November 1, 2011

Your Song Presents: Hindi Ko Kaya

Para mapakinggan ang kanta habang binabasa ang post na ito, punta lamang sa link na ITO

"" = dialog
** = bulong
^^= thoughts
%% = song

% Magmula ng magkalayo,
Araw gabi nalulungkot
Di matanggap ng damdamin,
Na ikaw ay hindi na akin. %




Erik: "Pare tama na yan, ang dami mo ng naiinom oh!"
Timothy: "Kaya ko pa, inom lang ng inom, ako naman magbabayad eh. Order lang kayo!"
Boging: "Alam mo kuya, ganyan talaga ang love, hindi laging masaya. Ganunpaman, you need to move on 'ika nga nila."
Dan: "Kung makapagsalita parang nainlove na ah! Pero tama si Boging, di pwedeng laging ganyan. Sarili mo lang ang pinahihirapan mo."
Timothy "Di ko lang matanggap na wala na kami. Ang sakit. Sobra"
Erik: "Ginusto mo naman yun diba? She gave you a chance pero ikaw pa ang tumanggi."
Dan: "Tomoh"
Timothy: "O eh di ako na ang tanga."
Boging: "It's you already!"


% Pa'no ang gagawin ko,
Nasana'y na sa piling mo
Sana'y hindi tayo nagkalayo,
Sana'y naririnig mo. %


Timothy: "Now di ko na alam kung ano gagawin ko. Ramdan ko ang galit at tampo niya. Sana pala nung una pa lang, di ko na sinabi sa kanya, itinago ko na lang sana. Di na sana umabot sa ganito na may konting dedmahan, konting di pagpapansinan."
Erik: "Lilipas din yan. Makakaya mo rin. Babalik din yan sa dati."
Timothy: "Mukhang hindi ko kaya."


% Hindi ko kaya ang limutin kita,
Masdan mo lumuluha ang aking mga mata
Pilitin ko man ako'y nasasaktan,
Ang katotohanan ay mahal parin kita. %


Timothy: ^Mahal na mahal kita, alam mo iyan pero dahil sa sitwasyon, mas pinili ko na tapusin ang isang relasyong ito. Pero kahit anong pilit ko, bakit di ko malimutan ang pag-ibig na ito? Ngayon nagsisisi ako kung bakit ako natakot. Oo, natakot ako na masaktan kita. Dahil hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal mo. Mahal na mahal kita pero di ko nagawang ipaglaban^


% Nasan kaman sana'y dinggin,
Puso ko ay muling mahalin
Ang nagdaan muling balikan,
Muling buhayin ang pag-mamahalan %


Erik: "Timothy, aalis na pala siya. Naapprove na yung petition nya."
Timothy: "Yeah alam ko, yun nga ang dahilan kung bakit nag-end ang pag-iibigan namin. We don't agree in a long distance relationship."
Erik: "So anong plano mo?"
Timothy: "Wala. wala na naman ako'ng magagawa. Nagalit siya sa ginawa ko. I don't deserve her love."
Boging: "Alam mo magagawa mo kuya, humingi ka ng tawad sa kanya. Personal. Di lang sa chat, facebook o twitter."
Dan: "Yeah tama ulit to'ng si Bogz. A sincere apology won't hurt your pride."
Timothy: "You're right guys. Kailangan ko siyang makausap bago siya umalis."
Erik: "You're the man!"

% Pa'no ang gagawin ko,
Nasana'y na sa piling mo
Sana'y hindi tayo nagkalayo,
Sana'y naririnig mo. %


Timothy: "Hello Jenny, pwede ba tayo'ng magkita for the last time, bago ka umalis?"
Jenny: "Ok sige, let's meet"



% Hindi ko kaya ang limutin kita,
Masdan mo lumuluha ang aking mga mata
Pilitin ko man ako'y nasasaktan,
Ang katotohanan ay mahal parin kita. %


Timothy: "You're leaving na in few days."
Jenny: "Oo. Handa na nga lahat ng papers at documents ko. Pati gamit ko nakaempake na."
Timothy: "Mag-iingat ka lagi dun. Pero before you go, I want to tell you something."
Jenny: "Ano yun?"
Timothy: "I'm sorry."
Jenny: "You don't say sorry for loving someone Tim. You don't say sorry for loving me"
Timothy: "No. I'm not sorry for loving you. I'm sorrry for hurting you, for not fighting for our love. Sorry dahil naging mahina ako. Nasaktan kita ng sobra at alam mo yan."


Hindi ko kaya ang limutin kita,
Masdan mo lumuluha ang aking mga mata
Pilitin ko man ako'y nasasaktan,
Ang katotohanan ay mahal parin kita


Jenny: "Di ko magawang tuluyang magalit sa yo. But we have to accept the fact na siguro, tadhana talaga ito para sa atin."
Timothy: "Mahal pa rin kita, mahal mo pa rin ba ako?"
Jenny: "Di naman nagbago ang pagmamahal ko sa yo. Magkakalayo na nga lang tayo pero mananatili ang pagmamahal ko for you."
Timothy: "Antayin mo ko Jenny, susunod ako sa yo sa lalong madaling panahon." 
Jenny: "Panghahawakan ko ang pangako mo Tim. Aantayin kita."
Timothy: "I love you Jenny."
Jenny: "I love too Tim."



End



12 ang nakaappreciate:

  1. "You don't say sorry for loving someone"- aw...... sapul.

    ReplyDelete
  2. maluhaluha ako ng popcorn..heavy much!!

    parang may pinaghuhugotan ah..hehe (nangintriga pa?)

    ReplyDelete
  3. Hmmm....nakapikit ang isang mata ko habang binabasa ito...
    Bff, saan mo ito hinugot?

    ReplyDelete
  4. Gaano man kalayo, kung magiging sila... magiging sila pa rin in the end. :D

    ReplyDelete
  5. Awwww.... lovestory ni Tim at jenny. parang may alam akong estorya, just like this one.. story nina A at M. Hihihi.. charot! lol

    You should never feel sorry and never regret that you love/loved someone. Never regret something that made you smile..

    "Never regret something that you did, because at some point, it was exactly what you wanted."

    Kumo-kowt? lol.

    Naku, ako.. I believe in destiny. Simple lang, kung kayo, kayo tlga. Malayo man o malapit, pag kayo yung nakatadhana, eh kayo talaga. Panu nyo malalaman? I dunno.. Maybe you'd just feel it, when the right moment comes. hehe..

    Good luck!

    ReplyDelete
  6. ooh... dont say sorry for loving...... :(

    ReplyDelete
  7. allergic ako lately sa mga lab history este istory. ;) pero naalala ko yung unang beses na napadpad ako dito. tinanong kita ser kung script writer ka ba.. kasi pwede! :)

    ReplyDelete
  8. kinilig ako.ayiiii!!!aside from I love that song---alam kong story mo to.hehehe. kaya medyo nakarelate ako---syempre andun na yung nasasad talaga din ako kasi alam ko yung sitwasyun mo.hirap talaga. (**binuking talga no??)lols---pero alam naman ng mga readers mo na story ng buhay mo yan diba? hehehe

    ReplyDelete
  9. Parang may katulad na story to. Hahaha. Di ko lang din sure ha? Ayiee.. Ganyan din ba mangyayari?

    Dun sa pangalawang dialogue, naging Bino yung character ni Timothy. LOL. Mukhang makatotohanan talaga itwu ah?

    ReplyDelete
  10. tagus na tagus sa puso ang eksena! :D

    ReplyDelete
  11. NIyahahahaha.. nakakainis kuya BINO.. distance is not a reason to end something like LOVE! Hindi!! ako proweba jan at madami pang iba jan na nasa relationship! hahahaha

    Lol... nice ang background music hahah!

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS