Pangalan/Alias: Richard Yvan Gotera / “Kikomaxxx”
Blog Name at URL: Kaepalan ni Kiko / http://blackinkkiko.blogspot.com/
Lokasyon: Panabo City, Davao del Norte
Edad: 22 years old
Civil Status: Single at naghahanap
Bino: Tell me something about yourself.
Ako po ay isang simpleng tao lamang na may simpleng pangarap sa buhay tulad ng pagpapasaya sa mga kaibigan… Class clown, bulol at bugoy… Mababaw lang po ang kaligayahan ko at madali lang po akong patawanin… Mahilig ako sa mga teddy bears at mga huggable stuff… Napakahilig kong magpasaya ng tao at did aw ako nauubusan ng energy in short bibo daw ako… Mahilig din ako sa mga bata at mahilig din sila sa akin siguro dahil tingin nila isa akong dambuhalang teddy bear kaya dikit sila ng dikit… Mahilig din ako sa mga word art at pangungutingkay ng mga web design… Idol ko si BATMAN… Uto-Uto
Bino: Kelan at paano ka nagsimulang magblog?
2008 bilang isang pasahan ng mga assignments lang ang silbi noon ng blog ko… Pero nung nakita ko yung kapatid kong nagboblog eh nainggit ako sa kanya gusto ko na ding magblog… mas nauna kasi siyang magblog sa akin at ingitero kasi ako… kaya imbes na pang-assignment lang yung sa blog ko eh gumawa pa ako ng isang blog pang-one liner na mga kasabihan…
Bino: Bakit mo naisipang pasukin ang mundo ng blogging?
Bata pa lang ako nagtatae na utak ko sa mga kwentong out of this world… kaya gusto ko lang talagang magkwento wala namang gustong makinig sa akin kasi daw di nila maintindihan… sa totoo lang di ako mahusay magpaliwanag kaya minsan dinadaan ko nalang sa pagsusulat at doon lang nila naiintindahan.. hahaha pati utak ko kasi bulol… hahaha… Pero ang totoo nun mahilig talaga akong magbasa ng mga buhay-buhay gusto ko kasi palaging may alam para di naman ako maubusan ng kwento.. ahahaha.. in short modern day tsismoso…
Bino: Kaunting kaalaman kung paano nagsimula ang iyong blog.
Dinadaan ko sa isang kwento ang mga experience ko sa naunsyaming pag-ibig pero gumagamit ako ng ibang pangalan at ibang situation para naman di halata.. pero the thought is there parin… ganun sana ang gusto kong mangyari noon sa blog ko nung nagsisimula pa ako.. pero naging boring kaya ginawa ko nalang sumbungan ng mga reklamo ko total pagkakaalam ko wala naman atang taong mapadpad at magbabasa nito.. pero hahaha kalaunan dumami na ata ang osyosiro.. hahaha.. kaya lumabas pagkaepal ko…
Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag
Dapat sino-sino ito eh dami kasi nila ienumerate ko para sa inyo
Glentot – kasi bilib ako sa pagkapilyo niya na to the point naging isang malaking joke nalang kung babasahin mo mga kasinungalingan niya… heheh joke lang andoy pero thumbs up ako sa mga gawa mo…
Ser Mots – Magaling magdrawing at natutuwa din ako kung paano bumirit ng punch lines mga estudyante niya
Goyo/Super Balentong/kikilabots/Pablong Pabling – kahit kasi ang tataas ng mga gawa nila di ko mapigilang tumawa… at parang ilan lang din sila sa di ko siniskip read.. hehehe
IShelove – ang cute niya kasi… hahahaha…
Sean/Desole – kasi ang galing nilang gumawa ng self realizations na mga post… nakakakuha ako ng ibang pananaw sa buhay…
Torpeblues
Bino: Kung may hinahangaan kang blogero, mayroon ka ba namang kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
Wala naman akong kinaiinisan kahit nga dun sa mga haters ko na mga anon wala akong pakialam… you can’t please everyone kasi kaya bahala sila dyan… ok pa nga yun eh kasi kapag may haters ka ibig sabihin sikat ka na talaga… ahahha…
Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Yung manalo sa mga pacontest tulad dun sa tshirt at dun sa kalsada award… tas magkaroon ng blogger friends na di mo lang friends idol mo din kasi sila kaya parang napakaheaven.. ahahaha… sa mga meet-ups din isa pa nga lang na meet ko yung si JD ng Xprosaic.. libre niya halo-halo hahaha
Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Yung magkaroon ng di magandang pagkakaunawaan sa mga comment ko.. ewan minsan kasi epal lang talaga ako di ko alam may nasasaktan na pala sa mga comment ko.. ang ginagawa ko naman kong meron eh pinupuno ng sorry letters yung email nila.. hehehe… hanggang sa patawarin ako.. hehhee… at mapagiwanan sa isang EB hehhe dinibdib ko talaga yun.. pero ok lang kasi may susunod pa namang mga ganoong pagkakataon hanggang sa mayroong blogger may EB…
Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka na magblog? ipaliwanag.
