December 1, 2011

Rant ng Isang Hater

Makailang ulit na rin'g nakatanggap ang inyong lingkod ng mga sulat mula sa mga readers ng Damuhan na siya namang naging inspirasyon ko para ipagpatuloy ang pagsusulat at pagbablog. Pero sabi nga nila, hindi araw-araw ay Pasko. Hindi lahat ay nasisiyahan sa aking mga isinusulat. Hindi lang fan mails ang aking natatanggap. Mayroon ding hate mail. At ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ako nito.




Mula Kay : Anonymous
Petsa at Oras : ika 30 ng Nobyembre 2011 ganap na alas diyes kinse ng gabi

Mensahe:

Wala namang kwenta ang blog mo! Hindi nga ito included sa list of nominees ng Philippine Blog Awards! Ano'ng ipinagmamalaki mo? Kala mo pagkaganda ng mga sinusulat mo? Pwe! Nasayang lang ang oras ko dito! Pati mga photos mo walang dating! Pumifeeling photographer eh ang papangit ng shots! And why is it written in tagalog? Don't you know how to speak or write in English? Duhhhh!! May patravel-travel ka pang nalalaman ha! Baguio? I've been there many times kaya di mo na kailangang ipost yang mga pinuntahan mo! It's a good thing you deleted your the bum upstairs! You don't have the potential to be a photographer. Benta mo na lang yang kamera mo! Sayang lang sa yo! At may gana ka pa'ng sumali sa mga kung anu-anong kontest eh di ka naman mananalo! Pati yang pakulo mo na blogger of the year at mga munting pakulo chu chu, wala namang kwenta! Ang cheap ng prices! At kala mo naman lahat ng nagsend ng pic greet sa birthday mo eh kaibigan mo? Pinaplastic ka lang ng mga yan! Pa-uto ka pa lalo gago! Wag ka ng magblog! Kakasuka lang! Yuckkkkk!!!!



Sa iyo anonymous:

Inaasahan mo siguro na papatulan ko ang liham mo. I'm sorry to disappoint you pero hindi ko gagawin yun. Salamat sa iyong liham. God bless :)





46 ang nakaappreciate:

  1. pede bang ako sumagot sa ranter na yan? ahahahah

    ReplyDelete
  2. Pangarap kong makatanggap ng mga mails. /laslas

    Mukhang bitter 'tong anon. Inggit siguro. Hehe.

    ReplyDelete
  3. Papa ko,

    pwede ba magpadala ng love letter?

    Papa mo

    P.S. I Love You
    Starring
    Sharon Cuneta and Gabby Concepcion

    ReplyDelete
  4. tama lang na di mo siya patulan.. ehe... ingit lang yan sa iyo sir bino.... hahahahhaha

    ReplyDelete
  5. well, sabi po nila pag sikat hindi lang fans ang meron.. meron ding mga haters.. :)

    good decision po at di nyo pinatulan..

    ReplyDelete
  6. ay grabe nag effort talaga syang sulatin yan para sabihin lang sayo?

    nakakapagtaka lang hindi sya first time sa blog mo.. alam nya kasi lahat ng pangyayari dito. haha

    kewl. gusto ko din ng ganyan :)

    ReplyDelete
  7. hakhak natawa ako dun,,,
    joker si hater?lolz......
    buti d mo pinatulan
    hehe

    -UNNI-

    ReplyDelete
  8. at least nakagawa din siya ng sarili niyang blog...ano kaya gawin na titulo? How to write insults? lol.... sabihin mo dagdagan pa, baka di pa nailalabas ang lahat ng kulo sa loob baka bigla na lang matumba sa altapresyon!

    ReplyDelete
  9. LOL @what Czar said -- "altapresyon." In fairness kay hater, may nakalagay na chu chu dun sa letter niya. Hahaha!

    @Bino, wise choice. Status symbol ang may hate mail. PS - Mali ang sinulat ng hater:

    Wag ka ng magblog! Kakasuka lang!

    Yung "ng" niya... dapat, "nang" yun. Kilala na siguro natin ang hindi talaga marunong magsulat ng Tagalog. Wahehehe!

    ReplyDelete
  10. @Chad sama mo na rin yun Duhhhhh!!! saka Yuckkkkk!!

    TNT lels. :D

    ReplyDelete
  11. Haters are not worth your attention Nong Bino, especially kung below the belt na ung criticisms. You really did the right way NOng, ang wag patulan tlga :)

    ReplyDelete
  12. Mabuting desisyon na wag na itong patulan. Kung may problema siya sa blog mo, edi wag siya pumunta dito. GANUN KASIMPLE.
    God bless sa lahat. :)

    ReplyDelete
  13. so yang nag eepal na yan parekoy? banatan na yan! hahaha. wala kasing pumapansin siguro jan kaya yan naghahate na lang. nainira ng magagandang mga bagay. hahaha.

    ReplyDelete
  14. Hindi nga niya pinatulan. Tayo ang pumatol. hahaha

    ReplyDelete
  15. LOL natawa naman ako sa kanya, babae siya I am sure....

    TO HATER OF DAMUHAN: Alam ko mababasa mo ito. Please, nakikiusap ako sayo...ako rin sumulat ka sa akin ng ganito, nakikiusap ako...pls, promise ipopost ko din.

    Thanks in advance.

    ReplyDelete
  16. tsk tsk, tama ang ginawa mong hindi pagpatol Bino, may kasabihan nga "If people talk behind your back that only means you're two steps ahead of them!" patuloy mo lang kaming pasayahin at bigyan ng inspirasyon sa iyong mga isinusulat, and i'm sure pati si anonymous ay number 1 fan mo dahil palaging nakabantay sa mga post mo.

    at para sa iyo anonymous, nag-iisa ka lang at marami kaming nagmamahal dito sa damuhan, kung ako sa'yo gawa ka ng sarili mong blog at gawin mo ang mga kapintasan mo dito.

    ReplyDelete
  17. hahahah love your haters, they are the ones who will make you famous! lol

    to anonymous: o ha English yon ha!

    PS: oo sulat ka rin kay AKONI tiyak na tiyak ibloblog ka din nun! :p

    ReplyDelete
  18. hahahaha! baka secret admirer un, tapos paramdam ng paramdam sau pero hnd mo pinapansin DUH! hehe! sau haters! Good afternoon. para maging good naman ang hapon mo.

    ReplyDelete
  19. Solid yun ah? Makayuck naman si Kuya o Ateng Anonymous. Siguro kay husay niya magblog. Englisher yan por shur. Tapos photographer. Sa sobrang yaman niya, nagpapapremyo siya ng 1M sa pakulo niya. At siya lagi ang blogger of the year.

    Kung hindi siya ganyan sa sinabi ko, I will be disappointed. Ang galing niya magsalita eh, Mr. or Ms. know-it-all kung makabanat? Ferpect. You already!

    ReplyDelete
  20. hula ko magkakilala kayo bino, hhehe. and dami niya alam eh. minsan gusto ko makatannggap ng ganyan. hehehehe

    ReplyDelete
  21. Panigurado babae at matagal mo nag di pinapansin.Have time naman.Nagbabawas lang ng nararamdaman.

    ReplyDelete
  22. kwento mo sa amin ang happy ending.

    ReplyDelete
  23. pero ang maganda nagbigay siya ng mga clue para di ka mahirapan hanapin siya.BAGUIO,PBA AT KONG ANO ANO PA..Di masayadong halatang natuwa me sa sulat niya para sayo.Panalo. Ang maganda wala naman siyang sinabing totoo para saktan ka niya.Keeping in touch lang.

    ReplyDelete
  24. wow.. lakas niya ha... kaya nga blog eh.... kung ayaw niya ng blog mo idi wag niya basahin di ba....

    ReplyDelete
  25. Sabi nga ni God... LOVE YOUR ENEMIES... tama lang ang ginawa mo bino... mahal ka pa din namin...

    ReplyDelete
  26. haha di ako makapaniwalang may mga ganyan pa palang tao ngayon! lols. grabe sa bitternes ah!

    taragis!

    ReplyDelete
  27. ayoko din patulan ..hahaha

    Inggit lang yan sir..

    ayaw daw patulan?

    lol

    ReplyDelete
  28. Oi grabe naman yun. Hindi pa ako nakakatanggap ng hate mail. Sana hwag naman. hehe.. Ngayon lang ako nakabasa ng ganyan ka mean na comment sa mga bloggers. Pero tama ka Bino hwag mo na pansinin hindi nya deserve ang attention mo. sa nakikita ko naiinggit sya sayo. Alam nya ang ginagawa mo sa blogs mo. I know Bum Upstairs at naeenjoy ko yun. If you would remember nag ko-comment ako dun. I didn't notice na wala na pala yun.

    Hay sana yung mga walang magawa at naiinggit wag na lang magsalita ng masama sa ibang tao.

    ReplyDelete
  29. astig hater :)
    dami alam
    di nga kaya magpakilala lels

    ---ako si hastig
    ---mahilig akong magvideo
    ---kasama ako sa baguio

    ReplyDelete
  30. Wow!! That was some hate mail. You know, Damuhan, only a true-blue coward would hide behind anonymity. And cowards do not deserve our attention or time.

    Good job!

    ReplyDelete
  31. sobra naman 'tong hater na 'to, lakas ng tama! ayaw nya raw ng blog mo pero binasa at pinanood nya pa mga pics mo, di naman sya saliwa 'no?! hehe...

    ReplyDelete
  32. Hahaha! Hate comments meron akong natatanggap, pero hate mail? HUWAW! Anon must really LOVE you that much man! LOL!

    ReplyDelete
  33. Nakow! Bino, sa sobrang "panget" ng blog mo, ayon kay anonymous hater, nagfiesta tuloy dito sa Damuhan. Shaks! Sa sobrang "panget" ng blog na to, in fairness, andaming nagbabasa. Lol! Yey! Ipagbunyi natin ang "kapangitan" ng blog ni Bino dahil lahat ng nagbabasa nito, ASTIG! Except dun sa hater...

    ReplyDelete
  34. Isa lang ibig sabihin nyan, nagbasa sya ng blog mo at nag scrutinize ng mga photos and all your writings. He/she took time to read it. LOL Lumalabas lang lalo ang pag ka pathetic nya. Tama ginawa mo, don't step down sa level nya. LOL Congrats may haters mail ka! Isa ka talagang tunay na blogger :-D

    ReplyDelete
  35. senyales yan ng kasikatan bino, congrats!

    ReplyDelete
  36. tingin ko kilala ka ng anonymous hater mo. pero pruweba 'yan pre na sikat na blogger ka na. alam mo kung anong susunod diyan? stalker! XD

    ReplyDelete
  37. isa lang masasabi ko s mga hater not to depend this site,,wala lng...
    " insecurities is a CRIME "
    i sure...
    that sender is totally insecure for some reason...
    and another thing is sure too...
    you have something that this sender don't have...

    kaya....
    nagagalit..

    hahahahah

    ooops!

    peace lang mga readers....
    kung ayaw mo ng nabasa mo....
    then don't...
    silence is also a sign of good social attitude...
    let's practice it...

    definitely fun....
    lesser p ang CRIME...
    hahahahahahh

    :D

    ReplyDelete
  38. Ngayon ko lang nabasa itong hater mo, hehehe! Marami talagang may mga sayad eh, hehehe! =)

    ReplyDelete
  39. Pag may hater ka na ibig sabihin sikat ka na! Hehe

    ReplyDelete
  40. cgurado din ako babae to...ang lakas lang.,

    baguio?english?hmmmm

    ReplyDelete
  41. i think si Yanah Bautista 'to...

    ReplyDelete
  42. ngayon ko lang to nabasa, kasi ngayon lang ako nakapunta uli dito mula sa yearend post mo...

    Pre, inggit lang yan, wag mo patulan. Inggit yan kasi baka wala syang mga kaibigan tulad namin. At malamang walang bumibisita at nakakaapreciate ng posts nya o mga photoblog nya...

    HAPPY NEW YEAR PRE

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS