November 23, 2011

Toys and Two Hearts Part 2

Part 1

“Sabi ko sa yo ate matatanggap ka eh!” ani Noel kay Leah matapos maibalita sa kanyang pamilya na mayroon na siyang trabaho.

“Oo nga Noel, nag-dilang anghel ka! Dahil diyan, mabibili ko na ung laruan na gustung-gusto mo.”

“Ate, masaya na ko dun sa yoyo ko kaya di ko naman kailangan ng new toy.” Sagot ni Noel na sa murang edad ay parang matanda na kung magsalita.

“Pero di ba nga gusto mo ng PSP? Maibibili na kita nun, konting antay lang”

“Gusto ko nga pero di ko naman sinabi na kailangan ko eh. Di ba ate, sabi ni nanay, di bale ng walang magagarang kagamitan, basta masaya at buo ang pamilya? Masaya naman tayo ate. Kaya kahit wala na nun.”

“Nay, san ba nagmana to’ng bunso niyo, parang siya tuloy ang kuya ko eh.” Tanong ni Leah sa kanyang ina.

Napuno na lamang ng tawanan ang bahay ng Pamilya Sayomac.





“As you can see, bumababa ang sales ng mga toys natin. That’s why kailangan nating magdesign ng advanced at high tech toys na papatok sa market.” Pagpapaliwanag ni Noel

Ito ang nais niya, ang gumawa ng mga bago’ng toys para sa mga bata. Bagamat may kahirapan dahil sa paglabas ng PSPs, PS3s at Xbox, nananatiling buo ang kanyang pag-asa. Ilang taon na ang kumpanya nila at nananatili ito’ng matatag kahit patuloy ang upgrade ng mga laruan sa merkado.

“Ms. Sayomac, gusto ko’ng ikaw ang mamuno sa design ng mga ito na siya nating ipepresent in a month.” Baling ni Albert kay Leah.

“Yes Sir Albert.”

“I guess that’s all for now. Get back to work guys.”

Patayo na si Leah ng tawagin ang pansin niya ni Albert.

“Ah Leah, pwede ka ba’ng makausap sandali?”

“Ah pwede naman Sir.”

“Albert na lang pwede?”

“Ok Albert. So ano’ng gusto mo’ng pag-usapan.”

“Kailangan ko kasi ang tulong mo regarding this project. So I was wondering kung pwede mo ko samahan magikut-ikot sa mga lugar to see if we can get an idea or survey sa mga in-demand toys ngayon.”

“Ah ok sige, parte naman ng trabaho ko yan eh.”

“Im thinking about you spending every day after working hours with me.” Deretsahang sabi ni Albert.
Natigilan si Leah. Di niya alam kung ano’ng isasagot.

“Don’t worry, it’s purely work, ihahatid kita sa bahay n’yo para di mag-alala ang parents mo. Of course you’ll be compensated naman for rendering overtime.”

“It’s ok sir I mean Albert. Makakaasa ka.” Sagot ni Leah.

“So pwede ba tayo’ng magsimula mamaya after ng work?”

“Ok walang problema.”

“That’s great! I owe you one!”

“Matanong ko lang, do we really need to create high tech and expensive toys? Paano ang mga di makakaafford nun? Di ba mas maraming salat sa pera? Pwede din tayo’ng magfocus sa kanila.”

“The world is changing Leah, and those toys na sinaunang panahon pa ay di na bebenta. We’re running a business here. Remember that. “

“Ok.”




“Are you ready Leah?” tanong ni Albert. Alas-singko na ng hapon.

“Ah Albert, pwede ba nating sunduin muna natin sa school si Noel? Kapatid ko. Nagtext kasi ang nanay ko, di daw nila masusundo eh.”

“Ah ok lang naman. Sama na rin natin kapatid mo para mag-enjoy naman siya.”

Lulan ang kotse ni Albert, dinaanan nila si Noel sa paaralang pinapasukan nito.

“Ate sino siya? Mukhang mayaman ah.” Usisa ni Noel kay Leah.

“Siya ang boss ko. Sila yung may-ari ng Toy Company.”

“Hello Noel, ako si Kuya Albert.” Bati ni Albert sa bata.

“Hello po.”

“Gusto mo’ng sumama sa ming mamasyal?” anyaya ni Albert

“Ay sige po!” excited na sagot naman nito.

Ang inakalang trabaho’y tila naging isang Family Day. Pinasyal ni Albert si Noel sa mall. Naglaro, nanood ng sine, kumain atbp. Napadpad sila sa toy section ng isang department store na kung saan nakadisplay ang ilang mga high tech toys ng Toy Company.

“Tingnan mo to Noel, ang ganda di ba?” tanong ni Albert sa bata

“Opo kuya, maganda nga.”

“Kami ang gumagawa ng mga laruan’g to. At dahil kapatid ka ni Leah, bibilhin ko to para sayo.”

“Ay wag po Kuya Albert.” Tanggi ni Noel

“Bakit? Pangit ba? Sige pumili ka na lang ng gusto mo.”

“Lahat po ng laruan dito’y magaganda, pero kuntento na po ako sa yoyo ko. Hindi ko po kailangan ng mamahaling laruan. Kuntento na po ako sa mga simpleng bagay. Sabi rin po ng nanay, hindi po lahat ng materyal na bagay ay nakakapagpaligaya sa isang tao. Minsan, mas masaya pa rin ang mabuhay ng simple lang.” sagot ng bata.

Tinamaan si Albert sa tinuran ni Noel. Ang pito’ng taon’g gulang na bata’ng to ang pumukaw sa kanyang maling paniniwala. Tumingin siya kay Leah at huling huli niya ito’ng nakangiti.


Halos araw-araw ay iba’t ibang lugar ang pinupuntahan nila Leah at Albert; mga lugar na salat sa materyal na bagay gaya ng isang ampunan, mga bahay sa riles ng tren at sa smokey mountain at iba pa. At sa bawat pagbisita nila sa mga lugar na nabanggit, lalong naintindihan ni Albert na hindi nga naman lahat ay nadadaan sa mga mahal at high-tech na laruan.

Makalipas ang isang buwan, dumating na ang araw ng presentation ng team niya.





6 ang nakaappreciate:

  1. buti pa ang bata may contentment.

    ReplyDelete
  2. Ay! Eto na yung part2! hehe..

    "Im thinking about you spending every day after working hours with me." --yun oh, humihirit si Albert! Lol..

    Naks. Ang wise naman ni Noel.. Hindi lahat ng mamahaling bagay ay nakakapagbigay ng tunay na kaligayahan.. :) Sabi nga, hindi lahat ng kumikinang ay ginto. :P

    ay, kelan lalabas ang character ni Dylan? Hihi.. nangialam sa script. Lol.

    ReplyDelete
  3. starring talaga si ms. leah ah!!! astig!!! finally nakapagbasa din ako ulit!!

    ReplyDelete
  4. GAling. si leah talaga ang na iimagine ko sa character.

    ReplyDelete
  5. si Ms Leah talaga ang bida kasi sayomac ang apelido nila haha! artista na si Ms Leah #nice

    ReplyDelete
  6. wow bida pla dito si leah, at parang inulit ko lang ang mga sinabi ng mga nasa taas.. parang 100 days to heaven, company ng mga yayuan..

    ako po si jheng na nagmula sa langit :)

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS