Videoke. Isang makina na punung-puno ng libu-libong mga kanta. Kadalasan, malaking aparato ito na may mga numbers at sa ibabaw naman ay isang malaking tv. Matt Monro, Justin Timberlake, The Platters, Madonna man o Frank Sinatra, name it, the videoke machine has it. Lahat na yata halos ng mga uri ng kanta ay nasa videoke machine na. Ito ang karaniwang pampalipas oras ng mga pinoy. May okasyon man o wala, tila hindi magiging kumpleto ang buhay ng mga Pilipino hanggat di nakakahawak ng mikropono para kumanta. May magandang tinig man o sintunado, carry lang yan! Walang pakialaman pagdating sa libangan ng bayan.
Karaoke. ang older version ng videoke. Madalas ako'ng makakita ng karaoke tuwing sasapit ang kapaskuhan. May mga nangangaroling kasi na may dalang isang pahaba at itim na kahon na mayroong cassette tape. Pagkapindot ng play button ay uumpisahan na nilang kumanta ng "bati nami'y merry christmas at bagong taong sagana..".
Mp3 player. may 125mb, 256mb 512mb 1 gig at 2gigs. Isang maliit na aparato na pwedeng lagyan ng iba't ibang uri ng kanta depende sa laki ng memorya ng nasabing device.
Mp4 player. Mas hightech sa mp3 player dahil pwedeng installan ng mga music videos ng paborito mo'ng artists. Mas mahal ng konti sa mp3 player. Problema lang sa mga ganitong aparato, di tumatagal ang baterya.
Ipod - may shuffle, nano, video at touch. Depende sa modelo, mas mahal ang presyo. Mas tumatagal ang battery life. Mas maraming kanta at bidyo ang pwedeng maistore kasama na ang ebooks at photos.
Walkman - noong unang panahon na hindi pa uso ang mga cds at cassette tapes pa ang naghahari, ito ang "in". Kasing laki ng pocketbook at kadalasang may tatak ng sony. Lagyan lang ng cassette tape at patugtugin. May fm/am radio pa! High tech diba?
Discman - ang tumalo sa walkman. CD naman ang inilalagay para patugtugin. High tech ka pag pwedeng magpapatugtog ng mp3 formats ang discman mo at may antishock technology para hindi tumalon ang mga songs sakaling maalog mo ang aparato.
Turn Table - mas luma sa walkman. Usung uso noong kapanahunan pa ni Nora Aunor. Nilalagyan ng mga plaka (malaking CD na kulay itim) para patugtugin. Meron pa ko nito hanggang ngayon pero display na lang siya at di na tumutugtog.
At dito nagtatapos ang artikulong ito. Marami pa'ng hindi nailagay sa listahan. Hanggang sa muli mga kadamo.
sa listahan mo... wala akong ganun. hahaha. never ako nagka walkman, discman, ipod, mp3 player. ahuhuhhuh. 25 years off no personal music items
ReplyDeleteI love singing, meron akong videoke, kaso sira ngayon, hehehe! Yung MP3 player naman, meron din, kaso nasa cellphone! =)
ReplyDeletenaku, videoke. Hilig tlaga dyan ang tatay ko.. puro mga old songs, yung mga kanta ni Monro, Sinatra, etc.. Paulit-ulit lang naman. Kada may okasyon, yun lang kinakanta. Lols. Kaya siguro yung mga kantang natatndaan ko eh yung mga ganung kanta.. yung.. "Walk Away".. "The Great Pretender" ng The Platters.. yown. Lols.
ReplyDeleteDi ako nagkaroon ng MP3 player.. ayos nako sa trusted cellphone ko, pwede din kasi. hehe.. Ay!! may walkman ako dati!!! omegad.. amsowold na. Lels..
ha ha ha ... naka-relate naman me much... nagkaruon na kami dati ng turntable , discman , walkman ,karaoke , videoke at ngayon ay mp4 , Ipod na lang kulang he he ... mahilig talaga tayo sa music ... pati nga videoke sa mga malls pinapatos he he ..nice ...
ReplyDeleteVideoke talaga kahit saan yan... :)
ReplyDeletengayon ko lang nalaman na turn table pala tawag dun... akala ko gawaan ng pizza dati yun eh :p
ReplyDeleteMahilig ako sa bijoke. Wala sa listahan mo ang PS3 na naging alternatibo din dahil sa larong Rock Band (na nakahiligan din namin dati).
ReplyDeletemga 6 years ago ako nahilig sa discman. madalas ako pumunta sa haraj (friday night market) dito sa kuwait para maghanap ng 2nd hand. hehe... pero tanda ko pa, elem days ko minus one talaga ang trip ko, sa saliw ng musika ni jose mari chan. lol
ReplyDeleteMP3, DISCMAN AT WALKMAN ang nagamit ko sa at nakakatuwa lang na ang dami ng nag-evolve sa mga music gadget kahit nman cp merun ng ganito...
ReplyDeletevideoke's the best...ang saya i-partner sa inuman!
ReplyDeletewala me hilig sa musika. :D ano sakit ko?
ReplyDeleteparang topic lang namin to sa ESl ah. kala ko ESL book ito. TOPIC: constantly changing music media.hahaha
ReplyDeletehaha naabutan ko pa yang discman... mga grade 5 ata ako nun.. hahaha
ReplyDeleteold school yung walkman, pag di nag rewind kukuha ng lapis at alam mo na ang susunod...hehehe
ReplyDeletedati ang yabang ko na nung nagka-walkman ako e... sabi ko "yes mapapakinggan ko na westlife kahit saan!" hahahaha ... galit ako sa mga cd... feeling ko walang kwenta. hahaha!
ReplyDeletenice post bino... hahaha.. info blog na ba ito>?
ReplyDeleteGusto ko walkman, hanggang ngayon pramis. Di ko alam bkt, basta.
ReplyDeleteRegaluhan mo ko ganun kuya? Heee --- ung gumagana ha :) Lol
discman sikat na sikat naabutan ko! ^^ pag meron ka nun nako ikaw na ang bigaten haha!
ReplyDeletenakakatuwa lang isipin ngayon ang laki laki ng mga gadgets dati haha para lang mga tanga ang tao kung ngayon mo sila bibitbitan!
taragis!