August 10, 2011

Blogger's Hot Seat: Leah of Leah's Treasures/Ako si Leah

At long last, muli ako'ng magfifeature ng isang babaen'g blogger. Dinaan ko sa dahas ang tao'ng ito para lang mai-hot seat. Friendship over din ang ginawa ko'ng dahilan hehehe. Pero alam ko naman na di niya ako matatanggihan kasi nga friends kami. Anyway, ang ating blogger of the week ay nagmula sa Ilo-ilo. Pareho kaming Ilonggo fyi lang. Nang magpunta siya ng Manila nito'ng nakaraang Pebrero, hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na makilala siya ng personal. Heto't kilalanin natin si Leah:







Pangalan: Leah
Blog Name/ URL: Leah's Treasures (http://neneleah30.blogspot.com)
Ako si Leah. (http://newstartleah.wordpress.com)
Lokasyon: Miag-ao, Iloilo city, Philippines
Edad: 31
Civil Status: Single.


PERSONAL QUESTIONS


Tell me something about yourself.

Ako po si Leah. Female. Filipina. I've got 2 older brothers. I'm the youngest kid. I'm the only daughter. Spoiled brat minsan. Madalas, isip-bata. Moody rin. Suplada rin. I love pizza. I love Disney. I love Mickey Mouse. I love Peter Pan! Gustong-gusto kong manood ng mga pelikula, preferably animated, adventure and heroic films. Favorite movies - The Lion King, Cars, Saving Private Ryan. Favorite color - Yellow, lavender, apple green. Mahilig ako sa aso. I've got 2 dogs with me dito sa bahay, Teddybear and Pokeybear. Paulit-ulit kong nilalaro ang God of War at RE4 sa PS2. I love Twitter.. ang saya dun eh. Madaldal lang po ako kapag online. Tahimik ako sa personal. Hindi ako nanonood ng horror films. I cringe at the sight of blood. Hindi ako kumakain ng talaba, dinuguan, isaw at balut. Dami ko pang kawirduhan. For more info, refer to this. lol. *insert link (http://neneleah30.blogspot.com/2010/12/who-me.html)

Kelan at paano ka nagsimulang magblog?

Nagsimula akong magblog nuong August 4, 2010. So bale nag one year na ako sa online blogging. Yipee! Pero kung sa pagsusulat, nagsimula nako high school palang. Mahilig kasi ako sa mga journals dati.. diaries. Loner kasi. Sa personal, hindi ako yung palakwento. Ang mga personal na isyu ng buhay ko, tungkol sa pamilya, pag-ibig.. yung mga ganyan, yung mga kadramahan ko sa buhay, hindi ko masyadong pinapaalam. Pag merong problema at kailangan talaga ng tulong, sinasabi ko naman sa pamilya ko. Pero hanggang sa kaya ko pa't kelangan ko lang ilabas ang sama ng loob, isusulat ko na lang sa diary.

Bakit mo naisipang pasukin ang mundo ng blogging?

Hmm.. Dahil kena Kat at Myka, mga kakilala ko dito sa Miagao. Napag-alaman ko kasing merong blog si Kat (Kwento Ni Kat) at ganun rin si Myka. Nagbasa ako ng mga akda nila. Nainggit. Haha! Kaya ayun, gumawa rin. Gusto ko lang din siyang i-try. Tsaka, nabo-bore nako sa bahay. Walang magawa kundi mag TV at maglaro ng PS2. Tambay po kasi ako. Kumikitang tambay. lol.

Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag.

Hmmm.. hinahangaan? Madami eh. Pero to name a few, si Ms. Lea Salonga at si Ashton Kutcher. I read their blogs. Si Nas - isang blogger from UK. Magaling kasi syang magsulat ng mga philosophical/inspirational pots. Andyan rin si Furee Katt from Pakistan. She's only 17 pero ang galing lang. Her posts are very refreshing. Ikaw, Bino. Obviously, hinahangaan rin kita. Palagi akong pumupunta dito sa blog mo. Parang hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ako napupunta dito sa Damuhan. Adik sa damo. Eeek! lol. Hmmm.. sino pa ba? Dami pa eh..

Kung may hinahangaan kang blogero, mayroon ka ba namang kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?

Kinainisan? Syempre meron. Hehe. Hindi naman kasi maiiwasan yan. Isang tao lang naman, and it happened 8 months ago. Inaway ba naman ako kasi hindi ako sumangayon sa mga nasulat nya. I just shared a different stand at hindi ko naman binastos ang post nya.. Tapos bigla akong binalikan. Dun lang ako nainis. Like duh! He was expecting to have everyone agree with him? Ngek! Sa mundo ng blogging, meron tayong kanya-kanyang opinyon. Kanya-kanyang pananaw. Naiinis lang ako dun kasi ipinilit nya sa akin ang opinyon nya. Ako, willing naman akong makinig eh. At marunong akong rumespeto sa opinyon ng ibang tao. Pero inaway talaga ako. Ayun, inunfriend ko nga sa Facebook. lol. He should have considered na maaaring magkaiba kami ng pananaw. Anyway, tapos na yun. At hindi rin naman nagtatagal ang inis/tampo ko. I don't hold grudges eh. Nakakapangit daw kasi yun. =)

Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?

- Blogging is therapeutic. Nakakagaan ng loob. Nakakapagpasaya. At dahil sa pagba-blog, nagkaroon ng chance na makilala ko kayo. Nagkaroon ng mga bagong kaibigan, kakulitan, kachismisan. Therapy and Friendship. =)

Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?

Hindi magandang karanasan? So far, wala pa naman. hehe.. Ay wait! Meron pala. Nasirang tiwala. Pero syempre, alam na ng karamihan yan. At ayoko na ring ungkatin pa. It's in the past na.

Dumating na ba sa punto na tinamad ka na magblog? ipaliwanag.

Yes po. Ilang beses na. Minsan, wala lang maisip na maipost kaya tinatamad. Magbabasa na lng ng mga blogs ng iba. Minsan, meron lang ginagawa.. busy kaya tinatamad mag-update. Minsan naman dami ko nang naisusulat, pero nasa drafts lang. Puro kaemohan.. kadramahan. Not suitable for public viewing. kaya Pak! Trashbin.

Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?

Lagi akong online. Dati, hindi ako masyadong mahilig sa internet. Okay na sakin makapag online nang 3hours sa isang araw. Ngayon, halos 24hours nakong online. Kung hindi man naga-update ng blog, eh nagba bloghop o nagtu-tweet. Lagi ring online sa Facebook, offline nga lang sa FB chat. Hihi. Adik lang.

Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gustong gumawa ng blog?

Kung gusto mong mag-blog. GO! Feel free to express yourself through blogging. Write and write and write. But also, learn to read and listen. Be open-minded. Be open to criticisms and accept opinions different from your own. Kasi hindi sa lahat ng oras, ikaw ang masusunod. Hindi sa lahat ng oras, ang opinyon mo ang tama.

Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa ibang lahi?

Hm. Sa pagsusulat, parehas lang din siguro. Marami rin kasing magagaling na bloggers na taga ibang bansa. Siguro makikita mo ang pagkakaiba sa "connection".. Mas nagkakaroon tayo ng connection. Pag Pinoy ang nagbabasa ng isang Pinoy na blog, kahit na hindi magkakakilala nang personal, meron agad sense of camaraderie.. we know it, we feel it right away. Like magic. Tama? Let me hear an AMEN!

BLOGGERS' QUESTIONS

Bino: Sinabi mo nung una, na intimidated ka sa akin. Ano ang dahilan? Paano nagbago ang first impression mo na to?

- Yes po. Andyan ka na kasi, nasa itaas ka, ako kakasimula plang. Kumbaga, celebrity ka, fan mo ako. Ganun. Hehe. Akala ko noon suplado ka. Seryosong tao na hindi marunong ngumiti. Nung nagsimula kasi ako magblog, una kong mga naging kakilala eh mga poreyner. Tapos sa kakabloghop, napadpad ako sa blogs nina Glentot at Pablong Pabling. Ayun, patuloy ang paglilibot sa mundo ng Filipino blog world, napadpad ako sa Damuhan. Nagustuhan kong tumambay dun. Lagi akong nagbibisita, pero di mo pa yata ako napapansin. Initial reaction ko, "Hmp! Suplado naman." Pero mali naman pala ako. After a few months, nakikita ko na ang pangalan mo sa comments. So nasabi ko, "Okay naman pala si Bino." Nagbago ang lahat nung nagkaroon ng Bloggers Eyeball event nung February. Ikaw pa nga ang nag-set nun. Sobra akong kabado.. baka kasi hindi moko pansinin.. or I dunno. Praning lang. Again, you proved me wrong. You welcomed me. Salamat, Bino. Mwah!

Emerson: Kung papalarin kang maging gamit ni chieffy sa futbol, anong gusto mong maging at bakit?

- Siguro yung water bottle nya. Though hindi talaga ito ginagamit sa loob ng field, isa ito sa pinaka importanteng kinakailangan ng isang athlete. Lalo na kasi sa larong football.. takbo nang takbo, sipa nang sipa. Nakakadrain ng energy. He needs to recharge. He needs his water. So if I'm his water bottle, safe to say that HE NEEDS ME. Ayiiiii!! Hihihi. Charot! lol. Anyway, an athlete should always have his water-filled bottle ready. Proper hydration = excellent athlete.

Jhiegz: What should be the right attitude of a blogger? How do you handle criticisms, virtual and real world?

- Be a responsible blogger. Kung ano ang naisulat mo, panindigan mo. Konting ingat sa pagbibitaw ng mga salita. Words, written or otherwise, are powerful weapons. Kaya dapat konting ingat sa kung ano ang isinusulat, lalo na sa mga rants. Because you'll never know, one day those words might bite you in the ass. Also, a blogger should know how to handle criticisms. He should know how to accept opinions and ideas different from his own. Kapag merong kumontra sa opinyon mo, okay lang. Carry lang. Naalala ko ang sinabi ni Goyo dito rin sa hotseat ni Bino. "Internet to, mga tol. Bawal ang balat-sibuyas" Kung meron ka nang haters, just ignore them. Wag mo nang patulan. Haters will hate.


KikoMaxXx: Anong gusto mong maexperience dito sa davao? anong food ang gusto mong matikman dito sa pagpunta mo?

- Ang durian. Bow. Gusto ko sanang makapunta ng Samal island. Then gusto ko ring puntahan yung Crocodile Park tsaka yung Museum. Tour nyo ko? lol. Ang saya sana kung the whole month of August, andyan ako para macelebrate talaga ang Kadayawan Festival. Kaso, hindi pwede. Pero okay na rin siguro yung 5 days. Andyan ako sa Davao on Aug20-25. Kitakits tayo dyan ha. =)

Jason: bilang doglover, anong maipapayo mo sa mga katulad kong may phobia sa aso?

- Aw. May phobia ka sa mga aso, Jason? Hmm.. paano ba? I think you'll just have to deal with it, Jason. Face your fear. But of course, with caution. Hehe. You're really missing something.. something wonderful. A balanced dog is truly a man's best friend. Tatawa ka, he'll join you. Iiyak ka, he'll comfort you. Kakausapin mo, tatahimik lang yan.. titingin lang sayo. You tell him all your troubles, and he won't say a thing.. but then after that, you'd feel like you just had one of the best conversations ever.

Anciro: Leah, ilan naba boys na dumating sa buhay mo?

- Dami pong dumating. Pero 3 lang po ang tinanggap ko.

Anciro: Ano ba si Leah pagdating sa family at kaibigan?

- I was a rebel back in college. Andami kong nasaktan, andami kong niloko. Pamilya, kaibigan.. wala nakong inisip kundi sarili ko. But I'm okay now. Ang sakit pala na makitang sobrang disappointed sayo ang tatay mo. Ang sakit na makitang umiiyak ang nanay mo nang dahil sayo. Ayoko nang magkaganun sila, because of me. I've changed my ways. I'd like to think that I'm a good daughter now.. a good sister.. a good aunt. And I guess that makes me a good friend, yes? =)


Bernard: San ka natutong kumanta leah?

- Lol. Kasama pala talaga to sa mga tanong? =) Okay. Gradeschool palang ako, sumasali nako sa mga singing contests. Palagi ring perst. Char! Nakatulong siguro yung voice at piano lessons ko tuwing weekends. Nung nag highschool naman, sumali ako sa school choir, pati na rin sa church choir. Pero hanggang dun na lang po. Nagtagal, wala nang praktis. Walang development. Kaya ayun, dun na nagtapos ang aking singing career.

Mhel: Sino crush mo sa U-blog?

- Wala.

EngrMoks: Sino sino ang mga crush mong blogero! Magbigay ng 10 pangalan, irank mula 1 to 10, 1 ang highest.
Suplado: "Who are your top three male blogger crushes?"

- Kelangan talaga magbigay ng names? Haha! Parang bumalik lang ako ng high school. Slambuk? lol. Okay. Si Nas - 6. Si Bolero - 7. Si Joshua - 9. Hindi ko na sasabihin kung sino yung nasa top5. Hehe. Mabilis akong nagkakaroon ng crush sa isang tao, pero mabilis ring nawawala. 1 day, 2days.. a week, at most. Yung nasa top5, akin na lang po yun. =)

Iyah : Ilan na naging boyfriend mo,ilang months taon ang tumagal?

- Only 3, madam Iyah. Una, I was only 13. Yun siguro yung tinatawag na puppylove? Hehe. 2 months lang yata yun. Next, I was 16. Yun na yung perslab. The relationship survived for a year. Then the last one, 20 years old ako. It lasted for 10 years.. pero sadly, hindi siya happy ending. Sa akin lang pala yung true love kasi yung sa kanya, eh japeyk. =)

Zyra: Ano trabaho mo, bakit you look so yaman?

- Really?!?! I do?!?!? Ngek! Meron po kaming maliit na family-owned business at ako na po ang namamahala nito - Boarding house/canteen po para sa mga estudyante ng University of the Philippines in the Visayas. Kabilang na kami sa UPV dormitories kaya ayos ang kita. Hindi kalakihan, tsakto lang. Wala nga akong mga mamahaling gadgets eh. Puro hand-me-downs lang din (from my brothers) yung phones at gaming consoles ko. Nadadala sa lambing ang mga Kuya ko eh. Hihi. Kuya's girl kasi ako. I love my family, and I'm pretty sure love rin nila ako. I am just so full of love. Kung usapang kwarta, hindi ako super mayaman. I have enough to pay the bills, and some to spare. Pero kung usapang LOVE, oh yeah, I am RICH.

Xander: Halos araw-araw ka naka online at minsan late na din ikaw natutulog, halos may update o bagong post ka sa blog mo, ano ang nakapagbibigay sa iyo ng inspirasyon para sa mga post mo at sino ang inspirasyon mo, bakit ang late mo na matulog?Lol.

- Hehe. Minsan lang naman ako naga-update eh. Depende sa mood. Bakit lagi akong late natutulog? Ganito kasi yun. I'm up until midnight kasi hinihintay ko pa ang mga students ko. Meron kaming curfew dito, 10pm. Kaso minsan, due to practices, group studies and meetings, ginagabi na masyado ang mga students sa pag-uwi dito sa amin. So I wait for them until midnight. At 1 or 2am, I recommend that they sleep at a friend's or a classmate's house muna, instead of going home at that ungodly hour. Though part na kami ng UPV dorms, medyo may kalayuan kasi ang boarding house namin sa main dormitories. And the UPV streetlights are turned off at midnight so it's not advisable that these students walk these streets alone. I've explained this sa mga students ko and they understand naman since para rin naman sa safety nila. So that's why lagi nyo kong nakikitang online hanggang midnight. And since di pako inaantok nyan, I stay up until 2am pa, Tweeting, Facebook-ing.. Google-ing. Haha! Is that a word? Ayan. Nag-explain? Lels. =)

Xander: Kung hindi ka nahilig sa blog, ano sa tingin mo ang ginagawa ni Ms. Leah?

- Kung hindi ako nahilig sa blog.. siguro negosyo, Twitter at Facebook lang talaga ang inaatupag ko. Kung hindi ako nahilig sa pagba blog, wala rin siguro akong G+ account. Puro bloggers lang naman ang nasa circles ko eh. lol. =)

Gasoline Dude: Sino-sinong bloggers ang gusto mong makita at makilala sa personal?

- Madami po. Gustong-gusto ko ma-meet si Nas. His blog is one of my favorites. pero nasa UK sya.. so ewan ko na lang kung magkakaroon pa ng chance na magmeet kami. Gusto ko ring makita si Salbe. Nung February, hindi man lang ako nagkaroon ng chance na makamusta si Salbe. It wasn't written in the stars siguro. lol. Kung pupwede lang i-meet lahat, lalo na yung nasa Ublog family. Gusto ko ring makita't makilala si Bolero of SG at si SOB Carlo. And of course, si Ser Tsi Remo..... Wolo long....

EngrMoks: Mahilig ka kay Mickey Mouse, anu ang pagkakaiba nya sa ibang charactoon Character! lol

- Iba ang dating ni Mickey eh. Sabi nga ni Walt Disney, "Mickey Mouse is the symbol of goodwill, surpassing all languages and cultures. When one sees Mickey Mouse, he sees happiness." Tama. Mickey makes me smile. Kapag nakikita ko si Mickey Mouse, naaalala ko ang kabataan ko. He makes me believe. He makes me dream. I love Mickey.. his cute nose, his ears, his laugh and his voice. Ang cute lang! He's a loyal friend, he never gives up and he fights for what is just. Ang ganda rin ng outlook nya sa life. I love his optimism. Andami ngang mga cartoon characters na mas cute, mas funny, mas adorable.. dun pa rin ako kay Mickey Mouse. I am a Mickey Mouse fan.

EngrMoks: Kung TATLO nalang NGIPIN mo , ano gusto mo KALAT-KALAT o DIKIT-DIKIT

- Hahaha! Wait lang.. iimagine ko muna. lol. Hmm. Kung tatlong ngipin na lang natira, mas okay siguro kung dikit-dikit na lang. Eh tatlo na nga lang sila, magkakahiwalay pa.. ang sad.

Jay: Isa ka sa makarismang blogger para sa akin,Ano ang meron si Leah,na wala ang ibang blogger? Ipaliwanag!

- Huwaw! Makarisma. Naks! Hehe.. Thanks, Jay. Hindi ko alam eh. Siguro ikaw lang din makakasagot ng tanong mo.. Why do you find me charming? Hehe..


Bulakbolero: Ang mga bloggers ay matuturing mong tunay na kaibigan, batid mo 'to. Kung magkakataon na sasabihing magiging parte sila ng katawan mo para magproseso ito ng tama, ano ito at bakit yon ang napili mong maging sila? (pumili nang limang bloggers)

- Hmm.. I'd pick Furee Katt to be my hands. Napapabilib lang ako sa batang yun. Talent. Ang galing nyang magsulat. Bino would be my eyes. Ewan ko ba, para sa akin makarisma si Bino eh. Yung andaling makahatak ng readers.. ng friends. Carlo would be my brain. Hindi ko pa name-meet etong si SOB pero I find him very witty, funny.. SMART and street-wise. Madiskarte. Maparaan. Then, Iyah would be my feet, kasi runner sya. hehe. Really.. çoz diba nagja jog si iyah every evening. Discipline. Focus. Nas would be my heart. Lagi akong nagbabasa ng updates nun. That guy is one geniune soul. (Hindi ko alam kung nasagot ko nang tama, Bolero. =) )

Mommy Razz: paano kong ikaw lang hinintay ni DYLAN na unang manligaw, liligawan mo ba siya kahit kababae mong tao?

- Sa panahon ngayon, wala na yatang problema kung ang babae ang manliligaw sa lalaki. Pero para sa akin po, mommy.. ayoko. Siguro I'll drop subtle hints na gusto ko sya, pero hindi ako yung manliligaw sa kanya. I want him to pursue me, not the other way around. Gusto ko yung ako ang hinahabol, hindi yung ako ang humahabol. Kakapagod kaya. Charot! =)


Jkulisap: Topic na iniiwasan mong isulat sa blog mo?

- Kahit anong topic po, makakaya namang maisulat. Pero iniiwasan ko po yung magkaroon ng malungkot na theme. Sa mga nagsusulat ng emo posts, I mean no disrespect. Syempre, kanya-kanyang forte yan. Pero para sa akin, okay na yung nailalabas ko yung kalungkutan ko. Okay na sa akin na meron akong outlet. Sinusulat ko lang po.. nasa drafts lang. Hindi ko na po pinapublish sa blog ko. Madalas, diretso na nga sa trash. Kapag gusto ko naman ng may makausap, merong mga kaibigan na pwede kong itext, i-call, i-chat, i-YM, i Google hangout.. Mga kabigan at kapamilya.. Mga taong alam kong mabibigyan ako ng advice. I like the light and cheery atmosphere in my blog. And I intend to keep it that way. =)

Yow: What makes you a "good" and a "bad" blogger?

- A good blogger.. kasi marunong akong magbloghop. Hihi. Kapag nakakarelate ako sa mga posts, nag-iiwan ako ng komento. Good blogger ako kasi I make sure na kapag nag-iiwan ako ng bakas sa CHATBOX, eh dapat meron din sa COMMENT BOX. Bad blogger ako kasi minsan, nagsi-skipread ako. Bad daw kasi yun, sabi mo nga, diba?

Yow: Kung may chance ka na mang-hack ng isang blogger account? Kanino ang iha-hack mo at bakit?

- Uy bad yun. Di ko gagawin yun... kasi hindi rin naman ako marunong. Hehe. Dyowk. Pero para masagot ang tanong mo, Josh.. siguro yung blog ni Jason Hamster or ni Tsi Remo. Bakit? Wala lang.. gusto ko lang. lol. =).

Yow: Anong naging epekto nung break-up niyo ng long-term boyfriend mo sa iyong pagba-blog? Hindi ba off na tanong to? LOL.

- Breaking up is never an easy experience. Ang sakit kasi. At first, nalungkot ako syempre. Pero ganun talaga. Ano ang epekto ng break up sa pagba blog ko? Wala. I think it was the other way around.. Malaki ang epekto ng paba blog ko on dealing with the break up. Because of blogging, I've met some new friends. Nung pumunta ako sa Manila to meet with the bloggers last February, malabo na talaga ang relasyon namin ni Robinson. Losing one person but gaining some new ones made it easy to accept the fact that the relationship is really over. There's no point in living in the past. Tapos na yun eh. Grieve, accept, let go and move on. And I thank my blog and my new-found blog friends. Group hug! ♥ =)

Lhan: Magbigay ng 3 Bloggero na Hinding hindi mo mallimutan, bakit? at ipaliwanag --

- Unang-una, si Yanah. She made me feel welcome nung pumunta ako ng Manila. Hindi ko makalimutan yung tawa nya.. ang lakas! Ang ingay! Haha. Pangalawa, si Bino. Nakatatak na ata sa utak at puso ko ang pangalang Arvin "Bino" Bautista. Pangatlo, si Jason. Ang cute-cute kasi ni Jason. Parang gusto ko syang ampunin. Siguro ang saya sa bahay kasi everyday, kakanta sya. Hihi. I've always wanted to have a baby brother.

Suplado: Kung ikaw ay magiging covergirl ng isang men's magazine na tanging dahon ng malunggay lang ang takip sa iyong katawan, papayag k b at bakit?

- Naku! Ano yan, isang tangkay ng dahon ng malunggay o isang piraso lang? hahaha! Hindi ako pupwede dyan, Carlo.. chubelita ako eh. Hehe. Pero okay, let's say meron akong katawan na kasing seksi ni Christine Reyes, tsaka mukha na kasing ganda ni Angel Locsin, siguro oo. Kakayanin.. for art's sake. hihi.

Anonymous: Never been kissed and never been touched ka bang talaga?

- Who are you???? Hahaha! Yun talaga ang naisip itanong ano? Okay. I've been kissed na po.. many times na. I've had boyfriends in the past and I would be lying kung sabihin kong walang kissing churva na nangyayari. "Touched".. are you asking me if I've had s*x? My answer is NOYB. Peace! =)


Anton: what is your wildest sexual fantasy?

- Akala ko nagloloko ka lang nung tinweet mo na ratedX yung question mo. Haha. Okay. Sasagutin ko to. My wildest sexual fantasy.. To have uninhibited s*x with a sexy, mysterious stranger. Syempre, yung mga Matt Damon or Jensen Ackles na face and body. Mapili eh. lol.

Dahn: Are there any wallflowered treasures in your personal and blogging life? If there is, how come?

- Wallflowered treasures. Sa blogging life? parang wala naman nase-set aside. I appreciate my readers so I do bloghops. Happy ang blog life ko. I love my "Blogger" family sa Twitter. I'm part of the Ublog family sa Facebook. Yay! Sa personal life, wala rin siguro. I make sure na meron akong time for my family. Kung hindi man ako nakakauwi, sila na rin yung bumibisita sa akin. And I also go out with friends every once in a while. Pangit rin kasi kapag amoy-bahay na lang ako palagi. Dapat maging amoy-bar rin paminsan-minsan.

Dahn: If "NLL" is the sum of "FB" + "T" + "BS" + "G+", what would be the difference between "NLL" and "LS"?

- Si NLL ay madaldal, maingay at makulit. Si LS ay mahiyain, tahimik at medyo aloof. Pero pareho silang mahilig ngumiti. Parehong naniniwala na LIFE is B-E-A-utiful.. NL is the social network addict who is always online. Without those 4, NL is just LS - a simple girl who lives in a farm, who takes care of a small family-owned business and her two adorable dogs. =)


Leah's Message:

Dear Bino,

Thank you sa ABS-CBN.. Lels. Thank you sa Damuhan sa opportunity na maifeature dito sa Hotseat. Gisang-gisa ako sa mga tanong. Yikes! Daming tanong na kelangan ko mag name-drop. Sana maintindihan na lang nila kung hindi ko nagawa o hindi ko nasagot nang maayos yung ibang questions. Para rin lang sa aking kaligtasan. lol.
Have a great day, lovely people! ♥


To Leah:


Salamat sa pagharap sa blogger's hot seat. Hindi na to end of friendship. See you soon! Hehehe


Next Week: Jkulisap. Send your questions via Facebook (paki-message ha) or DM sa Twitter. Note: Questions about blogging only. Thanks.


43 ang nakaappreciate:

  1. Wow at sinagot talaga ni Leah ang mga tanong with names pa.. hanep! astigg!! ang galing mo Leah.. Natawa ako dun sa dahon ng malunggay lang ang takip.. nyahahaha..

    Bakit hindi na mention si Bagets sa interview ni Leah? Or na mention na hindi ko lang alam.. hjahaha

    ReplyDelete
  2. wala daw syang crush, eh meron kaya sus LELS!!!

    ReplyDelete
  3. sikat na sikat talga si ate leah. hehhe. sayang nga at hindi ako nka attend sa EB niyo..^_^

    ReplyDelete
  4. astig ang mga sagot! see u in November!

    ReplyDelete
  5. Kakaiba talagang sumagot si leah.

    Parang sanay na sanay sa sa ganitong hotseat. Siguro usa kang celebrity sa past life mo. Lol. Salamat sa sagot.

    ReplyDelete
  6. GRABEH.ang popular pala talaga neto si Leah at bumaha ng tanung.kilometric post tuloy.at sinu tong si Yow? at 3 pa ang tanung?hmmm---mukhang me interes lang kaw Leah.hahaha!!!!

    salamat sa pagsagot sa tanung ko.at least diko nakita ang denial.maigsi pero satisfied ako.salamat.hehehe

    ReplyDelete
  7. kala ko ako yung kinaiinisan mong blogger....chineck ko pa kung friend pa din tayo sa FB... buti n lng friend pa tayo...lol!... pero imagine 1 year pa lng sa blogging...bongga na sa dami ng friends and groups... ako yata eh mga 2006 pa yata dito...pasulpot sulpot....pabalik balik...basta nanjan lng paghinahanap..basta wag lng mawalan ng gana..ayuz na ayuz yan... :D

    ReplyDelete
  8. Apir, Leah! Pareho tayong mahilig sa pizza. hehe

    ReplyDelete
  9. BRAVO!!!


    Galing gling hehehe.ayan nawala siguro kaba mo :)

    ReplyDelete
  10. ito na marahil ang isa sa pinakamahabang Q&A portion sa hotseat ng Damuhan. Celebrity na rin pala si madam leah. at andami kong itinawa sa hotseat na 'to. Ilang beses din ako nakasama sa sagot nya.. Hmmm. Di kaya kasama ako sa top5 na crush mo? Charot! :))

    TRIVIA: Alam nyo bang kapag bigla-biglang nawawala si Leah sa kalagitnaan ng isang group chat o hangout ay may isang bagay itong pinagkakaabalahan.. at ito ay ang 'pagbibilang ng pera'..

    Hahahahaha! True that!

    ReplyDelete
  11. It's good and I'm glad to know Leah better now.

    I forgot to ask question, hope next time i could have ask.
    Have a great day, Bino!

    ReplyDelete
  12. Ang haba nun Leah ah! at sa aking pananaw super nag enjoy ka sa hot seat na ito ni BINO!! ^^ naks!

    ReplyDelete
  13. leahpots 31 single?? pihikan ka teh??

    Nice naman ang mga questions pang hooot seat, indeed!! hihi

    ReplyDelete
  14. congrats ate leah at featured ka na.. hehehe oi kitakits dito ha.. hehehe

    ReplyDelete
  15. BONGGA! hnd ako kumurap, grabi! binasa ko period to period, galing mo Ms Leah.. very nice answer!!

    ang cute cute ng mga picture mo, ang ganda nong unang picture na may mga banig banig sa likod..

    ReplyDelete
  16. Hahaha, tumatak sa akin ang tanong ni Engrmoks about ngipin! Tawa ako ng tawa, promise! LOL.

    Nice to know more about you Leah!

    Bino, havey na havey sa akin 'tong mga entry mo na hotseat!

    More power to your blog!

    Cheers.

    ReplyDelete
  17. sanay na sanay sumagot ah, parang beauty queen lang :) hmmm nakyuryus naman ako dun sa mga crush niya kasi hindi naibigay lahat. ms. leah pabulong naman nung iba.. lol

    hope to see you soon miss :)

    ReplyDelete
  18. grabe sobrang naaaliw ako, galing ni leah sumagot. Daming mga question sa mga bloggers na sobrang ganda at ang galing ni idol Bino... ikaw na!

    ReplyDelete
  19. Sasagot ako.. hehe.. Okay lang diba, Bino? :)

    @Xander: Anong wala? Ayun oh, mention na mention.. hehe.. :P

    @Kumagcow: Eh sa wala naman talaga eh. Hehehe.. Umalis sya ng Ublog diba? Di na siya member... ay wait! Meron nga pala.. ako pa ang nag-add. Si Joshua. Toinks! :P

    @Kiki: Pupunta ako ulet ng Manila.. Sana magkita-kita rin tayo. :)

    @BM: See you!!!!! :)

    @EngrMoks: Usa ako? Hehe.. joke. Nahiya akong sabihin lahat.. baka tuksuhin nyo ako sa mga crushes, baka madevelop ako.. mahirap na. Charot!! :P

    @PusangKalye: Hehe, No problem senor Anton. :)

    @SuperG: Hehe.. Actually, nakikita ko pa rin siya sa groups. And very civil naman kami sa isa't isa. Tapos na yun eh. :)

    @Empi: Apir!! Paborito ko, Hawaiian pizza! ikaw?

    @Jay: Thanks Jay.. hehe.. Uu, medyo nawala na.. :)

    @SOB: Charot ka!! Hehehe.. Secret lang yn eh, ba't mo shineyr? sige ka, makidnap ako, ikaw sisisihin ko. lols..

    @Roy: Thanks Roy! :)

    @Lhan: Haha.. Uu, nakakakaba pero enjoy. Natuwa ako sa mga questions.. out of the blue. Iba ang ini-expect kong itanong nila eh. :P

    @Ferry: Waahahaha! Nag SKIP READ ka anoh? Lols.

    @Kiko: Kitakits dyan! Tour nyo ko ha.. :D

    @Mommy: Thanks mommy. Kuha po yan nung April.. Panaad Festival sa Bacolod po. :)

    @Leo: Hahaha.. tama naman diba? Ano na lang kaya kung hia-hiwalay pa sila? hihi.. ampangit siguro.. :P

    @Madz: Char! Hihi.. wag na.. Hope to see you too Madz! :)

    Aytenkyu. Bow.

    ReplyDelete
  20. Yon, negosyante ka pala Boss Leah.

    Salamat sa pagsagot sa aking tanong. :)

    ReplyDelete
  21. Hataw ang tanong sa ngipin na magkakahiwahiwalay ibang klase ka moks. Pero gusto ko ang sagot ni leah panalo.

    ReplyDelete
  22. wow sanay na sanay sa pagsagot ah! celebrity talaga ang dating! natawa ako dun sa ngipin hahaha! kaloko talaga..dikit-dikit hahaha! parang na pipicture ko! wahahaha

    ReplyDelete
  23. Galing galing ni Leah!.... astista ka na teh!.. wapak!... feel na feel ang mga question.. hahahahah... lab yah leah!... ^-^

    P.S. Minsan videoke tayo.. mahilig din akong kumanta.. wiiiiii!!!!

    ReplyDelete
  24. kras pala ko ni leah. kinilig naman ako ng 3/4. lol.

    ayus naman yung pagsagot mo sa tanong ko. salamat. \m/

    yaan mo pag uwe ko ng pinas at nasa manila ka e makikipagmeet ako. :D

    ReplyDelete
  25. naks. handaming phone-in question. ahahahaha.

    natawa ako na may xrated question ng slight. :p

    at pinaka panalo yung ngipin question... very shocking na tanong. lols/

    ReplyDelete
  26. I enjoyed reading this. Finafollow ko kasi ang blog ni Leah, tapos FB, Twitter, at G+ friends rin kami. Hehehe. Makihangout nga minsan sa G+ pag naabutan so silang online. :D

    ReplyDelete
  27. Glad to know a little bit about Leah.

    Isang comment lang ang masasabi ko, she looks way too young versus sa age niya. Sadya kasing pala-ngiti sa mga pics.

    ReplyDelete
  28. Ikaw na te Leah...Ito na so far ung pinakamahabang Q&A portion d2 sa damuhan....Thanks pla sa pagsagot sa tanong ko! Ayieee...Very well said!

    Hahaha though alam ko na 29 questions ang sasagutin mo, pero you answered all of these well. At isa pa, natawa ako sa mga tanong ng iba, ang kekwela lang! :)

    Looking forward to see you soon Te Leah, sa Masskara cguro, ill do my best guid.... Anyways, I had fun guid reading this post...IKAW NA..IKAW NA ANG AMIABLE blogger...Halata naman ;)

    ReplyDelete
  29. learn to read and listen. Be open-minded. Be open to criticisms and accept opinions different from your own. Kasi hindi sa lahat ng oras, ikaw ang masusunod.

    gusto ko ang linya n2...

    ang lulupit ng tanung ng mga blogger... noise bleed...

    ReplyDelete
  30. Pang-9 ako sa crush mo Ate Leah, ibig sabihin papawala na. LOL. Nahihiya tuloy me. Tapos di naman pala ako yung tinutukoy na Joshua eh. LOL.

    Ang dami kong nalaman tungkol kay Ate Leah. Kakastart mo lang pala magblog pero mukhang ang tagal na. Tsaka sobrang nagagalingan talaga ako sayo magsulat, para kang writer talaga at hindi sa diary lang. :)

    Naalala ko bigla si Ate Leah ang isa sa unang nakapansin at nagbigay puri sa blog ko na di ko inaasahan. Hahaha. Salamat Ate Leah dun. Natanggap mo ba yung bayad ko? LOL.

    Ang cute nga pala ng boses ni Ate Leah. Sobra!

    Napasarap naman ang comment ko, ang sarap din aksi basahin. Hahaha.

    ReplyDelete
  31. gisado kana lols! ang galing sumagot kahit ang hihirap ng tanong, kinarir ng mga bloggers ang pagtatanong sayo leah!! hahaha!!

    habang tumtagal tong hotseat page ni bino mas tumitindi ang tema ng tanong nakakatakot lang haha

    jkul humanda kana!

    ReplyDelete
  32. Ayun nakilala ko ng mabuti si Mam. Leah!

    ReplyDelete
  33. astig naman pala si ate leah! nice post! parang ang galing mong mag interview pwede ka na sa the buzz. LOL

    ReplyDelete
  34. Nawala ang pagod ko nung binabasa ko to at as in nakatawa ako... dapat pala naitanong ko yung dapat na itatanong ko whakhakhak!!!

    ReplyDelete
  35. Sasagot ulet...

    @Anciro: Salamat, tolits. :)

    @JKulisap: Opo, kumikitang tambay. Lols.. No problem. Salamat na rin po sa iyong pagtanong. :)

    @DiamondR: Yung ngipin question talaga ang tumatak sa isipan nyo ano, Rommel.. hehe.. Pagkabasa ko nga nung question, napahalakhak ako. :D

    @Iyah: Ilang ulit ko kayang inedit yung mga sagot na yan, madam. hahaha!

    @Shy: Timeyt!!! Aylabyutu! hehe.. Sige sige, pag magkita tayo, videoke tayo. Hindi kaya bumagyo? lols..

    @Bolero: Uu, cute-cute mo kasi eh. Lols.. sige bah, pag makauwi ka't andyan naman ako sa Manila, kitakits. Thanks Bolero.

    @Khantotantra: Haha.. oo nga. Meron talagang ganung question ano? lols..

    @Katherine: Yeah.. Cyberfriend! Hehe.. Nasa Twitter, Fb, G+ at blogs, prendship kami ni Ms Katherine. Sana one fo these days, magmeet tayo.. kape tayo. I'm sure relate ka.. Hindi pwedeng mawala yan sa UP eh. lols..

    @Duking: Awww... shaks. Nagblush ako kunyari.. hihi.. Tenks po, idol. :)

    @Jigz: Yeah, dami nga eh. Ay kitakits tayo sa Mascara Festival. Humanda ka.. Ambush ako dyan sa inyo sa October. hehe..

    @Palakanton: Thank you po. :)

    @Yow: Uu, pawala ka na. Malapit ka nang mawala sa listahan ko. Hehehe.. Yep. I remember that.. It's a blog award. Kasi nakakaaliw yung mga posts mo.. Lagi akong nagbibista sa blog mo. Pero lately, minsan ka na lang naga-apdeyt eh. Hindi pa nga dumadating ang bayad.. antagal naman. Lols.

    Isa ka sa mga naging witness (naks) sa pagsimula ng blog ko. Thanks Joshua. :) Cute ba yun? Parang nasagasaang pusa. Lols..

    @Bon: Karir na karir. lols.

    @Pong: Yikes.. Maam. Para naman akong titser. lols.. :)

    @Ester: Thanks Ester.. :)

    @TsiRemo: Hihihi.. Hello po Ser Tsi. Ayan.. buti naman at nang dahil sa post na to, nawala ang pagod mo. lols.. Napangiti kita. Kinilig naman ako nang slight. Haha! Charot! Ingat po lagi, Ser Tsi! :)

    Ay.. anong tanong yun? Sasagutin ko pa rin.. lols. Lakas ka saken eh. char!

    Bino.. salamat. Mwah!

    ReplyDelete
  36. ikaw na ate leah, ang bida sa post na ito!

    ReplyDelete
  37. oi oi ikaw na sikat kk
    teka pupunta k ng davao sa kadayawan?kita kits!

    ReplyDelete
  38. ang cool!! sana ako din ang mai-hot seat sa susunod, isa yong malaking karangalan :)

    ReplyDelete
  39. Nice one Sir Bino at Ate Lea. Natuwa naman ko pati dun sa mga tanong ng mga blogger. haha!

    ReplyDelete
  40. Ang lupit ng mga questions! :) ang hirap pala ang ma hot seat.. tsk! Pero ang galing sumagot ni Ate Leah :) Idol ko yan eh :) Maayo gyud! :)

    jewelclicks.blogspot.com

    ReplyDelete
  41. Nabasa ko na toh sa school last week kaso d ako makacomment nang husto kung sa phone lang haha! Mabilisan lang magiging comment ko non at ayokong ganon haha!

    Anyway, tinweet ko naman ang naramdaman ko hahaha! Pareho kami ni ate na natatakot syo nung una hahaha! pero napakabait mo naman pala talaga at humble! :)

    May nakaaway pala si ate? hahahha! Anyway, okay lang yan... At least hindi na napalaki. :D Move on lang ahaha! Tsaka tama ung sa advice nya...Respeto nalang sa differences! :)


    Love ko yang si Ate Leah! Natouch ako sa mga inopen up nya sakin dhil nga sa isang blog post nya before!

    ABA may bloggers' questions na pala! nacorner talaga! hahaha


    nice interview! :D

    ReplyDelete
  42. Nacurious tuloy ako kung sino yung blogger na nagalit kay Leah....

    ReplyDelete
  43. Sasagot ulet, bino!!! Di ko pa pala nasagutan tong last comments nila.. :D

    @daemonite: Batopkors! ako na! hihi..

    @Unnie: Oo diba, nagkita nga tayo dyan? hehe.. Babalik ako ng Davao next year.. Kitakits ulet ha. Libre moko sa Eden Park tour ha.. lol.

    @Jhengpot: Sumali ka sa Featured Blogger series ni Bino ngayon.. :)

    @Monik: hehe.. Thanks, Monik. :D

    @Jewel: Aww, damu guid nga salamat Jewel. Hehe.. Maayo guid ya? Ah teh huo eh! hehe..

    @Traveliztera: Aw, right. Naalala ko yun. Ikaw lang sinabihan ko nun. Sad to say, hindi sya nag work out noh? Hay.. Yep, merong nakagalitan. Pero tapos na din yun. Nagkikita pa rin naman kasi sa Facebook groups.. Civil naman kaming dalawa. Tapos na rin yun eh. :D

    Hehe.. Oo nga, Stephie! Kinorner nila ako.. Dapat yung sayo, ulitin.. kasi walang questions for you.. Ulit! Ulit! Ulit!! lol..

    I love you, too.. Stephie! ♥

    @Glentot: Naku... wag na, Glen. hehe.. All is well na. :D

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS