Pangalan/Alias: Rico De Buco
Blog Name at URL: http://bucosalad.blogspot.com/, http://nomoreturningback6611.blogspot.com, http://photo-ng-ina-mo.blogspot.com/
Lokasyon: Dati NCR ngayon Ilocos Region
Edad: supah hot na twenty six (lols)
Civil Status: Single at Taken
Bino: Tell me something about yourself.
Parang interview lang sa pag-aaplay ah hehe. Ganito , dalawang word. Dreamer at Malalim. Ako iyong taong mahilig mangarap. Pero syempre hindi lang basta nangangarap , may ginagawa ding way para matupad iyon. Madami akong gustong gawin at kahit hirap pinipilit kong magawa iyong mga bagay na iyon. Pangalawang Word, Malalim. Pansin naman siguro iyon sa mga pinagsusulat ko sa blog ko pero hindi naman ako ganun kaseryoso sa personal.. Lalo na sa mga nakakakilala sakin, mahilig akong tumawa. Ibang iba si Rico sa Rico na nababasa ninyo sa blog.
Bino: Kelan at paano ka nagsimulang magblog?
Ganito kasi iyon, nakahiligan ko na kasi magsulat sulat ng hayskul ako so natigil iyon nung tumungtong ako ng college biglang sulpot si hs friend na kasama ko sa org dati. Ang tukmol, may blog na, enengganyo niya akong gumawa din ng blog so ayon ang ending gumawa ako ng blog at nawelcome ako sa blogging.
Bino: Bakit mo naisipang pasukin ang mundo ng blogging?
wala lang magaling kasing magconvince ung tukmol na un. Saka naisip ko, bakit hindi ko uli subukang mgsulat kaya ayon nag go na ako hehe.
Bino: Kaunting kaalaman kung paano nagsimula ang iyong blog.
Denelete ko iyong pinakauna kong blog. Sa i.ph pa iyon, nagsumbong kasi iyong isang tita ko sa nanay ko. Nabasa kasi niya na may sinusulat ako tungkol sa buhay namin feeling kasi ni ermats naeeskandalo siya kaya ayon pinagalitan ako. Ako binunton ko sa blog ko iyong inis ko denelete ko siya.
After ilang months gumawa ako uli ng bago http://ninjacreatesbloggy.i.ph, kinombinsi ako ni Kokey Monster na magblog sa wordpress o bulagspot. Andaming cheche bureche sa wordpress kaya sa blogger ako gumawa at kaboom it became http://bucosalad.blogspot.com
Pansin mo andami ko blog noh? Hahaha magulo kasi ako pabago bago isip kaya ganun kung minsan mood swings din kaya nanganganak ang blog ko hahaha.. iyong http://nomoreturningback6611.blogspot.com naman tungkol sa pagbabalik loob ko at iyong huli ung vignettes, nabuo kasi biglang nagkaroon ako ng interes sa photography.
Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag
Madami. Maraming magaling magsulat sa blogging pero wala akong babanggitin pa. Baka kasi lumaki ang ulo, tendency kasi noon pag malaman mong may umiidolo sa iyo nagpapaimpress ka hindi na natural ang magiging dating ng pagsusulat mo. Hindi na hinog kundi hilaw ang kalalabasan.
Bino: Kung may hinahangaan kang blogero, mayroon ka ba namang kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
Madami rin. Natural naman iyon hindi naman tayo ipinanganak na magkakapareho ang ugali kaya malamang at sa malamang malaki ang porsiyento na magkakagasgasan tayo. Pero malaki ang mundo ng blogging, kaya respetuhan lang ang tratuhan, walang pakialamanan.Walang basagan ng trip kumbaga.
Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Self expression. Malayang pagpapahayag lalo na kung anonymous ka. Mas matapang mas bold mas daring ka kasi andun iyong thought na hindi ka kilala.
Pangalawa, networks. Madami ka makikilala, iyong iba magiging kaibigan mo talaga. Iyong iba, so so lang.. iyong iba magkakagamitan kayo..in general iyon.
Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Haters? Marami ako nun pero natural iyon tulad ng sabi ko kanina. Hindi lahat kasi ng tao makakaintindi sa iyo at hindi lahat ng tao maiintindihan mo.
Ayon kay Rico: Ang hindi magandang karanasan ay ang magkaroon siya ng poser. Kinuha ang kanyang mga larawan, gumawa ng Facebook account gamit ang pangalang Marlon.
Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka na magblog? ipaliwanag.
Tinatanong pa ba ito. Hindi ba obvious? Iyong mga blog ko naaagnas na hehehe. Madaming beses na ko tinamad, di ko na nga mabilang eh. Minsan trip ko lang talagang wag magsulat. Minsan, wala ka talaga masulat. Kung gusto mo kasi ng sense at lalim na craft , walang oras yan.kusa kasi iyan na dumarating. Pag pinipilit mo kasi magsulat pero di mo talaga feel, iyong output mo hindi ganung kaganda ang kalalabasan.
Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Madami! may mga followers ako sa twitter at blog hahaha. Dumami mga connections ko at kaibigan. Alam mo iyong possible palang makilala ng mas malalim iyong taong dati ay nasa likod lang ng mga alyas at mga blog nila. Ang cool di ba.
Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gustong gumawa ng blog?
Humayo kayo’t magpakarami haha. Go lang ng go sabi nga ni toni G. Give it to me! Galingan lang nila sa pagsusulat, magandang craft ito.
Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa ibang lahi?
Hindi ko alam talaga eh. Kasi honestly, di ako nagbabasa ng blog ng ibang lahi. Basta ang alam ko ang mga Pinoy may puso kung sumulat. Hindi lang puro kaperahan lang.
Bino: I-describe ang iyong blog gamit ang sampung salita lamang.
Bahala na kayong mag-describe ng blog ko, go go go!
Bino: Kung meron ka’ng gusto’ng pasalamatan, eto na ang iyong pagkakataon:
Salamat kay Papa Jesuzz siyempre, sa lahat ng ginagawa niya sa buhay ko at gagawin pa. Pangalawa sayo, dahil nafeature ako dito kahit alam kong pinilit lang kita hahaha lolz at pangatlo sa mga taong sumuporta, nakilala ko,naging frenly frens, frenly enemies, mga ka twitter, ka facebook at ka google + ,sa mga nagfolllow sa blog ko sa mga nagtiyaga sa pagbabasa sa blog ko kahit minsan lang ako maghop sa kuta nila,sa iba pang nilalang na di ko nabanggit…..
Hi fans, I love you all..mwah mwah mwah hehehe


honga, parang aplikante sa opis si rico sa larawan. hahahaha.
ReplyDeletesi rico ang taong recently ay may poser. ikaw na rico. :D
Ang siryus.
ReplyDeleteHeeehee kaw ba si siryus blak? hehehe
Dami blog, kaya nagkakaposer eh
Ahahahahaha at daming di nakagetover sa pagkakaroon ni rico ng poser.... LOL... Siya na talaga! hahahaha
ReplyDeleteAng daming blog site. Active ba lahat yan?
ReplyDeleteAmpuge talaga ni Rico oh.. hehe..
ReplyDeleteNagkita kami nito nung February, 1st impression ko sa kanya, "malalim".. Very deep. Seryoso. Tapos, nagkita ulit 2nd time, ayun.. medyo nag-iba. Kalog din pala si Rico.. Pala smile. Palatawa. hehe..
Ay, nakita ko nga din yung poser mo sa Facebook, Rico. At talagang kinuha yung gwapo mong picture. kapal nya ha. lol..
Back for good na ba ito? Sana naman.. Pag-pray natin ke Lord na magtuloy-tuloy na ang pagiging visible ni Rico sa blogworld. :D
ayun oh, hahahaha. sikat talga si rico ang daming poser niyan.haha
ReplyDeletebro maraming salamatsa pagfeature mo sakin dito. hehehee
ReplyDeletengapla update ko kaya wala na iyong poser deleted na iyong account hehehe apir!
cute naman! hehe ^.^
ReplyDeleteSiya na ang may poser. :D
ReplyDeleteSi papa Rico J. BUCO....medyo kilala ko ang taong to...medyo lang, mga 5% lang naman..lol
ReplyDeletethe buko! ^^ hehe bat ngayon lang ata to nafeature dito? hehehe atleast nafeature pa din! ^^
ReplyDeletesa wakas na tampok din si Rico buco dito.. hehehe.. matagal tagal na din wala akong balita sa taong to.. atsaka ang formal ng pangalawang pektyur hehehe.. mukhang pang pasport hehehe
ReplyDeleteIkaw na ang may poser Nong Rico. Anyways, ok lang yan ah, we knew who's the real Rico naman. =) Stay happy!
ReplyDeletewhahaha.... talagang super seryoso yung mga sagot pero panalo...
ReplyDeletethe dreamer and malalim...
alam ko namang sikat ka rico bukow!!! you na!! kailan kaya ako mafefeauture..? baka hindi na.. dahil narcisitic naman ako... hehehehe i-feature ko kaya sarili ko.. lol.
ReplyDeletehahaha ang hanep na buko na may poser.. hahaha.. idol...
ReplyDeletelate na ba ako?!! lol si rico oh!!!! nice meeting you rico!
ReplyDeleteahhh.
ReplyDeletesya pala si Rico.
Poging pogi ahhh
hehe
Ngayon ko lang nabasa 'toh ah. Astig! Anlakas non may poser! Hahaha! APIR!
ReplyDeletenaalala ko yung kwento ng sinumbong sya ng tita nya hahaha. nalintikan sa erpats si pareng rico. miss na kita pareng rico...tambay ulit tayo minsan!
ReplyDelete