Part 2
Isinara nya ang travelling bag ng ama. Nalulungkot pa rin siya dahil mawawala ito ng ilang araw. May sideline daw kasi ito sa pier ng Batangas City.
"Tay, tatawag ka ha? Kahit dun sa school sasabihin ko dun sa office na tawagin ako kapag tumawag ka."
"Hindi naman ako mawawala ng matagal Josephine. At isa pa'y hindi ako maaano doon. Di ka rin naman dapat mangamba dito dahil nandito naman si Fernando."
"Ano ba kasing sideline yan tay?"
"Hindi ko rin alam anak. Niyakag lang ako ni Javier. Isa pa'y gusto ko'ng maibili kita ng damit mo pra sa prom."
"Hindi naman po importante yun. Kung wala tayo'ng pera, hindi ako aattend ng prom."
Ang totoo'y nawalan na siya ng interes sa prom. Bale wala na rin ang mga boys sa school dahil wala sila sa kalingkingan ni Fernando. Ang mga kaklase niyang lalaki'y kundi payat eh tabatsoy. Di gaya ni Fernando na machong macho ang dating.
Sumabat si Fernando sa usapan nilang mag-ama.
"Importante ang prom Josephine dahil kasama yun sa high school life. Isa pa'y magiging malungkot ang prom pag wala ang prom queen."
Gumaan ang loob niya ng marinig yon.
"Sabagay" sabi niya.
Tumawa si Fernando. "Binobola lang kita oy! Wag mo masyadong dibdibin!"
"O sya ako'y lalakad na. Fernando ikaw na bahala kay Josephine." Tinapik ni Mang Genaro si Fernando sa balikat.
"Ako po'ng bahala. Walang makakalapit na lalaki sa dalaga niyo."
"Ingat kayo Tay." sagot ni Josephine. Hindi siya bumalik ng bahay hangga't di nawawala sa kanyang paningin ang ama. Naramdaman niya ang kamay ni Fernando sa balikat niya.
"Walang mangyayaring masama sa tatay mo." paniniyak nito.
"Pero ano kaya yung sideline na sinasabi niya. Mamaya ilegal pala yun tapos baka mahuli siya ng mga parak."
Bahagyang tumawa si Fernando. "Daig mo pa ang nobelista. Kung anu-ano'ng pinagiiisip mo. Hindi naman tanga ang tatay mo. Relax ka lang. Alam niya ang tama at mali. Ang mabuti pa, tutal Linggo naman ngayon, mamasyal tayo sa mall. Ililbre kita sa Jollibee, tapos manonood tayo ng sine."
"Sige na nga. pero mag-igib ka muna. Maliligo ako."
"Areglado"
Pagkabalik nila ng bahay, inihanda niya ang kanyang isusuot. Iniligpit din niya ang pinagkainan nila ng almusal.
"Heto na ang tubig niyo prinsesita." wika ni Fernando. Dalawang balde ang bitbit nito, namumutok ang muscles sa balikat at braso, pawisan ang mukha.
"Pakipasok na lang sa banyo alipin." she giggled. Sinunod naman siya nito matapos siyang ngisihan. Sumunod siya sa banyo bitbit ang tuwalya.
"Tirhan mo ko ha. Maliligo din ako." sabi ni Fernando.
"Oo naman."
Matapos niyang maligo'y tinuyo nya ng tuwalya ang sarili, nagsuot ng bagong panty at isinuot ang t-shirt niyang hinubad pagkatapos ay nagtapis ng tuwalya.
"Wow ang bango!" ani Fernando paglabas niya.
"Ba't ka nakabantay diyan?" tanong niya. Nakatalungko ito sa labas ng pinto.
"Eh baka mamaya mabosohan ka ng mga tambay diyan. Mabuti na laging handa" ani Fernando.
"Para ka'ng si tatay ah. Maligo ka na rin. Magbibihis lang ako."
Pumasok siya sa silid. Sa liit ng kanyang kwarto'y sa ibabaw siya ng kama tumayo para magbihis. She donned a pair of faded jeans and her favorite t-shirt. Ipinaloob niya yun sa pantalon saka nagsuot ng sneakers. Maya-maya'y naramdaman niya ang tawag na kalikasan. Nilingon niy ang direksiyon ng banyo. Tahimik naman. Tinungo niya yon.
Tatawagin sana niya si Fernando ngunit nakita niya'ng nakaawang ang pinto. Tapos na siguro maligo at nagsasampay ng damit sa likod-bahay. Ganoon kasi ang gawain nito. Ayaw man niyang aminin pero mas malinis at masinop pa sa kanya ito sa gamit at katawan.
Itinulak niya ang pinto.
"Ayyyyyyy!!! tili niya. Nasa loob pa pala si Fernando, kasalukuyang nagsusuot ng briefs, nasa tuhod pa lang ang kanyang saplot.
"Anak ng--" natuliro ito, hindi malaman kung tatalikod o hindi.
"So-sorry," anas niya, nangatal ang buo niyang katawan. Pangarap din niyang mag-asawa pero balang-araw pa iyon kaya di niya inisip o inasahan na makakakita siya ng lalaking hubad. At kitang kita niya ang lahat.
Nakagat niya ang kuko.
Ganoon pala iyon, aniya sa sarili. She saw hair, dark and wiry surrounding his -- napangiwi siya. Ninerbyos ngunit malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang exited o elated.
Maya-maya naman ay lumabas na si Fernando, nakapantalon na.
"Tulala ka pa rin?" wika nito. "Nakakita ka lang ng katotohanan eh--"
"Bakit kasi hindi mo kinandado ang pinto?" wika niya, hindi makatingin dito. She felt somewhat guilty though hindi niya batid kung saan nagmula ang guilt na iyon.
"Akala ko naisara ko na. Bakit hindi ka tumawag?"
"Akala ko tapos ka na kaya nakabukas."
"Sorry, sa susunod ipapako ko na ang pinto para hindi ka nasa-shock"
Nang sulyapan niya ito, tila nakangiti naman ang mga mata. She had a feeling that he wasn't really sorry she saw him naked.
"Sorry din pero wala naman ako'ng nakita" pag-sisinungaling pa niya.
Umarko ang kilay ni Fernando.
"Wala talaga." giit niya.
"Eh di wala" He grinned. "Lagot ka, hindi na virgin ang mga mata mo." Pagkatapos nito'y iniwan siya nito roon.
"Wala ako'ng nakita! Ang kulit mo!" Pumasok siya ng banyo. Habang nakaupo sa bowl, nakapangalumbaba siya at iniisip ang hindi kuno niya nakita. Then she giggled. Tinakpan niya ang bibig para hindi marinig ni Fernando. Para siyang kinikiliti ng maligno, kilig na kilig.
Itutuloy...
Hmmm... gusto ko yong huling parte... ipagpatuloy mo nga yan. Hehehe
ReplyDeletegnun? sabi ni Fernando sa tatay 'huwag kang mag-alala hnd malalapitan ng lalaki si Josephine' eh ano siya hnd lalaki? hahaha! ayaw ko sa susunod na part..hmp #lol
ReplyDeleteayy gusto ko yan! painitin mo ang mga mata ko bino! nyahahahh!!!
ReplyDeletedali post mo kaagad!! hihi!!(naughty smile)
hala.. hindi na ito pocket book kuya bino.. malapit na itong maging storya sa tabloid.. lol.. joke lang! nabitin ako! :p
ReplyDeletemalamang susunod nyan hindi na makakatulog si josephine. lagi nyang maiisip ang katotohanang tumambad sa kanyang mga mata hehehe
ReplyDeleteAYAN NA! nagsisimula na ang kilig..next xhapter, chansingan na ba? may Jugjugan bang magaganap? abangan! LOL
ReplyDeletewakokoko... hindi nakita pero kinilig-kilig. wakkokok.
ReplyDeletemukang magiging exciting lalo kasi wala ang ama :p
ahhhay. hindi ako nagkamaling basahin ito. susubaybayan ko tong kwentong ito. naiimagine ko si fernando. ahahahah!
ReplyDeleteme kaelyahan. kaloka.
Waaah!! Di kasi nagkakandado ng pinto! Si nena ay dalaga na ang sabi nya ay umm umm ummm aah aahh! Lels
ReplyDeleteang kulit lang ni josephine batang malantod.. hahaha..
ReplyDeleteBahagyang tumawa si Alvaro. "Daig mo pa ang nobelista. Kung anu-ano'ng pinagiiisip mo.-Sinong Alvaro? Akala ko Fernando
ReplyDeleteoo nga may typo, buti naayos na
ReplyDeletemagsesex si fernando at josephine sa part 4. o magsasariling-sikap si josephine. can't wait. lol!
ReplyDeleteAyayay!!! ang naughty nitong part3 ng story.. hehehe.. Loko kasing Josephine, hindi kumatok! Ayan.. nakakita tuloy ng ano.. ng ano.. yung ano.. Bwahahahaha!!
ReplyDeleteSabi ko na nga.. magkukulong sa kwarto/banyo yung si Josephine at magsa-smile. Kinilig. Haha!! Pati ako kinilig rin.. hahaha!!
Ano kaya ang kasunod? hihihi.. meron na silang date.. tsaka.. ano na kaya? Wag mo kaming ibitin, Bino. hihi.. :P
hahaha ang hot... hahaha
ReplyDeleteAyoooos to, kelan kaya kasunod?
ReplyDelete