberl: bakit nakatalikod ka sa blog mo? pangit ka ba kaya ayaw mong magpakita o artistahin ang itsura mo at nagmamaganda ka?
SOB: Tutal naman nakita mo na ko sa personal, sino ngayon ang panget? Hahahaha!

Kung haharap ako sa blog ko at ngingiti, hindi na suplado tignan yun. Mas gusto ko yung nakatalikod para sa unang tingin pa lang, suplado at misteryoso na ang dating. Epektib naman. Kahit papano, may mga nauuto akong new followers and readers. LOL!

John of Kumagcow: If you had the chance to have sex with any of the bloggers you know, who would it be and why? Name names! bawal safe! =)
SOB: Whatta tricky question! But since you’re only referring to any of the bloggers I know (di mo naman sinabi na dapat kilala din ako.. haha!) I’d like to have sex with Bianca Gonzalez (http://www.iamsuperbianca.com/)and Divine Lee (http://www.divinemlee.com/). They both have beauty and brains, very classy and their attitude really makes them HOT and SEXY!

PS: Gusto ko din i-try si Mocha Uson (http://mocha.com.ph/). Gusto ko din hanapin yung G-spot niya tulad ng ginawa niya dun sa video blog niya. LOL.

Leah: At what age do you wish to marry?
SOB: 28. Three years to go.

Leah: When was the last time you wrote something someone disagreed with?
SOB: I have a blog post early this year about dun sa Supladong Office Boy watch na ako mismo ang nagdesign. Then out of the blue, nitong July lang ay may nagcomment na isang ‘feeling’ fashionista blogger sa post kong yun. Sinabihan niya ko na si Stanley Chi daw ang original na Suplado at siya rin yung mismong nagpauso ng Suplado watch na nirelease dito sa Pinas last month. Buong tatag niyang pinapamukha saken na hindi ako ang original Suplado at nanggagaya lang daw ako.

Bilang ganti, pinamukha ko sa kanya na January 2011 ako naglabas ng Supladong Office Boy’s watch design at si Stanley Chi naman ay nitong July lang. Sino ngayon ang copycat? And besides, pinamukha ko rin sa kanya na hamak na malaki naman ang pagkakaiba ng SUPLADO at ng SUPLADONG OFFICE BOY. Pinagsabihan ko siya na next time, magbasa siyang mabuti at wag na wag akong dadalihan ng panghuhusga na walang tamang basehan, coz I heyt styupeeed pipol.

Leah: When was the last time you failed.. and when was the last time you tried something new? :)
SOB: The last time I failed was when I went to Singapore last June 2011. Confident ako na madali akong makakakuha ng work dahil na rin sa working experiences ko, pero nabigo ako dahil lagi na lang sinasabi sa mga interview ko na gusto nila ng Singaporean or Permanent Resident applicant sa job position na inaapplyan ko. Maybe hindi pa talaga para sa akin ang Singapore kaya umuwi ako ng Pinas after two months, and with arms wide open naman akong tinanggap ng family ko. Ngayon, pinagpapatuloy ko ang paghahanap ng trabaho sa ibang bansa dahil ayaw ko ng magtrabaho dito sa atin. Desidido akong libutin ang iba’t ibang panig ng mundo at hindi ako titigil hangga’t di ko naaabot lahat ng pangarap ko sa buhay.

Leah: Naghihilik ka ba? Hehehe
SOB: Oo. Lalo na kapag pagod na pagod ako.

Anciro: Hindi tayo fc at never tayong nag usap sa chat pero may gusto akong itanong sayo, bro, bakit supladong officeboy? suplado ka ba?
SOB: Suplado dahil karamihan sa mga taong nakilala at naging kaibigan ko ay suplado ang description pag naririnig nila ang tunay kong pangalan. Office Boy naman dahil at the age of 19, sa opisina na ko nagtatrabaho. Dun nabuo si Supladong Office Boy. Ano, malinaw na ba?

Anciro: WHAT DID YOU WANNA BE WHEN YOU WERE A KID?
SOB: A priest. Pero habang lumalaki ako, narealized ko na hindi yata bagay sa akin ang maging isang pari. Besides, sayang ang magandang lahi ko. Right? (dyuk!)

Anciro: What makes you smile?
SOB: Childhood memories. And everytime I meet people na super nice, natural and very clever.

MP: Bakit Supladong OfficeBoy? Ipaliwanag.
SOB: Basahin mo na lang ang sagot dun sa tanong ni Anciro sa taas. Ayaw ko ng paulit-ulit sumagot.

MP: Hindi malilimutang karanasan sa blogworld?
SOB: Marami akong nakilalang anonymous bloggers na buong pusong nagtiwala sa akin at ibinahagi nila sa akin yung mga very private and personal secrets nila. Hanggang ngayon, itinatago ko ang bawat isang sikreto na yun at hinding-hindi ko sisirain yung tiwala na ibinigay nila sa akin. Naging kaibigan ko na rin sila sa personal at hindi lang dito sa online world.

MP: May nakarelasyon ka na bang isang blogger? If yes, how was it?
SOB: Meron akong niligawan pero binasted ako. Yung sumunod, nauwi lang sa one-night stand kaya hindi ko rin masasabing relasyon yun. How was it? Masarap pero pinagsisihan ko yun dahil alam kong hindi tama yung ginawa ko.

ArvinErick: "What legacy do you want to leave when you die?, to whom?"
SOB: Simula’t sapul, I want to be a great inspiration to everyone. I want to share all my knowledge and talents to all the people around me and hopefully, to touch their lives too. So pag dumating na yung oras na kukunin na ko ni Lord, maipagmamalaki ko sa Kanya na I used all the gifts na binigay Niya sa akin at ibinahagi ko yun sa mga taong naging parte ng buhay ko.

Zen: Ano po ang course niyo? At--- Kung hindi po yan ang course niyo ngayon, ano po kaya kayo ngayon?
SOB: I’m a graduate of BS Commerce Major in Accounting Management. But before that, I started as an Accountancy student. Siguro kung hindi ko sinunod ang mga magulang ko na eto ang kunin kong kurso, ganap na kong Arkitekto ngayon. Pero hindi ko naman pinagsisisihan yun, dahil kung nagkataon, hindi siguro ipinanganak sa mundo ng blogosphere si Supladong Office Boy at wala ako sa hot seat na ito ngayon.

Xander: Bakit mo naisipang mag soul searching sa Singapore?
SOB: Soul searching and job hunting yun actually. Sabi ko kasi sa sarili ko, pagtuntong ko ng edad na 25, gusto kong marami na kong napatunayan sa sarili ko at gusto kong gawin kung ano talaga yung mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Tulad nga ng description ko sa blog ko, ako ang binatang kasing taas ng Eiffel Tower ang mga pangarap sa buhay. Nais kong libutin ang buong mundo at mabuhay ng naaayon sa kagustuhan ko.

Sa awa ng Diyos, kahit nabigo ako sa paghahanap ng trabaho, naging matagumpay naman ako na kilalanin ang sarili ko at marami akong aral na natutunan na kailanman ay hinding-hindi ko matututunan sa loob ng paaralan.

Xander: Kung isang gamit ka sa loob ng opisina, ano ka at bakit?
SOB: Liquid eraser (touch & go). Dahil kasing puti nito ang dalisay kong kalooban once nagtrabaho ako sa isang kumpanya. Naniniwala ako na yung dedikasyon at pagmamahal ko sa aking propesyon ay hindi kailanman matutumbasan ng kahit anumang bagay. Handa akong burahin at iwasto ang lahat ng mali sa loob ng opisina kahit pa dumating yung araw na ako na mismo ang maubos at hindi na mapakinabangan pa. Ang mahalaga, nagkaroon ako ng silbi at nagampanan kong mabuti kung ano ang aking trabaho.

Xander: You’ve been given access to a time machine. Where and when would you travel to?
SOB: I’d like to travel to the time when my mom became a mother for the first time, then later on a full-time mom of four children and a wife to my father. So that I could find out how she sees me as her son and my three other siblings, how she sees our dad as her husband, her activities, and how she sees life. When I get back to the present time, I’d know how to treat her and other women so much better.

Anonymous: Since mahilig kang gumagawa ng Indie film (joke lang!). If someone made a movie of your life would it be a drama, a comedy, a romantic-comedy, action film, or science fiction?
SOB: A drama-comedy. Gusto ko si John Lloyd Cruz yung gaganap sa buhay ko. LOL!

Khanto: Kung papalitan ang supladong office boy, anong title ito? Maximum of 3 words. :D
SOB: Suplado Next Door. Parang matinee idol ang dating.

Khanto: May nalulunod na mascot sa tubig, sino ang ililigtas mo?
a. jollibee, b. ronald mcdonald or c. yung chicken ng kfc?
SOB: Si Jollibee. Kasi yung puwet pa lang niya mukha ng salbabida, for sure lulutang kaming dalawa sa tubig.

AJ Banda: Anong meron sa GRO at natatakot sya? di ba paang mas nakakatakot kung yung bouncer ang magdamit GRO?
SOB: Dati kasi nung 19 years old pa lang ako, lagi akong hinaharang ng mga GRO dun sa unit na tinitirahan ko sa Cavite. Tuwing umaga makikita ko sila na nandun sa may pintuan at kumakaway sa akin, or minsan bigla nila kong tatawagin o lalapitan lalo na pag bagong ligo ako at mag-isa sa bahay. Nakakatakot kaya yung ganun. Feeling ko gusto nila kong i-gang rape at ibugso ang maalindog kong puri. Ahahaha! Kung makakakita naman ako ng bouncer na nakadamit GRO, hindi ako matatakot. Nakakatawa kaya yun!

Desole Boy: what would make you hate a certain person and why?
SOB: I hate traitors, liars and back fighters. I’m very particular pagdating sa pagpili ng kaibigan. Kaya pag kinaibigan ko ang isang tao at gumawa siya ng isang bagay na hindi ko nagustuhan at ikinagalit ko, mag-ingat siya. Hindi ako gaganti pero umasa siyang hindi ko na siya kikilalanin at papansinin kahit kailan.

Jhiegz: What would you say to someone who thought they were not smart/confident enough to enter the blogging world?
SOB: When you devote yourself to become a blogger, you will not be bothered by shallow criticism. Nothing important can be accomplished if you allow yourself to be swayed by some trifling matter, always looking over your shoulder and wondering what others are saying or thinking. The key to achievement of being a certified blogger is to move forward along your chosen path with firm determination.

Jhiegz: What gives you peace of mind?
SOB: Prayer. I really find this effective. Talking to God is just so powerful.

Jhiegz: What is one thing people would not see to Supladong Office Boy at first glance?
SOB: I’m a little guy with a BIG heart.

Iyakhin: Kung bibigyan ka ng chance magtanong ng gusto mong itanong ano ang itatanong mo at paano mo sasagutin ang tanong pagpinagtanong ka sa tanong mo?
SOB: Gusto kong tanungin ang sarili ko sa harap ng isang salamin kung gwapo ba ako. Pagkatapos ay ngingiti ako, dun ko malalaman ang tunay na kasagutan kapag ngumiti din yung reflection ko sa harap ng salamin.

Yow: Nabasa ko noon sa google reader yung isang post mo tungkol sa anak o nabuntis na babae ata, binura mo agad yung post at di ko alam kung ako lang ang nakabasa. Ang tanong, totoo ba ang post na yun na may anak ka na talaga o may hindi pinanagutang responsibilidad? Bakit mo binura ang post? Bakit… bakit ako chismoso? Haha.
SOB: Oo tanda ko yun, at talagang hindi mo yun kinalimutan????? Honestly, yun ang kauna-unahan kong fiction story na ginawa sa blog ko. Pero naisip ko na baka maraming maconfused at maniwala sa blog entry kong yun kaya binura ko din agad after an hour. Kaya ngayon, puro non-fiction na yung stories na isine-share ko sa lahat ng readers ko.

Yow: Sa tingin mo, anong mayroon sa mga post mo o sa’yo kung bakit nagkakaroon ka ng mga haters?
SOB: Dahil masyado akong nagpapakatotoo sa lahat ng sinusulat ko. I don’t care if my blog posts sounds mayabang or prangka. This is me damn it. I look the way I look, think the way I think, feel the way I feel and love the way I blog. I am a whole complex package. Take me.. or leave me. Accept me or walk away. Do not try to make me feel like a less person, just because I don’t fit your idea of who I should be and don’t try to change me to fit your mold. If I need to change, I alone will make that decision.

Yow: What will make you stop from blogging? Why?
SOB: Always remember: once a blogger, will always be a blogger. So I guess nothing can stop me from blogging. Unless, my readers and fans requested me to do so. Haha.

Yow: As a blogger, do you think you can make an impact on society? How? Original tong question na to. LOL.
SOB: Wala ka sa ayos! Tanong ko sa’yo ‘to nung naghotseat ka ah! LOL. Well, I believe that I can make an impact on our society in my own little way. It’s up to me on how will I do it. But not now, I think sooner or later. Hahahaha! (Na-drain na utak ko sa hotseat na ‘to. Hongdomeng tanong.)

SOB's Message:

Hi Bino, 

Maraming salamat sa iyong paanyaya upang ako'y maging bahagi ng hot seat na ito. Partida pa yan dahil kagagaling lang natin sa iBall at kasalukuyan akong may sakit ngayon. Hahahaha. Muntik na ko ma-heart attack dahil sa ibang mga tanong na talaga namang pang-hot seat. Gusto ko ring magpasalamat sa lahat ng mga bloggers na nagbigay ng mga katanungan at nawa'y nakuntento kayo sa aking mga naging kasagutan.

Good luck sa Damuhan at nawa'y suportahan rin ako ng iyong mga fans! LOL.


To SOB:


Salamat at nakilala kita ng personal. Di ka naman suplado. Nahiya nga ako sayo ng konti nung EB Hehehehe.  Ganunpaman, masaya ako't nagkaroon ako ng panibago'ng kaibigan. Thanks ulit :)


Bino


Next Week: Ro-Anne of Iheartroanne.com

Send your questions via:

Facebook http://facebook.com/bino23
Twitter: Twitter.com/binobautista
Google+: gplus.to/binobautista
Email: Bloggeradmin [at] damuhan [dot] com

 Deadline: Saturday Evening



36 ang nakaappreciate:

  1. base muna ako bago mag comment BASE!!!

    ReplyDelete
  2. Solmayt!!! Laglag panga ko sa 1 night stand!! Waaaaaah!!!

    ReplyDelete
  3. gumising ako ng maaga para lang dito hehe! lakas mo sa akin Carlo!

    pareho tau mabait ako pero may hangganan..

    pansin ko din madali kang magalit.. cool lang ang heart ingatan..hehe

    bagay ung Suplado next door.. gooooo gamitin mo na.. hehe

    pakilala mo naman sa amin si girl na pakakasalan mo after 3 yrs, cge na kahit picture lang muna.. plssss

    Gmorning! nice hotseat..

    ReplyDelete
  4. Na-intriga ako sa 'one night stand' with a certain blogger. IKAW NA! At huwaw! Fiance VISA?! Bakit walang nag-ooffer sa 'kin niyan??? LOL!

    ReplyDelete
  5. Nainggit ako promise. May fan mails ako pero wala pa din nag-offer sa 'kin ng fiance visa. Makatanggap lang ako kahit kaisa-isa lang, bonggang bonggang yes na kagad ang sagot ko, haha!
    .
    .
    Sana invited kame sa kasal mo ha. Ako na mag-di-direk ng pre nup vid mo. Gawin nating 3-D. Ganyan. Hehe.
    .
    .
    Anyway, perfect duo. Bino and SOB. Congrats senyo!

    ReplyDelete
  6. ito na yata ang may pinakamadaming tanong sa lahat ng na hotseat...

    ...

    pansin ko nga na mukha ka suplado,pero pagnakasama ka na nila,doon nila makikita kung gaano kabuti at katotoong tao si SOB.


    prangka kung prangka talaga,at gusto ko yun sau...

    nagpapasalamat, dahil isa ako sa blogger na pinili mong maksama sa iball na inorganize mo :)

    ReplyDelete
  7. nakakatakot pala to pag nagagalit. hehehe!

    wow! may offer na fiancé visa? sayang di pinatulan. Lol!

    interesting ang one night stand.. haha! ako na Ma Ehem! Lol!

    ReplyDelete
  8. Ay eto na!!!!

    Wow.. may naka 1 night stand u pala... ala lang. hehe..

    Haha.. ang tapang naman ng post na to. "Pag ginalit mo ako, mang-ingat ka.".. Kakatakot. hehehe..

    I'm very satisfied sa mga answers. Parang naalala ko nga yung tweet mo last time about that fashionsita blogger.. Sino na ngayon ang copycat? Bleh. hehehe..

    Nice hotseat! :)

    ReplyDelete
  9. isa sa mga hinahangaan kung blogger (critic blogger) un ibang panulat totoo, simple at my laman ang iyong mga panulat gusto ko rin sana mgtanung sau kasu nga lng mejo bc ng mga nkaraang arw pero proud ako sau SOB bilang my dugong batanguenyo... nice one sir.

    ok yun tanung sau ni John of Kumagcow. haha... kasu nga lang bitin un tanung nya...

    ReplyDelete
  10. "Pero subukan mo lang kilalanin ako sa personal, at paniguradong etong mayabang, maangas, bayolente at sobrang mainiting ulo na si Supladong Office Boy ay mamahalin mo bilang isang totoo at tunay na kaibigan."

    tested and proven na yang line na iyan.. salamat sa pagsagot sa aking mga katanungan. narealize ko na tama ka dapat na nakatalikod ka para suplado nga. Pero pag bago na ang name ng blog mo at SUPLADONG NEXT DOOR na... dapat nakaside view na... hahaha. i really enjoy the hotseat... congrats bino and SOB

    ReplyDelete
  11. Ayos yung fiance visa ah!

    Buti na lang pala at wala pang questions from other bloggers nung na-hotseat ako. Ang daming tanong e. Wahaha.Ayos yung fiance visa ah!

    Buti na lang pala at wala pang questions from other bloggers nung na-hotseat ako. Ang daming tanong e. Wahaha.

    ReplyDelete
  12. magaling, magaling , Suplado!

    ReplyDelete
  13. wow astig yung fiance visa... ikaw na po ang habuling suplado! :)

    ReplyDelete
  14. Ayos! Supladong-suplado :D

    Yung tanong ni Kumagcow, habang binabasa ko yung sagot mo iniisip ko na si mocha eh lolzz bandang huli ikaw rin pala! hahaha, astig si mocha :D

    ReplyDelete
  15. @iyakhin: solmayt, behave na ko ngayon, pramis! hahaha!

    @mommy razz: waaaah! kaya nga ba labs na labs kita mommy shawie!! chillax na ko ngayon, lalo pa sinumpong na naman ako ng sakit ko kahapon. nasobrahan ata ako nung nag-iBall kami. :(

    @gasdude: hahaha.. parang kilala mo din yung female blogger na nag-offer saken ng fiance visa eh.. inactive nga lang sya ngayon. hehe.

    @desole boy: ahahahahahaha! at talagang kelangan mainggit?? wag mo na kasi itago ang mukha mo sa blog mo para magkaroon ka rin ng iba't ibang offers..

    malay mo indecent proposals na ioffer sau. LOL!

    @Jay Rulez: salamat Jay. ang dami ngang tanong sa hot seat na 'to, muntik na ko ma-heart attack. :))

    @empi: papunta na ko ng singapore nung nag-offer siya saken ng fiance visa. hahaha! pag nagbago isip ko, baka tanggapin ko na yun. dyuk!

    @leah: thanks ate leah! isumbong mo kasi saken yung guy blogger na nang-aaway sau para makatikim ng isa saken! :D

    @palakanton: salamat kabayan! sa susunod kong hot seat, mas wild na. hahahaha! kaya magpadala ka lang ng mga katanungan. :)

    @cuteberl: oh ha?! lumabas ba ang masamang ugali ko nung nakita nyo ko? hindi naman di ba?! hahahaaha.. ang ugali ko ay depende sa mga taong nakakasama ko..

    kaya nga labs na labs ko kayong mga ka-iBloggers ko e.. :)

    @goyo: hongdomeehh nga ng tanong nila. pero keri naman. :D

    @anciro: salamaaaaaaatt tolits! :D

    @Aj Banda: LOLS. parang gusto ko na tuloy i-grab yung offer nyang fiance visa! :))

    @LordCM: waaaaahh!! pareho tayong si Mocha ang trip! hahahaaha!!

    ReplyDelete
  16. nagustuhan ko ang hot seat na to.... grabe nagulat ako dun sa one night stand.. saka dun sa mga naghahabol kay ser carlo... haneeepppp....

    and thanks ser carlo sa pagsagot sa aking tanong.... :D

    ReplyDelete
  17. astegh. celebrity na talaga si Sir Anthony Carlo!

    ReplyDelete
  18. kanina ko pa 'to nabasa... ang suplado mo talaga Carlo!!!


    e di ikaw na ang may alok na fiance visa.... kakaiba ang hatak ng Suplado!!!

    planuhin natin yang EK trip na yan :) kanina ko pa 'to nabasa... ang suplado mo talaga Carlo!!!


    e di ikaw na ang may alok na fiance visa.... kakaiba ang hatak ng Suplado!!!

    planuhin natin yang EK trip na yan :)

    ReplyDelete
  19. ikaw na talaga ang may offer ng fiance visa.. pakilala mo na lang siya sa akin at ako ang tatanggap ng offer na yan. hahahah

    ReplyDelete
  20. Naks naman. inspiring at kakahangan ang mga sagot ni SOB. Celeb ba celeb

    ReplyDelete
  21. huwaw!.. ang daming offer.... ikaw na talaga ang SOB.... lab et!

    ReplyDelete
  22. wow ang lupet ng mga sagot ni SOB pang beauty contest...wehehehe...

    ReplyDelete
  23. natuwa naman akoh ditoh.... yeahh isa yan si Supladong Office Boy na hinahangaan koh sa larangan nang blogging... naks lalim... hopin' awa ni God isa sya na hopin' na nameet koh sa future.... you're amazing carlos! =P maiba naman... ingatz... Godbless!

    ReplyDelete
  24. hahah boss... ang galing boss.. paautograph ako.. hahaha

    ReplyDelete
  25. Born on the 21st of July, anong year? LOL

    ReplyDelete
  26. "Bago mo ko pakialaman o husgahan, tignan mo muna ang sarili mo sa salamin at siguraduhin mong mas malinis ka pa saken!" - panalo!!!

    Naintriga ako dun sa tila one night stand with a blogger pero since tapos na ang hot seat mo... di na pede mag followup question :p


    @bino, super successful ng hotseat mo. :D now, si ms. roanne na tas si kikilabotz :D kapanapanabik!

    ReplyDelete
  27. iba talaga sumagot ang itong batang 'to.

    ReplyDelete
  28. parang nakaktakot na mahot seat amputik. hehehe. tapang ng mga sagot ni suplado. thumbs up

    ReplyDelete
  29. Ako humahanga sayo!

    pero nakakatakot naman ung description nung mga kinaiinisan mo sa blogging hahaha! i'm scared. haha joke lng

    pero oo i believe na ung mga nakakatawa, un ung mas may saysay kausap... !

    alam mo masaya akong nakilala ka... buti hindi mo ko kinainisan kundi, nako special mention pa siguro ako sa nakakairitang blogger :P hahaha LOVE U SUPLADO!

    ReplyDelete
  30. ikaw pala si supladong office boy ^^ nice to know you parekoy! ^^

    ReplyDelete
  31. ahh kaya pala hindi ako pina-follow ni SOB ... now I know ... nevertheless , I do apologize if it may sounded like " inuutusan ka " ... it was never my intention ... I have come to liken your blog that's why I have added and followed you ... then I wanted you to do the same because I wanted you to become a member of the family ... it was more like an invitation to be my friend ... it is not a command or obligation ... it's rather a simple way of saying
    " welcome to my world " ... peace ...

    ReplyDelete
  32. Makire ka! Nakkashock mga revelation mo. Hahaha. Nagwa-one night stand? Ako na lang talaga si Santino. Its not you anymore. Hahaha.

    Ang sunget at suplado na naman ng tingin ko sayo, nabago na nga nung Eb eh. LOL. Pero seryoso, feeling ko may halong gigil ang pagsagot mo. Ang lakas makakontrabida, ang lakas maka-Princess Punzalan. LOL.

    Lalo naman kita nakilala Kuya Carlo. At dun sa isang nagtanong, kuya Randolph Crumpton, mabait siya sa totoong buhay. He's really nice. Wag mo na lang susundin sinabi niya na mamahalin mo sa personal kasi nakakasuya. Hahahaha.

    ReplyDelete
  33. @Egg: ehhh. wag nyo na pansinin yung one night stand. past is past.. haha!

    @nowitzki tramonto: hahaha! sus. feeling celebrity lang po! :D

    @hartlesschiq: kelangan talaga paulit-ulit ang comment?? ahahaha.

    thanks mads! sumama ka na next time na mag-EK kami.

    @Xander: hahaha. ayaw ko nga, baka maunahan mo pa ko magpunta sa States eh.

    @Archieviner: hehe.. salamat! kinarir ko yung pagsagot sa tanong mo. galing sa puso yun. :)

    @shyvixen: haha.. salamuch!

    @dhianz: oi friendship, salamat sa pambobola mo. haha. magkita tayo sa pinas pag-uwi mo. kelan naman kaya yun??? :))

    @kikomaxxx: sige pag nagmall tour ako dyan sa Davao! hahahah. dyuk!

    @makina ni monik: 1986! :D

    @khantotantra: bawi ka na lang sa next hot seat ko.. mga 2014, ganyan. haha!

    @kosa: hmmm. kakaiba kasi ako sir. hindi normal. dyuk!

    @kikilabotz: salamat! pero for sure pagpapawisan yang kilikili mo pag sumalang ka na sa hotseat next next week. LOL.

    @diamond R: hehe. hindi naman masyado.

    @traveliztera: hindi ako maiinis sau.. aylabyu kaya! hahahahah. parang may malisya yung pag-aylabyu ko. joke!

    @lhanlhan: nice to know you too parekoy!

    @anonymous: ehhhh. sorry kung di kita finafollow. pero sana nagpakilala ka kung sino ka di ba?? haha.

    @yow: ampotah ka!! palibhasa virgin pa you kaya lagi mo ko binabalasubas sa mga comments mo saken! hahahahaha.. sarap mo tarakan ng bagong tasang lapis sa leeg! hahahahaa.

    @randolph crumpton: for sure mamahalin mo si Supladong Office Boy. kita mo yang si Yow, labs ako nyan.. hahahaha! balasubas lang yan sa online.LOL

    ReplyDelete
  34. Ay ngayon ko lang nabasa ire.. ahhaha.. Ang galing naman ni Anthony Carlo.. Isang commerce major! slash architect! :)

    ReplyDelete
  35. Wow! Ngayon ko lang nabasa 'to! SOB, I admire your honesty and straightforwardness!

    Cheers!

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS