Pangalan/Alias: Ro Anne
Blog Name at URL: iheartroanne<dot>com
Lokasyon: Mo Land
Edad: 28
Civil Status: Single
PERSONAL QUESTIONS:
Bino: Tell me something about yourself.
Ro-Anne: (Unang tanong pa lang ang hirap na). Tinanong ko ang isang kaibigan bago ko sinimulang sagutin ang mga tanong dito, sabi ko sa kanya, kung ikaw ang magbibigay ng tanong ano ito? Sabi nya, "Anong isang question ang hindi mo sasagutin at bakit?" Sabi ko, "How would you describe yourself?" Tumawa lang sya. Akala siguro nagbibiro ako.
Mahirap i-describe ang sarili na hindi ka magmumukhang mayabang sa paningin ng ibang tao. Since hindi naman ito job interview na kailangan ko magpa-impress, Ro Anne is a work in progress.
Bino: Kelan at paano ka nagsimulang magblog?
Ro-Anne: Nagsimula akong magblog taong 2009. Kuya ko ang nagmulat sa akin sa mundong ito. Hanggang sa napadpad ako sa bahay ni Sam Juan at Utakmunggo, natuwa ako sa kanila at nahikayat din akong magsulat ng tungkol sa buhay simula sa embarrassing moments nung kabataan hanggang sa mga pangkasalukuyang kalokohan, kakikayan, buhay pamilya, pag-ibig atbp.
Bino: Bakit mo naisipang pasukin ang mundo ng blogging?
Ro-Anne: Feeling ko kasi magkaka-alzheimers ako, kaya habang maaga isusulat ko na ang istorya base sa mga napagdaanan ko sa buhay na baka hindi ko na makwento sa magiging apo ko.
Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa blogging? Ipaliwanag
Ro-Anne: Bukod sa mga nabanggit sa itaas, marami akong hinahahangaan sa mundong ito. Mas nakaka-agaw ng aking atensyon ang mga blogs na binubuhusan ng nag-uumapaw na creativity hindi lamang sa salita kundi sa artworks na inilalagay nila sa kanilang entries. Natutuwa ako makakita ng ARTIST-ahin bloggers. Effort kung effort, mapa-drawings, animations, edited videos etc. na kakikitaan mo ng burning desire makapag-inform and entertain ng readers.
Bino: Kung may hinahangaan kang blogero, mayroon ka ba namang kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
Ro-Anne: Poser blogs – plagiarist. Makulit na ex-link request – it won’t happen overnight, work hard and earn it. Bloggers who would go beyond the barrier of other blogger’s personal life – Sunugin mo na ang bahay nila pero wag na wag mo lang panghimasukan at sirain ang personal na buhay nito dahil hindi ikaw ang nagpakain at bumuhay sa kanila.
Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Ro-Anne: Ang mabigyan ng karangalan sa isang patimpalak at makilala ang mga writers sa likod ng mga magagandang panulat.
Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Ro-Anne: Kung meron man, Shrug and dust it off...
Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka na magblog? ipaliwanag.
Ro-Anne: May mga panahon na gusto mong magsulat, pero hindi mo alam kung paano simulan o minsan nagawa mong simulan pero hindi mo mahanap ang tamang salita para tapusin ito. Normal yun.
Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Ro-Anne: Nakatagpo ako ng ilang tunay na kaibigan. Maraming bloggers ang umiikot ang buhay sa mga blogs nila, nangyari na rin ito sa akin. Pero malaki ang nagbago sa buhay ko nang sinimulan kong lumayo dito.
Ang blog parang drugs, the more you get hooked the more it will damage other aspects of your life. I don’t know if some of you experienced it. Tipong every minute ka mag-refresh sa blog mo just to see kung may nagcomment na sa bagong post or kung may bagong update na sa blogs na hinahangaan mo. Hindi mo napapansin, computer na lang parati ang kaharap mo at nakalimutan na may totoong buhay ka na dapat alagaan at asikasuhin.
