“Nonoy, pakikuha muna ’yung mga sinampay ko sa bubong. Umaambon na, baka mabasa pa’ng mga ‘yon!” sigaw ni Thelma. “Opo ‘nay, tapusin ko lang po ‘tong ginagawa ko,” wika ni Nonoy.
Dali-daling sinilip ni Thelma ang ginagawa ng anak. “Lintik na! Wala ka na ibang inatupag kundi magkalat nyang mga papel na ‘yan!” “Eh ‘nay sabi ni tatay ayos lang naman daw po ‘to, basta lilinisin ko pagkatapos,” mahinang sagot ni Nonoy. “Oh sya, sya, kuhanin mo na ‘yung mga sinampay du’n,” ang sabi ni Thelma.
Habang nasa bubungan si Nonoy at abala sa pangunguha ng mga sinampay, may narinig siyang tumatawag ng pangalan niya.
“Psst! Noy, magkita na lang tayo sa creek ha! Siguraduhin mong matibay ‘yung sa’yo ah, kundi matatalo ka na naman sa’kin,” pasigaw na sabi ni Buboy. “Hoy, ‘wag kang pakasiguro hindi pa nga nangyayari ang dami mo nang sinasabi d’yan,” sagot ni Nonoy.
Nagmadaling kinuha ni Nonoy ang mga natirang sampay at patakbong lumabas ng bahay. “Hoy, at sa’n ka na naman pupunta?” tanong ni Thelma. Agad napahinto si Nonoy, “maglalaro lang po sana kami ni…” “Sama ka ng sama kay Buboy, kaya tuwing uuwi ka dito nanlilimahid ka! Akala mo ba madali maglaba?” galit na wika ni Thelma. “Ang galing ni nanay, alam na niya kaagad,” bulong ni Nonoy sabay ngisi.
“Ang tagal mo naman, kanina pa malakas ang agos ng tubig dito oh!” sabi ng kalaro. Bakas ang pagkasabik sa mukha ng kalaro kaya patakbong nilapitan ito ni Nonoy. “Tara na, dating gawi du’n tayo sa tuktok magsimula.” Agad tumutol si Nonoy, “ano, aakyatin na naman natin ‘yang bundok ng basura? Kaya tuloy lagi na lang akong pinapagalitan ni nanay eh.” “Lagi ka naman pinapagalitan nyang nanay mo eh,” sagot ng kalaro sabay tawa. Tulad ng dati, wala nang nagawa ang pagtutol ni Nonoy at sinundan na lamang ang kalaro.
Bukod sa mabahong tambak ng basura, mabilis na ragasa lang ng tubig ang makikita sa kinatatayuan nila Nonoy. Agad nilang ipinuwesto ang mga hawak na tinuping papel at pagbilang ng tatlo ay agad na pinakawalan ito.
“Bilis! Sige pa, bilis!” buong siglang sigaw ni Nonoy. Mabilis namang kinontra ni Buboy ang sinabi niya, “’Yan ang akala mo. Hindi mo ba nakikita, malapit na maabutan ng bangka ko ang sa’yo.” Patakbong sinusundan nila Nonoy ang kanilang nag-kakarerang bangkang papel. Ilang saglit pa ay humampas ang bangka ni Buboy sa isang plastic na may lamang diaper at agad na tumaob. “Yehey! Sinabi ko naman sa’yo eh, hindi palaging ikaw ang mananalo,” halata sa boses ni Nonoy ang pang-aasar sa kalaro. “Nakatsamba ka lang boy! Epal naman kasi nun pampers na ‘yun eh, ‘di na lang lumihis ng daan, edi sana ‘yung sa’yo ang tinamaan,” apila ni Buboy.
Dahan-dahang pumasok si Nonoy sa kanilang bahay. “Oh anak, magpalit ka na ng damit at nang makakain na tayo,” wika ni Mang Kanor. “Ayan, d’yan ka magaling. Magpalit nang magpalit ng damit! Kung hindi ba naman matigas ang ulo mo at namirmi ka dito sa bahay edi sana hindi ka nanggigitata, nakatulong ka pa sa gawaing bahay!” galit na sambit ni Thelma. “H’wag mo na lang pansinin ‘yang nanay mo, pagod lang ‘yan,” sagot ni Mang Kanor habang nagmamano sa kanya si Nonoy.
Nakayukong umakyat si Nonoy upang kumuha ng damit. “Di bale, ‘pag naging kapitan ako ng malaking barko sigurado hindi na palaging mainit ulo ni nanay. Tapos hindi na niya kailangan maglaba ng mga damit kasi may uutusan na siya para gawin ‘yon. Tapos sila ni tatay lagi lang nasa bahay at nagpapahinga, o kaya naman namamasyal.” Nakangiting pinakikinggan ng ama ang anak habang patuloy ito sa pagbuo ng kanyang pangarap.
Tahimik na kumakain ang mag-anak nang biglang magsalita ang padre de pamilya, “anak, malapit na nga pala kaarawan mo ‘no? Ano gusto mong regalo?” Napangiti agad si Nonoy sa tanong ng ama at sinabing, “Si tatay talaga, nagtatanong pa. Alam nyo naman po kung ano'ng matagal ko na hinihiling sa inyo eh.” “Sabagay, para ‘di mo na kailangan magkalat ng mga papel dito,” pabirong wika ng ama. “Tumigil na nga kayong mag-ama d’yan, imbis na laruan ang ibili mo sa anak mo, bakit hindi na lang damit. Para hindi paulit-ulit ‘yang sinusuot mong sando na mukha ng kung sinong superhero ang nakalagay,” sambit ng ina. Nagpalitan ng tingin ang mag-ama at animo’y nagkaintindihan na at ngumiti na lang sa isa’t isa.
Pabalik-balik sa bintana si Nonoy, bakas sa mukha nito ang pagkabalisa at kaba. Saglit na uupo at maya-maya lang ay tatayo na naman upang sumilip sa bintana. Napansin ni Thelma ang anak at sinabing, “ano ba naman Nonoy, pudpud na ‘yang tsinelas mo sa kakapabalik-balik mo. Bakit ba hindi ka mapakali?” Hindi na nakasagot si Nonoy nang bumungad ang boses ng ama, “Happy birthday anak!” Napatakbo si Nonoy upang salubungin ang ama, bumungad sa kanya ang isang bilao ng pansit sa kaliwang kamay ng ama, at isang nakabalot na regalo sa kabila.
Sa isang iglap lang ay nabuksan na ni Nonoy ang regalong dala ng ama. Napatalon pa siya sa tuwa habang nagpapasalamat sa ibinigay sa kanya. “Salamat ng madami ‘tay! Ang saya-saya ko po, sa wakas totoong bangka na ang lalaruin ko. Siguradong maiinggit si Buboy sa’kin,” tuwang-tuwang sinabi ni Nonoy sa ama habang yakap ito. “Walang anuman anak, pasensya ka na at hindi ka nabibilan ni tatay ng mga ganyan, pero meron pa naman akong isa pang sorpresa sa’yo,” wika ng ama habang iniabot sa kanya ang isang t-shirt na may naka-drawing na malaking angkla. Nagmadaling sinukat ito ni Nonoy sabay harap sa salamin. “Nanay, bagay po ba sa’kin? Parang binata na ‘ko, diba ‘nay?” pabirong tanong ni Nonoy sa ina. Napangiti naman ang ina sa kasiyahan ng anak sabay sabing, “tama na ‘yan at baka lumamig pa ‘tong dalang pansit ng tatay mo.”
May kalakasan ang ulan nang binabagtas ni Mang Kanor ang daan pauwi ng kanilang bahay, sumilong siya pansamantala sa isang tindahan dalawang kanto ang layo sa kanilang bahay. Habang nag-aantay siyang medyo humina ang ulan, bumili siya ng softdrinks at biskwit at nakinood muna sa telebisyon sa katabing bahay.
Habang dala-dala ni Nonoy ang laruang bangka na iniregalo ng ama, pinuntahan niya ang kaibigan. “Nakita mo ba to? Bago ‘to at magandang klase, regalo ni tatay sa’kin,” pagyayabang ni Nonoy sa kalaro. “Oo nga, mukhang matibay. Kahit ilang plastic pa ng basura bumangga d’yan mukhang hindi tataob eh,” kitang-kita ang pagkamangha ni Buboy sa ipinakitang laruan ng kaibigan. “Ano pa’ng tinatayo-tayo mo d’yan? Subukan na natin ‘to, paniguradong maganda magpa-anod ngayon, ang lakas ng ulan eh,” pag-aaya ni Nonoy. "Teka, baka naman hanapin ka na naman ni Aling Thelma, pati ako madamay,” pag-aalala ni Buboy. Agad naman sumagot si Nonoy, “’wag ka mag-alala, umalis si nanay. Dinala kay Aling Mercy ‘yung sirang pantalon ni tatay.” Sa narinig, mabilis na kinuha ni Buboy ang mga reserbang bangkang papel na nakalagay sa isang kahon ng sapatos. Agad na naglakad ang magkaibigan sa creek ‘di kalayuan sa bahay nila Buboy.
“Ako na lang ang aakyat sa taas, abangan mo na lang ‘tong bangka ko dito dahil hindi na ‘to gaya ng bangkang papel natin. Siguradong magagalit si tatay ‘pag mawala ito,” utos ni Nonoy kay Buboy. Nagmamadaling tinakbo ni Nonoy ang tuktok ng creek, ‘di alintana ang lakas ng buhos ng ulan, lakas ng agos ng tubig at ang mabilis na pagtaas ng tubig. “Handa ka na ba sa unang pagsabak mo? Hindi tayo pwedeng mapahiya kay pareng Buboy,” wika ni Nonoy sa laruang hawak. Bago pa man bitawan ni Nonoy ang bangka, kumulog ng malakas kasabay ang mas lumakas pang buhos ng ulan.
Inaasahang tatama ang bagyo sa Gitnang Luzon kasama ang Metro Manila. Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat sa lakas ng hangin at dami ng ulan na dulot ng bagyo. Samantala, maging alerto ang mga mamamayan sa maaaring pagbaha o pagguho ng lupa dulot ng malakas at halos walang-tigil na pag-ulan.
“Manang, pabili na nga din ho ng 3 esperma, sakaling mag-brownout mabuti nang may nakahanda ako,” wika ni Mang Kanor sa tindera. “Kanor?” Napalingon si Mang Kanor sa tumawag, ang asawa pala niya ito. “Anong ginagawa mo d’yan?” tanong ng asawa. “Nagpapatila lang ng ulan, nakalimutan ko kasi magdala ng payong,” sagot niya. “Mabuti at napansin kita, kundi baka magdamag ka dito, dahil mukhang walang balak tumila ang ulan,” biro ng asawa.
Nagtataka ang mag-asawa nang sa sumunod na kanto ay may mga nagtatakbuhang mga tao at nagkakagulo. “Gumuho daw ang mga basura sa creek!” sigaw ng isa. “May natabunan daw eh!” sigaw naman ng pangalawa. Nagmadali sa paglalakad ang mag-asawa hanggang makarating sa kanilang tahanan.
“Nonoy, anak. Nandito na kami ng tatay mo,” pagtawag ni Thelma sa anak. Nang walang narinig na sagot, umakyat si Mang Kanor upang tignan kung nandoon ang anak. Walang tao doon, ang tanging naroon ay ang nakabukas na kahon sa ibabaw ng kama, ang kahon ng bangkang kanyang iniregalo sa anak.
“Aling Thelma..” Nagulat si Thelma sa nanginginig na boses na narinig mula sa labas ng bahay. Agad niyang tinignan kung kanino nagmula ang tinig. “Oh, ikaw pala Buboy,” bungad niya. “Buboy, nasa’n si Nonoy?” pagsingit ni Mang Kanor. Nakaramdam ng kaba si Thelma sa kakaibang tono ng asawa. Hindi pa man nakakasagot si Buboy agad na tumakbo si Mang Kanor patungo sa kumpol ng mga tao malapit sa creek. Unti-unting nanlumo si Mang Kanor nang sa pagpupumilit niyang makasingit sa dami ng tao ay tumambad ang murang katawan ng anak na nakahandusay. “Anak, anak, gising anak!” balisang sambit niya habang binubuhat ang wala pa ding malay na anak.
Hindi makapaniwala sa narinig, sinugod ni Thelma ang lakas ng ulan at tinakbo ang kinaroroonan ng mga tao. Inabutan niya ang asawang nakasalampak sa mga basura at nasa bisig ang anak. Kasabay bumuhos ng ulan ang mga luha nila para sa anak. “Mang Kanor, magagalit daw po kayo ‘pag nawala ang bangkang ‘to sabi ni Nonoy.”
Entry para sa kategoryang Maikling Kwento ng Ikatlong Saranggola Blog Awards


shet bino. nakakaiyak yung story mo!
ReplyDeletegrabe... mas inalala pa ni nonoy yung bangka :(
Masakit isipin na mas iniisip ng anak ang galit ng magulang sa kabila ng kapahamakan. Totoo yan.. Nangyayari sa atin sa kahit anong sitwasyon.
ReplyDeleteAng ganda ng akda mo Sir Bino... galing. :)
magandang uamaga po
Napakalungkot na kwento... :( Meron akong gustong sisihin, pero wag na lang.. :(
ReplyDeleteMapaglaro talaga ang kapalaran. Kung kelan nakatikim ng kasiyahan, agad namang namatay. Peste kasi yang mga nagpapatupad ng batas na ningas kugon. Ipapasara na raw, di naman sinara. Temporary lang daw, ginawa namang permanente. At kung hindi pa mamatay ang isang gaya ni nonoy ay wala silang gagawing aksyon.
ReplyDeleteAng aga-aga anlungkot na! Nakakadala e. Navivisualize ko ang eksenang ito na pwede talagang mangyari. Hindi lang sa mga taong napapalibutan ng undok na basura kundi pati sa mga taong nakatira sa tabi ng bundok at sa ilan pang delikadong lugar.
Mahusay ang gawa. Sana ikamulat ito ng iba. Na dapat gawing ligtas ang paligid para sa atin at lalong higit para sa mga batang nagsisimulang iexplore ang tunay na mundo.
ay nalungkot ako... =(
ReplyDeleteang ganda ng pagkakagawa ng kwento.... ang galing bino., goodluck sa SBA3
ay nadala ako.. nakakalungkot..:( wawa naman si Nonoy..
ReplyDeleteGOOD LUCK dto sa entry mo Loydi sa Saranggola blog awards..
Ayayay! Hinabol siguro ni Nonoy ang bangka. Tsk! Tsk!
ReplyDeleteAw!... teary eye ako....ang ganda ng istroya Sir Bino.... Goodluck po!.. :D
ReplyDeletegoose bumps sir bino..
ReplyDeletegoodluck sa iyong entry na ito.
magaling magaling :D
sad story nman pero mas inaalala pa tlga ntin ang isang bagay imbis na sa sariling buhay... isa eto sa mga relaidad na wlang mgandang dulot pag pasaway at minsan ang aksidente at hindi maiiwasan
ReplyDelete1 of my all time favorite . Superb story. I felt it. touch talaga ako. You have my bet for this.di ako usually mahilig sa tagalog short stories pero swabe to para saki.:D
ReplyDeleteWhat a story, i wish there was a better ending...
ReplyDeleteBut life can really be like that.
Myke
Show Me Your Look Today
Natuwa ako naalala ko kabataan ko, mahilig din kasi akong mag laro ng bangka bangkaan sa mga creek creek.
ReplyDeleteganun din ako dati pag dumadating tatay ko, tatakbo at mag aantay ng pasalubong. Tuwing weekends ko lang din kasi nakikita. ang saya nung unang part ng story. nakita ko agad ung setting, ung creek, ung basuraat kung pano umandar ang bangka.
nakakaantig. sad, pero maganda. :)
huhu :( langya naman oh!!! hindi ko alam kung matutuwa ba akong nag pasya akong basahin ang post na toh!!! huhu :( naiiyak ako talaga!!! okay lang sana kung nasa bahay eh!! kaso nasa mall ko!!! (kahiya tuloy sa tao) niisip siguro nila iniwan ako ng asawa k :(
ReplyDelete>> seriously, nakaklungkot isiping sa may ganito talagang karansan sa buhay ng isang tao. Nasa huli palagi ang pag sisisi :(
:((
ReplyDelete-jason
sila jason, jomar, at erwin, sila na mga batang payatas.. ay gumawa ng bangkang papel, at ipinaanod sa ilog patungong palasyo. noh?
ReplyDelete-pgma
Ganda sir! Goodluck sa SBA3!Ganda sir! Goodluck sa SBA3!
ReplyDeletegoodluck,bino.
ReplyDeleteramdam ang lungkot na pinalutang mo sa post na ito.
may mga magulang na minsan, ine-emphasize yung value ng pagmamahal nila sa anak mula sa value ng mga bagay na inaakala nilang sapat na para ipangsukat. nangyayari tuloy, may mga batang natatakot sa halaga ng mga bagay o laruan na natatanggap nila.
wow gudluck talaga sa inyong mga sumali...
ReplyDeletenatapos ko din sa wakas... ang galing ng istorya.. pinakita lang dito na dapat sumusunod tayo sa nakakatanda... at isa itong paalala na ang buhay sa hiram lang di natin alam kung kelan ito kukunin satin...
ReplyDeletehuhuhuhuhuhu........naman kasi eh.....wawa naman ni nonoy...tsk dapat kasi nakikinig sa magulang eh....
ReplyDeleteNice One... hehehe... Musta na kadamu? have updated my bloroll pala... pansin ko din wala na ako sa mga aktibong bloggers mo... pwede po bang pa add ulit... salamat...
ReplyDeleteMy Online Computer Tips
http://myonlinecomputertips.blogspot.com/
saka pwede pong pa add din nang iba kong blog...
Marvz Anime Blog
http://marvzanimeblog.blogspot.com/
Every Rhose...
http://rhose1820.blogspot.com/
Salamat... :D
Thanks pre... been hiatus for a while on My Online Computer Tips blog... but I am active on my other blogs... I will be adding you on them... thanks for adding me again... :D
ReplyDeletePoor, Nonoy! Nakakaiyak naman ito, This is a very touching story! Nakakalungkot, naalala ko tuloy bigla ang Daddy ko, mahalaga talaga na ang mga anak ay nakikinig sa magulang at 'di maging pasaway... =(
ReplyDeleteyung pinaghalong pakiramdam na lungkot tsaka pagkamangha sa kwento, yun yun eh.. ang husay..
ReplyDeletemagandang post dito
ReplyDeleteaww... hala, napaiyak ako.. :(
ReplyDeletesad naman ng storya. pero nicely written...
ReplyDeleteJJRod'z
wow...sad story. this is my bet kuya Bino. Goodluck!
ReplyDeletehaist nanikip ang dibdib ko...
ReplyDeleteang galing nito..
Goodluck bino!
JAY
Goodluck BINO! ewan ko nlng kung di mo pa masungkit nag gantipala sa saranggola sa entry mo na toh.. nice one!
ReplyDelete--- topexpress
Sir Bino, anu po ba complete name ninyo?
ReplyDelete` =(( sad story...marami na kong nababasang sad stories pero nakaklungkot tlaga tong ngyari .... =((
ReplyDelete