Pangalan/Alias: Panjo
Blog Name at URL: www.tuyongtintangbolpen.com
Lokasyon: Batangas
Edad: 28
Civil Status: Single
Bino: Tell me something about yourself.
Mababaw lang ang kaligayahan ko. Naaaliw akong sumakay ng jeep at gumamit ng overpass.
Mahilig akong maglakad dahil nakakapagreflect ako kung gaano ako katanga o kabibo noong mga nakaraang araw.
Hobby ko ang job interview pati na din ang pagreresign.
May collection ako ng crayon shin chan stuffs at tumatanggap din ako ng donasyon.
Meron akong secret box pero bilog, doon nakatago ang mga love letters na sinulat ko dati pero di ko naman ibinigay.
Naniniwala ako sa kasabihang “walang silbi ng dami ng kaibigan kung di naman mautangan.”
Bino: Kelan at paano ka nagsimulang magblog?
Started nung November 2008 pero di ko sineryoso. Parang pusang nacurious lang sa mga gumagalaw na bagay. Trip trip lang magpost. Pampakiliti lang ng isip ang pagsusulat kapag nayuyugyog sa jeep. May 2009 ko masasabing naging interesado na ako sa writing. Noong nagkatrabaho kasi ako mostly travel, kaya isinusulat ko ang mga bagay na pwedeng maging kwento.
Bino: Bakit mo naisipang pasukin ang mundo ng blogging?
Madami akong reklamo sa mundo noong unang panahon tsaka chismoso ako. Naging imbakan ko ng thoughts ang blog. Wala kasi akong trabaho nung 2008 kaya computer ang kaharap ko. Palibhasa nag-iisa ako sa bahay kaya kinausap ko na lamang ang blinking cursor. Madami akong tanong. Pati private photos sa friendster gusto kong usisain. Frustrated ako kaya madami akong naisulat. After five days binura ko. Naghanap na lang ako ng trabaho kesa magreklamo.
Bino: Kaunting kaalaman kung paano nagsimula ang Tuyong Tintang Bolpen.
Weird ang pinag-umpisahan ng tuyong tinta ng bolpen. Haha. Ang kauna-unahang post sa blog ko ay “How to view private photos in friendster”. Haha
Nagsimula ang kwentuhan sa “Circus sa Isip ng isang Tambay” , hango sa buhay ko na hinaluan kalokohan with a twist. Dinadaan ko sa pagiging pilosopo ang pagsusulat para my aliw factor kahit konti.
Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag
Si kabayang Loi Landicho. (Professional heckler) Talented. Hindi nauubusan ng idea.
Bino: Kung may hinahangaan kang blogero, mayroon ka ba namang kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
Wala naman. Tinamad akong mainis. Bibihira kasi ako bumisita sa ibang blog. Via e-mail kasi ako magpost. Kung blogger si PNoy sige sa kanya ako inis.
Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Nagkaroon ng kaharutan?
Siguro noong nanalo ako ng Philippine Blog Awards 2009. Ilang months pa lang ang blog ko may recoginition na. Nagkaroon ako ng trophy sa unang pagkakataon. Ang last year sa PEBA naman binigyan nila ako ng dalawang parangal.
Pero ang pinakamasarap sa pakiramdam, eh nasa ibang lupalop ako ng Pilipinas tapos pagpasok ako sa isang fastfood para umihi ay may nagchichismisang mga student, ang sabi, “uy nabasa mo ang update sa tuyong tinta ng bolpen.” Men, sarap sa feeling! Pakiramdam lumaki ang tenga ko, tipong pwede kong ikampay. Gusto kong magpasalamat pero sasabog na ang pantog ko.
Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Wala naman. Hindi naman masasabing masama, nadismaya lang siguro sa mga komopya at nagclaim na sila ang author ng pinagtatype ko. Para malampasan, disabled na ang copy.
Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka na magblog? ipaliwanag.
Masipag ako. Masipag tamarin. Sana magsasalita na lang ako tapos kusa ng mapopost.
Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Tumaas ng kalahati ang self-esteem ko. Nakakawala din ng stress, Napatunayan ko na kasama sa Maslow Hierarchy needs ang blogging. At naging maharot pala ako ng kalahati.
Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gustong gumawa ng blog?
Blog your forte. Huwag mong intindihin kung walang makakarelate o walang bilib sayo. Hindi kailangan magpakaastig. Hindi kailangan maging sikat. Ang mundo ng blogging ay umiikot sa sharing ng ideas, experience at creativity.
Kung hindi ka naman sasali sa fliptop, iwasan ang mga mura sa post. Hindi naman babawas ng pagkatao kung iiwas paminsan-minsan.
Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa ibang lahi?
Ang mga Pinoy bloggers ay nagblog para maging masaya, makipagkaibigan at makipagharutan. Ang ibang lahi ay para kumita.
Bino: I-describe ang iyong blog gamit ang sampung salita lamang.
Sampu talaga?
Imbakan ng mga ordinaryo’t kakaibang kwento ng mga ordinaryong tao.
Bino: Kung meron ka’ng gusto’ng pasalamatan, eto na ang iyong pagkakataon:
Ehem. Salamat Bino sa pagkakataon maging bahagi nito. Nagpapasalamat ako sa mga taong sumubaybay, napadaan at nakasalamuha ko sa tuyong tinta ng bolpen. Inihihingi ko din ng pasensya kung di ako napapasyal sa ibang blog dahil walang internet sa office. Sana ay maunawaan nyo ang aking alibi.
Bisitahin ang blog ni Sir Panjo sa www.tuyongtintangbolpen.com
Muli, maraming salamat po Sir Panjo :)
Gusto mo ba'ng maitampok dito sa damuhan? Mag-email lamang kasama ang inyong blog URL sa bloggeradmin [at] damuhan [dot] com

gusto ko yung idol nia sa blogging, si professionall heckler! husay.
ReplyDeleteNatawa ako sa kasibahan niya. Hehehe
ReplyDeleteSa totoo lang - AS IN SA TOTOO LANG
ReplyDeleteito lang ang featured blogger mo na binasa ko ng buo (bukod ung sakin) sorry dun sa iba.
Wala lang, natuwa akong basahin.
Ang dami kong tuwa - mga isa't kalahati.
Sa totoo lang, gusto ko rin itry magresign
lels
Hehe, naaliw ako sa pagbabasa. :)
ReplyDeleteHobby ang job interview at pagreresign? hanep.. Natawa ako sa pinaniniwalaang kasabihan.. hehe, parang gusto ko ding mag-agree. lol. :p
Hmm, kakainis nga naman yung mahilig kumopya, sakin din, disabled and right-click/copy.. :)
Great answers, Panjo. :) Nice to meet you (dito sa Damuhan). Cheers!
isa sa mga hinahangaan ko sa pagsusulat ng kwento. Kahit anong kwento pa yan, parang sisiw na sisiw lang sa kanya. :)
ReplyDeletekahit di pa ulit ako nakakabisita sa bahay mo ser, magrerequest na rin ako ng UPDATE! UPDATE! LOL
Ang galing ng payo niya sa mga bloggers. :) I'll follow him na. :)
ReplyDeleteHindi na siya hot seat? Hahaha. Interesting. Kaya babye kuya bino, makatalun sa natuyong tinta. Hahaha. Nice meeting you sir.
ReplyDeleteito lang masasabi ko sa kanya.
ReplyDeletehe's a bad typist.
he's not a prolific blogger.
not a well-know writer.
but the man behind each story is a genius!
tindi ng pinaghuhugutan!
sang ayon ako sa sinabe ni empi at nagustuhan ko rin ang kasabihan nya.... galing
ReplyDeleteidol ko yan si sir panjo...
ReplyDeletehindi pa man ako nagbablog eh malimit na ko magbasa ng mga likha nya..
:)
havey!
ReplyDeletedi pwede magtanong sa kanya?
"walang silbi ng dami ng kaibigan kung di naman mautangan."
ReplyDeletenakakatawa ang quote! hahaha....
gusto ko ang lahat ng sagot nya... simple pero direct to the point! :)
ang kulit.... masipag tamarin whahahah..
ReplyDeleteang kulit ng sense of humor ba hehehe :D
ayun oh...nice meeting you po!
ReplyDelete@khantotantra
ReplyDeletepaano ba bigkas ng username mo? ahaha
astig talaga si loi.
@empi
gawa gawa ko lang yan..hehe
@zyra
ay salamat.
ako naman nabitin sa tanong..haha
wag ka magresign magkakacancer ka sa bulsa
@leah
hi leah. wag ka masyadong padala sa nga sinasabi ko..
bad influence ako..
@ madz
ikaw lang yata kilala ko sa mga nagcomment..hehe
may mental block nga ngayon ang daliri ko kaya di makaupdate.hehe
@leo
chamba lang yun.. wala kagaling galing..
@yow
ano bang pagkakaiba ko sa hot seat? haha
napansin ko nga dapat tuyong tinta ng bolpen un..
@rowena
halatang obyus pala.
kahit dito dami ko na naman mali type.
@istambay
wow!
di ko alam yun a.. 2 kasi nagcocoment sa blog ko minsan wala pa.hehe kaya wala akong kilala
@jonas
text tanong to 2366
dapat nag iwan ka ng tanong para nasagot ko agad.
@ aj banda
simpleng harot!
@AXL
haba naman ng username mo..haha
tinamad agad akong itype.
@iya_kin
ay gay un? nice meeting you din.. san ba tayo nagmit di ata tayo nagkita :))
bino! salamat.. sa wakas may nakausap na akong mga tao..hehe
dikopa sya nameet.so ang masasabi ko lang.sana mameet ko na sya finally sa PEBA awards night or perhaps sa Saranggola Blog Awards?:D
ReplyDeletepumasok ba comment ko? diko makita. what I said was----diko pa nami-meet si Panjo--hopefully sa PEBA awards night this year or SBA perhaps?:D
ReplyDeleteala eh kabayan pala! :))) gusto ko ung tanong na pinakamagandang karanasan sa daigdig ng blogging.. at mas gusto ko ung sagot.. kaharutan. lols.
ReplyDeleteNice to know know @Panjo,
ReplyDeleteyou're very nice person.
saludo ako sa mga sagot mo,
ang galing naman talagang nasa puso mo ang yung pagkagawa.
Imbakan ng mga ordinaryo’t kakaibang kwento ng mga ordinaryong tao.
ReplyDeleteBilib talaga ako sa iyo sir.. ang bilis mong makap-isip ng mga bagay bagay