November 16, 2011

Open Letter from Thor - Another Fan Mail!

Parang noo'ng isang araw lang, naikwento ko ang tungkol sa Facebook message na aking natanggap mula kay Vinox, isang reader ng Damuhan. Yun pa lang eh ang saya-saya ko na dahil bihira naman talaga ako'ng makatanggap ng fan mail. Pero laking gulat ko dahil kanina, may isa namang mensahe sa aking Facebook account ang aking natanggap! Kung literal na nakakataba ang mga sulat na ito, malamang lobong-lobo na ang puso ko dahil sa sobrang saya! Narito ang liham:




Ser Bino,

Isang magandang umaga!

Mag-iisang buwan palang akong nagbo-blog at laking pasalamat ko dahil napadpad ako sa blogsite mo. Iba ka kung maka-inspire, iba kung magbitaw ng linya, IBA KUNG MAGSULAT. Hindi ko naman talag hilig ang pagbabasa at pagsusualat eh pero dahil sa NAINGGIT ako sayo nakuha kong magbasa at papano magsulat kahit wala rito wala roon ang mga sinusulat ko.Isa pa, di rin ako mahilig i-follow ang mga blog ng iba kung walang sense mga pinopost nila. Pero ikaw? Para kang magnet, I am always glued in my PC reading your full of sense posts. I cant help myself but to read it may times. Swear. Nakakainggit kasi--- isa ka ngang makata.Gusto ko i-share sayo ang TOP 3 na pinakagusto ko sa mga artikulo/posts mo.

#1. http://www.damuhan.com/2011/05/dear-nanay.html
DEAR NANAY! THE BEST. Isa akong Mamas Boy, kaya yun nagustuhan ko, ramdam ko ang pagmamahal mo sa iyong ina, at ibang klase ang atake ng post mo na to. SUPER LIKE ko ito. Naluha ako kasi ayaw ko mawala sakin si Mama. Siya lang kasi nakakaintindi sa lahat ng mga kagaguhan ko.

#2. http://www.damuhan.com/2011/10/sakay-na.html
SAKAY NA! Isang napakagandang paghahambing at paghahalintulad. Tama ka ang buhay ay parang isang pampasaherong dyip, di mo kilala kong sinong sasakay, di mo alam kung sino ang sasama sayo hanggang sa huling byahe mo, di mo alam kung ilan ang kasama mo sa byahe ng iyong buhay, at kung kelan ka maglalakbay. SUPER LIKE ko din ito. Sa katunayan, gumawa rin ako ng parang ganito pero inihalintulad ko naman sa TSINELAS. lol haha. 

#3. http://www.damuhan.com/2011/02/akoy-muling-nagmamahal.html
AKOY MULING MAGMAMAHAL! Simple man maikli ang tula pero nakakaantig ng damdamin, ngayon pa handa na ulit ako masaktan at handa na ulit akong magmahal. Alam kong nasaktan ako ng sobra sa past relationship ko pero nung mabasa ko ito, napangiti nalang ako. Totoo pala yung sinabi ni Charlene Gonzales sa The Buzz na "GET LOVE AND BE HURT." Para eventually kung nakita mo na yung para talaga sayo eh alam mo gagawin mo kasi madami kanang pinagdaan ni. Salamat SER!


Masyado nang napahaba! Pasensya sana di ka mabagot sa pagbabasa nito. Hahaha perstaym ko maka-appreciate ng blog eh. hahaha kaya nilulubos ko na. Saka wag kang mag-alala, marami parin kaming magbabasa ng mga posts mo! Hanep ka kaya kung makabanat. Salamat SER! Kaya ngayon, na-inspire ako na kahit papano eh makapag-sulat ako kahit once o twice a week lang. LONG LIVE DAMUHAN. Keep inspiring us SER! Napaka O.A kung SER, KUYA nalang! Hahaha salamt uli Kuya Bino. God bless you and your nice craft.


Pagbati ng pasasalamat mula sa Dakbayan ng DABAW,

THOR of http://juniorninestorsenior.blogspot.com/
dated November 16, 2011, Wednesday 
4:27 AM Philippine Standard Time


Thor

Tunog superhero ang name mo hehehe. Lalo'ng tumaba na naman ang puso ko dahil sa liham mo. Nakakatuwa at ang saya talaga sa pakiramdam na malamang may mga naiinspire pala ako sa mga posts ko. Ang Dear Nanay ang pinakapaborito ko sa lahat ng naisulat ko dahil totoo naman at buo'ng pagmamalaki ko'ng sasabihin at hindi ako nahihiya na MAMA'S BOY ako. Hehehe. Natutuwa ako at isa ito sa nagustuhan mo. Sana'y wag ka'ng magsawang bumisita sa aking kuta. Maraming-maraming salamat :)

Bino




19 ang nakaappreciate:

  1. Ayun oh... :) BOW na BOW... keep it up kuya bino :)

    ReplyDelete
  2. sir bin0 you rock!!!


    gusto ko sana lagyan ng graphics na kamay na nkarock sign pero di ko alam kung pano..wahhaha..

    Isa kang inspirasyon samin. :)

    ReplyDelete
  3. #2. http://www.damuhan.com/2011/10/sakay-na.html

    eto yung isa sa gusto kong post mo..... :D

    pero syempre gusto ko din ang hot seat sessions... getting to know other bloggers :p

    ReplyDelete
  4. Naks! Isang fanmail ulet!! Ikaw na tlaga! kunyari, hindi ako naiinggit. Kelan kaya ako magkakaroon ng fan mail? hay. :p

    Sarap nga siguro ng feeling.. like maliban sa mga taong nagkokomnto sa posts mo, meron tlagang nage-effort para magpadala ng isang sulat.. aw, ang sweet... kaka-tats. :P

    Paborito ko rin yung Dear Nanay, tsaka yung Sakay Na.. Yung isa, parang hindi ko pa ata nababasa? Mapuntahan nga..

    Sabi ko nga sa older post mo.. It's you alreydi! Like, you na! Alreydi!! :p

    ReplyDelete
  5. wlang katulad ang kasikatan mo parekoy! keep it up!

    ReplyDelete
  6. wow.. second letter sender for the week... ang galing congrats po!

    ako rin may favorite posts nyo po, naisama ko pa nga yun sa top 10 greatest pinoy blog stories ko eh na nipost ko sa blog ko :p

    ASTIG! :)

    ReplyDelete
  7. parang gusto kong mag e-mail sayo, hate mail...LOL dahil inggit me..LOL

    ReplyDelete
  8. Naks naman! mei fan mail siya... Kungrats!....:D Happy for you!.. :D

    ReplyDelete
  9. Natawa ako sa comment ni akoni. haha!


    ikaw na ang celebrity blogger. astig! :D

    ReplyDelete
  10. Inggit din ako. Sige fan na rin ako. hard core

    ReplyDelete
  11. sa dear nanay talaga ako na inspire!

    ReplyDelete
  12. Walang anuman Kuya Bino :) Keep inspiring us. Hehehe

    ReplyDelete
  13. Wohooo.. ikaw na ang may fan mail.. Congrats to Damuha and to you Bino...

    ReplyDelete
  14. wow kakainggit.. namimiss ko kasikatan ko dati.. gagawa nga din ako ng ganito sa blog ko. may sumulat din kaya sakin? hoho

    ReplyDelete
  15. Nakakatuwa naman ang letter, todo appreciate. Naks.. Ikaw na talaga kuya. Ang peymous mo. Haha.

    ReplyDelete
  16. wow ikaw na talaga ang the man... may fan ka na o... hehhe pero kami din mga readers eh fan mo rin,..

    ReplyDelete
  17. ftw naman sa mga readers mo.umi-effort talaga at sumusulat pa sayo talaga.ikaw na me mga fanmails!!!mario?ikaw b yan?baka FANcon na sunod?:D

    ReplyDelete
  18. naks naman oh! siikkkat :) congrats bino

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS