November 21, 2011

Prinsesita - Josephine Aragon Part 6

 Para sa hindi nakasubaybay, narito ang mga naunang kabanata ng kwento:

  1. Prinsesita - Josephine  Aragon Part 1
  2. Prinsesita - Josephine Aragon Part 2 
  3. Prinsesita - Josephine Aragon Part 3
  4. Prinsesita - Josephine Aragon Part 4 
  5. Prinsesita - Josephine Aragon Part 5
Part 6:

"Magpapakasal tayo Josephine." wika ni Fernando, nakahiga sa tabi niya, nakatitig sa bubungang yero.

"Matutuwa naman siguro si tatay, gustung-gusto ka niya eh." Yumakap siya rito. She was seventeen, ngunit pakiramdam niya, milya-milya na ang layo niya sa mga kaklase at kaibigan.

"Gusto ko sana, may matatag ako'ng trabaho bago kita pakasalan, pero wala na ako'ng magagawa. Inakit mo ko." Humarap ito sa kanya at hinalikan ulit siya sa mga labi. "Sana lang," anito nang maghiwalay ang mga labi nila, hinaplos ang pisngi at itinaboy ang buhok na naligaw doon. "hindi ka magbago." Sana, hindi ka maaburido dahil hindi ko maipapangako na magiging magaan ang lahat. Ayoko man, alam ko'ng mahihirapan tayo, lalo ka na--"

"Sanay naman ako sa hirap, " sagot niya.

"Pero ayoko naman na habang buhay tayong mahirap. Gusto ko maibigay ko sa yo ang lahat. Ayokong matulad ka roon sa ibang babae na nag-asawa, nalosyang na at natuyot dahil sa hirap. Gusto ko, lagi kang maganda." He kissed her on the forehead.

"Tutulungan kita."

"Wag mo sana ako'ng kamuhian balang araw."

"Bakit naman ako magagalit sa yo?"

"Dahil hindi ak naghintay, dahil nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko, dahil nasira ko ang mga pangarap mo. Pero pangako, gagawin ko lahat para hindi mo pagsisihan ang araw na ito."

"Hindi ako magsisisi." Ngunit sa kabila ng kaligayahan niya, naroroon ang takot. Makakatapos pa ba siya ng pag-aaral? Paano kung magdalang-tao siya? She comforted herself by holding him.




Nang dumating si Mang Genaro, kabadong kabado sila ni Fernando . Kailangan nilang magtapat pero di pala ganun kadali yun. Gusto ng tatay niya na makatapos siya. Ano ang iisipin ito? Worse, baka magalit pa ito kay Fernando. Baka isipin pa nito'ng nag-ampon ito ng ulupong. Napagtanto niyang di dapat nagpadala sa kapusukan. Pero nangyari na ang lahat.

She was proud of him. She also loved him so much. Just thinking about how much she loved him made her want to cry.

Ngunit napansin niya na di lang sila ni Fernando ang tensiyunado, ganoon di si Mang Genaro. Tahimik lang ito ng dumating. Tila ayaw makipagusap. Hanggang nagsabi na lang na matutulog na ito at inutusan na rin siyang matulog. May pasok pa raw siya kinabukasan. It was odd, ngunit mas pinili na lamang niyang sundin ang ama. Hihintayin na lamang niya na tawagin siya ng kanyang tatay kapag nasabi na ni Fernando ang lahat. The only consolation is that ang bagay na alam niyang hinding-hindi siya pababayaan ni Fernando.

Dahil aburido, hindi siya dalawin ng antok. Nakailang posisyon siya sa kanyang higaan. Sinulyapan niya ang maliit na orasan. Mag-aalas dose pa lang ng hating-bagi. Gising pa si Fernando at kanyang tatay. Dinig niya ang usapan nito sa sala. Seryoso ang tono ng mga ito. Bumangon siya at nakiramdam.

"Mang Genaro, baka mapahamak kayo." tinig iyon ni Fernando.

"Para ito kay Josephine. Ayaw ko'ng makitang nahihirapan ang anak ko. Mahal na mahal ko siya at lahat ay gagawin ko para sa kanya."

Di na niya napigilan ang paglag-lag ng kanyang mga luha. Hindi siya nakatiis. Kailangan niyang malaman kung ano ang lihim ng kanyang itay. Nais din niyang sabihin na hindi naman siya nahihirapan, na masaya siya kahit mahirap lang sila.

Lumabas siya ng silid. Gayon na lang ang pagkamanghang rumehistro sa mukha ng tatay niya at ni Fernando. Ngunit mas nagimbal siya nang makita ang nakalatag sa banig, sa pagitan ni Mang Genaro at ni Fernando-- isang panyo na puno ng mga kumikinang na diamante.

"Tay.. Saan galing ang mga yan?" tanong niya.

Tumayo si Fernando at inakbayan siya.

"Maupo ka rito Josephine." wika naman ng tatay niya. "Dapat nga siguro'y di ko na nilihim sa yo ang tungkol dito."

Di maalis ang tingin niya sa mga diyamante. Gaano kalaking pera ang katumbas niyon?

"Nagkaroon ng engkwentro sa pier, mga smugglers at alagad ng batas. Naipit kami ni Javier.  Hindi kami makaalis sa pinagtataguan namin. Nang matapos ang putukan, nakita namin ang isang lalaki na may tama. Nilapitan namin. Bago siya binawian ng buhay, binigay niya sa akin ito."

"Delikado yan tay!"

"Ssshhh" saway sa kanya ni Fernando. Kinabig ang balikat niya.

"Tay, baka makulong kayo. isauli natin." umiiyak na siya.

"Hindi ko maaaring isoli to Josephine. Kanino ko to isasauli? Patay na ang nagbigay nito. Kaya nga ibinigay sa akin, ibig sabihin, atin na ito. Sa iyo. Giginhawa ka na anak. Hindi ka ba natutuwa?"

"Baka patayin kayo ng kasapangkat ng nagbigay sa inyo niyan. Mabuti ng mahirap tayo kaysa mawala ka. Alam n'yo naman yon eh." humagulgol na siya ng iyak.

"Kailangan mo to anak. Hindi habang-buhay ay naririto ako. Gusto ko'ng maiwan ka na maganda ang kinabukasan--:

"Hindi ka mawawala tatay!" pinukpok niya ng kamao ang banig. "Ayoko niyan!" Tukoy niya sa diamante. "Ayoko niyan!!!"


"Wala ka ng magagawa Josephine." Bumuntung-hininga si Mang Genaro. "Makinig kang mabuti. Hindi ito pwedeng makalabas ng bahay na ito. Wala kang pagsasabihan tungkol dito. Kung-- kung may mangyari sa kin, si Fernando ang bahala sa iyo. Paghahatian ninyo ang kayamanang ito."  Unawain mo anak, gusto ko'ng matiyak na magiging maganda ang buhay mo. Kung mali man ito, patawarin ako ng Diyos. Patawarin mo ako anak."

"Mahal na mahal ko kayo tatay." patuloy siya sa pag-iyak. Kahit alam niyang mali ang ginawa ng tatay niya'y hindi niya ito kayang kamuhian at naunawaan niya ito.

"Yan lang ang gusto ko'ng marinig Josephine" wika ni Mang Genaro. Nilikom nito ang mga diamante, ibinuhol ang panyo. Inutusan siya nito'ng bumalik sa kanyang silid.

Napatingin siya kay Fernando. Nakatiim lang ang mga bagang nito at batid niyang hindi ito ang tamang pagkakataon para ipagtapat ang namagitan sa kanila.

Abala pa si Mang Genaro sa mga diamante. Ibebenta daw niya ito sa Black Market pagkatapos ay lalayo silang tatlo, doon sa lugar na walang nakakakilala sa kanila.

Si Fernando ang naghatid sa kanya sa eskwelahan.

"Huwag kang matakot Josephine. Walang mangyayaring masama sa tatay mo" paniniyak nito.

Matapos ang klase'y halos takbuhin niya pauwi ang kanilang tahanan para masiguro'ng ligtas pa ang kanyang ama at hindi ito napahamak. Laking tuwa niya ng makita ang ama. Mahigpit na yakap ang ibinigay niya rito.

"Nasaan si Fernando tatay?" tanong niya.


"May ipinabili lang ako."

"Tay umalis na tayo rito. Baka matunton tayo ng mga --"

"Aalis tayo rito pero di pa ngayon. Marami pang aasikasuhin si Fernando at saka , mas ligtas ka pa dito."



Maya-maya naman ay dumating na si Fernando na may dalang bagung-bagong backpack

"Doon ka muna kina Aling Tising, Josephine. May pag-uusapan lang kami ng tatay mo." ani Fernando sa kanya.

"Gusto ko'ng malaman. Kasali ako dito!" galit niyang wika.

"Sige na anak, huwag matigas ang ulo." sagot ng ama.

Wala siyang nagawa kundi iwan ang dalawang lalaki. Mahal niya ito'ng pareho. Isa man sa kanila ang mawala, ikamamatay niya. Hindi siya sa kapitbahay nila nagpunta. Pumunta siya ng simbahan at doon siya nagdasal ng nagdasal.



Itutuloy....








9 ang nakaappreciate:

  1. hmmm. mukang magkakaroon ng aksyon ang stoya nila josepin

    ReplyDelete
  2. wow romance turned action na ang story.. :)

    ReplyDelete
  3. Hala.. at dito na magsisimula ang action at drama. Katense naman.. Ayun, hindi na nila nasabi yung dapat nilang sabihin.. Naku, baka merong masamang mangyari kay Mang Genaro.. :|

    Wee! suspins itu.. hehe. Abangan...

    ReplyDelete
  4. nakakaexcite...hehehe

    baka nasundan sya sa bahay nila...awww

    ReplyDelete
  5. hindi ako makahabol..dami kong namss na episode...hehe

    ReplyDelete
  6. nka part 6 n pala, ang dami kong namiss, sabi ko na nga ba eh na mgkakatuloyan si fernando at josephine

    ReplyDelete
  7. kaabang abang ang mga susunod na eksena, ang ganda ng pagkakahabi ng kwento…

    ReplyDelete
  8. sir Bino thanks....
    so happy to see your new work....for the prinsesita....:D

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS