September 12, 2011

Mga Tao'ng Mahirap Pakibagayan

Paunawa: Ito ay opinyon lamang ng may-akda at walang sinumang pinatatamaan. 

Sabi nga sa kasabihan ng kung sino'ng Herodes, "We can't please everyone." Tama nga naman. Hindi kasi lahat ng tao ay kaya nating maplease. Tinagalog ko lang yung kasabihan kaya't wag ka nang kokontra. Pansinin mo na lang sa showbiz, may mga artista ka na ayaw at gusto mo. Maaaring sakin, love na love ko si Angel Locsin pero diring diri ka naman sa kanya dahil mas gusto mo si Marian Rivera. Pwede din naman na nababaduyan ka sa mga shows ng kapuso network dahil isa kan'g certified kapamilya. Ganun din ang mga kapuso fans. Ang pinupunto ko lang, may mga tao talaga na kahit ano'ng gawin natin ay di talaga natin makasundo. Yun ba'ng unang kita mo pa lang sa kanya ay naiinis ka na kahit wala pa siyang ginagawa. Hindi naman sa pagiging mapanghusga at pagpapahaba ng intro ng post na ito, pero may mga tao talaga na hindi magiging malapit sa kin. Kaya't sa halip na makipagplastikan, eh di ko na lang papansinin. Ikaw na nagbabasa nito, umamin ka?? Ganito ka rin minsan. Hehehehe. Anyway narito ang listahan ng mga tao'ng para sa akin ay mahirap pakibagayan (natapos din ang intro, congrats sa yo kung umabot ka dito!) :





Baskil - mga tao'ng laging basa ang kilikili. Ok payn! May mga times talaga na di kaya ng deodorant ang init ng panahon. Sa madaling salita, your deodorant lets you down to the maximum level! Pero di naman ibig sabihin ay wala ka'ng gagawing paraan para matuyo ang underarm mo. Excuse me, wala ako'ng balak amuyin sila. Di ko alam kung bakit natitiis nila na basa ang kanilang kili-kili sa loob ng 8 oras na pagtatrabaho. Take note, gumagana ang airconditioning system ng office. Mareklamo ko noh? Wahahaha.

Confidentiality - mga tao'ng SOBRA ang confidence sa sarili na hindi lang bangko ang kayang buhatin kundi pati ang sala set. Tila sobrang lakas ng dalang hangin. Yun ba'ng masyadong naniwala sa nanay ng sabihan siyang gwapo/maganda kahit ang katotohanan ay mas may hitsura pa sa kanya si Gollum ng LOTR (Lord of the Rings). Tip lang: alamin ang REALIDAD sa IMAHINASYON.

Epaloidz - mga tao'ng mahilig pumapel at sumingit sa usapan ng may usapan at nagmamarunong kahit hindi naintindihan ang topic. O kaya nama'y bubuo ng sarili niyang paksa.  Hindi nakikipagkaibigan ang mga ito, gusto lang kumuha ng atensiyon.

Taas-Kilay - eto yung mga tipo na titingnan ka mula ulo (yung totoong ulo) hanggang paa sabay nakataas ang isang kilay. Kala mo anak ng kung sinumang trapong politiko. Matutuwa ako kung parehong kilay ang itaas mo. Hehehe. Oo corny.

Inggitmuch - lahat ng makita, kinaiinggitan kahit na simpleng bagay lang at hinding-hindi ito titigil para magkaroon din siya ng katulad ng sa yo. Sabihin mo lang na may plano ka palang bumili ng ganito o ganyan, uunahan ka na niyan. O kaya naman, may binili kang magandang damit. Kinabukasan, may ganun na rin siya at una pa niyang isusuot sa yo. So lumalabas, ikaw ang gaya-gaya.

Halitosis Mutant - sino ba naman ang gugustuhing makipagusap sa isang nilalang na humahalimuyak sa baho ang hininga? Yun ba'ng kahit nakatakip ka na ng panyo ay tumatambay pa rin sa ilong ang amoy ng kanyang bunganga. Ang mahirap pa nito, tila hindi nila alam na bad breath sila. Nagagawa ka pang bulungan ng kung anu-ano gaya ng jokes so sa halip na matawa ka, maiilang ka na lang. 


Hindi ko sinasabi na perpekto ako'ng tao. Pero gaya mo, di natin mapiplease ang isa't isa. At kung susundin natin ang lahat ng gusto ng ibang tao, we'll end up pleasing no one. Oo medyo malabo ang ending ng post na to. Di ko alam kung paano tatapusin kaya:



Ba-bye! :D


29 comments:

  1. aheheheee. like ko yung first part analogy with marian angel: kapuso kapamilya. :D

    for me ayaw ko yung mga agaw eksenang people. yung papansin o kaya scandalous. heheheh. ako kasi ang nahihiya para sa kanila.

    ReplyDelete
  2. Ganito rin ako minsan... minsan lang hihi

    ReplyDelete
  3. ganun? haha. in short, suplado ka kase minsan tsong..lols

    ReplyDelete
  4. bonggang intro.. hehe! ayaw ko din sa mga taong ganyan.. in addition to that, hnd ko typ yong malandi, lalo na sa babae.. bagong bihis ang damuhan.. love it!

    ReplyDelete
  5. Sobrang true ito! May mga tao din na ayaw din sa atin pero wala tayo magagawa dyan e sa ayaw nila. :D

    Good morning!

    ReplyDelete
  6. ayus nag bagong bihis na ang damuhan.

    tumubo na ang fresh n mga damo. hehehe....

    nice one.

    kakatuwa magkasing haba ang intro at yung enumeration... lolz.. joke lang.

    kay sarap nilang kasama ng sabay sabay ano? hehehe

    ReplyDelete
  7. i got your point. agree ako sa lahat ng sinabi mo. :-)

    ReplyDelete
  8. Naku, ako kayang kaya kong sakyan yung mayabang, epal, laitero/laitera at inggitero/inggitera pero nahihirapan talaga ko sa mga "baskil" at "halitosis mutant."
    .
    .
    Kakaiba 'to. Kaw ba nag-imbento ng mga terms na yan? Haha.

    ReplyDelete
  9. madali naman akong makibagay o pakibagyan. wala naman din akong kriteria sa itrotropa ko. madalas pag may ayaw ako sa isang tao, sinasabi ko sa kanya. umaasa kase ko na hindi man kame magkabagay sa lahat, possible pa ding magkasundo kami sa madaming bagay.

    malabo naturan ko. yaen na.

    ReplyDelete
  10. una po sa lahat.. ang ganda-ganda ng bagong layout.. ang elegante tignan.. :)

    pangalawa, nice din yung intro... ayaw ko rin kay Marian.. maka-Angel ako! LOL

    lastly, natumbok nyo ang mga taong kinaiinisan ng lahat.. ang problema, karaniwan sa may ganyang ugali, di nila pansin na ganun sila..

    :)

    ReplyDelete
  11. Hay naku! Dami na yan sa lahat. Mga taong napaka feeling- di ko kaya yan@..

    ReplyDelete
  12. Hmm.. ako, kaya kong sakyan yung epal tsaka mayabang.. eh minsan ganun din ako eh. hahahaha!! Pero yung bad breath tsaka BO, parang di ko keri. hehe.. hindi kaya ng powers ko. lols.

    Agree ako sa analogy.. kapamilya vs kapuso. Hindi naman kasi lahat ng tao, mape-please mo. Hindi pwede yung gusto mo, pilitin mong gustuhin rin nya. Respetuhan na lang. Kung hindi nya feel, eh di hayaan na lang. Pangit din naman kalalabasan kung patuloy mo syang ipe-please, pero to no avail. Aksaya lang ng oras mo. Understand mo na lang na you can't really please everybody. :)

    P.S.

    Ang ganda ng new layout. Ang linis.. labang tide rin ba to? hehe.. aylabet!

    ReplyDelete
  13. hmm.. tama may mga tao na mahirap pakibagayan. Pwede rin sabihin ang totoo sa kanila baka lang kasi nagbulagbulagan sila hahahaa.. baka hindi nila alam na mabaho kili kili nila or yung hininga nila haha.. minsan kailangan din ng words para ipamukha sa kanila ang katotohanan.. hahahaa

    ReplyDelete
  14. ung inggitmuch, halos lahat tayo meron nyan depende sa degree ng pagkainggit.

    ReplyDelete
  15. sabog sa halitosis mutant!!!! waaaaahh

    ReplyDelete
  16. hahaha.... masyado na siguro akong perfect pagwala ako sa mga list hahhaa.... at wala nga... ahahha

    ReplyDelete
  17. hahaha....napakalaking tama nito...i think wala ako sa mga list na yan..hahahlels

    ReplyDelete
  18. naku naku... yung iba dito minsan i admit ganito ako...

    ReplyDelete
  19. Ahahahahaha!!!habang binabasa ko to nasa isip ko ktrabaho ko...feeling perfect e puro siya "papabili din nga ko ng ganito kay mommy!"...inggiterang kuhol!LOL


    UNGAZ

    ReplyDelete
  20. wow... wait check ko muna baka isa ako sa ayaw mo... basa ang kili kili? check... Confidentiality? check.. Epaloidz hmmm.. epal ba ako? check... Taas-Kilay? hmm.. tse... hehehe joke... check... Inggitmuch? arbor ng slr mo bino... check... Halitosis Mutant? check mo nga bino... 1. 2. 3. haaaaaaaaaaaaahhhhh... ano pasado ba? hehehe...

    Tama ka sa mga sinabi mo... parang telenobela lang ang buhay... laging darating sa puntong may mga magiging kontrabida....

    ReplyDelete
  21. Hahaha highly original list! Nice one--nakakarelate ako :D

    ReplyDelete
  22. ayoko sa lahat yung last. hahahaha. ewwwwww!!!!

    ReplyDelete
  23. hahaha, ako yata mayabang eh, minsan baskil dn, minsan inggitero din, minsan epal din. hahaha ewan ko pero as long as mahal natin ang sarili natin aalagaan nati to. hahaha. may connect b? wala namn. hehehe.. between sa realidad at imahinasyon....hehehehe. medyo dis agree lang ako dito pareng bino. uhmm ang everything is kust an illusion until someone imagine it and make it his reality. ohaaaaa..

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  24. kanya kanya ng pananaw ang bawat isa.. kaya mahirap pakisamahan.

    pero kung ganayn din lang sir.. hindi naman sa suplado pero gaya mo.. ayaw ko din ng mga ganyan.. hehehe

    magandang araw sayo

    ReplyDelete
  25. sa akin naman, bina balance ko yung plus points na meron saka ako nag de decide kung sino sino ang ttirahin ko ng busy busihan at tulog tulugan.

    mas mahirap siguro kung may kumo-combo sa mga kategoryang nabanggit mo, sir bino. hahaha!

    ReplyDelete
  26. Madami akong kilalang ganyan ginoo. Sila ang mga damuho na aking kalaban. Iyang mga taong ganyan ang tipong buhay pa pero inaagnas na. Maaring sa pagkatao at sa mismong amoy nito.

    nakisawsaw lang dito

    ReplyDelete
  27. pinaka nakaka inis ang mr and ms. confidentiality!! haha

    --napadaan lang po...

    ReplyDelete
  28. ^^ kulet ng topic ..
    #bagong tambay nga po pala..

    ReplyDelete
  29. Hahaha Natuwa Ako ng wagas! By the way, just to add... Ang Tawag daw sa ugaling nainis na kahit wala namang ginagawa Sayo ay prejudice. Na kahit Anong gawin ng Tao, you will always maiinis. And may nahalata dinako bino, mas kapamilya ka kesha ka puso. So, anung Tawag sakin? Epaloidz! Iumeepal Kasi haha!

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.