Nag-antay ako ng ilang minuto. Huminga ng malalim. Nagconcentrate. At saka ko sila hinarap.
"Isang mapagpalang gabi po sa inyong lahat. Ako po ay nagmula sa malayong lugar dala ang isang awitin para sa inyo ngayo'ng panahon ng Kapaskuhan. Nawa po'y ito'y inyong magustuhan."
"Bati nami'y Merry Christmas at bagon'g taon'g sagana
Pasko ay ipagdiwang, ang araw na dakila
Dapat tayo'ng lumigaya sa buhay na mapayapa
upang lumigayang tunay ang ating inang bansa
Merry Christmas, Merry Christmas
Pasko, ano'ng saya
Happy New Year, Happy Happy New Year
Bagon'g taon'g sigla
at kung tayo'y lumigaya pagdating ng Christmas
Kayo'y makakaasang kami'y magagalak"
Tinapos ko ang aking awitin pero tulad ng inaasahan, halos walang pumansin sa aking pag-kanta. Ganunpaman, ipinagpatuloy ko ang aking litanya.
"Sa panahon po ngayon ng kapaskuhan, wag po natin sana'ng makalimutan ang tunay na diwa ng Pasko. Ito'y walang iba kung hindi ang ating Panginoong Hesukristo na isinilang upang sagipin tayo sa ating mga kasalanan. At isa na rin po'ng magagawa natin para ipagdiwang ang pasko ay ang bukal sa loob ng pagshe-share ng blessings na ating natamo. May kasabihan nga po na hindi natin madadala sa langit ang mga materyal na bagay kaya naman nararapat lang na ito ay ating ibahagi sa mga kapos-palad. Dahilan po niyan kaya ako'y kumakatok sa inyong mga puso para po humingi ng konting biyaya mula sa inyo. Maligayang Pasko po."
Para ako'ng konduktor na nilibot ang buo'ng bus. Ang kaibahan nga lang, nag-aabot ng sobre sa halip na nagtitiket ng pasahero. Bawat tao'ng inabutan ko ay iba-iba ang reaksiyon at gawa. Mayroon'g gising na gising kanina pero biglang nagtulug-tulugan. Mayroon naman panay ang iling ng ulo wag lang maabutan ng sobre. Mayroon din'g nakasimangot pa. At may nagsalita pa: "Dumadami na naman kayong gumagamit ng salita ng Diyos para sa sarili ninyon'g kapakanan!" Pero tulad ng dati, pasok sa kanang tainga, labas sa kaliwa.
Nag-antay ako'ng muli ng ilang minuto bago ko binalikan ang mga sobre. Sa mahigit 25 sakay ng bus, mangilan-ngilan lamang ang nagbigay. Malaki na ang beinte pesos at ang ila'y puro piso at limang piso ang laman.
"Sa susunod matuto ka'ng maghanap ng disenteng trabaho, hindi yang puro panloloko ang ginagawa mo." Sagot pa ng isang pasahero.
Di ko na pinansin ang kanyang tinuran. Bagkus ay sinambit ko na ang aking huling litanya.
"Nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagbigay ng kanilang sariling biyaya. Hangad ko po ang malaking pagpapala sa inyo ng ating Panginoon. Sa mga nag-aalipusta po sa aking ginagawa, kayo po ay aking naiintindihan. Alam po natin na sa panahon ngayon, ang aking mga tinuran ay mahirap talagang paniwalaan. Ganunpaman, ipagdarasal ko pa rin po na sana'y buksan ni Lord ang inyong mga isipan. Maraming salamat po'ng muli at maligayang Pasko sa inyong lahat."
Lumingon ako sa driver at nagwika "Boss tabi lang."
Dali-dali ako'ng naglakad palayo sa bus. Halos abot tainga ang ngiti habang binibilang ang ilang barya at perang papel na ibinigay ng mga pasahero.
"Ayos! May mga nauuto pa pala sa panahon ngayon!" ang aking sinabi.
Muli ako'ng nag-abang ng bus na bibiktimahin. Ilan pa kaya ang maniniwala sa akin?
-Wakas-
hahaha... grabe ung ending... kala ko pa naman magiging maganda ang ending... masama pala yung taong nanghihingi ng biyaya... pero para sakin yung iba na nanghihingi ay talagang nangangailangan ng tulong mula sa mga taong sabihin na nating pinalad. galing ng pagkagawa ng kwento.... napapanahon
ReplyDeleteha ha me ganun ... uso na naman nga iyan ngayong Kapaskuhan ... sa iba ang pakulo ay mga batang nangangaroling naman ...ibat ibang raket ... ibat ibang drama ng buhay ... kaya naman ang sarap sumakay ng bus at jeep he he ...
ReplyDeleteat least para sa mahihirap . pano naman yong mga mangagawang nag wewelga at humingi ng tulong.
ReplyDeletemarami talaga ang gumagawa pa nito kasi kung peso lang naman ang iaabot ayos na bahala na siya kung ano ang gagawin niya sa tulong na ibibigay
Aw.. ang sama! :P
ReplyDeleteHIndi ko ini-expect ang ending. hehe.. May twist talaga ha. Pero totoo to, nangyayari sa totoong buhay. Meron talaga iba dyan, ginagamit na ang pangaln ni Lord para lang kumita.. Lalo na ngayong Christmas.
Anyway, Merry Christmas, bino!!! :)
putek! akala ko pa naman totoo! ahahaha. pasaway! kakaltokan ko yan!
ReplyDeletemanloloko pala yon, kainis ang mga taong gnun.. may manloloko kong may nagpapaloko, :p hehe!
ReplyDeletehahaha.. ayus to ha katulad nung may nagnenegosyo ng pangangaroling.. ito mas grabe pangunguto na talaga..a ahahaha
ReplyDeleteawwwwwwwww
ReplyDeletehate you, isa ko sa nag abot ng bente.
-pasahero
sa panahon ngayon, mahirap malaman ang tunay sa huwad. :(
ReplyDeletekatulad ng story.... so sad
Hala! Kagabi lang... ang bus na nasakyan ko ay may ganyan. Dalawa sila. Babae, ang kumakanta. Lalaki naman ang namimigay ng sobre. At nakapormal pa sila. Di ko tinanggap ang sobre. Bad ako! Lol!
ReplyDeleteAy.. That's... mean! Akala ko pa naman totoo nga na mabuti siyang tao. Madami ngang ganyan sa Manila, at lagi akong nagbibigay ng limang piso. Hahaha. You know, I'm that generous. Makatulong man lang, sana sa nabigyan ko eh hindi naman ganyan.
ReplyDeletemalimit yan pag magpapasko at kahit di pasko may mga ilan na nag-aabot ng sobre at nghihingi parang kanta ni ka fredie, may dalang sulat para manloko ng tao.
ReplyDeletedi bale carmi martin is just around the corner!
ReplyDeletesusme! na touch pa naman ako, hay naku mas dumamdami ang opportunista talaga pag ganitong mga holidays..
ReplyDeletenawala ata comment ko ah..sabi ko nun, "iiyak na sana ako, akala ko may mangyayaring kababalaghan sa huli,gaya ng lulutang ang lalake..lol
ReplyDeletesomething like that, break it down yoH!
bad din ako. di ako nagbibigay sa ganyan. may tamang avenue para sa pagbibigay at pagso-solicit
ReplyDeletePara sa akin hindi naman talaga tama na gamitin ang salita ng Diyos para sa pansariling kapakanan. Sadyang may mga manloloko talaga.
ReplyDeleteAhay!!! Sabi na e...galing manloko.hahahahaha! Nangungunsenzya pa a.
ReplyDeletetalaga naman... haha
ReplyDeletedahil sa madalas akong sakay ng bus na byaheng EDSA, marami na kong experiece sa ganyan. Dalawa lang yan para sa akin:
ReplyDeleteuna: LAHAT ng gumagamit ng salita ng Diyos sa ganyang eksena, sorry at iling lang ang ibibigay ko.
pangalawa: sa mga nangangaroling na gaya ng post nyo po, nagbibigay naman ako.
Wala akong paki kung san nila yun gamitin, ang sa akin lang, Pasko naman at alam ko ang pakiramdam ng mangaroling nung bata pa ako. Masarap sa pakiramdam yung makatanggap ka ng kahit kaunting barya dahil lang sa pagkanta kahit wala sa tono. :)