August 3, 2011

Blogger's Hot Seat: Yow of ItsYowTime

Isa sa mga masasabi ko'ng madalas dumalaw at magbasa ng mga lathalain sa damuhan, may kwenta man o wala, ay ang blogero'ng ito. Isa siya sa mga madalas ko'ng makabiruan sa twitter at maging sa google+ (google plus). Akala ko'y tatanggihan nya ang request ko at ng ibang bloggers na maitampok siya dito sa hot seat. Mabuti na lamang at pumayag din siya. Pero actually, end of friendship ang katumbas pag hindi siya pumayag! Joke! Anyway this is his show, and this is his time. Let's meet Yow! It's YOW Time!







Pangalan/Alias: Joshua/Yow
Blog Name at URL: Its YOW time at http://itsyowtime.blogspot.com
Lokasyon: ParaƱaque City/Cabanatuan City, Nueva Ecija
Edad: 20 taong gulang
Civil Status: Nag-iisa. Singgol.





GENERAL QUESTIONS:

Bino: Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.
Yow:  Hilloderr?! Ako si Yow. Malayo sa totoo kong pangalan na Joshua. Madalas akong pagkamalan na may asawa't anak na o di kaya ay nagdo-doctorate na dahil sa katangkaran kong 4’7’’. I love reading books and blogs, watching movies, browsing the net, twitting, facebook-ing, google plus-ing, partying, staying up late and waking up late. Favorite ko ang Showtime at ang Eat Bulaga. Mahal ko si Anne Curtis. Malikot akong tao lalo na pag may tugtog, kusang kumikislot ang katawan ko. I can dance but I’m not as grand as Justin Timberlake or Billy Crawford. Pangarap kong magkabigote at magkabalbas. Favorite color, food, drink, dessert, place, song, singer: Many to mention. Hindi ako kumakain ng baka at hindi ako umiinom ng gatas. At higit sa lahat… ayaw ko kay Cristy Fermin.


Bino: Kailan at paano ka nagsimulang mag-blog?
Yow: Way back 2007, nauso sa bayan ng Cabanatuan ang Friendster blogs. Ako naman daw tong mahilig makiuso, kaya naki-try me. Walang kwenta mga posts ko nun, lumamang lang ng bahagya ang posts ko ngayon. That was a personal blog/photo-blog na puro good times ang laman na hinahaluan ko ng makayurak-dangal na captions. Madaming natuwa, mga 3 kaya itinuloy ko na ang pagba-blog. Masaya akong nagba-blog nun pero dahil pinagmulan ng away namin ng ex-Bebe ko, tinigil ko at binura. Sweet, right?! Pinagbigyan ko na kasi hindi siya marunong mag-computer kaya akala kung anu-ano ginagawa ko. LOL.

After 2 years (2009), nabulyawan ako ng isang kaibigan na mag-blog na daw ulit ako kasi dakilang fan ko siya. Joke! Kaya nagbukas ako ng isang very personal blog na iba-iba ang font color bawat post at may nalalaman pang segment. Nagtagal lamang ito ng 4 na buwan, napabayaan ko ang kawawang blog hanggang ito’y nagsara.

Nung January 2010 nagsimula ulit akong mahumaling sa blog dahil sa ilang blogero na aking binabasa ng palihim. Lahat sila ay Humor Blog na nakakakiliti ng utak. Dun nagsimula ang kagustuhan kong maging tulad nila, mag-blog muli at subukang magpasaya ng tao. Kaya February of 2010, pinindot ko ang Create Blog sa Dashboard ng Blogger account ko at nagparehistro ng birth certificate ng Its YOW time.


Bino: Bakit mo naisipan na pasukin ang mundo ng blogging?
Yow: Frustrated writer kuno ako. Simula nung nabasa ko ang isang school newspaper na sobrang funny tsaka yung mga book ni Bob Ong, bigla ko nagustuhan yung idea na nagpapasaya ng tao sa pamamagitan ng pagsusulat. Nagtagumpay naman ako sa pagsusulat dahil nakapagbukas at nakapag-maintain ako ng blog, ewan ko lang sa pagpapasaya. LOL.

Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag. Kung hindi ma'y magbayad ng 1 libong piso. Joke lang!
Yow: I'm effin' rich, here's 2k, suklian mo ako. LOL. Sa pagkakatanda ko, bumalik ang libog ko sa blogging dahil sa google search. Haha. Dahil sa kainipan noon, nag-search ako ng "Funny Pinoy blogs" sa goggle at napadpad ako sa bahay ni Mr. Badoodles. Nag-back read ako at nagsimulang mag-enjoy. Dahil din sa blog niyang may listahan ng mga nakakatawang pinoy bloggers, napunta ako sa blog ni Ate Salbe, Mama Maru at Kuya Paps (close kami, bakit ba?!). Nag-back read ako ng kaunti sa mga yan at napadpad nga sa isang link sa ka-blogs-tugan papunta sa wickedmouth.com. Yes! Kasama si Glentot sa mga nang-udyok sa akin na magbalik-loob sa blogosphere. Nung una, wala akong pakialam sa ibang blog dahil ang hanap ko lang ay "funny pinoy blogs". Akala ko ang blogosphere ay puno lang ng mga Humor blogs. Hanggang sa makaencounter ako ng mga malalalim, nakakadugo ng utak na english-an at mga pumi-fiction stories pang blogsite. Dun ako nagsimulang humanga sa mga madami pang blogero. Mahirap na isa-isahin yun.

Bino: Kung may hinahangaan ka'ng blogero, mayroon ka ba naman'g kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
Yow: Wala akong kinakainisan pero may blog ako na hindi magustuhan (pero patuloy ko pa ding pinupuntahan). Hindi ko magustuhan kasi ang isang sentence niya ay parang ganto walang tuldok na parang dapat basahin mo tuloy tuloy kahit dapat putol na kanina pa yung sentence at wala ka magagawa kahit maubusan ka ng hininga sa pagbasa basta ganto siya mag-blog plus buong blog post na misspelled words. Tsaka ayoko din na mapag-claim na mahusay siya sa ganyang larangan kasi ako ang nahihiya. Lagi ko pa din binabalikan yun kasi tinitignan ko kung nagbago na. Ako na ang mahilig sa structured blog post! (Kahit aminado me na wala din structure ang mga post ko)

Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Yow: Ang buong experience sa blogging ay maganda. Sa pagsusulat, naie-express mo ang iyong sarili at naipaparating sa ibang tao ang gusto mo sabihin. Nagkakaroon ka rin ng mga bago at mababait na kaibigan o di kaya’y mga bagong kakulitan. Bonus na lang ang mga papuri at mga komento na ibinibigay sa iyo ng iyong mga mambabasa. Maituturing kong isang magandang karanasan ang mapabilang sa listahan ni Sir Jeps bilang Blogger of the Month. Isa lang akong baguhang blogger nun at napakalaking bagay na sa akin na mapansin ng isa pang blogero. Matapos nun ay na-meet ko sa personal si Jepoy at si Glentot na di ko akalaing magagawa ko sa buhay ko. Yun ang maganda sa mga blogger at sa mundo ng blogging ngayon, hindi limitado sa harap ng computer ang pagkakakilala. Lahat ay maaaring maging magkakaibigan sa teleserye ng totoong buhay.

Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Yow: Wala naman. Hindi naman ako sikat para magkaroon ng hater, wala din naman umaaway sa akin. Ang boring ng buhay ko, sucks to be me. Juk! May mga mapanlait din namang nagagawi sa blog ko, nasabihan na ako ng ‘baliw’, ‘gago’, ‘ang pangit ng blog mo’ sa chat box ko. Hindi ko din naman maituring na hindi magandang karanasan yun dahil likas akong isnabero. Usually, hindi ko pinapansin. Nung minsang nagreact ako sa nag-sabing ‘baliw’, sabi ko ‘welcome sa mental hospital, balik ka na sa kwarto mo.’

Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag
Yow: HAHAHAHAHAHAHA. Okay na sigurong sagot na to? LOL. Ang bastos ng tanong na to, nakakasakit ng kili-kili.

Lagi akong nauunahan ng katamaran sa pagba-blog. Kung mapapansin niyo, halos isa hanggang dalawang posts lang ang nagagawa ko kada buwan na hindi normal sa isang blogger. Madalas ako may maisip na idea o may maranasan na kakaiba para i-blog pero kapag sisimulan ko na itong isulat, hindi ko magawang simulan. Anong resulta? Lilipas yung idea, hindi makakapagblog at mabubulok ang blogsite. Sorry naman. Tamad lang. Katamaran ba yun? (In denial)

Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?
Yow: Masaya mag-blog kaya tira na mga Ate at Kuya. Ang blogging ay hindi parang kanin na mainit na kapag sinubo at ika’y mapaso sasabihin mo ouch. Kaya pag nag-blog kayo, wag niyo ako gayahin. Sipagan niyo. Haha. Madaling gumawa ng blog pero mahirap panindigan ang maging isang blogger. Kapag may blog ka na lagi kang mag-blog hop at macomment to gain friends. Makipaginteract sa kapwa blogero at wag mahiya. Wag tayong mag-skipread. Bad yun! I-enjoy mo ang blogging ng walang natatapakang ibang tao. Blog on! God bless.


Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa iban'g lahi?
Yow: Ibang-iba ang Filipino Bloggers sa mga bloggers na ibang lahi. Kung versatility ang usapan, kaya lahat ng pinoy yan. Kadalasan kasi ang mga blogs ng ibang bansa ay themed at umiikot lamang sa isang bagay. Ang Filipino bloggers ay di takot subukin ang ibang aspeto ng buhay. May unity din tayo at nakakagawa ng pagkakaibigan kahit na ang pagitan ay mga wires ng internet lang. Kahit dalin sa ibang bansa ang isang Filipino blogger, mananatiling pusong pinoy pa rin yan. Tayo na! Its us olreydi na talaga!

BLOGGERS' QUESTIONS

KikoMaxXx : Bakit ka tinatamad? or Bakit ka palaging tamad? Hahaha

- Dear Kiks, masyado mo naman sinapuso na ako talaga ay tamad. Hindi kaya! Isa ako sa pinakamasipag na anak ng Nanay at Ama ko. Haha. Pag nagsimula akong kumilos hindi na ako titigil lalo na sa paglilinis ng bahay. Hindi rin ako palareklamo sa gawain kasi masipag me. Ibang usapan naman kasi ang blogging, di naman specific tanong mo eh. Hindi katamaran yun, nawalan lang ng idea. (In denial part chu)


Khanto: Kung sakaling gagawa ka ng new blog, ano ang title nito at ano2x ang ilalagay mong content nito?

- TITLE : Yes Yes Yow (required talagang may Yow sa title) at ganun pa din ang laman. Personal blog pa rin at susubukan ko pa ring magpasaya ng tao sa pamamagitan ng kwento. Hindi ako isang creative writer na kayang magsulat ng mga tula at fiction stories kaya mag-stick na lang ako sa kung ano yung alam kong kaya ko.


Anton: Alam naman natin na nasa iyo ang magandang hitsura .pero kung meron kang insecurity, ano yun?

- Nasa akin ba? Thanks Kuya Anton.. LOL. Yes, madami akong insecurities. Nakakainsecure yung mga taong magaganda ang paa, maystylish na buhok, magaganda ang boses at mga kano na tinalo ang pinoy sa length. Di naman ako perpekto para mawalan hindi lang (siguro) halata na meron. Para sa akin ang insecurities, magagawan ng paraan kung magaling ka mag-dala. Kung wala ka ng ganoong katangian, daanin mo sa ibang bagay o kaya husayan mo sa performance.

Dahn: Ano ang pinaka-memorable moment mo sa byaheng Bongabon-Palayan (jeep na dumaraan sa kanto ninyo)? Ipaliwanag.

- Ay. Eh bakit alam? Medyo hindi ko na kasi maalala, Manela Boy na kasi me. Ang orti lang?! Haha. Madaming memorable moments ang pinagdaanan ko at ng mga jeep na yan. Di ako makapili kung ano kaya yung pinakarecent na nangyari na lang. Nag-aabang ako sa kanto namin ng jeep mula Bongabon/Palayan para makapunta sa bayan ng Cabanatuan para lumibot kasama ang mga kaibigan ko. May humintong jeep sa harap ko kaya sumakay na ako. Pagkaupo ko, kapansin-pansin na kaunti lang ang sakay na tao ng jeep dahil napuno na ang kalahati nito ng sibuyas (pangunahing produkto ng Bongabon) na naka-bag para ibenta sa palengke. Kumakalat ang amoy ng sibuyas dahil sa hanging dala ng pag-andar ng jeep kaya naman salo naming lahat na mga pasahero ang amoy ng mapupulang sibuyas. Pag baba, ready to libot na with my new scent… Sinibuyasang Yow. Habang nangyayari yun, may nanay akong kasakay pinapatulog ang kanyang baby sa pamamagitan ng pagpapadede. At ang dede ni nanay ay gifted at buong-puso niyang inilabas ang kabuuan nito sa kanyang pagbe-breastfeeding. Bilugan, malusog at parang lamesa. Sa makaldag na daan patungong Cabanatuan at ang amoy ng sibuyas, nakatulog si baby sa malambot at tumatalbog na kama.


Dahn: Sa iyong pananaw, ano ang freedom of expression at ano ang saklaw nito sa isang blogger?

- Freedom of expression upholds the rights of all to express their views and opinions freely. Ang husay ni Best Google. Blogging is all about expressing one’s self into writing. So we can say that blogging is a freedom of expression. Pero kahit na malaya tayong mga blogero na ipahayag ang ating nararamadaman, dapat pa ring mag-ingat ang lahat sa salita at ideya na laman ng ating mga nilalathala. The world wide web is a public place and almost everyone has an access on it. Maaaring may masaktan ka o matamaan ang paniniwala sa iyong mga mambabasa sa kung ano man ang sasabihin mo sa iyong kuta kaya dapat ay may pag-iingat. Yes, we are allowed to express our opinions and ideas as a blogger but there will always be some limitations. Pahirap ka Celebrity Blogger Kuya Dahn. Haha.


Suplado: How do you think you are different from other young people your age?

- I am different from other young people of my age today because I took the road that was less travelled by most of us. Today’s youth waste their time and money in worthless things like alcohols, cigarettes and other vices. I am proud to say that I don’t drink alcoholic beverages to forget my problems, used cigarettes to relieve the stress I am feeling and the like. Instead of doing all those nonsense, I chose to pray and serve our Christian community to glorify and honor our Lord’s name. Ako ng banal! Ako ng prayerful!

Suplado: As a blogger, do you think you can make an impact on society? How?

- I don’t think I can make an impact on our society by just blogging (trying hard) humorous blog posts. I know my capacities and my capabilities and I’m pretty sure that I am not competent and skilled enough to be influential in this field. And considering the fact that I don’t post subjects that is societal in nature and can move people, I am in no doubt that I’m not that ready to put my blogging career on the next level. I’m still this amateur blogger discovering and learning things about writing and stuffs. Not now, maybe in the future.


Suplado: Tell me something that will make me remember you as Joshua Villangca (the future RN) and Yow (the blogger)

- Actually, there is no major difference between Joshua and Yow. It’s just the spelling of each names and the title paired to it. Joshua is a registered nurse (I pray) and Yow is a blogger. But Joshua and Yow are still the same. So I think you can remember me as Yow/Joshua, the Mr. Humble Handsome Nurse Blogger ng ParaƱaque Citeey! LOL.

Leah: What are you afraid to lose the most?

- I am afraid to lose my family. I am blessed with a very happy, God-fearing family. We are all very open to each other. My Nanay and Ama raised us very well and molded us to who we are chuday, They are the best gifts I have received from God. I have 4 sisters and a brother and we treat each other as best friends. If they will be taken away from me, I will be losing not just my family but my best friends as well. I will also lose the best blessing I have received from God in my entire life.


Leah: Mahilig ka ba sa sports? Kung oo, anong sport ang kinahihiligan mo?

- Hindi po Ate Leah. Hindi ako masyadong sporty kasi studious ako. Juk! Haha. Marunong akong mag-scrabble na ginagawang sport sa Intramurals namin nung HS. I know how to play Volleyball and Badminton. Alam ko ang laro at pasikot ng basketball pero di ako marunong maglaro kaya hanggang nood lang ako. Dahil sa Azkals kaya lang ako namulat sa panonood ng Football. Kung may gusto akong masubukan ay yun ang mga extreme sports like wake boarding. Tsaka nakakaenjoy ang mga contact sports. Gusto ko yung mga contact na ganyan! Juk.

Leah: Kung merong nagbigay sayo ng magic lamp, at merong 3 wishes.. ano ang iyong hihilingin? Ipaliwanag.

- First Wish: Dalin niya ang buong pamilya ko sa America para sama-sama na kami doon na tanging pangarap ng buong pamilya namin. Second wish: Buhayin niya ang Kuya ko para kumpleto kaming magkakasama sa America at masaya ang Nanay at Ama ko. Third Wish: Bigyan ako ng $1 Million dollar para maiparanas ko na sa mga kapatid ko lalo na sa magulang namin ang buhay na marangya at deserve na deserve nila.



Iya_khin: masarap ba ang lasa ng tinga?

- Depende sa naging tinga. Pag baboy yan, kahit anong luto mo kapag natanggal sa pagkakaipit, nalasahan at nilunok mo ulit, wala na talaga siyang lasa. I suggest mag-tinga tayo ng Garlic Longganisa, matanggal man ang pagkakatinga, dumighay ka lang balik-lasang bawang na. Paunawa: Bago lunukin muli ang tinga, amuyin muna kung panis na.

Iya_khin: bakit hindi ka nakalapit kay anne curtis ng manood ka ng showtime?

- Hinarang ako ng marshall nung first time. Tapos nung Monday, bumalik kami tapos absent naman siya. Masyado ko ata pinagod nung linggo ng gabi. Feeler mode.

Moks: Tinatamad ka ba minsan magblog kaya nilulumot minsan ang bahay mo? sa anu ang dahilan at bakit?

- Hindi naman masyadong nilulumot, nilalangaw lang Engr. Moks. Hindi sa tinatamad kasi nararamdaman ko naman ang pagkagusto kong mag-blog o gumawa ng new post. Nagkakataon lang na minsan nakaharap na ako sa laptop at nagsisimulang mag-isip ng isusulat ay hindi ko naman masimulan sa kahit anong paraan ang gusto kong isulat. Kaya ayun, nawawala ang idea, nawawalan ako ng post at hindi na ako nakakapagpost. Isa nga akong “anything under the sun” blogger pero pinipili ko pa rin ang iba-blog ko at sinisiguradong kahit papaano ay may madadala itong ngiti sa labi ng aking mambabasa. Orti?!


Moks: May nagsabi na sa personal, tumitiklop ka daw, sobrang mahiyain ka daw...Bakit?

- Hindi naman ako sobrang mahiyain. Kaya ko din naman humarap sa mga kapwa ko blogero at makipagsabayan ng kulitan. Yun nga lang, sa unang beses ng pagkikita, observe-observe muna ako kung paanong pakikisama ang gagawin ko. Mamaya mapaclose ako masyado bigla kong bigwasan na pabiro, nagkasuntukan pa kami. Akala ko mahiyain din ako at di magsasalita sa isang meet-up pero noong una naming pakikipagkita sa kapwa blogero nakaraos ako at paos umuwi dahil sa kakadaldal. Haha.


Bulakbolero: Pareng Yow, may gusto ka bang ipost sa blogsite mo pero nagdadalawang isip kang isulat?

- Meron. Nagdadalawang isip ako kasi alam kong hindi naman ikakatuwa ng pamilya ko yun at isa pa magkakasala lang ako kapag nag-post ako ng naiisip kong kautuan.

Bulakbolero: May naipost ka ba na naisip mo dapat di mo ito naipost?

- Sa ngayon ay wala pa. Kaunti pa lang ang laman ng blog ko at piling pili pa yun. Kailangan ko kasing mag-ingat dahil followers ko ang ilan sa mga kapatid ko. Hihi.


Yow's Message: 


Natapos din. :) Salamat Kuya Bino sa pagkakataon na binigay mo sa akin para makaupo sa iyong Hot Seat dito sa Damuhan. Napepressure pa din ako at nahihiya sa madaliang pag-sagot ko. Salamat sa pag-share ng kasikatan sa isang aliping sagigilid na tulad ko. Thank you very much. Sa uulitin. :) Hello po sa lahat ng bloggers. God bless us all. BOW.

Na-beat mo ang deadline Yow! Maraming salamat kahit alam ko na napressure ka sa mga katanungan dito sa hot seat. God bless :)



Next Week : Leah of  http://neneleah30.blogspot.com/. DM your questions at twitter.com/binobautista or message me in Facebook

38 ang nakaappreciate:

  1. hahaha Natawa ako dun sa naaalala sa byaheng Bongabon.. wahahaahh Amoy sibuyas na.. may kalabasa pa. hahahahaahaahah.. lol.. astig! may timer pala ang Q&A ni Yow? hehe

    ReplyDelete
  2. Haha! Nice. Ayos. Salamat sa pagsagot Yow-yow. ^^

    Kung bakit ko alam yung byaheng Bongabon ay dahil nabasa ko sa nauna mo pang blog na merong mukha kang mukha. Napapasaya mo ako dun hanggang ngayon naman na hindi na ako silent reader. ^^

    ReplyDelete
  3. Yeah, I love this interview so far! Marami akong natutunan. One thing na nkatatak pa rin sa isipan ko at this moment ay ung tanong ni Dhan about freedom of expression. On the other hand Mr. Yow responded the said question well.

    As a blogger, we need to be cautious AT ALL TIMES. Dapat pinag-isipan muna natin kung nkakasama or nkakabuti ang ating opinyon before we let it out from our mouth or through a blog post. By the time na sinabi mo na ay dapat panindigan mo. ;)

    ReplyDelete
  4. ang galing sumagot ni Yow...haha elibs na me sa yow... Lol

    hayaan mo next time makakadaupang palad mo na rin ang kras ko na si anne curtis..try and try lang :))

    hindi pa rin ako makamove on sa mga sagot mo :) ang galing!

    ReplyDelete
  5. Ow may, napanganga ako sa English na sagot ni RN Joshua. Galing-galing! hehe..

    Hindi masyadong sporty kasi studious. haha. ayos yan. At love tlga ang family nya.. Sweet.

    Napasmile ako sa wishes mo.. lalo na your 2nd one. Kung meron lang sanang ganyang wish ano,, to bring someone back from the dead. :( Bigla akong na-sad.. I'm sure your brother's in a better place na. :)

    A very nice interview. Galing Yow! Galing, Damuhan.

    ReplyDelete
  6. Ngayon kilala ko na sya...hehehe


    Astig sumagot!

    ReplyDelete
  7. ah siya pala..hehehe now kilala ko na sya...astig sumagot!

    ReplyDelete
  8. inspiring nman ang mga sagot at hot seat tlga ang mga tinatanung ng mga kapwa blogger...

    ReplyDelete
  9. hahaha sinasapuso ko talaga ano.. wala lang sample question lang yun.. sayang required pala madami.. tsk2... ok lang first time kung may tanong.. hahaha

    ReplyDelete
  10. Salamat Pre sa Mala-Boy ABunda na sagot. Salamat sa mga sagot mo Pre.

    ReplyDelete
  11. He's cute! LOL! Ang layo naman kasi..

    JJRod'z

    ReplyDelete
  12. Gmorning YOW!! im mommyRazz, akala ko knina c Gerald Anderson ka.. hehe! nice to meet you, nkakarelate ako don sa 'may ipopost sana ako pero nagdadalawang isip ako....' ako din, ayaw kong maka offend ng tao, kaya huwag na lang.. hahaha

    ReplyDelete
  13. Eh di si ser yow na ang nasa hot seat! hahaha
    mabait yan si ser yow, at ipnahuhunting ko siya sa kaibigan kong nurse sa NE.xD

    ReplyDelete
  14. Sa edad niya, malayo pa ang kaniyang mararating, huwag lang tumigil sa kakalakad.

    Yow!

    ReplyDelete
  15. ahh siya pala si YOW. hindi ko pa yata napuntahan blogsite niya. di kasi ako masyadong gumagala. nagpaliwanag ba? haha


    nice knowing YOW! :D


    empi

    ReplyDelete
  16. kailangan ko ata ng tissue. nagnonose bleed ako. lol. sa mga piling piling post ni yow sa blog nya (sabi nya) medyo iba ang dating. dito lalo syang naging intelehenteng tao. angtalinaw.

    itong si yow yung mangilan-ngilang blogger na pede mag angas pero walang angas sa katawan. mabait. nakakatuwa. hanga ako sayo yow.

    yung sagot mo sa unang tanong ni suplado. kudos sayo kaibigan.
    yung pang 2 wish mo sa tanong sayo ni leah, parang may nabasa akong book o napanood na movie tungkol dito. ang kahulihan, wag na buhayin ang patay, di din sila magiging masaya. kase nakatakda na yon. ewan ko lang kung tama ba?

    ReplyDelete
  17. hehehe, magtanong talaga tungkol sa tinga! lolzz

    ReplyDelete
  18. una... natawa ako sa define yourself.. yung ang pinakaastig na define yourself na sagot na nakita ko. hahahaha

    pangalawa... dapat ang third wish sa genie ganito lagi.. "bigyan mo ako ng 100 more wishes".. :)

    pasensya na nakikialam lang ng wish.. :))

    ReplyDelete
  19. Nice knowing Yow! I crush you na <3

    ReplyDelete
  20. Dahil diyan, i followed Yow sa Twitter! :) Nice to know Yow.

    Awesome personality.

    ReplyDelete
  21. ahhh sya pala si kuya Yow?

    ReplyDelete
  22. ang saya naman ng tanungan.. bakit di ko namalayan to? hehe

    ReplyDelete
  23. nice nice...ayuz nmn pla...ganito pla sa hot seat..scarry...ahahaha...galing sumagot ah..YOW>>> :D

    ReplyDelete
  24. Hindi yata naisama ang tanong ko. :( Anyway, hiway, kahit sumbang haba ng tanong-sagot na ito ay nag-enjoy akong basahin. Thank you din Yow, dahil sa iyo wala na ang Freedom Wall ko. Hahahaha!

    ReplyDelete
  25. Una sa lahat maraming salamat Bino sa email :) (Google+)

    isang karangalan para sa akin na makilala si Yow! nakakatuwa ang mga tanong :) nakakawala ng pagod.

    Salamat ulit idol!.

    ReplyDelete
  26. natawa ako sa tanung ni iyakhin. wakookkok.

    at antindi makipagsagutan ni yow sa mga inglish na tanongs ng bloggers. :D

    ReplyDelete
  27. first time ko makilala sa i yow!... at dito pa sa damuhan... nice hot seat.. at kakisig naman ng batang ire.... ayiiiiii!!!!....

    next si leah.. kent wet to hear her.. ehehehehe :p

    ReplyDelete
  28. waaah so haba!!

    talagang isinara ang blog ha dahil kay ex bebe o nasaan nya sya ngayon?! lels!

    uy..natuwa naman me sayo..walang vices! nice! sana lahat ng guys now adays tulad mo! hihihi!

    ReplyDelete
  29. ay natuwa naman ako ng bongga sa segment na to meron pala ganito sa blogsphere! haha.

    i admit isa ako sa mga medyo busy blogger kaya ngayon ko lang ito napansin.

    nawa'y ma feature din ako dito lols.

    ReplyDelete
  30. navisit ko na si pareng Yow.. heheh ikaw na ang may bloggers hot seat palagi! ^^

    ReplyDelete
  31. komento mula kay Jaypee ng Enjayneer.com


    HAHAHAHAHA! Ang kulit ng mga sagot! Iba ka Yow! Ikaw na!

    ReplyDelete
  32. hahaha--talagang naka focus ako don sa sagot s atanung ko----alam na!!!joke. Now I have an idea though at nacurious ako bigla. tara eb tayo.gusto kong malaman anu ba boses mo at sianbi mong magndang boses? di naman mala dwende boses mo siguro no?bwahaha.

    ReplyDelete
  33. Dapat ba magcocomment ako Kuya Bino? Hahaha. Di ko alam kung paano magpapasalamat sa lahat. :)

    Maraming salamat po sa lahat ng bumasa. Salamat sa nakakatuwang mga komento na di ko akalaing matatanggap ko. Akala ko walang kwenta tong nagawa ko. Haha. Salamat din sa pag-dalaw sa aking nilalangaw na kuta.

    Kuya Bino, muli ay maraming salamat. God bless us all. :D

    ReplyDelete
  34. nice naman ang galing sumagot ni yow hehehe

    ReplyDelete
  35. isa ako sa mga pinalad na mkita yang si yow. hahahaha.. pero badtrip lagi ko nakaklimutan na nagkita na pala kmi. hahaha.. ako na ulyanin. hehehe

    ReplyDelete
  36. natuwa naman akoh ditoh sa hot seat section moh Bino... binasa koh lahat... sumakit atah matah koh... lolz.... natuwa naman akoh kay Yow... kakatuwa naman dyan sa hotseat... feeling sikat lang =P nangarap eh noh.. lolz... sige po... peace out.. ingatz.. Godbless!

    nd congratz kay YOW! =)

    ReplyDelete
  37. may kamukha si yow dito sa opis na pinagtatrabahuhan ko. kakapromote lang niya bilang senior at mahilig siyang kumanta ng "billionaire." 'yun lang naman. hehe. tsaka pala congrats yow! \m/

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS