Kinabukasan, siya kagad ang aking hinanap. Nagulat ako ng nasa ibaba na siya ng aking kama. Mabilis ang kanyang mga galaw. Paroo't parito at panay ang wagwag ng kanyang buntot. Agad ko siyang binuhat at inilapit sa aking dibdib. Tumaas ang kanyang ulo at pilit inaabot ang aking pisngi. Dinilaan niya ako sa parteng yun. Tuwang-tuwa ako. Kaya naman mabilis ko siyang pinaghanda ng almusal. Ganado siyang kumain. Maya-maya'y ipinasyal ko siya sa aming subdivision. Ito ang aming unang bonding. Masaya! Tinanggal ko ang kanyang tali pero hindi siya lumayo sa akin. Sabay kaming naglakad patungo sa munting parke ng aming lugar. Ilang oras din kaming nagtigil doon bago nagpasyang umuwi.
Ilang buwan ang nakalipas at lumaki na rin siya. Halos kasing-laki ko na siya kapag siya ay tumatayo. Mas lumakas na rin siya. Halos madapa ako kapag pinipigilan ko siyang tumakbo kapag nakakakita ng pusa. Mas naging malakas na rin siyang kumain. Mabilis ng nauubos ang dog food niya. Ang dati na kasya sa isang linggo ay umaabot na lamang ng tatlong araw. Ganunpaman, hindi ako nagrereklamo. Natutuwa pa nga ako dahil lumalaki siyang malusog.
Ilang beses na rin niyang sinagip ang buhay ko. Halimbawa nito ay noo'ng may nakapasok na magnanakaw sa aming tahanan. Nagising na lang ako ng marinig ang kanyang kakaibang kahol. Galit na galit. Pagbukas ko ng mga ilaw, lumabas ako ng bahay. Naabutan ko na lamang ang isang anino na mabilis na tumatakbo palayo. Tinalo pa niya ang mga barangay tanod sa pagresponde. Astig!
Pero unti-unti siyang tumamlay. Sa di malamang dahilan, nawalan siya ng ganang kumain. Bihira na rin siyang makipaglaro sa akin. Hindi na rin madalas ang pagwagwag niya ng kanyang buntot. Dinala ko siya sa beterinaryo. Niresetahan siya ng gamot na agad ko'ng binili at ipinainom sa kanya. Akala ko magiging ok siya pero wala ring nangyari. Nanatili siya sa klinika ng ilang araw. Hanggang isang gabi, nakatanggap ako ng tawag mula sa kanyang beterinaryo. Emergency. Agad ako'ng nagpunta sa klinika at doo'y isang masamang balita ang sumambulat sa akin.
Pumanaw na siya. Ang aking kaibigan. Ang aking best friend. Kinuha na ni Lord.
Masakit. Di ko din napigilan ang pagtulo ng aking luha. Kahit sabihin pa na hindi siya tao, napamahal pa rin siya sa akin ng tunay. Tinuring ko siyang kapatid.
Tatlong taon na mula ng iwan niya ako. Pero ang mga ala-ala namin ay tiyak na hindi makakalimutan. Nakaukit na ang lahat sa aking puso't isipan. Sa aking mahal na aso na si Rocker, miss na kita.
:( kakasad naman.
ReplyDeleteNaalala ko ang aso kong si Fall. Mahal na mahal ko din yun.. andun na rin sya sa dog heaven.
ReplyDeleteNapaisip ako tuloy.. tumatanda na rin ang aso kong si Teddybear. 7th birthday nya sa December 17. Pag mawala si Teddybear... panu na?
Awts.
I feel you. Namiss ko din si Fall.
omeyged! nahaplos nito ang puso ko. Nawala ung paggalaw ng eyelid ko dhil sa kwnto mo. Pero takot me sa aso! :)
ReplyDeletecondolence sa aso ;(
ReplyDeleteaso pla si rocker, Condolence Loydi.. nakakalungkot na kwento.
ReplyDeleteoooowwww.....wawa nman si rocker....dati may aso din kami kaso di kami masyadong close kasi may phobia ako sa aso, nalapa na akong minsan kaya hirap akong makipagbonding sa mga aso na..
ReplyDeleteLove ko to alam na.
ReplyDeleteSo sad! Kakalungkot talaga lalo na't malapit sayo ang alaga mo at lalo na pag malambing siya. hay!
ReplyDeletesad nman naalala ko rin yun aso ko alakopoy nman ang pangalan dedo na din sya....
ReplyDeletegnun tlga wla nmn tlgang permanente d2 sa earth!
kakalungkot naman.. :( naalala ko yung pusa naming si Murphy... madalas tambay sya sa bahay at sa tabi namin natutulog..
ReplyDeletegang isang umaga naapakan sya ng nanay ko.. ayun napiga :p
aww..nakakamiss tuloy si mineow at putol..
ReplyDeleteganito talga tayong lahat sa ma aso. buti pa nga yun asao namin chicken ang kinkain. sosyal di kumkain ng isda at gulay. ganyan kasi tayo magmahal sa mga alaga nating aso..
ReplyDeleteAwww.. That's sad. I remember, bumili ng aso yung isang kaibigan ko kasama kami. We named him Nappy, tulog kasi ng tulog. Months have passed tapos ang laki laki na niya. One day, nalimutan bantayan ng mga kasama sa bahay ng friend ko kaya nakalabas siya papuntang main road at nasagasaan. Alam mo yung nagluksa kaming lahat ng magkakaibigan? Nagkwento ako para lang sabihing I feel you Kuya Bino. My sincerest condolences.
ReplyDeletenakakasad nga.. condolence po... kaya ayuko mag-alaga ng aso, the last time na nag-alaga kami namatay din nakakain ng hasang.. nakakainis bata pa ko nun, kahit pa nginatngat niya lahat ng gamit sa bahay masaya pa din na meron sasalubong sayo pag uwi mo ng bahay.
ReplyDeleteNaalala ko yung mga aso ko dati. Sobrang sweet ko sa mga aso at pusa. Kung nasan man si Rocker ngayon, sana siya ay masaya..
ReplyDeletekung sayo yung aso.. akin yung pusang si munish... huhhuhu..namimiss ko din xa.. grabe noh sinagip nya din buhay ko... kaya isa xa sa mga pusang di ko makakalimutan buong buhay ko...
ReplyDelete:( naalala ko tuloy ang mga iniyakan kong mga alagang hayop..hahay! ka sad naman..
ReplyDeletereminiscing the past bino ah....
ReplyDeletenaiiyak ako ... shet.. hahaa
ReplyDeletealam na alam ko ang pakiramdam pag namatayan ng aso... T_T
Sila kasi yung dumating sa buhay natin at inalagaan ng hindi tayo humihingi ng kapalit.
Pero they never fail to feel us good lalo na paguuwi tayo tapos sobrang excited nila tayong sasalubungin. :D
awts ngeemote n ko tama n nga ..haha
Sad naman... haitz... ganyan talaga ang pakiramdam ng nawalan. Lalo pa't naging parte siya ng pang-araw araw mong gawain.. haitz....(sad mode)
ReplyDeletelam mo ba kme rin adik sa aso na pina-confine namin last time yung isa sa vet hospital, we just couldnt let him go hay, nalulungkot tuloy ulit ako :(
ReplyDeleteoh, na-sad naman ako sa kwento ni rocker. isang tunay na kaibigan. paalam rocker. malungkot pa din si bino sa pagpanaw mo.
ReplyDeleteAww. Nakarelate ako dito. :'(
ReplyDeletehuhu.. gnyan din nangyari kay ton-ton :(
ReplyDelete