Oo nung minsang naubusan talaga ako ng topic at tsaka naging champorado na ang utak ko.. yun yung mga panahong nagdepres-depresan kuno dahil wala pa akong lovelife.. pero duh I got over na.. hahaha
Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Naging open minded ako sa maraming bagay… tulad ng may mga taong iba talaga pananaw sa buhay at kailangan silang irespeto, tanggapin yung mga negative feedbacks kasi gusto nilang maisaayus ang pagsusulat mo.. tas may mga taong kahit anong gawin mo ay di talaga magbabago.. sabi ko nga you can’t please everyone…
Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gustong gumawa ng blog?
Huwag silang matakot magexplore… walang magandang maidudulot ang manyana habit kaya kung merong biglang flash na screen ng topic ang utak ilagay kaagad para di mawala… huwag matakot na magkamali…
Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa ibang lahi?
Mas madali kong naiintindihan yung mga pinoy bloggers kahit ingles pa mga post nila kesa dun sa mga ibang lahi… pero kahit ganun eh matoto parin sanang di magcompare para walang matatawag na racist.. hahahaha
Bino: I-describe ang iyong blog gamit ang sampung salita lamang.
Nakakatuwa dahil masyadong corny eh puro kaemohan naman ang laman
Bino: Kung meron ka’ng gusto’ng pasalamatan, eto na ang iyong pagkakataon:
Nagpapasalamat ako sa mga readers at followers ko pati na din sa mga anon na tumatangkilik sa mga gawa kong nonsense kung minsan… nagpapasalamat din ako a kapatid ko kasi kung di dahil sa kanya di ako naingit na gumawa ng blog… salamat din sa bestfriend ko kung di din sa kanya di din maging emo ang pagkakasulat ko sa mga tula at short stories ko… nagpapasalamat din ako sa mga naging kaibigan ko sa blogworld kasi kung di din dahil sa inyo di din ako maiinggit na gumawa kaagad ng post… hahaha,.. sige ingitin niyo pa ako.. hahaha


Naks! nagsimula sa inggit inggitan ngayon ikaw na kinaiinggitan...hehehe
ReplyDeletedami mo nang na-feature ah.ilan na lahat? :D
ReplyDeleteSige, mainggit ka! hahaha!! joke. Peace, Kiko. :D
ReplyDeleteHehe.. dinibdib talaga ni Kiko yung Davao EB oh. Hayaan mo, babalik ako ng Davao next year, siguraduhin mo na.. naka full-charged yung cp mo, at naka file ka ng leave sa work. hehe.. para walang hassle. :p
:D
Salamat kay Bossing Batman sa mention sa blog ko, hehe. Idol din kita kaya nga 'bossing,' di ba? Sana magkita rin tayo in person. Promise 'di kita iiwan. Haha. Uyy joke lang yun ah.
ReplyDelete.
.
You are a great blogger, by the way!
-DB
congrats ke batman sa pagfeature nya dito...
ReplyDeletenatawa ako dun sa modern chismoso... hehehe...
ganon din ako eh.....
hahaha thanks chong :)
ReplyDeletewow sayang walang questions from the bloggers, isa pa naman ito sa pinakafavorite kong blogger. :)
ReplyDeleteang galing nito!! :) keep it up! go batman go!
ganun talga. sa umpisa ng pagboblog curious ka lang. then pag naumpisahan mo na. yun na yun! hahaha..
ReplyDeletehello kikomax!
This is it...i got this feeling...malapit na!
ReplyDeleteModern chismoso parang gusto ko ang katawagang yan.
ReplyDeleteayun oh si tukayo, balik ako mamaya.
ReplyDeletenagkita d i mo ni XP? abi ba nkog inactive na xa sa blogging? hehehe...
ReplyDeleteSorry, that was for KIKKO hehehe...
ReplyDeletewow.. si Kiko... original gangster... eh este.. blogger... ehehehhe
ReplyDeleteAkala ko zhuzyal iyong pangalan niya, Richard VAN gotera. LOL. :D
ReplyDeleteNickname niya lang ba iyong Kiko? :D
Ayos! Nafeature na din si kikomaxx! May napapala din pala ang pagka-inggitero kung minsan, kaya eto sumikat ka sa damuhan. Congrats!
ReplyDeletegrabe todo effort na sa pag iinterview ng mga bloggers! kailan kya ako mafefeature? lol.. pero wag muna.. parang walang laman blog ko.. lol..
ReplyDeletekuya bino? kailan tayo magtatagpo sa wcc..?
pero mapunta tayo kay kiko.. lol... hahahah mukha naman mabait na tao si kiko.. hahahaha at super nakakatawa.. nung una talaga ako napadaan sa blog niya super walang humpay tawa ko.. hanggang ngayon naman.. ang loko kase.. hahahah
parang nakarelate ako dun sa hindi magandang karanasan... hahahahahahahah...
:) :) :)
ayun oh si kiko!!! bulol ka..ako sobrang bilis magsalita in-short maligalig kaya di din madalas naiintindihan sinasabi ko! wahahah
ReplyDeleteAhahahahahah at talagang nakainsert pa ang pagkikita namin ni Kikomaxxx o ha! LOL...
ReplyDelete@Jag: UU nagkita na kami ni kiko long time ago... katong wa pa ko nihiatus... ahahahahaha
panalo to pareng kiko.. Nakakatuwa dahil masyadong corny eh puro kaemohan naman ang laman
ReplyDelete