Though for some, esp. ofw, malaki ang naitutulong ng blog to divert their homesickness, siguro just use it moderately and keep a balanced life.
Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gustong gumawa ng blog?
Ro-Anne: Everybody can be a blogger but not everybody can blog with heart. Don’t make your blog the center of your life unless you’re sure it’ll send you to heaven. Or don’t make it as a profession unless you’re earning dollars from it.
Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa ibang lahi?
Ro-Anne: Wala naman sigurong pinagkaiba yun maliban sa language. Kung di man natin maintindihan ang mga nasulat nila, wag ka mag-alala dahil ganun din sila sa atin. Hindi ko rin siguro pagtyagaan i-google translate pa ang mga akdang nasulat sa ibang language. Ang edge lang ng Pinoy bloggers, kaya nila makipagsabayan sa mga English bloggers, ngunit, subalit, datapwat, hindi lahat first hand info esp sa fashion, showbiz, travel and gadget blogs.
BLOGGERS' QUESTIONS:
Goyo:
Hi RoAnne! Nameet na kita isang beses noong SBA2 last year. Sa bilog ng inuman, nabanggit mo sa'kin na hindi PO kayo pumapatol sa mga mas bata sa inyo? Ano nga bang tunay na dahilan bukod sa mas attracted kayo sa may edad na (Lol at may edad na)? Hehe.
A: Hinangaan kita sa katapangan na itanong sa akin yan nung nagkita tayo. Thought to myself, ma-swerte magiging gf mo dahil mapoprotektahan mo sya ng husto
Bulakbolero: Roanne, magkaliwanagan tayo, crush mo ba ko? kung hindi, bakit? yown lang. thanks!
A: Dahil napakaseryoso ng tanong mo, hindi na ako tatawa. Sinong hindi magkaka-crush kay bulakbulero? Sa effort pa lang na ginawa mo nung bday ko, may pogi points ka na sa akin. Ikaw crush mo ba ako? Ayiii :P
Steph: Kung may isang blogger na gusto mong manligaw sa'yo, sino yun? HAHA CHISMIS for roanne—
A: Bakit isa lang? Sana marami. :p Si Bulagspot, maginoo pero mejo bastos.
Anton: babalik ka sa Pinas just to join a tour, me special ba na tao don para sayo kaya you would go that far to join the tour? peace Ro Anne.misyu
A: Nung nagtour ka sa Macao may special na tao ka rin ba na pinuntahan for you to go that far? Haha! Wala naman diba? Nung nagtitingin ako ng cheap flights sa Cebu Pac, promo ang MNL-Taiwan flights at MO-MNL. Naghanap ako ng makakasama sa Taiwan pero busy ang travel buddies ko. Naalala ko na may group tour, kaya pinili ko yun kasi mas madami mas masaya. Aaminin ko na alien ako sa sarili kong bansa, kaya hindi naman siguro masama kung sumama ako at idiscover ang ibang panig ng Pinas.
Leah:
1. Do you like to read? What books do you read.. and when was the last time you've finished reading one?
A: I’d say I’m a movie person than a bookworm. I can do movie marathon all day and night na washroom lang ang breaks… bum days. But I do have books in my room, most of it are from my brother. I brought them here because bookstores in MO are not that friendly to aliens. I can only recall title; I’m poor remembering dates - “The Curious Incident of the Dog in Night-time.”
2. Do you Google, Bing or Yahoo?
A: Either Google or Yahoo.
3. Are you comfortable following a crowd.. or do you prefer being a leader? Do explain.
A: With great power, comes great responsibilities… I am not superwoman enough.
Joey Velunta: Bilang english blogger, ano ang iyong opinyon sa mga sinabi ni James Soriano?
A: Kilala mo ba siya? Sabihin mo I’m a fan Mayroon akong French at Filipina na flatmate. Na-itanong ni French sa amin kung saan at paano kami unang natuto ng salitang Filipino. Nagulat siya dahil magkaiba kami ng sagot. Ang sabi ko, “…from my parents” ang sabi naman ni K, “… in school,” Dahil Cebuana ang kasama kong Pinay, Bisaya ang una niyang natutunang salita at dahil Ingles ang medium of instruction sa eskwela, pumangalawa ang wikang Ingles na lubos niyang nagamit at pangatlo na lamang ang wikang Filipino.
Kung i-kukumpara ang Cebuana flatmate ko kay JS, wala silang pinagkaiba. Pareho silang Filipino, ngunit hindi sila bihasa sa salitang Tagalog dahil hindi ito ang naka-lakihan nilang salita. Sa totoo lang, mas nauunawaan ko ang mga sinasabi sa akin ng flatmate ko kung nag-iingles sya kaysa nagtatagalog. And I think, that is more than enough to prove na hindi importante kung ano ang nakasanayan mo na salita, as long as you’re able to communicate and comprehend well.
May isang tanong mula sa aking guro ang hindi ko makalimutan, “Kung isasantabi mo ang salitang iyong ginagamit, masasabi mo ba na ikaw ay isang tunay na makabayang Filipino?” Ang sagot ko “Oo.” Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at sinabing, “Masasabi mo ba na ikaw ay tunay na Filipino kung ang damit mo ay Giordano?” Speechless.
Anonymous: Para sa iyo, gaano kahalaga ang pagbablog?
A: Ang blog ay hindi katulad ng underwear na kailangan mong isuot araw-araw.
Gasoline Dude:
Marami ang naaakit sa iyong angking kagandahan dito sa blogosperyo, hindi lamang dahil sa iyong panlabas na kaanyuan kundi pati na din sa panloob. Ang tanong: ano ang ulam mo kagabi at sino ang nagluto? Masarap ba ito?
A: LOL! Ang layo Gasul! Kaldereta na luto ng kaibigan ko na chef. Masarap, lasang kaldereta.
Heto seryosong tanong: Taon-taon ay bumibisita ka dito sa Singapore. Bakit mo ba ito binabalik-balikan? Dahil ba sa aming dalawa ni Bulakbolero?
A: Parang dalawang beses pa lang naman ako napabisita sa SG, hindi naman taon-taon. May dalawang paraan akong pinagpilian kung paano ko i-celebrate ang bday ko. A rush of 5 secs sa pagtalon sa MO tower against holiday outside Mo Land. Mas pinili ko ang lumabas ng bansa at dahil ayaw ko naman magtravel mag-isa, bumalik ako sa SG para magpa-ampon sa mga matalik kong kaibigan. Bakit hindi ko pinili ang Pinas para makasama ang pamilya? Dahil mas mahirap iwanan ang pamilya sa espesyal na araw ng buhay.
Pero dahil, pinasaya nyo ako nung bday ko, gusto ko rin kasi kayo makita. :P
Seryoso na talaga: Kung mayroong dalawang oportunidad na dumating sa iyo at isa lamang ang puwede mong piliin, ano ang pipiliin mo: Makakauwi ka na ng Pilipinas para makasama mo na ang buong pamilya mo, o madadala mo ang buong pamilya mo sa bansang gusto mo maliban sa Pilipinas?
A: Bumalik sa Pinas at manirahan kasama ng pamilya, dahil tatanggapin ko lang ang oportunidad na yun kung pati ang luho na madala sila sa ibang bansa para magtravel ay kaya na nitong suportahan.
Bon: May post ka about disconnect (nestle short film) and you didn't say anything there..kung may ididisconnect ka sa buhay mo, what would it be? why?
A: Facebook, dahil hindi naman siya nakakatulong sa lablayp ko. Joke! Seriously, sinisira ng social network sites ang buhay ng tao. Kung tatanungin mo ang kabataan ngayon kung alam nilang mag-laro ng “piko” o “shato” malamang “Ano Yun?” ang isasagot nila. Mas madami pang importanteng bagay ang kailangan i-prioritize, tulad ng pagtakbo para mabawasan ang taba o ang magtahi ng walang butones na office clothes para hindi magpanic buying sa mall pag wala ng masuot.
Moks: Nag xlink tayo ng blog pero hindi nagkakaron ng communication khit sa twitter. Natatakot kc ako na baka hindi ako pasa sa type mong kaibigan
...gusto ko malamn na anu ano ang charactheristic ng isang blogger na gusto mong maging kaibigan. Para malaman ko kung pasado ako.
A: Magkaiba ang definition ko sa blogger friend kesa sa tunay na kaibigan. Alin ba dun ang gusto mo? Kung blogger friend lang ang hanap mo, balikan mo ang sagot ko sa itaas pasado ka na sa akin. Pero kung tunay na kaibigan ang gusto mo, papasa ka lang kung kaya mo akong alagaan kahit na may nakakahawa akong sakit. Binabasa ko ung blog mo Moks, hindi lang ako nagcomment.
Joey: Ano po ang pangrap mong PAG-IBIG maliban doon sa pabahay?
A: Maliban sa pag-ibig na pabahay at pag-ibig na walang hanggan, pangarap ko ang pag-ibig na ang dalawang nagmamahalan ay parehong may hawak na tungkod ng katandaan at magkahawak kamay na naglalakad kasabay ang pag-indayog ng alon sa dalampasigan.
Xander: What are your pet peeves or interesting things about you that you dislike?
A: I eat dessert before meal and ung puti ng mata (sclera) ko kulay blue.
Xander: If you could perform miracles, what would you do?
A: Healing power, especially those kids who are dying, they deserve to see the beauty of the world, even with a lot of complications, it is still a world worth living.
Xander: Have you had a prayer answered lately? Please share the story.
A: Everyday, each time I wake up, a prayer has been answered… another day to live.
JHIEGZ:
If a friend of yours broke again your trust for the second time around, would you still trust him/her? Why or why not?
A: No. Trust is literally like condoms, kapag nasira malaking disgrasya.
If a blogger will call you an idiot and freak, can you think something positive about it? If yes, then what would that be? If no, why?
A: S/He is normal, I am abnormal… I have greater edge in the world because I’m rare.
If you are a male blogger in U-Blog, who would that be and why?
A: Batang Mangyan, i have happy feet... sana makapag Las Vegas din ako.
Madz:
1. Halimbawa binigyan ka ng chance na magddrive ng Coke Happiness Truck, saan mo ito dadalhin at ano ang mga laman nito?
A: Sa bahay nyo Madz, tapos i-deliver ko sayo ang box na may lamang boypren. Siguro, gamot sa AIDS, ibibigay ko sa mga nangangailangan.
2. Anong nakakapagpangiti o nakakapagpakilig sa isang Ro anne?
A: Pag magbukas ako ng mail box at makakita ako ng sulat na nakapangalan sa akin na hindi bills at promo letters at hindi bad news ang laman.
3. Kung ikaw ay magpapatayo ng bahay anong bahagi nito ang pagtuuunan mo ng pansin? Bakit?
A: Kitchen, dahil mahilig ako magluto. Bathroom, masarap magbasa sa banyo, tahimik. Ceiling, dahil malungkot ang nasa itaas.
AJ Banda:
Bakit mo naisipan na patayin ang sarili mo sa 'about me' (or 'who me') section ng blog mo? curious lang...
A: Nasa unang tanong ang sagot, paki-back read na lang AJ. Yun ung isang paksa na iniiwasan pag-usapan ng iba, creepy daw. Pero mas maganda na yung alam ng mahal mo sa buhay kung paano mo gusto maglakad sa huling hantungan. At yung hinihingi ko na eulogy, hindi yun joke, hehe. Sabi nila malalaman mo lang if you served your purpose in this world kung maraming tao sa lamay at sa libing mo at sila lang ang makakapagsabi kung sino ka at paano ka nabuhay sa mundo. I don’t want to brag, I only want to be remembered.
Since patay naman na ang usapan (wag naman sana), anu ang gusto mong gawin sa huling 24 hours bago ka kunin ni Bro?
A: Kung nandito ako sa Mo Land sa panahong yun, hindi na ako matutulog. I will book a flight to Manila via Phil Air dahil 4:30 pm ang flight nila. I will pack and bring important things na ihahabilin ko sa mahal ko sa buhay. I will write my last will and letters to my family, close relatives, and friends. I will bungee jump at Mo Tower. I will say goodbye to my colleagues. I will jog at Mo bridge. Visit the church and will ask if I can sing my last song with my choirmates. Go to spa. Go to airport. During the 2 hours flight, I will request to seat beside the pilot and ask him/her how it’s like to fly. I will talk to my seatmate and ask this same question. An hour of the flight will be an hour of prayer to keep me safe home because I’d still want to see my family. I will eat buffet with them. I will hug them tight. I will shop my last clothes and visit salon, I don’t want to die ugly. I will contact my friends and blogger friends and have an hour of chat. I will kiss a stranger and hope it would rain, for the last time gusto ko maexperience yun. I will skype my brother na nasa UK, siguradong wala na sya oras umuwi. We’ll have a family portrait with him na nasa PC, wacky, ironic. I will hug them tight once more. Again and again. We’ll star gaze, and write my name in one of the stars para alam nila kung alin ang titignan pagnamiss nila ako. I will write my last blog, with blog title “My Last 23 Hours” and publish it an hour before I die. My last hour will be the saddest, I sure can’t help but cry… but I’ll try my best to be strong. I wish to be surrounded with the people I love. I will say sorry’s and thank you’s. I will try to remember all their faces and give my last smile.
Sana ganito lang kadali harapin ang kamatayan, pero hinde… hinde… hinde…
Eh kunyari patapos na yung 24 hours at pwedeng dugtungan pa ang life mo pero ang kapalit ay magkaka-amnesia ka (tipong hard disk na naformat ka), papayag ka ba? Bakit?
A: Oo, masarap kaya mabuhay, tapos bagong format ka pa. Sana lang may magturo sa akin magblog.
MatangKiko:
I love the photos you shared in your Photo blog Extraordinary?, aren't you up for an update?
A: Thank you Kiko. Nasira ung hard disk ko, nandun lahat ng inipon ko na photos kaya hindi pa ako makapag-update.
Congrats 4 winning last years' Peba, what can you say bout ur experience during the awards night, you being chosen as the Bloggers Princess?
A: Thank you ulit. Ang naalala ko lang umakyat ako sa entablado dahil sa dalawang parangal, top 6 and asia & pacific best blog. Wala yata akong naalala na umakyat ako at nabigyan ng sash and crown para maging blogger princess haha. Kinakabahan, ang taas kasi nung heels ko nun baka madapa ako. Tapos, masaya kasi kasama ko ung nanay at tatay ko, para akong nanalo sa Miss U. Although, natakot ako, dahil baka makahon ang ideya at hindi ko na maiblog ang mga bagay na hindi papasa sa criteria ng PEBA, natakot ako na piling-pili na paksa na lamang ang pwede kong i-blog na kahit kalokohan o yung mejo sensitibong topics hindi ko na maisulat. Pero tinatak ko sa isip ko na hindi ko hahayaang mangyari yun. Kaya ang mean ko sa last post. LOL!
How did you consider blogging as a way of your expressions since you're an architect by profession?
A. Wala naman pinipiling profession ang blogging. Yun nga lang minsan, I can spot travel blogs na nagfeature ng structures na halatang hindi well researched or mali-mali ung used terms or mema-caption lang kasi napag-aralan namin yun sa History of AR. Since mahilig din ako magtravel, yung mga places ang structures sa trip ko, nadocument ko ng husto sa blog with artistic touch ng photoshop.
Khantotantra: kung magiging streetfood (pisbol, kwek-kwek, dirty ice cream, etc) ang lovelife mo (bf), ano siya at bakit?
A: Camaron, hindi ko alam kung meron nun sa ibang lugar. pero sa street namin dati meron. It’s a mixed flour and vegetable (salty taste) cooked in oil and served with sweet and spicy sauce. Yun lang yung sauce niya, hindi na kasi sya masarap ihalo sa iba. Bakit Camaron, kasi hard to find, pero pag nakita mo na siguradong hindi mo na pakakawalan, hahanap-hanapin mo kasi nandun na lahat ng dapat mo matikman.
Rico de Buco: Ms. Roanne nainvolve ka na ba sa isang blogger romantically? kung hindi pa, sino napipisil mo? hehehehe showbiz showbizan lng hhehehe.salamat po sa pagsagot :)
A: Hindi pa Rico. Kung meron man sana sila ang dapat magparamdam, dalagang pilipina kaya ako :P
Mommy Razz: Hello!!! Roan ako si mommyRazz ng welcome to my world.. binuto mo ba si P-noy o hindi? at bakit?
A: Hello Mami Razz! Hindi po ako bumoto kasi hindi po ako nakapag-paregister. Pero kung sakaling bumoto ako, hindi sa kanya ang boto ko, dahil kahit kailan hindi magiging Ninoy si Pnoy.
AIM: Meron bang time na sa mga nagpapalipad hangin na mga blogista e nabigyan mo sila ng "special attention"? anong nangyari?
A: Meron, naging magkaibigan kami ng wagas, kaso naging busy siya sa work ganun din ako kaya nawalan ng communication. Minsan nagpaparamdam din. Ok na yun malaman na ok siya
Ro Anne's Message:
Maraming salamat Goyo, Bulakbulero, Steph, Anton, Leah, Joey V, Anonymous, Gasul, Bon, Moks, Joey, Xander, Jhiegz, Madz, AJ, MatangKiko, Khantotantra, Rico de Buco, Mommy Razz, AIM, sa mga simpleng tanong na mahirap sagutin, nag-enjoy ako ng husto. Sana nabigyan ko ng hustisya ang mga ito. Maraming salamat Leah sa request. And thank you Bino sa exposure and More power to your Hot Seat, sana marami ka pang ma-feature na bloggers para ma-ambush question sa mga crush nila. =) ~ Anne
To Ro Anne:
Salamat ng marami. Hindi ko inakala na papayag ka'ng maging bahagi ng Damuhan's Hot Seat. Isa ito'ng malaking karangalan.
Bino
Next Week: Marvin aka Kikilabotz of Kwentong Nakaka
Send your questions via:
Facebook http://facebook.com/bino23
Twitter: Twitter.com/binobautista
Google+: gplus.to/binobautista
Email: Bloggeradmin [at] damuhan [dot] com
Deadline: Saturday Evening


base muna :p
ReplyDeleteAy! Sayang di ako nakapag-padala ng Q's ko. Outdated na ako masyado. Tsk! Tsk!
ReplyDeletePero si Ro Anne ang blogger na na-meet kong sobrang humble, simple, at down-to-earth. :)
Base!!
ReplyDeletebwahahahaha, si ro anne ang isa sa mga pinaka magandang ngiti sa blogosphere..ang galing nga eh..sya ang kauna unahang hottest blogger eh
ReplyDeleteSana ma-meet ko in-person si ms. roanne :D kakaiba yung aura pati sa question and answer, ibang level ang maturity and wit :D
ReplyDeleteArg!! Lagi na lang ako nauunahan ni Gelo!! hehe..
ReplyDeleteI love the answers sa mga questions ko.. Short lang, pero maayos. Thanks ms Roanne. :)
Hihi.. daming questions about lablife. "Kung meron man sana sila ang dapat magparamdam, dalagang pilipina kaya ako"... Naks! Ayan oh, magsikilos na nga kayo..
"Ang blog ay hindi katulad ng underwear na kailangan mong isuot araw-araw.".. Haha!! Aylabet! Napatwa ako.. but I agree.. hehe.
bow talaga ko sa'yo kras :) ang galing galing mo.
ReplyDeleteang galing ng mga sagot :) un lang
ReplyDeleteNapakatalino at napakamapagkumbaba nitong Ro Anne na ito. Natigilan ako dun sa sagot nya sa tanong ni AJ. Sa aking palagay naroon na lahat ang pagkatao ng isang Ro Anne.
ReplyDeleteito na ang isa sa pinakapaborito kong hot seat moment... bukod sa isang magandang blogger si Ate Ro Anne, gustung-gusto ko ang mga sagot nya about blogging.
ReplyDeleteTama nga naman na hindi dapat ginagawang buhay mo ang blogging unless libo-libong dolyar na ang kinikita mo.. :)
and oh.. tameme rin ako sa 24 hours story.. ang galing at nasulit nyo po yung 24 hours :)
Ro-anne pala hnd Roan, sorry..:( hehe! ang ganda mo Anne, follow kita mamaya pagdating ko sa bahay.. BRAVO ang sagot mo sa tanong ko, ngyn ko lng narealize. P-noy binuto ko akala ko kong ano ang puno siya ang bunga, hnd pala, pero hnd pa huli ang lahat.. sana
ReplyDelete"computer na lang parati ang kaharap mo at nakalimutan na may totoong buhay ka na dapat alagaan at asikasuhin" <--yan ang problema ko, hahaha! mas adik pa ako kaysa sa mga anak ko, haist, pero dahil sa cyberworld i gained frens, at itetreasure ko un forever..
Have a nice day everyOne..:)
"Maliban sa pag-ibig na pabahay at pag-ibig na walang hanggan, pangarap ko ang pag-ibig na ang dalawang nagmamahalan ay parehong may hawak na tungkod ng katandaan at magkahawak kamay na naglalakad kasabay ang pag-indayog ng alon sa dalampasigan."
ReplyDeleteLab this answer..... Galing galing.... :D
Huwaw! The best HOT SEAT entry sa Damuhan so far! A blogger with substance, 'yan si Ro Anne! :)
ReplyDeleteWow! I love the katarayan... :) LOL. Seriously, I agree sa isang comment, Ro-anne is humble. Humility is a biggie for me, so pasok sa banga si Ate.
ReplyDeleteClap, clap! :)
Maraming salamat sa sagot mo Roanne.
ReplyDeletesaludo si bagotilyo sa bloggers hot seat na si ro anne ..
ReplyDeletetama nga naman iba ang cyberworld sa real world.
dapat balanse lang.
:D
Kahanga-hanga ang sagot ni Ms Roanne sa pangalawang tanong ni AJ kung ano ang gagawin sa huling 24 oras. Wow. Sobrang galing ng babaing ito.
ReplyDeletehala si ate ro anne... tagal nang di ko nababasa page niya...
ReplyDeletenagenjoy ako sa sagot ni Ro. :)
ReplyDeleterainbow box
i like the way you handled those questions, parang ang tali-talino mo! LOL
ReplyDeletenice one ro!
Waahhhh!arkitekto ka pala Ro anne beybie!! kumain lang ako ng kumain sa bday treat mo di ko man lang tanong buhay buhay mo...nakalimutan ko rin tuloy itanong kung crush mo ba si BINO...hahahahaha...ayus!!!
ReplyDeleteroanne, naisip ko lang parang pangteenager lang yung tanong ko. haha. at siempre kras din kita. papahuli pa ba ko sa uso?
ReplyDeletelalo akong humanga sa mga sagot mo sa tanong.
parang nalungkot ako dun sa tanungan nio ni AJ. naramdaman ko na mahirap talaga maging ofw. tapos di mo pa alam ang mangyayari.
aprub ako dun sa hinding hindi magiging si ninoy si pnoy.
isa pa pala yung sa facebook. oo wala namang nadudulot yan. hahaha.
nice roanne. tayo na ang krasmate ah?
nice meeting you roanne!!
ReplyDeletewow, extra si BatangMangyan...salamat kabayan. pero sa ganda ng Macau, para ka na din nag-vegas!
ReplyDeletegood luck roanne...ituloy na lang ang kwentuhan sa iloilo. see you soon :)
Everybody can be a blogger but not everybody can blog with heart.
ReplyDeleteang kulit ng sagot pero totoo.. A: Ang blog ay hindi katulad ng underwear na kailangan mong isuot araw-araw.
thanks roanne for sharing your experience sa blog :D
Salamat Miss Ro-anne sa pagsagot. I was really amazed sa mga sagot mo... - very frank! Mafefeel mo tlga galing sa puso...Indeed, this is one of the best hot seats so far! Kudos Miss Ro-Anne
ReplyDeletenapatambling ako sa husay ng tambayang ito. impressive ha! =)
ReplyDeletekahanga-hanga nman ang dedication mo ms. Ro anne. ang galing... pero ang ganda mo rin khit sa pic pa lang... merun kasabihan d2 samin lugar na kung wla pa lang akung asawa bka kw na un paborito ng inay... just kidding...
ReplyDeletegusto ko sagot mo na eto
"Natutuwa ako makakita ng ARTIST-ahin bloggers. Effort kung effort, mapa-drawings, animations, edited videos etc. na kakikitaan mo ng burning desire makapag-inform and entertain ng readers. "
and she's amazing.. =) ang ganda ng mga tanong at sagot nya, pinakagusto ko yung sagot nya sa tanong ni xander
ReplyDeleteXander: If you could perform miracles, what would you do?
"Healing power, especially those kids who are dying, they deserve to see the beauty of the world, even with a lot of complications, it is still a world worth living. "
.. and if i could give you that power even if it means losing mine, i would rather sacrifice it just to let you keep those kids alive and let them enjoy the real essence of happy and pain-free life..
nice to hear those words from a beautiful lady like you ^ ^
ReplyDeletecrush na kita ma'am! =)
ah oo. namention nga nya yun na mas travelled sya sa ibang bansa kesa sa Pias.ad I agree. totoo na mas masaya pag mas marami kaya a-iiggit ako ngayo palang.hahaha. gusto kog sumama kasi gusto ko itanung uli g persoal.lol
ReplyDeletewala bang like button para sa comment ni Bon?
ReplyDeletereading the Q&A portion, its nice to know a little bit of another amazing blogger sa pamamagitan ng portion na ito sa damuhan.
ingat lagi, roanne!
ang pretty nga nya hahahaha! ^_^
ReplyDeletero anne! kelan ka uuwi? reunion na ng batch natin!hehe...11 years na tayong graduate sa james!ambilis
ReplyDeletenapadaan galing sa bahay ni Roanne!! ang galing ng mga sagot..parang naiimagine ko pa ang itsura ng Roanne habang sumasagot sa mga tanong,hihihi!!
ReplyDeletehello Bino!!
Sundan ko muna tong blog na ito... bago ko read and nice interview of roanne.
ReplyDeleteAhh.. Siya pala si Ro anne.. Cute.. :)
ReplyDeletenag-enjoy akong basahin ang makulit pero diretsong sagot ni roanne.. congrats to both of you... next na....
ReplyDeletefavorite part:
..gusto ko malamn na anu ano ang charactheristic ng isang blogger na gusto mong maging kaibigan. Para malaman ko kung pasado ako.
A: Magkaiba ang definition ko sa blogger friend kesa sa tunay na kaibigan. Alin ba dun ang gusto mo? Kung blogger friend lang ang hanap mo, balikan mo ang sagot ko sa itaas pasado ka na sa akin. Pero kung tunay na kaibigan ang gusto mo, papasa ka lang kung kaya mo akong alagaan kahit na may nakakahawa akong sakit. Binabasa ko ung blog mo Moks, hindi lang ako nagcomment.
maraming salamat sa inyong lahat :) di ko man po kayo mareplayan isa-isa, you'll always be in my heart (LOL! showbiz answer 101). Seriously, i don't think I can answer these questions in a split second. I am no Einstein nor any smart ass. I'm just lucky to have intelligent questions and with that, I am most grateful :)
ReplyDeletewith utmost thanks,
~anne
love ko na si ro anne..mgboblog na rin ako.
ReplyDelete