Pangalan/Alias: Alexander Adlawa y Monte de Ramos Catiero / Xander, Alex, Xandero
Blog Name at URL: www.aboynamedxander.com and http://xandergraphix.aboynamedxander.com
Lokasyon: Makati, Philippines (but originally from Davao)
Edad: pwede secret na lang to? haha.. --> yummy 30!!!
Civil Status: Single (and complicated?)
Personal Questions:
Bino: Tell me something about yourself.
Xander: I'm a man full of surprises and excitement and hates monotony and dullness in life. Generous in the matters of time and money, specially to those people I love the most. Full of compassion, I always try to cheer people around me. However, just like a baby, I can get very irritated, inconsiderate and difficult when my needs are not met or get delayed for too long (demanding lang!). Negativity annoys me. At times, when negative comments thrown at me, I tend to take it seriously and I start to get frustrated about it. When I fall in love, I'm extremely dedicated towards it but when commitment fails to develop into a successful relationship, I always try my best to salvage it and make it work again. Still, if it breaks up, I always brood over it for sometime. Then when the sun will again shine on me and will fall in love again, with the same fierce devotion and loyalty.
So much about love, romance and relationship.... I am a License Teacher. I'm a college instructor for 3 years (oo! tama ang nabasa nyo Professor ako noon at wag nyo nang tanungin kong ano tinuturo ko kasi marami -- kalokohan) prior to joining a BPO company here in Makati. I've been away from my family for almost 6 years now though I've been going in and out of Davao from time to time or if may chance. We are 4 in the family, Im the second "good" child..Lol. I have one older brother and two younger sisters.
And as of this moment, I'm jobless...but looking and searching for a new job. So if may opening kayo dyan, please do tell me. wahaha..I need a job badly. ASAP! (pluggin pa noh!?)
Bino: Kelan at paano ka nagsimulang magblog?
Xander: Sa totoo lang Bino, di ko maalala eh. Kasi unang una hindi naman talaga ako mahilig magsulat unless you will consider vandalism as a style sa pag boblog. Sa mga CR ng campus nung highschool at walls ng classroom lang ako mahilig magsulat at pati na din sa arm chair ng upuan namin dati. As far as I can remember nag start ako mag blog sa friendster and then sa live journal, multiply, travellerspoint, etc. Until May of 2010 nabuo at ipinanganak ang www.aboynamedxander.com
Bino: Bakit mo naisipang pasukin ang mundo ng blogging?
Xander: Aksyuli, wala akong plano pasukin ito kasi mukhang mahirap ang pagboblog. Its by accident kung bakit ako napablog. Nung nakakita ako ng butas para pasukin ang pagboblog ehh di pinasok ko na.. ayun.. wala nang hugutan.. blog lang ng blog.. MASAYA AT MASARAP mag blog. Doon ko nalaman na may gift pala ako sa pagsusulat (nakks.. kung maconsider man na pagsusulat at gift ang ginawa ko).
Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag
Xander: Hmm.. sarili ko? wahah kapal.. Walang specific na tao or ano man kasi baka pag nagbanggit ako ehh magtampo yung hindi ko nabanggit. So to be fair, marami ehh... inspirasyon ko yung mga bloggers na nakakapag motivate sa akin na ipagpatuloy ang pag blog. Hinahanggan ko din yung mga bloggers na hindi takot ishare ang kanilang sariling opinion na walang halong takot at pagiimbot.
Ah! tama may isang blogger pala akong gusto. Kakakilala ko lang sa kanya pero sobrang hanga ako sa kanyang style ng pagsusulat. At isa din siya sa mga kritiko ko (in a positive way). Siya yung nagtuturo sa akin kung tama o mali ang naisulat ko. At siya din ang nagpupuna sa mga kuha ko sa http:xandergraphix.aboynamedxander.com. Itatago ko na muna siya sa pangalangang RB. Kasi sabi niya na ayaw daw muna niyang makilala. Pero saludo ako sa galing niya sa pagsusulat. At sa ngayon masasabi ko na isa siya sa mga mabubuting tao at kaibigan na nakilala ko sa blogosphere.
Bino: Kung may hinahangaan kang blogero, mayroon ka ba namang kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
Xander: So far wala pa naman. Kasi sa totoo lang ayaw kong mainis kasi bad yun! Hindi naman sa inis ayaw ko lang pansinin or patulan or ayaw ko lang bisitahin ang blog nila at baka maka contribute pa ako sa traffic.. hahaha.. Bakit at ano ang dahilan? Kasi di ko sila like.. choosy ako eh! Ayaw ko lang yung mayayabang at feeling sila lang ang may alam sa pagsusulat o pagboblog.
Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Xander: Marami. Unang una dahil sa blogging madami akong nakakasalamuha na tao. Marami akong nakilalang bagong kaibigan na may ibat-ibang karakter at opinyon sa pagboblog. Yung pinakamagandang karanasan siguro ay yung makatagpo ka ng mga tunay na kaibigan na di mo inaasahan hindi lamang pang acquaintance pero yung mga tao na handang dumamay sayo. Nakks..
Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Xander: Wala pa naman at sana wala talaga baka yun ang maging dahilan na talikuran ako ang pag boblog. Lol.
Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka na magblog? ipaliwanag.
Xander: Oo naman, hindi ba halata na minsan lang ako nag uupdate ng blog ko. Lalo na ngayon alam mo na na medyo magulo ang buhay ko. Medyo tinamad ako pero babalik din ako sa limelight dont cha worry..haha.. at itong hotseat mo ang magiging avenue para makabalik ako sa limelight.. nakks.. Thanks!
Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Xander: Hmm...hindi na ako natutulog sa oras na dapat ako ay tulog. Hindi pwedeng hindi mag update ng blog kahit isang beses kada linggo. Instead na ginagamit ko sa paglalandi ang free time ko ehh heto ako nagboblog.. ohh diba life changing.
Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gustong gumawa ng blog?
Xander: Kung gusto mo talagang pasukin ang blogging gawin mo ito dahil sa gusto mo at hindi dahil sa may iba kang motibo. Unang una, hindi lamang dahil sa pera kaya ka nag blog. Sulat lang ng sulat. Blog lang ng blog. Dati yung motivation ko sa pagboblogging is MONEY. Akala ko kasi na kapag pinasok ko ito ay kikita ako ng malaki. In the end, I was disappointed kasi hindi ko nakuha yung motibo ko. Most mistakes sa mga nagboblog is yung iniisip natin yung output sa ginawa natin, like kung magkakapera ba ako or kikita ba ang blog ko instead of thinking of nakakatulong or nakaka contribute ba ang blog ko sa karamihan. So for me, kung gusto mo talaga pasukin ang blogging, magsimula ka dahil sa gusto mong maibahagi ang iyong nalalaman at talento and everything will just follow.
Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa ibang lahi?
Xander: Ang Filipino Bloggers kasi kapag nagsulat ay nakukuha agad natin ang atensyon ng bawat isa. Napupukaw yung damdamin ng bawat mambabasa. Sadyang malikhain at malikot ang isip ng mga Pinoy. Kahit anong bagay ay nasusulat ng mga Pinoy mula sa usapang tae, inidoro, at yung ibang bagay na sa tingin ng iba ay walang kwenta.
BLOGGERS' QUESTIONS:
Jhiegz: What would you say to someone who thought they were not smart/confident enough to enter the blogging world?
Xander: If you think you are not smart enough then try to challenge yourself that you can. Having a thought of you can't do it but never tried is different from having that thought that you can't but tried. You can build confidence. Being smart can be acquired. So I believe, one should try it first and then try to make an evaluation of the outcome. And if it didn't work out, then at least you've tried.
Jhiegz: What gives you peace of mind?
Xander: Clear conscience and as long as God is there, then that gives me peace of mind. As one of my favorite scripture from the Bible says: "Peace I leave with you; my peace I give you. I do not give to you as the world gives. Do not let your hearts be troubled and do not be afraid.-- John14:27"
Jhiegz: What is one thing people would not see to Xander at first glance?
Xander: I think people cant see my BIG thing which good in pumping and ejaculating blood which is my HEART (wag green minded..lol). You wont see me at first glance that I am a good person. Most people I met told me I'm suplado and napaka reserve ko daw. Akala nyo lang yun!
Zen: Ipinangalan po ba kayo or may kinalaman kay "Alexander the Great"? Kung wala po, bakit daw po yan ang inyong pangalan?
Xander: Oo, ipinangalan ako kay "Alexander The Great. At gusto ko ang pangalan ko. Kung nabasa mo ang post na ito : http://www.aboynamedxander.com/2011/08/oh-na-na-whats-my-name.html malalaman mo ang dahilan at kung sino ang may pakana ng pangalan ko.
Leah: Fame or fortune? Ano ang pipiliin mo? Paki-explain ng sagot.
Xander: Fortune na lang. Mukha akong pera eh. Joke! Ayaw ko sa fame.. pero patay nasa hotseat ako ngayon.. Fame ito! hahaha.. wala bang bayad to Bino? Wahahaha.. Leah, fortune kasi kailangan ko yan ngayon lalo na at wala pa akong work. With my fortune I can help not only my family but other people. Masarap makatulong sa kapwa. Kung fame kasi nawawala din yan at minsan nakakalimutan ka ng tao.
Leah: Who wud u choose to be with: An ugly girl with a golden heart and a beautiful personality OR a very beautiful sexy stuck-up biatch? Explain.
Xander: Anong klaseng tanong to? hahahaha.. How ugly is ugly ba? Ayaw ko maging plastic pero ill go for Beautiful sexy stuck up- biatch. Why? Well, kung maganda ka may karapatan ka maging biatch? Umaayos lang sila ayun sa ganda. Pero kung sana sinabi mo na ugly girl with a golden heart and a beautiful spirit plus with a huge amount in her bank account malamang dun ako..Lol!
Leah: iPhone or Blackberry? :P
Xander: iPhone.. wohooo.. I just got one.. hahaha (yabang!)
Moks: kung pamimiliin ka, ano ang gugustuhin mo,maging babae na hawig ni Bakekang o maging bading na maganda? At bakit?
Xander: Lol.. natawa ako sa tanong na to.Parang tanong lang ni Leah. Hmm.. Bakekang na lang kasi babaeng tunay. At kung pinahihintulutan mo ehh pwede ba akin na lang ang Blusang itim. Bwahaha..
Anciro: Xander, If you could relive the last 10 years of your life, what would you do differently?
Xander: I won't do it differently Anciro. What happened to me for the last 10 years makes me the Xander of today. Everything happens for a reason and the things that happened in the past is part of the future me. (Nosebleed).
Anciro: Sino ang mga maituturi mong mga kaibigan dto sa blogosphere?
Xander: Syempre ikaw lang! wahahaa.. Marami actually.. And kilala niyo na kung sino kayo. Sila yung palagi kung nakakausap sa twitter/g+/fb chat at kung san pa. Sila yung kakulitan ko palagi at kung saan ako at home. Nakks..
Iyah: Papayag ka bang mag posing na nakajumpshoot sa isang DOL (dirty old lady) at mka1nyt stand ito sa halagang 1M?
Xander: Usapang pera naman. Napaghalataan tuloy ako na mukhang pera at kayang ipagpalit ang aking katawan sa pera. Wahahaha..Joke lang!!! Hmm.... Pwede before gawin yun ehh maglalasing muna ako o di kaya kakain muna ako ng Wow Ulam baka sakaling gumanda at bumata sa paningin ko si DOL.
Iyah: Paghinold up ka at pinapili ka,PURI O PUSO anong pipiliin mo? Bakit?
Xander: PURI (walang kagatol-gatol sa pagsagot). Ay pero teka babae o lalaki ang mang holdup? wahahahaaha
Iyah: Diba sabi mo wala sa isip mo magkalablayp ngayon, friends with benefits ang set up pwede ba?
Xander: YES YES YOW! Mala Mila Kunis and Justin Timberlake lang ang drama. Vaaaakeeettt mooo nnaaattaanooonngg??? Friends tayo diba? wahahahaha....
Anthony Carlo: "If your career plans don’t pan out as expected, what is your alternative career goal?"
Xander: I don't easily give up. So if it doesn't work as expected then I'll try again and if I fail then that's the time I'll consider another alternative. Maybe, go back to teaching which is my first love.
Anthony Carlo: "Kung mai-stranded ka sa isang isla kasama ang isang blogger, sinong pipiliin mo at bakit?"
Xander: Gusto mo ikaw na lang? Hahaha.. Para may kasama akong nagsusuplado. At ayaw mo yun itutuloy natin ang maitim na balak sa isla na yun. Wahahaha.. Ready mo na ang dora the explorer backpack mo. At gawa tayo paraan para ma istranded din sila Yow, Leah, Bino, Jay, Leo at kung sino pa ang kasama natin sa maitim na balak para masaya.
MommyRazz: Kung bibigyan ka ng 10mliyon tapos ang condition ay gagamitin mo ng 24 hours.. anong gagawin mo sa pera?
Xander: Mommy, ibibigay ko sa Parents ko yung kalahati. Pagawa ng bahay na gusto ng parents ko at habang ginagawa ang bahay na yan i-totour sila sa buong mundo (in 24hours). hahahaha. Tapos ililibre kita Mommy kasi ikaw ang magbibigay ng 10milyon diba? hahaha
Lhan: Sa pagiging Master Pogi Award mo sa TABA Awards ni Zyra, ang tanong ko eh, nakaka-illang pagpapaiyak na ba ng mga kababaihan si Xander?
Xander: Ayeee.. muling nabuhay ang tanging award na napanalunan dahil sa pagpipilit sa mga kaibigan. Hmmm.. dalawa? Kasi kadalasan ako ang pinapaiyak eh. Sawi at palaging iniiwan.
Lhan: Sinong Bloggero nman ang idolo mo?
Xander: Nothing specific (to be safe and to be fair). Idol ko yung mga bloggero na matatapang at may paninindigan sa mga ginagawa nila.
Lhan: At Sinong Bloggera ang crush mo oh gusto mo?
Xander: Marami akong gusto pero nothing serious.. Nakks.. Madami din akong crush.
Madz: Ano ang UNANG-UNA mo'ng ginawa ng mawaalan ka ng trabaho
Xander: Tulog ng tulog. Pagkatapos nun ay natulog ulit. Sobrang miss ko ang matulog sa gabi. Swear!
Khanto: Kung isang ice cream ang magiging jowaers mo, anong flavor ito at bakit?
Xander: Since Proud Dabawenyo ako.. malamang Durian flavor. Yung may sipa sa laman kapag dinilaan at nakakalibog na amoy. Lol
Khanto: Anong niche blog ang mas prefer mong basahin aside sa personal category? (example: showbiz, technology, art, culture, etc)
Xander: Mas naeenjoy ko yung art and general information actually. Pwede rin yung showbiz kasi may pagkachismoso ako..Lol. Hindi kasi ako masyadong techie/techy (whatever is the correct spelling!). Kaya hindi ako masyado nakakarelate sa mga ganun pero nagbabasa din naman ako para lang hindi ako masyado huli sa byahe in terms of technology. Yung mga bloggers na may tech ang niche ehh binibisita ko din para malaman ko kung ano ang latest trend.
Roy: Papaano mo binibigyan ng time ang iyung blog?
Xander: I,ll make it sure na may update ako sa blog ko or may new post ako. Blogging for me is part of my life and my daily existence. I think sa ngayon di ako sasaya kung di ako nakakapagblog. So its really part of my life na.
Bon: Inspirational ang karamihan sa blog posts mo, saan ka kumukuha ng lakas para sa mga postibong pananaw mo?
Xander: sa totoo lng lahat ng bagay sa paligid ko ay ang nagiging inspirasyon ko. Mga bagay na sa tingin natin ay pangkaraniwan lang ngunit napupulutan ng aral. Gaya na lamang ng isang sabon na maihalintulad sa isang kaibigan. Maraming uri ang sabon gayun ang kaibigan. Kadalasan din kapag maiinspire ako magsulat sa tuwing nasa banyo ako habang nakaupo sa trono. Ewan ko pero malikot ang utak ko kapag jumejebs... Lol
Bon: Kung may makikilala kang chicks sa Iloilo sa bloggers trip tapos aayain ka gumimik yung kayo lang dalawa.. iiwan mo ba ang mga kasama mo??
Xander: oo! Haha joke! Syempre hindi kasi kayo ang kasama ko sa iloilo pero pag pinilit niyo ako sumama ehh dont worry baka may kabarkada ang chicks na yun papakilala ko sa inyo.. The more the merrier.. Lol
Xander's Message
I would like to thank and congratulate the staff and crew of Damuhan for having such a great guest --Me! Hahaha. Seriously, Thanks Bino sa pagimbita dito sa Hot Seat mo. Sobrang hot pala talaga ito at bumubula kilikili ko sayo. Maraming salamat kahit na pinilit mo akong iguest at binantaan ang buhay ko. Hahaha. Maraming salamat sa mga nagtanong. Pinadugo niyo ilong ko at sa kasalukuyan may hemmoroids ako dahil sa umeenglish kayo. Naway, nasagot ko ng maayos ang mga tanong niyo. I did my best but my best is always the best. So Help me God!
Salamat ng Marami Bino... Peace and Goodluck sa Damuhan.
Thank you fans! Mahal ko kayo!
Xander,
Tulad ng lagi ko'ng sinasabi, maraming salamat sa pagpapaunlak sa panayam. Alam mo naman kasi na hindi pwedeng tumanggi! Wahahahaha. God bless at kita-kits sa i-ball ngayong Sabado!
Next Week: Anthony Carlo aka Supladong Office Boy (www.anthonycarlo.com)
Send your questions via:
Facebook http://facebook.com/bino23
Twitter: Twitter.com/binobautista
Google+: gplus.to/binobautista
Email: Bloggeradmin@damuhan.com
Deadline: Saturday Evening

hanep sa photo! master pogi talaga!
ReplyDeleteSalamat Bino at nabigyan mo na pagkakataon ang aking tanong kay Xander.
ReplyDeleteXander pre, you're one of a kind friend.
Woot woot! Hehe.. Ayos! Satisfied ako sa sagot mo.. hindi ka nakipagplastikan. Biatch nga, pero madatung naman.. hahaha.
ReplyDeleteSino yung si RB? Ang daya.. bakit hindi nag name-drop!! hehe.. Tsaka sino yung mga crushes? andaya talga! lols.
"pumping and ejaculating blood".. bwahahaha! iba ang naiiisip ko dito.. weeee! lols.. Natawa ako sa sagot mo sa tanong ni Iya.. diretso sagot. PURI talaga. hehehe..
At talagang todo promote din yung maitim na balak natin ha. Hehe.. Excited na me!!
"Share your talent and everything will just follow.." I like this.. Pahiram Xander ha. Post ko sa FB. Hehe..
Nice interview, Bino. :)
sobrang naaaliw ako sa mga sagot ni xander...gayeng ni xander sumagot!at ang hanep ng picture pang porn magazine lol...good job bino
ReplyDeletewahahahaa.. end of my career.. magsasara na ako ng blog ko..lol...
ReplyDeletepanalo sa picture! hahaha!
ReplyDeletemilyones ang mga usapan dito hahaha!!
salamat sa mga sagot!
salamat uli sa damuhan!!
Showbiz si Xander!!! Parang presscon lang! Wahaha. In fairness, ang galing ng usapan dito. :)
ReplyDeletebet!!! heheheh!!
ReplyDeletehavey ang hotseat!!
aylabet!!!
thanks kuya bino!
bigla akong kinabahan.. ako na pala ang kasunod! wahahahaha!
ReplyDeleteoi alexander, yung ibang sagot mo ay playing safe! LOL. di ka nag-namedrop!! haha.
PS: wag mo kalilimutan dalhin yung lechon sa sabado. :)
@SOB - ganun talaga pag artista sabi ng manager ko dapat always safe ang sagot.. wahahaha
ReplyDelete@BON- mapera kasi daw ang mganagtatanong kaya puro pera ang usapan.. Anyway bibigyan daw nila ako ng milyones since wala pa akong work hahaha..malaki ang bayad ng Damuhan sa guesting ko.. wahahhaahahahhahhah
ReplyDeleteHahaha.. natawa ako sa mga tanong lalo na kay migs. Ok ang mga sagot ni xander. may sense. lol. abangan ko yang hotseat ni suplado. lol
ReplyDeletetumpak na tumpak ang mga sagot!! galing galing, pagmanalo ako ng Lotto bigyan kita ng 10milyon dont worry #lol
ReplyDeleteparang si Jake Cuenca ung unang picture ah, yong pangalawa naman ma emong Xander.. Char!!
Cnu c RB? hello RB.. :p
nosebleed ako sa umpisa..#lol
HONG DAMENG TANONG! ahahahaa. nosebleed din si xander! hahaha..
ReplyDeletenice hotseat....May bago na naman akong nakilala.... LAB ET!!!!!
ReplyDeletengayon ko lang nakita 'tong side ni Xander.. natutuwa ako sa mga sagot niya, ang witty lang.. tsaka masarap basahin kasi light lang :)
ReplyDeleteisa sa mga idol kong inspiring blogger ay si xander. kaya chikboy yan eh
ReplyDeleteGaling!
ReplyDeleteang galing nman pagkakasagot ni xander at lupet ng tanung ng mga kapwa blogger.
ReplyDeleteRB? si Rico de Buco? LOL
ReplyDeleteSalamat sa sagot sa walang wenta kong tanong...
Nice ang mga sagot mo Xander.
Bino, sana tumagal pa ang Hotseat para mas lalo pa natin makilala ang mga blogger.
Request! MaihaHotseat mo ba si CHICO GARCIA? ng Strange Fruit? LOL
natawa ako sa question and answer tungkol sa ugly woman with a golden heart! pang pageant ang sagot ni kuya xander! :))
ReplyDeleteuna sa lahat, may tanong dapat ako kay xander. kaso di na nakaabot. natutulog kase ko sa pansitan.
ReplyDeleteyung sa sagot mo kay jheigz di ka mukhang suplado, mukha kang mahiyain. ilang beses na namin ikaw sinubukan pagsalitain pero nanatiling tikom ang bibig mo. kaya siguro ganun ang mga unang impression sayo. hehe.
dun sa tanong ni iyah naman. kung ano yung natanong na'to. para sa 1milyon, kahit inde laseng gagawin ko ang lahat. LOL!
ayown lang po. nice nice. kala ko ay magiging seryosong usapan to dahil nakadaupang palad na kita minsan pero hindi naman pala. cool lang! asteeg pareng xander.
naks hindi na paghahalatang maraming tanong sayo about money! ahahaha ikaw na! lels
ReplyDeletelels din sa friends tayo! hahaha wala akong ibig sabihin dun...#denial hahahaha
ayos ang panayam...gusto kong ma stranded sa island kasama mo..pero dulo-dulo tayo! ahahaha
ibang klase mga tanung ni iya, talagang guisado ang mauupo sa hot seat. lels.
ReplyDeleteat di ko alam na naging prof. pala si xander. clap-clap.
kaw na talaga ang nagpapapicture na nakalabas ang dila bwahahaha...pwedeng gawing title ng pelikula..
ReplyDeletexander: ang lalaking nakadila hehehe
peace kuya
pogi nung picchur sa taas. parang xian limmmm..
ReplyDeleteNung una kong nabasa yung tell me about yourself pa lang, gusto ko ng mag-backout. Mukhang duguan ng pagkatao kako to. Hahaha. Solid na english. Ang sakit sa ulo!
ReplyDeleteAng dami ko natutunan kay Kuya Xander dito. Nakakainspire nga. Christian ka din ba Kuya? O sadyang Godly lang? Ikaww naa! Haha. Sayang, gusto ko pa naman nun magsend ng tanong kaya lang nasa probinsya ako at alam mo na ang roller coaster week ko. Haha. Sorry naman.
wow! si kuya Xander. ngayon ko lang nalaman, taga Davao pala sya. e di kababayan lang. he he
ReplyDeleteTo answer Yow's question: Yes Im a Born again Christian, Maniwala ka.. hehe..
ReplyDelete@egG -- wow Xian Lim talaga? Tapos sabi ni Mommy Razz Jake Cuenca daw.. haha ako na maraming kamukha..weeee... sana ganun kagwapo din ako gaya nila haha.. kasi hindi.. haha
@Richard.. yes! taga davao ako. kababayan nga tayo hehe
at sya pala ang nasa hotseat ngyn? sabi mo maituturing mo syang friend sa blogging.bat never mo pa syang sinama sa eb? hmmm.isama mo nga yan minsan at mabinyagan ko.lololz
ReplyDeleteanong klaseng binyag yan? hahahah nakasama na ako sa eb.. lolz
ReplyDeletedapat may kasama siya doon oh sa pangalawa picture oh. sayang! hehe
ReplyDeleteBisdak diay ka dong Xander? lol (Bisaya ka pala Xander?)
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeletelevel up na level up na o... hahaha kuyawang xander oi.. hahaha...
ReplyDeleteAhahaha.. Ang lupet ng picture.. Pang matinee idol lang ah.. hehe. Nice name. "Xander, nasan si Javier?" ahehehe.. :)
ReplyDeleteParang may press conference lang ah? hehehe...baka ako magwalk-out sa mga tanong ng mga press people este mga bloggers hahaha...
ReplyDeletenakakadugo si Prof! hehe! pero i love the way he answered... may lesson. ayun e o. :) onga pala prof nga pala hehe! pero nice! dapat magsesend din ako ng tanong e kso garrr d nakaabot haha
ReplyDelete