August 16, 2011

U-Blog: Ito ang Grupo Ko


Ang pagsali sa isang grupo ng mga bloggers ay isa sa aking pinahahalagahan. Ito ay dahil sa nabubuon'g samahan ng bawat blogero na nagmula sa iba't ibang kategorya. Bagamat maituturing ko ang aking blog na nasa personal category, hindi nito nalilimitahan ang aking pagkakaibigan sa ibang niche. May mga kaibigan ako na photobloggers, mayroon ding nasa field ng teknolohiya, entertainment, lifestyle at maging money making cateogries. Para sa akin, walang pinipili ang camaraderie. Ito ang dahilan kung bakit ko nagustuhan ang Facebook Group na U-blog o United Pinoy Bloggers.

Ito ang unang grupo na aking nasalihan. Bagamat noon'g una'y isang tao lamang ang aking kakilala doon, tinanggap ako ng grupo bilang isang pamilya na aking ipinagpapasalamat hanggang ngayon. Sa grupong ito, walang pataasan ng ihi o buhatan ng bangko. Bagamat may mga bigatin sa grupong ito, pantay-pantay pa rin ang pagtitinginan ng bawat miyembro sa isa't isa. Walang pasikatan. Walang payabangan.





Minsan na din'g dumaan sa pagsubok ang grupong ito dahil sa tinatawag na chatroom. Sa isang facebook group, madedeactivate ang chat kapag lumagpas ng 249 ang bawat miyembro nito. Noon'g mga panahon na bago pa lang ang U-blog, nagkaroon ng konting pagtatalo dahil sa isyung to. Nagkaroon din ng palitan ng kuru-kuro at matinding sagutan. Minsan ko ding nilisan ang U-blog para hindi makasagutan ang ilan. Subalit hindi hinayaan ng bawat miyembro na masira ang grupo ng dahil sa simpleng pagtatalo. Lumipas ang ilang araw, muling naging maayos ang grupo. Nawala ang init ng mga ulo at naglaho ang tensyon. At bumalik ako sa U-blog.

Naging malaking tulong ang grupo'ng ito para sa akin. Ang dating mahiyain (daw) na tulad ko ay natuto'ng lumabas ng lungga para makilala ang kapwa blogero. Ang karamihan sa mga mambabasa ng Damuhan ay miyembro ng nasabing grupo. Dito sa U-blog, nagkaroon ako ng pangalawang pamilya. At bilang pagpapatunay na isang pamilya kami, may Bloggers' trip sa Ilo-ilo ang grupong ito sa darating na ika-4 ng Nobyembre taon'g kasalukuyan. Promote lang! Hahahaha.

Bilang pagtatapos sa post na ito, muli ko'ng babanggitin ang naging status ko sa FB: MAS GUGUSTUHIN KO'NG SUMALI SA ISANG BLOGGERS' GROUP NA KONTI ANG MGA MIYEMBRO PERO ISANG PAMILYA KAYSA SA MARAMI NGA PERO ESTRANGHERO ANG TURINGAN SA ISA'T ISA.


Magandang Umaga sa inyong lahat.


31 ang nakaappreciate:

  1. haylabetttt!! tama ka dyan! Gaya mo masaya din ako na mapasali sa grupong ito. Tunay na mga tao at tanging pagsasamahan ang iniisip hindi puro pera pera lang (nakks! may pinaghuhugutan)..lol

    ReplyDelete
  2. Maganda talaga sumali sa grupo kapag ang turingan ay pamilya! Nice one bino.

    ReplyDelete
  3. Oh yeah, kasali din ako dito, ser Bino.
    Masaya dahil may mga pagkakaibigang nabubuo sa mundo ng blogging, sa U-Blog.

    Be blessed!

    ReplyDelete
  4. nakowww mahal na maha ang ubog. nakanang. hehehe. inggit ako sa iloilo niyo. sa next trip niyo sasama ako. hehe.

    ReplyDelete
  5. Tama...

    Masaya at kabilang ako sa grupo na ito...

    Goodluck sa Iloilo trip...

    ReplyDelete
  6. Huwaw! May Blogger's trip! Pasalubong! :D

    ReplyDelete
  7. sarap sana nyan o bloggers trip, sana lang nakakasama ako sa mga ganyan :D

    ReplyDelete
  8. ang tanong ng (medyo) baguhang tulad ko, bakit kailangan sumali sa isang grupo ang isang blogger?

    ReplyDelete
  9. salamat sa pagsali mo sa akin s U-blog, nakikita ko mga updates opkors pero hnd ako nag-iiwan ng bakas minsan kasi nahihiya ako, baguhan lang kasi ako at baka walang nakakakilala sa akin don.. hehe! nway starting today mag-iiwan na ako ng bakas don..:)

    ReplyDelete
  10. bulakbolero - ikaw lang ang makakasagot ng tanong na iyan. May sarili ako'ng dahilang na maaaring di angkop sa iba.

    ReplyDelete
  11. Tama, I so love Ublog too, though minsan lang ako mkpagpost dun pero feel na feel mo tlga na iisang pamilya... Kahit nung una PBB ung turingan dahil nga't iba-iba personalidad pero in the end, nagmamahalan bilang isang grupo...

    Di ko un mkakalimutan NOng Bino, ikaw ung nag add sa'kin sa UBlog..UnSure pero sure ako dyan ;)

    ReplyDelete
  12. "MAS GUGUSTUHIN KO'NG SUMALI SA ISANG BLOGGERS' GROUP NA KONTI ANG MGA MIYEMBRO PERO ISANG PAMILYA KAYSA SA MARAMI NGA PERO ESTRANGHERO ANG TURINGAN SA ISA'T ISA. "


    tamaaaaa!

    ReplyDelete
  13. di yan mabibili kaya ang maging bahagi nito ay di matatawaran.ang maging kapamilya pa kaya.

    ReplyDelete
  14. Cool! nakakatuwa naman! =) at home na athome tayo sa Ublog! ^^ salamat din bino sa mga binabahagi mo sa Damuhan.. lalo na ang mga hotseats mo! ^^

    Ako din sobrang nag eenjoy sa Ublog, parte sya ng araw araw na buhay ko sa FB. mas matagal pa nga inilalagi ko sa group kaysa sa sarili kong wall. masarap kasing ma update sa mga pangyayari sa buhay ng mga ibang bloggers, totoo na we found a second home, a second family sa Ublog! at personal din akong nagpapasalamat sa lahat ng myembro! ^^

    Kita kits sa Iloilo! sana mas marami pa ang makasama!

    ReplyDelete
  15. All the best for United Pinoy Bloggers.

    Kahanga-hangang samahan

    ReplyDelete
  16. ooohh. gusto ko ring sumali! :))

    ReplyDelete
  17. pwedeng magtanong? para saan po ba ang grupong ito lols!

    ReplyDelete
  18. Ayos lang naman sa U-blog.. Saktong saya.. ahehehe Naku, baka mapatalsik ako.. >_<

    ReplyDelete
  19. wish i could join too, that is if im welcome. hindi kasi ako mahilig mag FB. di ko lang feel.

    i will be visitng that group later, sana tanggapin ako.

    ReplyDelete
  20. my mga grupo din pla na ganito palibhasa baguhan din ako sa mundo ng blogging kya ang dame ko pa rin tanugn pero nice one sir!

    ReplyDelete
  21. Kakapasok ko lang ULIT sa U-blog. Ang alam ko kasi inadd ako dun ni kikilabots nung una pa lang yun. Kaya lang sa di ko alam na dahilan, nawala me at di na ako nakabalik. Si Ate Leah lang ulit nagbalik. Wala pa ako masabi sa U-blog kasi di pa ako masyado nakikipaginteract ng tulad sa inyo. Pero mukhang maganda naman nga. :)

    ReplyDelete
  22. ayun oh!! buti nalang nasa u-blog ako! wahahah! i'm IN! lels

    ReplyDelete
  23. kasama ako sa ublog... at mas at home ako magpopopost ng new post ko dun kesa sa ibang group.

    At, walang masyadong pagbabawal sa Ublog. :D

    ReplyDelete
  24. tagal na din ng ublog.. hehehe oo nga maganda talaga ang grupo... sana makasama ako sa november... great post bino..

    ReplyDelete
  25. naiinggit naman ako sa bloggers trip!!!! wahhhhhhhhh sama ako!!!!! huhuhuhu... di ako gaanong active sa mga bloggers group sa FB. pero i know na isa sa mganda ang U-BLOG!!

    ReplyDelete
  26. love the last part!!
    galing mo talga bino~^^

    ReplyDelete
  27. di ako masyado oriented sa ganyan pero mukhang astig yan!

    ReplyDelete
  28. Astig ah. Gusto kong sumali sa U Blog. :)

    ReplyDelete
  29. Parang may pait sa huling statement. Jowk lang. :)

    Minsan na din akong naging parte ng U-Blog at naging saksi din ako sa kaguluhan. Nag-voluntary exit ako dahil magulo na nga personal na buhay ko, pati ba naman buhay blogero ko eh gugulo na din. Hahaha! But I have nothing against the bloggers of U-Blog.

    Tanong ko lang, sinabi mo kasi na walang pinipili ang camaraderie. Hindi ba siya conflicting sa huling statement mo?

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS