“Andyan na po ‘nay. Pababa na po ako.” Sagot ni Leah.
Tiningan niya ang relo. Pasado alas-siyete na ng umaga. Alas-otso ang kanyang interview sa isang toy company sa Lungsod ng Makati. Trenta minutos ang byahe mula sa kanilang lugar. May oras pa siya pero ayaw niya ito’ng sayangin. Suot ang kulay rosas na blouse at black na slacks, mabilis siyang bumaba ng kanyang kwarto. Hinayaan na lang niyang nakalugay ang kanyang buhok.
“Alis na po ako ‘nay, tay.” Aniya sabay mano sa kanyang ama at halik sa pisngi sa kanyang ina.
“Hindi ka ba muna mag-aalmusal o magkakape man lang?” tanong ni Mang Edgardo, ang kanyang ama.
“Hindi na po ‘tay at pahirapan po ang pagsakay sa MRT.” Aniya.
“Ate, good luck ha! Galingan mo. Alam ko’ng kaya mo yan” tawag-pansin ng kanyang bunso’ng kapatid na si Noel, piton’g taon’g gulang.
“Oo naman, ako pa! Basta ako’ng bahala sa iyo pag nagkaroon na ng work si Ate.” Sabay gulo sa buhok ng kaniyang kapatid. “O siya, lakad na ko.” At nagmamadali siyang lumabas ng gate ng kanilang munting tahanan.
“Ingat anak!” pahabol ng ina.
“Where the hell are you Albert? Kanina pa nag-aantay ang mga clients natin!” basag ng boses ng ama ni Albert ng sagutin niya ang kanyang cellphone. Kasalukuyan niyang binabagtas ang daan papunta sa kanilang kumpanya. Kung bakit ba naman kasi uminom pa siya kagabi kaya medyo late na siyang nagising.
“I’m on my way Dad. I just had an errand. I’ll be there in ten minutes.”
“Well better make sure or else I’ll tell Raymond na asikasuhin to habang wala ka pa.”
“No Dad! I’ll be there on time. I promise.”
“Just do it son!”
Pinatayan na siya ng kanyang ama ng telepono.
Buon’g diin niyang tinapakan ang silinyador ng kanyang kotse kaya halos bumulusok siya sa sobrang bilis ng pagmamaneho. Dahil dito’y muntik na niyang di mapansin ang isang babaen’g di alam kung tatawid ba o hindi. Sakto’ng patawid na ito at hindi siya napapansin kahit ano’ng lakas ng busina ang kanyang gawin.
“Ayyyyyyy” sigaw ng babae. Nabitawan nito ang dalang envelope na naglalaman ng mga importanteng dokumento.
Mabuti na lamang at mabilis ang kanyang reflexes at nakapagpreno siya. This girl doesn’t know kung paano tumawid. Paano kung nasagasaan niya to?
“Hoy!!! Anu ka ba? Muntik mo na ko’g mapatay ah!” sigaw ni Leah kay Albert.
“What the hell do you think you’re doing? Ikaw ito’ng hindi tumitingin sa dinadaanan mo. At ilang beses ako’ng bumusina pero parang ikaw to’ng walang naririnig!” singhal naman ni Albert kay Leah.
“You know what, just get your things and get out of the street. I’ll be late sa meeting ko!” sabi nito sabay sakay sa kanyang sasakyan.
Agad namang pinulot ni Leah ang kanyang envelope at tumabi sa daan. Kasabay nito’y ang pagharurot ng kotse ni Albert. Hinabol niya ito ng tingin.
“Gwapo ka sana, ang yabang mo lang!” sabi ni Leah sa sarili.
“Dad I’m sorry I’m late” ito kagad ang una niyang nasabi ng pumasok sa opisina ng ama. ”May nangyari kasi on my way here and—“
“I don’t need your explanation Albert.” Putol ng kanyang ama. “Pinaubaya ko na muna kay Raymond ang presentation sa clients.”
“But dad, I’m-“
“I’m so disappointed with you son. Pag ganyan ka ng ganyan, paano papasa sa mga clients ang design ng toys mo?” sermon nito sa kanya.
“You were always saying na it was your dream to make new toys for the kids, I thought magiging responsableng tao ka at may paninindigan sa mga pangarap mo. Looks like nagkamali ako.”
“Dad give me another chance, papatunayan ko sa yo na karapat-dapat ang mga designs ng team ko.” Samo niya sa ama.
“Oh well, last chance Albert. I’ll give you a month para gumawa ka ng presentation mo at mga designs ng bago’ng laruan. After that and you still fail, I’m sorry pero mapipilitan ako’ng ibigay ang whole project sa pinsan mo.”
“I promise dad. I won’t disappoint you this time.”
“We’ll see Albert. By the way, you’ll be conducting an interview with one applicant today. She’s applying as a graphic artist. And if she pass, malaking tulong siya sa project mo. Go and see her. She’s waiting sa office ko.” Utos ng ama niya.
“Yes dad.”
“What are you doing here?” tanong ni Albert sa babaen’g kanina pa nag-aantay sa opisina ng ama.
“Ikaw? Ikaw ang mag-iinterview?” di rin makapaniwala si Leah. Ang lalakin’g kanyang nakasagutan ay siya palang magiging boss niya sakaling matanggap siya. Na malabong mangyari sa loob-loob niya after that incident.
“So you’re the applicant my father was telling me about.”
“Ye-yes sir. Leah Sayomac po. Please to meet you si-sir.” Nauutal na sabi ni Leah. Hiyang hiya siya sa mga nangyari kanina.
“Have a seat Ms. Sayomac.” Wika ni Albert. Ang anumang nangyaring di maganda kani-kanina lang ay hindi niya pinersonal. He’s a professional.
Ilang minutong tanungan ang naganap. Looks like impress si Albert kay Leah. Alam nito ang trabahong gusto nito’ng mapasukan. Confident sa pagsagot bagamat may konting kaba’ng naglalaro sa dibdib nito. Hanggang sa dumako sila sa isang tanong.
“As you can see, this is a toy company, bigyan mo ko ng isang laruan na maihahalintulad o sumisimbolo sa sarili mo.” Tanong ni Albert.
“Sa isang katulad ko na lumaki sa probinsya, hindi ko naranasan na magkaroon ng mga mamahaling laruan noon'g bata ako. Di tulad ng iba na nakapaglaro ng brick game, o family computer, nakuntento na ko sa paglalaro ng mga inukit na plato galing sa lumang kahoy, jumping rope gamit ang lumang lubid na ginamit sa aming alagang kalabaw, at tansing gamit ang mga tansan ng bote ng patis at sopdrinks bilang pamato. Pero masasabi ko'ng naging masaya ang aking kabataan. Sa inyong tanong, maikukumpara ko ang aking sarili sa isang yoyo. Ang pagbaba at pagtaas nito ay sumisimbolo sa buhay ko ngayon, minsan nasa itaas, minsan nasa ilalim. Ang may hawak ang siyang nagpapasya ng magiging kahihinatnan ng yoyo, kung mananatili ba ito sa baba o muling aakyat. Sa aking buhay, Diyos ang may hawak nito. At ang bawat pagbaba at pagtaas ko’y nakasalalay din sa Kanya. Maaaring may mga pagsubok Siyang ibinibigay, pero anu't-anuman ang mangyari, patuloy pa rin Niya ako'ng inaakay pataas.”
“Well said Ms. Sayomac. You are hired!” wika ni Albert sa kanya. “You can start on Monday. Be in my office at 8am sharp.”
“Talaga sir? Thank you po. Thank you!!” sa tuwa’y nayapos niya si Albert.
“Ay sorry po sir.”
“Albert. Just call me Albert.”
Itutuloy...
wahehehehe.... kapangalan ni leah.... :p
ReplyDeleteTrue to Life na kwento ni Leah 'to? Kaabang abang!
ReplyDeletesi ate leah pala ang bida...
ReplyDeletemaganda ito sir bino.. aabangan ko ang kasunod..
magandang araw po :)
Weehhh... si ate leah ang bida. Bilis naman na-hired. Abangan ang susunod.. maging magsyota kaya sila? o maging magkaaway? hmmm.
ReplyDeleteNaaaaks!! haha.. story ko to? lol.. hihi, kinilig naman ako. Feel ko maiinlab sakin si Albert. Bwahahahaha!!!
ReplyDeleteAy, wow. Kakaimpress naman si Albert sa pagpili ng aplikante. May nangyaring hindi maganda pero hindi yun nakaimplwensya sa naging desisyon nya. Clap! clap!!
Naks, good answer yung yoyo. Ang smart ko talaga anoh? hahaha!!
"Albert. Just call me Albert."
Eee! hihi.. Ano ang kasunod?
ate leah, hindi maiinlab sau si Albert. abangan mo sa next episode dahil makikilala nya na si Dylan.. hahahahaha!
ReplyDeletesilang dalawa ang magkakatuluyan. Bromance! :))
baka si Leah nga yan... ^^ aaabangan ang part 2!
ReplyDeletewow, parang 'yung mga nabibiling dear heart pocket book romances lang! i-market mo na 'yan pre; tas painom ka pag malaki na sales. hehe.
ReplyDeletemukhang alam ko na ang susunod at napayapos pa talaga si leah. Galing mo Bino.
ReplyDeletelol sa comment ni sob...
ReplyDeletesundan na agad ito bino...:)
-jay
hahaha nakakaflatter to.. hahaha
ReplyDeleteLeab sayamoc sounds familiar ah!hmmmm.... Wahahaha you're hired bigtym!
ReplyDelete