September 14, 2011

Blogger's Hot Seat: Marvin aka Kikilabotz



Ang nag-iisang kilabot sa blogosphere ang tampok sa ating hot seat! Sa personal category ng Topblogs.com.ph, umaarangkada ang ranking ng kanyang blog! Maka-ilang beses ko na din siyang nakasalamuha. First impression: tahimik. Ating kilalanin si Marvin aka Kikilabotz!






Pangalan/Alias: Marvin, Kikilabotz
Blog Name at URL: kwentong nakaka: http://inusentepapalaako.blogspot.com/
                                  Finding happiness:  http://kamukamo.com/
Lokasyon: Quezon City
Edad: 23
Civil Status: Single




PERSONAL QUESTIONS:

Bino: Tell me something about yourself.
Kikilabotz: Si kikilabotz ay isang blogger hindi writer, Siya rin ay kilala sa pagkakaroon ng maraming wrong spellings, maraming typo errors, maraming maling grammar, tagalog na nga mali mali pa at higit sa lahat kadalasan sa mga sulatin niya ay walang structure. Panget rin yung design ng blog niya, Siya rin ay yung side ni Marvin na nakawala sa hawla. Mayabang, maangas,at nakakikilabot

Sa totoong mundo: Si Kikilabotz ay isang simpleng cute na tao, madalas napapagkamalang anghel dahil sa expressive na mata at maamong mukha, hahaha. Mas gwapo sa personal kaysa sa picture. Tahimik kapag inaantok, alam kung kelan mananahimik at mag iingay, Marunong makinig sa sinasabi ng iba, very good listener, sensitive sa nararamdaman ng ibang tao, habulin ng chikz, Malakas ang sex appeal pati na rin ang sense of humor, secretly at hindi pinapahalata na nagcacare siya para sa ibang tao kaysa sa sarili niya. Marami din ang misteryoso, nagsasabi na pwede na siyang maging definition ng isang “DREAM GUY”. Maswerte daw yung mga babaeng minamahal niya. Yan ang first impression sa akin at kapag nakilala na ako ng lubos. Kapag panatag na ang kalooban niya, lumalabas ang pagiging kikiabotz niya

Bino: Kelan at paano ka nagsimulang magblog?
Kikilabotz: Sa pagkakatanda ko, 2008 ako nagsimula mag blog, after ko mag board exam at habang nagaantay ng result napansin ko na sumisikat ang blogging sa Friendster, tapos sinubukan ko, ayun first entry ko ay maraming mga good comments, kaya pinagpatuloy ko

Bino: Bakit mo naisipang pasukin ang mundong blogging?
Kikilabotz: Na-curious lang ako, tapos nawili na, hehehe. Tapos naging bisyo ko na rin. hehe

Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag
Kikilabotz: Marami akong hinahangaang mga bloggers, kapag malungkot ako dumadalaw ako sa mga humor bloggers, kapag naman naisipan kong mag senti, dadalaw naman ako sa mga emo na blog. Hehehe. Pero ang totoo, lahat naman ng bloggers magagaling.

Bino: Kung may hinahangaan kang blogero, mayroon ka ba namang kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
Kikilabotz: Actually sa tinagal-tagal ko ng nagbblog wala pa naman akong kinaiinisan na blogger, hehehe.

Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Kikilabotz: Una, marami akong naging kaibigan. I dont know kung kaibigan din turing nila sa akin basta ako kaibgan ko sila. Pangalawa eh yung mga message ng mga fans (whooooooo) hahaha. Nakakagaan ng loob. Pangatlo eh kapag ako yung nalulungkot , nagbaback read ako sa blog ko, natatawa ako at minsan na papaWOw na lang ako at napapatanaong sa sarili ko, “ako nga ba talga sumulat nito” at panghuli dami ko nakilalang chikz. hehe

Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Kikilabotz: Hahaha, yung hindi magandang karanasan? Siguro outside blogging world, kasi napapagalitan na ko ng mga magulang ko lagi na lang daw ako nagbblog eh,ayun kaya para hindi mapagalitan, Nagdecide ako na para hndi ko maiwan ang blogging, dapat kumita ako dito. Hehehe. Yun na nga, so far so good.

Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad kana magblog? Ipaliwanag.
Kikilabotz: hahahaha, nakakatamad naman talaga ang magblog, madalas akong tinatamad.haha Pero xempre kapag nilagyan mo ng purpose ang pagbblog mo, nagkakaroon ka ng goal. At dun ka kukuha ng inspirasyon.

Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Kikilabotz: Dati okay na ko sa circle of friends na ginagalawan ko, Pero nung natuto na ako magblog, natuto na din ako makipag EB. Tapos isa pa, nadagdagan ako ng maipapagmalaki sa akin, Yun ay yung pagiging blogger ko.

Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gustong gumawang blog?
Kikilabotz: Sa mga bloggers na nagsisimula pa lang, blog lang ng blog, At kung magbablog kayo dapat galing sa puso. Wag kayong mag alala kung hindi ganun karami ang nagcocomment sa inyo, o kaya naman hnd din ganun karami ang traffic niyo, Darating din kayo sa point na yun. Basta ngayon i-enjoy nyo lang. Sulat lang ng sulat. Pero xempre know your limits

Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa ibang lahi?
Kikilabotz: Konti pa lang ang bloggers na nabisita ko sa ibang bansa, kaya sa tingin ko ang pagkakaiba lang naman eh yung pagiging hospitable ng mga filipino blogger. Hindi naman bago sa ating mga Filipino yun.

BLOGGERS' QUESTIONS:

AJ Banda: Bakit Kikilabotz ang username mo?
KiKilabotz: Hehe, siguro yung Kikilabotz kasi sumasalamin sa pagkatao ko sa tunay na buhay. Unique, misteryoso, malakas ang hatak sa masa, nakakatawa, astig at higit sa lahat may pagka naughty.

AJ Banda: Favorite ko ang ipis-ipis story, anong pumasok sa kukote mo para maisip na ipis ang gamiting bida?
KiKilabotz: Aj maraming salamat at nagustuhan mo ang inimbento kong kwento. Hahaha. About sa tanong mo, may kwento kasi yan, Gabing gabi nun at nanunuod ako ng Bold sa internet. Search mo amateur Russian teen age girls. Bwahahahaha, tapos biglang may lumipad na ipis sa harap ko. Dun pumasok ang idea sa kukute ko. hehe

AJ Banda: Anong pinagkapareho nyo ni Lufet (ipisipis ulit)? pinagkaiba?
KiKilabotz: Pagkakapareho? ahhh siguro, kapag nainlove na ako I’m willing to do everything para sa minamahal ko, hehe.

Pagkakaiba? Wala akong pakpak at hindi ako ipis. Hehehe. Maraming salamat Aj sa pagtatanong ^_^

Madz: Saan ka humuhugot ng inspirasyon para sa mga positive thoughts na isinusulat mo sa blog mo?
KiKilabotz: Humuhugot? Copy paste? Nyhahahaha. Pangarap ko kasi maging blessings sa iba, alam mo yun? Kung sakaing may naisulat ako o naibahagi sa kanila gusto ko yung ma-iinspire sila, na kahit mahirap ang buhay, kapag naniwala ka na may pag asa, makakaya naman talaga.

Madz: Dahil palagi nalang Hottest Female Blogger, bigyan mo naman kami ngayon ng sampu sa mga lalaking bloggers na iyong hinahangaan at masasabi mo rin na magiging patok sa aming mga kababaihan.
KiKilabotz: Sampu talaga?

10. Jepoy 
9.Boni 
8.Pablong Pabling 
7. Batang Mangyan 
6. Bino 
5. Bulakbulero 
4. Drake 
3.Glentot 
2.Chinggoy (Edsel Pogi) 
1. Kikilabotz

Bwahahaha, gagawa sana ako ng post tungkol dito eh. Napag-usapan na namin to ng ilang mga bloggers. Haha. Masasabi ko rin na sila ay mababait na kaibigan dito sa mundo ng blogosphere.

Madz: Punan ang mga patlang. Nakaka ______________, ____________ at ____________ ang mga kwento ni Kikilabotz.
KiKilabotz: Nakakatuwa, nakakalungkot at nakakakikilabot. Hehehe, maraming salamat Mads sa mga tanong mo. Hehe.

Cuteberl: Saan ka nag elementary at highschool? Familiar kasi ang name mo sa akin.
KiKilabotz: Nag-aral ako ng elementary at highschool sa dalawang pampublikong paaralan. MES at ERHS


Cuteberl: Bakit kamukamo ang name ng dotcom mo?
KiKilabotz: Uhm mahabang kwento. Dapat talaga finding happiness kaya lang hindi na available, ayun out of nowhere naisip ko yung kamukamo. Niche kasi ng dotcom ko eh inspiring people, at naniniwala ako na kung kaya ng ibang tao maging successful, kamukamo kaya mo rin. Lahat tayo parepareho, magkakamukha, at may kakayahang tuparin ang ating mga pangarap. Hahaha. OHAAAAAA!!

Cuteberl: Musta naman ang may apat na blog na ginagamit? Hindi ka ba nahihirapan?
KiKilabotz: Hahaha, so far hindi naman. Nag-eenjoy naman ako. Hahaha.May target kasi ako eh.

MP: Pinaka-hindi makakalimutang relasyon?
KiKilabotz: Pinaka hindi malilimutan? Syempre si latest ko, Yung dumating kasi siya sa buhay ko, kinalimutan ko na lahat ng nakaraan ko. hehe

MP:Sinong kras mong bloggera?
KiKilabotz: Mali yata ang tanong mo dito MP, dapat “sinu-sinong mga”. Uhmmm madami talaga eh, karamihan nasa Hottest bloggers ko. Hehe. Maraming salamat MP sa pagtatanong, kapag nahotseat ka tatanungin kita ng mas mahirap. bwahaha.

Leomer: Who is your role model and why?
KiKilabotz: Roll model? Gumugulong na model? Patawa lang muna, paseryoso ng paseryoso mga tanong eh. Si Erpat sa pagiging walang bisyo maliban sa pagfafacebook at si mama sa pagiging mabait. Teka may pahabol pa, Si Tarzan sa pelikulang tarzan X, idol ko yun. hahaha

Leomer: What is your greatest achievement in life?
KiKilabotz: Hehe siguro yung na awardan ako ng most behave nung elementary. Kapag nasa job interview ako sinasagot ko palagi eh yung pumasa ako ng board exam. Pero ngayon, greatest achievements ko eh yung napapangiti ko yung mama ko, parang ang sarap sa kalooban.

Steph: Bat mo na-isipang magpa-top10 hot female bloggers?
KiKilabotz: Kasi naisipan mo ring magblog eh hahaha. Yun oh! Seriously, dahil nagsulputan ang mga hottest bloggers tulad mo. OHAAAAA. Thanks Steph sa pagtatanong.

KikoMaxx: Ikaw ba yung ipis sa “ipis series” mo?
KiKilabotz: Uhmmm hindi ako yun, ipis ba ako? Hehe, Siguro may mga characteristics at experiences siya na kagaya ng sa akin.

KikoMaxx: Saan ka mas inspired: gumawang cheesy lines pagbroken hearted o pag-inlove..pati narin sa idea mo sa iyong mga post?
KiKilabotz: Inspired? Uhmmmm pag inlove , yung mga linya naturally na lang nagfoflow sa isip ko. hehe

Leah: Coke or Pepsi?
KiKilabotz: Coke ...ang hirappppppppp

Leah: What is the thing you LOVE most about yourself? Also, what is it that you HATE about yourself? Do explain.
KiKilabotz: What I love about myself is the way I love myself, I am filling myself with love so that I can love others in a best way. On the other hand, what I hate about myself is that sometimes I tend to love others more than I love myself.

Leah: What is the best decision you've ever made? And what is the decision you regret the most? Do explain.
KiKilabotz: The best decision I made was that I convinced myself to be better every day and be committed to that idea. I don’t know if regret is the right term to use, I think the most regretted decision I made was choosing BSN as my degree. Ang hirap kasi maghanap ng work. Pero naniniwala ako na balang araw na may good side din ang pagiging Nurse ko. Thans Ate Leah, hahaha pinadugo mo ilong ko, yan tuloy tinagalog ko na. hehe.

Kumagcow: Sino na nakasex mo sa mga bloggers? Alam namin ang totoo kaya wag kang magsinungaling. Pangalan!
KiKilabotz: Sorry John, Pero wala eh. Naniniwala kasi ako na mas mahalga ang love over sex. OHAAAA!

Ishekyut: Dahil hinding hindi mo q pinilit na magtanong, eto na po. Babaitan q na din..haha. Bukod sa lage mong sinasabe nakyut at gwafuka, ano satingin mo ang pagkakaiba nung marvin na kilala q kay kikilabotz d blogger?
KiKilabotz: Haha, nambubuking ka ah? Uhmm pagkakaiba? Spelling? Cguro mas mukang mabait ako sa personal? Hahaha. Di ko alam.

Ishekyut: Gaya ng sabi mo nasa sayo na halos lahat ng katangian na magugustuhan ng mga girlalu pero bakeeeeeet???
Kikilabotz: Anong pero bakkkkettttttttt? Hahaha.

Ishekyut: So far, anu ung pinaka mandang nangyari sa life mo that you'll always be thankful of and that you know you'll never regret 4 d rest of your life? Hanep nosebleed..^_^
KiKilabotz: May mga kaibagan ako tulad mo. ^_^

Unnie: Kung may matronang mag ooffer sayo ng indecent proposal kapalit ng 10M go kaba?? :P
KiKilabotz: Go, hahahahaha..Ibibigay ko sa kanya ang lambing ng isang anak. Haha

Unnie: Sinong female blogger ang gusto mong makalabteam?
KiKilabotz: Hahaha, Gusto ko lahat. Hehe.

Unnie: Para sau Kikilabotz - ano ang pinakafave mong toppings??? Kaw na mag-isip kung anong toppings yan haha!!!
Kikilabotz: kahit ano naman ako basta masarap at maeenjoy ko. Hehe bhelat ka ate Unnie

Katherine Lopez: Bakit Kikilabotz ang name mo? Nais mo bang maghatid ng kilabot sa blogosphere?
KiKilabotz: Kat, kagaya ng sagot ko sa tanong ni AJ, nadedefine nito kung sino ako sa totoong buhay. Hehehe. Yung about kilabot sa blogosphere? Kung good ang pagkadefine mo sa word na kilabot malamang oo. Hehe.

Katherine Lopez: Ano ang maituturing mong iyong angking kilabot na wala sa ibang bloggers? Ipaliwanag.
KiKilabotz: Hehe, seryoso na talaga mga tanong. Haha. Ang sure ko lang eh yung blogger name ko mismo na “kikilabotz” ako lang talaga meron niyan. Hehe The rest hindi ko na alam. Tnx kat sa pagtatanong.

Jeffrey De Roxas: Matapos kong basahin ang I love You Ipis-Ipis Story - kung ikaw ay isang insekto maliban sa ipis anuka at bakit?-
KiKilabotz: Siguro bee o bubuyog, Para kapag may chikz na dumaan masasabi ko, “hey I am a bee, can you be my Honey?” thanks Jeff sa tanong.

Bon: Marunong mag magic si kikilabotz, nakita ko yun eh! Kung bibigyan ka ng kakayahang magpasaya ng taong may sakit, sa paanong paraan mo gusto gawin yon?
Kikilabotz: Sanay na kasi ako makakita ng mga taong may sakit, at kadalasan yung mga nasa hospital nadedepress sila, naiisip nila na dahil may sakit sila, wala na silang silbe. Ayun kaya sa tingin ko, papasayahin ko sila sa pagpapakita na may mga tao pa na nagcacare sa kanila at malaki pa yung halaga nila sa mundo.

Bon: Nurse din si kikilabotz. Alam ko din yun! Hehe. Pano mo i-cecelebrate ang Christmas sa hospital kung nakaduty kapag sapit ng noche buena.
KiKilabotz: Maswerte ako kasi lagi ko nacecelebrate ang noche buena with my family, at kung sakali man na mangyari na nakaduty ako, I will greet everyone ng Merry Christmas, hehe tapos pag uwi ko na lang icecelebrate. Araw-araw naman pasko sa buhay ko

Bulakbolero: Parang kumbaga sa panahon ay sakop mo ang apat na klaseng seasons: winter, spring, summer at fall. Bakit ko nasabi to? Eh anu pa ba? Idol kaya kita. lol. Wala lang pansin ko kase, sa personal tahimik ka, sa blog makulet na parang kili-kiling may anghet. Madalas sobrang emo. Pero mukhang di emo. Basta ganun. malabo lang. ang haba ng intro ko pero ang tanong ko lang talaga ay. Sa mga tropa mo, pamilya mo, kaklase at katrabaho mo anong klaseng Marvin ka?
Kikilabotz: Madalas yan ang first impression sa akin yung tahimik, hehe, Yun kasi ang asset ko , kapag gusto ko kilalanin mga tao, mas interesado ako sa mga sinasabi nilla, kaya I pay attention at hindi na masyado nagsasalita. Hindi rin ako nag-e-emo kasi kapag may problema ako smilling face pa rin

Tropa: Makulit, mayabang, walang hiya, Sira ulo, Hampas-lupa, mapang-asar pero higit sa lahat maaasahang kaibigan
Pamilya: Hindi ko naman masasabi na responsable na ako, pero I am doing my best para makatulong sa Family. Hehe.
Kaklase: Madalas tahimik lang din ako sa klase kasi madalas tulog ako at nag-iimagine ng kung anu- anong mga bagay. Kapag during class day’s bihira mo rin ako maaya gumimik. Pero kapag wala namng pasok expect the unexpected.
Trabaho: Proffesional ako magtrabaho, kapag sinabing trabaho, natutulog ako.hahaha.


Mommy Razz: Kung bibigyan ka ng tatlong wish ano ano mga yon? At bakit? Sinong paborito mong actress? At bakit?
Kikilabotz:
1. Be successful, hehehe. Lahat naman ata ito yung gusto.
2. Success for my love ones- syempre masaya rin kung yung mga mahal mo sa buhay magiging successful.
3. At ang misyon ko, Be part of Somebody else’ success – ito sa tingin ko ang calling ko. Hehe.
Favorite actress ko - si Kim Chui, simula nang napanood ko yung commercial niya na nakataas yung binti niya , yun na, target locked. Bwhahaha

Mhel: Sino ang crush mo sa U-blog?
Kikilabotz: Ikaw yun Mhel, hehehe, tagal ko na nililihim. Haha.

Mhel: Sa palagay mo sino ang kamukha mong artista? At bakit?
Kikilabotz: Maraming nagsasabi: elementary: carlo A. Highschool: Dingdong. College: Coco M at ngayon naman ay si Franc Magalona. Pero hindi ako naniniwala. Ang kamukha ko naman talaga ay si Mario Maurer. Bwahahahaha

Mhel: Anong bagay ang ngpapasaya or nagpapangiti sa buhay mo?
Kikilabotz: Marami Ate Mhel eh, smilling face ako. Pero siguro ang higit sa lahat, kapag nakikita kong masaya ang mga mahal ko sa buhay. Hehe thanks Mhel sa mga questions mong malulufet.

Anonymous: Define life?
Kikilabotz: an Adventure with filled with Love

Anonymous: If you are granted one wish only, what will it be?
Kikilabotz: Na gawin pang mas marami ang wishes ko, hehe. Pero I think wala naman akong wish na. Masaya na ko sa buhay ko. Hehe. Thanks sa pagtatanong.

EngrMoks:Mahirap ba ang maging pogi? Ako kasi nahihirapan.
Kikilabotz: You said it right pare, hahahaha. Thanks Moks sa question.

Axl: What are your top five goals this 2011?
Kikilabotz: Makabili ng kotse, maka travel outside the country, makatravel sa Cebu o Bohol, kumita ng mas malaki, magkaroon ng ABS. hahahaha. Tnx sa pagtatanong AXL.


Kikilabotz' Message:

Bino maraming salamat sa pagtampok kay kikilabotz dito sa hotseat ng damuhan. hehehe ang laking exposure ito, saka pakiramdam ko artista talga ako. Maraming maraming salamat din sa mga nagtanong, Nawa'y pagpalain tayong lahat.

To Kikilabotz:

Maraming-maraming salamat sa iyo Kikilabotz at pinagbigyan mo ang paanyaya na mapasama sa mga featured bloggers dito sa Damuhan. Kinagagalak ko rin na ika'y aking nakilala ng personal. Astig ang iyong mga akda at ito'y walang halong biro. 

Bino


Next Week: Daddy Kuri of Domesticated Daddy's Diaries

Send your questions via:

Facebook http://facebook.com/bino23
Twitter: Twitter.com/binobautista
Google+: gplus.to/binobautista
Email: Bloggeradmin [at] damuhan [dot] com 

 Deadline: Saturday Evening 




35 ang nakaappreciate:

  1. Sinungaling HINDI totoo yung sagot nya sa question ko! Alam ko! alam namin ang totoo! :P

    ReplyDelete
  2. Ang galing! Natutuwa akong laging sumilip dito kasi the best ang nagsusulat. Sisilip din ako kay kikilabotz para makilala siyang lalo.

    Pag-igihan mo pa! Dadalaw ako ulit dito, pramis!

    ReplyDelete
  3. naks naman ang photo pang heart throb lang eh ano? winner ang tatlong wish ni kikilabots pang pageant lang..XD

    ReplyDelete
  4. Naks, andaming tanung din kay kikilabotz. At andami ding fan ang ipis story ni lufet! :D

    apat pala ang blog ni kikilabotz, parang 2 lang ang napuntahan ko. yung inspiring at ang kikilabotz :D

    ReplyDelete
  5. artistang artista! haha ganda nung mga tanong ni Madz, kase kasama ako! publicity!! ^ ^

    pero eto the best!

    "Pangarap ko kasi maging blessings sa iba, alam mo yun? Kung sakaing may naisulat ako o naibahagi sa kanila gusto ko yung ma-iinspire sila, na kahit mahirap ang buhay, kapag naniwala ka na may pag asa, makakaya naman talaga."

    Taragis! pang Mister Universe na haha.

    ReplyDelete
  6. ka pogi naman pala talaga ni kikilabotz... :)

    ReplyDelete
  7. wow.. haha this is really nice.. :) hope to be part of this.. chos! follow nio dina cu.. :) tara05angelee.blogspot.com

    ReplyDelete
  8. E di si KIKILABOTZ na ang nakakakilabot! Haha!

    ReplyDelete
  9. Natawa ako sa roll model joke! Hahaha. Thanks for answering my questions. :)

    ReplyDelete
  10. Ang astig nito "Yung dumating kasi siya sa buhay ko, kinalimutan ko na lahat ng nakaraan ko" Ikaw na! :D

    ReplyDelete
  11. mamaya na ko sasagot sa mga comment, nahihiya pa ko eh. hehehe. ^_^

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  12. Kiki.

    hanupabah? edi salamaat sa pagsagot sa tanong ko. idol pa din kita. lalo na at nilagay mo ko dun sa hawtmale mo. kelangan ko na ba magprovide ng mapanggakit na larawan para dito? LOL!

    natawa ko sa 'xempre' mo. edi ikaw na tumetext speak. haha.

    gusto ko lahat ng sagot mo. light, cool, kilabot na kilabot at sa pagdadala mo ng bangko patungkol sa description sayo ng mga to. mabigat ba pre?

    pero eto ang pinaka gusto kong sagot mo...
    "nadagdagan ako ng maipapagmalaki sa akin, Yun ay yung pagiging blogger ko."

    ReplyDelete
  13. ang pogi naman ni kikilabotz!!! mahal ko na yata siya!

    ReplyDelete
  14. Naks!! Mas gwapo sa personal kesa sa picture? Weh? Hehehe.. Sana makita kita nang personal para mapatunayan ko kung totoo o hindi tong statement na to.. hehe.

    Natawa ako sa sagot mo sa tanong ni Bolero.. "Trabaho: Proffesional ako magtrabaho, kapag sinabing trabaho, natutulog ako.hahaha." --> Hahaha!! Ibang klase. :P

    "Sulat lang nang sulat, pero syempre know your limits.." I like this line. :) Salamat sa pagsagot sa aking mga tanong, marvin. Ang hirap ano? lalo na yung una? hahaha!!

    ReplyDelete
  15. Si kiki ang epitome ng laglag panty ikot bra. (Pumapangalawa lang ako)
    Sir kiki hingi sana ako ng payo sa inyo ni bulakbolero dahil parehas kayong Pogi. Paano nyo napapanatili ang inyong kapogi-an. At pano kayo nagiging pogi? Ako kasi ang dami kong nasubukan, sa 25 years na pagpupumilit pumugi ay heto pa rin ako walang nagbago. Gusto ko yung effortless na kapogian pano magiging ganyan, kiki at bulakbolero? hahahahaha

    ReplyDelete
  16. Hahaha, umagang umaga natatawa ako dito sa office, nagising tuloy tulog kong diwa...

    Salamat sa matindi mong sagot sa mala miss universe kong sagot. Simple pero punong puno ng laman ang sagot mo. Salamat KIKI

    ----MOKS!

    ReplyDelete
  17. ang kulit sumagot nitong si Kiki.

    at isa lang ang agad kong napansin: marami nga siyang typo errors at wrong spellings. LOL

    ReplyDelete
  18. nakakatawa naman ang mga sagot.. hahahah... peborit ko yung sa greatest achievement.. may award din kasi akong most behave eh.. LOL..

    salamat sa pagsagot ng tanong ko.. :)

    ReplyDelete
  19. ang hirap ng tanong ni leah!!! gosh kahit ako pagtinanong nyan mahihirapan!! Coke or Pepsi?!! waattdaah?!!! lels

    rock on kiki!

    ReplyDelete
  20. Kim Chui type mo? cge ikaw na si Gerald Anderson.. hehe! Coke din ang gusto ko! gwapo mo pala kikilabs..

    ReplyDelete
  21. Ang galing nman ng mga sagot mo at gusto ko ang sagot na eto un about sa blog "Pero xempre kapag nilagyan mo ng purpose ang pagbblog mo, nagkakaroon ka ng goal. At dun ka kukuha ng inspirasyon".

    tnx pre sa pagsagot sa tanung ko...

    galing lupeeeett mo......

    ReplyDelete
  22. hahaha...natawa ako dun sa role model na si tarzan X.

    mabait at humble sa personal, makulit at talented sa blog. hangang hanga ako dun sa video ng magik.pwedeng pwedeng sumide line sa childrens party. hahaha!

    more power tol marvs!

    ReplyDelete
  23. Idol talaga! Sa iyo ako natututo,, nanunuro?! LOL. :D

    ReplyDelete
  24. haha! napaka angas ng mga sagot! lalo sa self description!

    ikaw na ang bago kong idol!

    ReplyDelete
  25. When ba ako ma feature dito? hahaha. Pakisagot yan!

    ReplyDelete
  26. haha. as always, nakakatuwang ang Q&A sa hot seat..lols

    ayun ohhh! hindi tayo writer pare! mga blogger tayoo..**apir**

    ReplyDelete
  27. pang artista ang sagot. etchos lahat! lol.

    -kayedee-

    ReplyDelete
  28. whaha ang kulit ng ibang sagot mo pero panalo.. :D

    ReplyDelete
  29. sayang, hindi ako nakahabol dito... :)

    ReplyDelete
  30. hehe..now q lang nbasa to..
    c kiki sikat na..harharhar

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS