August 12, 2011

Your Song Presents: Paano na Kaya

Para mapakinggan ang kanta, puntahan ang link na ito

"" = dialog
** = bulong
^^= thoughts
%% = song
++ = actions


% Paano nga ba napasukan ang gusot na ito
‘Di naman akalaing magbabago ang pagtingin sa ‘yo %



Dylan: "Leah, may gusto ako'ng sabihin sa iyo"
Leah: "Ano yun?"
Dylan: "Tagal na nating mag-kaibigan. Five years to be exact."
Leah: "Eh alam ko naman yun. Ano ba'ng tinutumbok mo?"
Dylan: "And sa loob ng limang taon na yun, pinilit ko'ng itago yung tunay na nararamdaman ko sa yo."
Leah: "So maghuhulaan tayo? Sabihin mo na ang gusto mo'ng iparating"



% Mula nang makilala ka, umikot ang mundo ko
‘Di na kayang ilihim at itago ang nararamdamang ito %





Dylan: "Nung una kita'ng nakita sa university, ayaw ko pa nga sa yo nun. Suplada ka kasi. Kala ko hindi mo ko papansinin.
Leah: "Pero kita mo naman ngayon, magtropa na tayo. Magkaibigan. Di ba?"
Dylan: "hindi ko na kaya Leah. Hindi ko na kayang hindi sabihin sa yo na-"
Leah: "Na mahal mo ko? Yun ba ang sasabihin mo?"
Dylan: "Oo Leah. Mahal na kita. Ikaw ba, mahal mo ba ko?"
Leah: "I'm sorry Dylan. Hindi kita mahal."



% Paano na kaya,’di sinasadya
‘Di kayang magtapat ang puso ko
Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa %



Leah: ^ Mahal kita Dylan, pero di ko magawang sabihin. Dahil ayoko'ng masira ang pagkakaibigan natin ^



% Paano na kaya ‘di sinasadya
Ba’t nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang kaibigang ‘di masabi ang nararamdaman
Paano na kaya %



Leah: ^ Parang mas gusto ko na maging magkaibigan na lang tayo para lagi tayo'ng masaya. Dahil kung magiging tayo, magkakaroon tayo ng pag-aaway, ng selosan at hindi pagkakaunawaan. Kaya pipilitin ko'ng itago ang nararamdaman ko'ng ito sa iyo ^



% Kung malaman ang damdamin at ‘di mo tanggapin
‘Di ko yata matitiis mawala ka kahit ’sang saglit man lang %



Carlo: "Ba't di mo sinabi kay Dylan na mahal mo siya?! Ikaw na ang tanga! You already!
Leah: "Di ko naman sigurado kung biro lang yung sinabi niya na mahal niya ako. Paano kung ganun nga at kumagat ako sa sinabi niya tapos di pala niya ko mahal? Eh di ako ang kahiya-hiya.
Carlo: "Mas nakakahiya ang hindi pagsasabi ng tunay mo'ng nararamdaman sa tao'ng labis mo'ng mahal!"
Leah: "Kala ko ba kaibigan kita?"
Carlo: "Oo. Kaya ko nga sinasabi sa iyo to. Kailangan mo ring lumigaya!"



% Paano na kaya,’di sinasadya
‘Di kayang magtapat ang puso ko
Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa %



Dylan: "Hindi mo ba ko talaga mahal Leah?"
Leah: "Hindi Dylan. Hanggang magkaibigan lang tayo. Hindi tayo pwedeng lumagpas sa ganung estado.



% Paano na kaya ‘di sinasadya
Ba’t nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang kaibigang ‘di masabi ang nararamdaman
Paano na kaya %



Dylan: "Pero bakit? Tumingin ka sa mga mata ko. Sabihin mo'ng hindi mo ko mahal."
Leah: "Tigilan mo na to Dylan. Tumigil ka na"



% At kung magkataong ito’y malaman mo
Sana naman tanggapin mo %



Carlo: "Leah! Si Dylan, may kasamang ibang babae. Maganda.
Leah: "Ha! Nasan sila?"
Carlo: "Nandun sa park! Teka, ba't mo tinatanong, eh di ba nga ayaw mo'ng malaman niya na mahal mo siya?"
Leah: "Hindi na ngayon, kailangan nyang malaman na mahal ko din siya. Ngayon ko lang nalaman na mahirap pala ang mapunta siya sa iba."
Carlo: "Puntahan mo na siya. Now na!"



% Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa %


Leah: "Dylan!"
Dylan: "Leah! Ano'ng ginagawa mo dito?"
Leah: "Mahal na mahal din kita, noon pa na una kita'ng makita. Pinili ko lang na hindi ito sabihin sa yo. Pero di ko na rin kaya. Di ko din kaya na makita ka'ng may kasama ka'ng iba"
Dylan: "Teka lang Leah, kasi si--"
Leah: "Hindi ba pwedeng ako na lang uli? Ako na lang muli ang mahalin mo. Hindi naman mahirap na ako'ng piliin mo."



% Paano na kaya’ di sinasadya
Ba’t nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang kaibigang
At baka hindi maintindihan %



Dylan: "Leah, di naman nagbago ang nararamdaman ko sa yo. Ikaw lang ang babaen'g minamahal at mamahalin ko. Siya si Iyah. Ate ko."
Iyah: "Hi Leah, ikaw pala ang sinasabi ni Dylan. Nagulat naman ako sa pagtatapat mo sa kapatid ko. Dahil diyan, boto na ko sa yo."
Leah: "Ay, sorry ate. Sorry Dylan."
Dylan: "Pwede ko ba'ng marinig uli'ng sabihin mo na mahal mo ko?"
Leah: "Sabihin mo muna na mahal mo din ako."
Dylan: I love you, forever and ever. +kiss+
Leah: "I love you too Dylan."


% Paano na kaya %



26 ang nakaappreciate:

  1. Waaaaah!!! Natatawa ako astig! Ginawan talaga ng kwento hahahah! Si dylan idol ni leah si leah friend ni carlo si carlo nagsumbong nakakita ng MAGANDANG babae at yun si Iyah! Hahahaha!!

    Teka ako talaga ang naging ate? Dapat si leah yun! Hahaha

    ReplyDelete
  2. wakokokok, ang mga characters sa kantaseryeng to ay pamilyar. hahahahahah. si dylan lang di ko kilala. lols

    ReplyDelete
  3. wahahahah ayan kasi ehh.. akala may iba si Dylan.. Si Ate Iyah pala na bebe ko.. wahahahhaa.. lol

    ReplyDelete
  4. Kinilig ako dito ha! hihi.. keganda namang morning greeting ito para sa akin. :P

    Wow. Good friend talaga si Carlo.. nagsasabi ng totoo tsaka maaasahan. hehe.. at talagang nagsumbong. lols.

    Selos na selos talaga ako sa kwento noh? Napasugod eh. hahaha! Ay at ate pala ni Dylan ko si madam Iyah? Hihi.. Ate Iyah.. good day po. lols..

    Awwww... napa smile moko Bino.. Tenks.. :P

    ReplyDelete
  5. ahehehehe...

    susugod din pala pag nalamang may iba..buti na lang kapatid... ahahaha


    galing!
    kilig to da bones si leah :)

    ReplyDelete
  6. haaayyy... buti na lang ate ni dylan lang. e di nakapagtapat din si leah.

    ReplyDelete
  7. Kinilig ang umaga ko at familiar ang mga names.

    ReplyDelete
  8. hahaha! sana maging totoo yan para si Ms Leah na ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa.. hehe!

    Gandang song yan loydi..

    ReplyDelete
  9. sa umpisa classic ang dating ng istorya.. sa gitna mejo naging parang predictable ang nangyayari.. pero salamat kay Carlo.. ang super bida na advisor...

    sa dulo... natuwa ako ng sobra... bibigay din pala si Leah kaso kailangan lang ng pampabuhay...

    at eto pa pala...

    napangiti ako.. at mejo kinilig sa kanilang mga huling eksena!

    ReplyDelete
  10. mas napabilib ako kay carlo.. hahahah.. sya ang high light ng story... LOL

    ReplyDelete
  11. hahahahahah. dahil si Leah at ang kanyang crush na si dylan na di ko kilala kung sino ang mga bida.

    Malamang kinilig na naman dito si Mickey mouse

    ReplyDelete
  12. lol. si leah lang kilala ko.

    pero ayus naman labstory. pang maxs. lol

    ReplyDelete
  13. kisig bida pala si Leah.. eto na kaya iyon... hahahaha....

    Ang galing kuya bino.. sana magdilang anghel...para kei leah.. ... nice nice nice.. love it.. ^-^

    ReplyDelete
  14. Hahaha. Hindi ko talaga kilala yung mga bida. Nakakatuwa talaga to parang pelikulang tumutunog yung OST sa eksena. Hahaha. Mas cute pag sinamahan ng imagination.

    ReplyDelete
  15. ang taray ng love story! :)

    ReplyDelete
  16. whahaha... ang kulit...... kakakilig... whahah :D yun na :D

    ReplyDelete
  17. huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa....... galing naman.... si Leah kasi.. padalos dalos... si Iya naman.. mapagpamgap.... si Carlo (kung sino ka man) sumbungera... pero ok lang... nakabuti naman... si Dylan... ahahahah.. nahihina ka na siguro pero now hindi na,... ehehehhe... you may live happily ever after... nice one para sa isang madamong kwentuhan at balitaktakan...

    ReplyDelete
  18. glad na nauwi ang kwento sa happy ending. :D

    ReplyDelete
  19. hahaha napaptanong ako sa isip ko kung true to ife ba ito. hahaha. ayun. teka...true to life nga ba? si lea lang din kilala ko. hehehe

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  20. Galing! na miss ko ang mga ganito.

    ReplyDelete
  21. may pagka shunga din si girl noh.. ahaha... susugod sugod pa eh, nakakatawa ung ending.. parang kwento nung sa TV, ung "Maynila".. ahaha

    ReplyDelete
  22. ahahaha ayus to ah! bagong istilo, nakabuo ng istorya sa kanta. Di ko alam kung base ho ba ito sa totoong buhay o hindi kase pamilyar yung karakters. :''>

    ReplyDelete
  23. Kinilig ako sobra...kilala ko ba ang mga characters... woot...tll now kinilig ako hahahahah

    ReplyDelete
  24. Wow si ate Leah ang bida! hahahah!

    ang cuuuute ng twist! pero nakakakilig ! heartbeat ko bumilis o hahahhaa!

    pero yang kantang yan. ay nako. pwede bang... ay nako. haha tagos na naman.toogoogsh hahaha

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS