May 31, 2011

Nang Mawalan ako ng Tiwala

30 ang nakaappreciate
Ang tiwala, tulad ng respeto ay hindi basta mabibili sa mga leading supermarkets nationwide at suking tindahan. Hindi din ito basta-basta mapapanalunan sa mga game shows sa tv. At lalung hindi ito makukuha sa mga pagtaya-taya sa jueteng, sweepstakes, at lotto.

Malinaw pa sa sikat ng araw na ang tiwala ay hindi nakukuha overnight. Ito ay pinagsisikapan at pinagtatrabahuhan. Binibigyan ito ng atensyon at importansya sapagkat hindi biro ang ipagkatiwala ang tiwala. Kapag ikaw ay pinagkakatiwalaan, ibig sabihin, marunong ka'ng tumupad sa mga usapan, marunong magtago ng sikreto ng isang kaibigan, at may isang salita. Isang salita, yun ba'ng hindi mo papaikut-ikutin ang isang tao tungkol sa isang bagay na ipinangako o ibinigay mo'ng commitment. Kaakibat ng tiwala ang obligasyon. Obligasyon mo'ng alagaan ang tiwalang ibinigay sa iyo sapagkat sa oras na ito ay masira, mahihirapan ka na'ng kunin ito sa isang tao'ng dating nagtiwala sa iyo.

Masakit isipin na nagbigay ako ng isandaang porsiyento ng pagtitiwala sa isang tao subalit hindi naman ito pinahalagahan. Nakakalungkot lang na  nasira ang tiwalang ito dahil sa napakaliit na halaga. Ako na ang tumulong, ako pa ang naargabyado at nabigyan ng MALAKING PERWISYO. Hindi sana hahantong sa ganito kung sa simula pa lang, DI NA AKO NAGTIWALA. Tulad ng sinabi ni Jason, masyado ko'ng ibinukas ang pintuan ko. Kaya ngayon, ako ang nagdurusa sa kasalanan ng iba. Bagamat may mga dahilan o paliwanag, hindi nito maiaalis ang katotohanan na mayroon ka'ng obligasyon na dapat binigyang pansin. Ang obligasyon ay obligasyon. Walang dapat idahilan o maging rason. No excuses. That's it.

Pinaglaruan lamang ang tiwalang ibinigay ko. Kaya humantong na ako sa punto na hindi na muling magtitiwala sa kanya. Tuluyan na itong nasira na tulad ng isang bahay na natupok ng apoy. Wala nang natira. Parang baso na nabasag, nagkapira-piraso. Parang isang lastiko, tuluyan ng napatid. Mabuo man ang mga ito, mahihirapan at maaaring magtagal ng mahabang panahon. Kung dumating ang panahon'g iyon, hindi ko masisiguro na isandaang porsiyento pa rin ang tiwalang iyon.

Huwag na huwag ninyong sisirain ang tiwalang ibinigay sa inyo. Hindi sa lahat ng oras ay pwede kayo'ng maabswelto. Kailangan din nating harapin na sa totoon'g buhay, nasisira rin ang isang matibay na samahan dahil sa kapabayaan ng isa. At hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaaring irason na TIME HEALS ALL WOUNDS.  Kung ayaw mo'ng mawalan ng tiwala sayo, tuparin mo ang binigay mo'ng sagot, hindi yung puro ka palusot. 







May 30, 2011

Blogger's Hot Seat: Lhan Fullante Matias: The Wedding Editon

24 ang nakaappreciate
Isa ako'ng romantiko'ng nilalang. Natutuwa ako sa mga tao'ng nagmamahalan lalung lalo na sa mga nahanap na ang kanilang makakasama habang buhay. Kaya naman hindi ko pinapalagpas ang pagkakataon na makapanayam ang mga tulad nila na lumagay na sa tahimik. Noon'g Enero, aking nakapanayam si Zyra tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Ngayon naman, inihahandog ko sa inyo ang isang interview sa isa sa mga kaibigan ko'ng bloggers na si Rholand Matias o mas kilala bilang Lhan. Matagal ng magka-add ang mga blogs namin sa blogroll ng isa't isa at siya ay isa sa mga regular readers ng Damuhan. Nagkita kami sa isang eyeball noon'g Pebrero. Narito ang aking interview sa kanya.





Profile Ninyong Mag-asawa

Name: Rholand Fullante Matias / May Factor Matias
Birthday: October 30, 1984 / May 10, 1983
Blog at URL: notbuknilhan.blogspot.com, lifemeetshappiness.blogspot.com / diaryofsimplelife.blogspot.com/
Occupation: IT Supoprt (City Governement Of Makati)
Araw ng Kasal: May 18, 2011
Beses na-inlove: Ako madame na, heheh sya 2 pa lang daw parekoy


Q: Paano at saan kayo nagkakilala ni May? Magkababata? Magkawork? Magkablog?
A: Nagkakilala kami noon sa opisina. Bagong pasok ako nun at single at sya naman ay may bf alam ko. Pero syempre nagbreak sila at pumasok na ko sa eksena. Yun ung play namin ng November. I found her really beautiful at doon ako nagsimulang mainlove. ^^


Q: Ano ang inyong naramdaman sa isa’t isa sa una ninyong pagkikita? (Love at first sight ba etc)
A: ako hindi, sya rin hindi. Inis pa nga sakin si Mhay kasi kabago bago ko pa lang eh nag leave na agad ako papuntang bohol. Hahaha. Lakas ko daw.



Q: Paano naging kayo? Ano’ng klaseng panliligaw ang ginawa mo para makuha ang kanyang matamis na OO?
A: Uhmm, sundo dito, hatid doon. Bigay ng gifts at date syempre. ^^ Sinagot nya ko nung christmas party ng cityhall.


Q: Kung hindi ako nagkakamali ay magkasama kayo sa trabaho. Madalas ay nagkakaroon ng conflict ang ganito. Dumating ba kayo sa ganung punto?
A: Nagkakaconflict kasi minsan di kami parehas ng gusto. Magkasalungat minsan. Eto gusto ko, ayaw nya. Gagawin ko to, eto naman gagwin nya. Kaya napag desisyunan namin na hindi na kami magpapagrupo sa isat isa. Hehehe.

Q: Dumanas din ba ng unos ang inyong relasyon bilang magkasintahan? Paano ninyo ito nalagpasan?
A: Oo naman, lahat naman dumadanas ng unos, kapag dumating kami sa ganitong pangyayari, talagang away, wla naman sakitan. Pero bandang huli suyuan din ang nangyayari. Sa huli nangingibabaw pa rin ang pagmamahalan. ^^


Q: Ano ang inyong sikreto (oo sikreto pero kailangang sabihin!) sa pagiging matatag ng inyong relasyon?
A: Trust at Pagtanggap sa bawat isa. Tiwala kasi kami sa isat isa. Tsaka yung pagtanggap kung anu yung kapartner mo. Kahit anu pa yan, mahal mo eh. Tatanggapin mo talaga dapat.

Q: Paano ka nag-propose?
A: Umisip ako ng bagong way ng pagpopropose. Yung unique. Laos na kasi yung kakain kayo tapos magdadala ang waiter ng food tapos nandun na yung ring. Ung mga ganun, dami ng gumawa kaya ayoko ng gawin. Eh since blogger ako, gumawa ako ng post para sa pagpropospose ko. Video presentation tapos nandun na yung pagpropopose ko. Hehehe eto may link yung video ko dito. http://lifemeetshappiness.blogspot.com/2011/04/where-will-i-take-my-boracay-rum.html
Actually nanjan na rin yung ibang kwento ng love story namin. ^^

Mga Larawan ng Kanilang Pre-Nup







Q: Paano pinaghandaan ang kasal?
A: Una syempre, ang pamamanhikan. Si Mhay kasi bunso yan eh tapos nagiisang girl, kaya old school ang pagpapalano. Inuna ang pamamanhikan namin, tapos binigay nila ang blessings then nagsimula na kaming maglakad ng mga kailangan naming requirements.


Q: Paano mo nasabi na siya ang babae para sa yo?
A: Bigla na lang isang araw naisip ko si Mhay na. Lahat na ata kasi ng hinahanap ko ay nasa kanya na. Maalaga, maasikaso, mabait, at may takot sa Diyos. All in one na ika nga. So pakakawalan ko pa ba?


Q: Anu-ano ang iyong mga expectations sa isang buhay may-asawa?
A: Una, kailangan kong magsikap. Hindi na tulad ng dati na tatamad tamad ako. Kung gusto kong umalis pwede, ngayon hindi na. Kailangan paalam kay Mhay or di kaya kasama ko na sya palagi. Tsaka yung finances, sya na ang hahawak.


Q: Anu-anong pagbabago ang naganap mula nang ika’y maikasal (adjustments etc)?
A: Una, hindi ako gano makatulog. Nanibago ata ako sa bahay namin. Ikalawa, naging mas masipag na ata ako. Hehehe. Syempre naman kung tatamad tamad ako baka palayasin ako ni Mhay. Ikatlo, I should wear my ring always (baka upakan ako ni Mhay pag di ko to sinuot hehehe). Ikaapat, May kasabay na ko palagi sa pagkain at sa pagtulog.


Q: Ano ang iyong mensahe para sa kanya?
A: Ah, Mahmine, salamat sa pagmamahal mo sakin, sa pagpili mo sakin bilang makakasama mo habang buhay. Umasa ka na ikaw lang din ang sasamahan ko habang buhay. Magkatulong nating itataguyod ang sinisumulan nating pamilya. Mahal na Mahal kita at take care always. Ilove you!


Q: Ano naman ang mensahe ninyo sa couples out there?
A: Sa mga couples out there na nagpaplano magpakasal or in relationship pa lang. Uhmmm, iwasan ninyo yung pagtatalo, yung iinit agad ang ulo. Magbigayan kayo. Pag mainit ang ulo ng isa cool lang muna ang isa, pag yung isa naman magbigay muna rin yun isa. Wag pagsabayin ang galit ng isat isa. Sa isang relationship dapat bigayan. Bawal ang selfish.


Heto naman ang mga larawan sa kanilang kasal











Maraming salamat parekoy sa pagpapaunlak sa panayam na ito ganun na rin sa mga pinadala mo'ng larawan. Nawa'y mas lalo pa'ng maging matatag ang inyong pagsasama at pagmamahalan sa isa't isa. God bless!

May 26, 2011

Your Song Presents: Mahal Naman Kita

27 ang nakaappreciate
Ang Logo ay ginawa ni Xiano aka Maskman para sa Damuhan's Your Song


Legend:

"" = dialog
** = bulong
^^= thoughts
%% = song
para mapakinggan ang kanta, punta lang sa link na ito

% Talaga yatang wala nang pag-asa
Upang ako'y iyong piliin pa
Pa'no mangyayari gayong ako'y 'di mo pansin
Pa'no mo malalaman sa 'yo'y may pagtingin %


Nina: "Ano ba'ng type mo sa isang babae bestfriend?"
Kiko: "Syempre, yung maganda, yung seksi, yung caring. parang si Mia."
Nina: "Oo nga. parang si Mia nga." *Sana ako na lang si Mia*
Kiko: "Ano'ng sabi mo tol?"
Nina: "Ah sabi ko bagay kayo ni Mia. Kaya dapat diskartehan mo na, hindi yung patumpik-tumpik ka pa!"
Kiko: "Eto na nga't nililigawan ko na. Sasagutin kaya nya ko?"
Nina: "Oo naman! Panigurado un! Yang gwapo mo'ng yan!"
^kung ako kaya ligawan mo, sasagutin kita^
Kiko: "Thanks tol! Ikaw talaga ang bestfriend ko! hindi kita ipagpapalit! The bestest best friend in the whole wide world!"
Nina: "Bolero!"
Kiko: "Uy seryoso un! kaw talaga!"
Nina & Kiko: "hahahahahaha"
Nina: ^pero di lang best friend ang gusto ko kiko^



% Lagi na lamang sa 'king isipan
Sana ito'y iyong maramdaman
Masabi ko na sana na minamahal kita
Do'n mo lang malalaman pag-ibig ko'y hanggang %



Jason: "Oh Nina! Kanina mo pa tinitingnan yang picture ni Kiko ah. Baka ma-bura na yan"
Bon: "Kasi naman Nina, ba't hindi mo pa kasi sabihin kay Kiko ang nararamdaman mo?"
Brian: "Mga sira talaga kayo! Kung sasabihin ni Nina yung feelings niya, eh baka iwasan siya ni Kiko. Ang alam ni Kiko eh tibu-tibo yan. Paano naman, ayaw mag-palda at blouse, laging naka-maong at t-shirt."
Nina: "Masaya na naman ako kahit bestfriends lang kami. Masaya ako'ng nakikita ko siya araw-araw. Sabay maglunch, sabay pumasok sa OJT. Pag pumupunta siya sa bahay, masaya din ako."
Jason: "Pero mas sasaya ka kung boyfriend mo siya"
Brian: "na malabong mangyari kasi nga, ang alam ni Kiko, tibo ka."



% Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba %



Kiko:" Bestfriend! Sinagot na ko ni Mia!"
Nina: ^aray ko!^ "Wow talaga! I'm happy for you bestfriend"
^sana di mo na lang sinabi. Ang sakit sakit!^
Kiko: "Sabi ko na nga ba matutuwa ka for me eh. Tara papakilala kita"



% Ngunit 'di bale na kahit mahal mo siya
Mahal naman kita %



Kiko: "Nina, si Mia girlfriend ko. Mia, si Nina, ang bestest best friend ko!"
Mia: "Hi Nina, nice meeting you finally. Dami'ng kwento ni Kiko bout you. Lalo na ung mga tinuro mo'ng diskarte para mapasagot niya ako hahahaha"
Nina: "Hi Mia, mahal na mahal ka niyan ni bestfriend!"
^sana ako na nga lang minahal niya^
Mia: "I know right! Hehehe. Mahal na mahal ko rin siya eh."
Nina: "Ok yan. Huwag mo siyang sasaktan ha. Kung hindi lagot ka sa kin! Hehehe. Biro lang"
^Mata mo lang ang walang latay pag sinaktan mo siya^
Mia: "Promise Nina. :)"



% Kung totoong lahat ng 'yan
Sana ako'y nangangarap na lang
Masayang man, 'yan ay pangarap lamang
'Di naman ako gaanong masasaktan %



Kiko: "Thanks bestfriend ah."
Nina: "ilang beses ka ba'ng magte-thank you?"
^dapat i love you na lang sinasabi mo sa kin^
Kiko: "Walang katapusan! Hehehehe. Salamat sa mga tulong mo kung paano ko liligawan si Mia"
Nina: "Adik! Wala yun, best friend kita eh. Malamang tutulungan talaga kita."
^Maging masaya ka lang at ako'y masaktan, ok lang^



% Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba
Ngunit 'di bale na kahit mahal mo siya
Mahal naman kita *



Jason: "Ano? Si Mia at Kiko? You mean.. Sila na?"
Brian: "oo tsong! at hulaan mo kung sino ang tumulong"
Bon: "Sus! Di na kailangang hulaan yan. Pinag-iisipan pa ba yan?"
Jason: "Ah si Nina malamang!"
Nina:" Mga gago, nandito ako oh!"
Brian: "Kita ka nga namin! At kitan'g kita ang pagmumugto ng mga mata mo kakaiyak."
Bon: "Ayan! Ginawa mo'ng tulay ang sarili mo tapos iiyak-iyak ka"
Jason: "Guys, ano'ng magagawa niya, eh mahal niya si Kiko. Kung tunay ka'ng nagmamahal, gagawin mo ang lahat para sa minamahal mo, kahit ikaw pa ang masaktan. At yun nga ang ginawa ni Nina.
Brian: "Wag ka nang umiyak. Lilipas din yan"
Nina: "Ano ba kayo, wala to! Kaya ko to"

^hindi ko kaya. ang sakit-sakit!^



% Pa'no mangyayari gayong ako'y 'di mo pansin
'Di mo ba nalalaman pag-ibig ko'y hanggang %



Kiko: "Bestfriend! Magtatalong buwan na kami ni Mia. Tulungan mo naman ako'ng isurprise siya"
Nina: "Oo naman basta ikaw!"
Kiko: "Salamat bestfriend I love you bestfriend!"
Nina: "Wag mo ko'ng i-i love you, baka maniwala ako"
^you love me as a friend at ang sakit-sakit^ "
Kiko: "ha?"
Nina: "Joke lang! Adik!!!"
Kiko: "Binibigla mo naman ako kasi hehehe"



% Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba
Ngunit 'di bale na kahit mahal mo siya
Mahal naman kita %



Kiko: "Hello Nina? Punta ka naman dito sa bahay. Gusto ko ng kausap"
Nina: "Ok sige wait lang"

^ano'ng problema niya?^

Nina: "Oh bestfriend, bakit? ano'ng nangyari sa yo?
Kiko: "Si Mia tol, nakipagbreak siya sa akin"
Nina: "Huh Bakit"
^dapat ba ko'ng matuwa?^
Kiko: "Di daw siya sigurado sa feelings niya for me. Three months? Di pa siya sure? Tang-ina naman!"
Nina: "Tol, mabuti nga yung hangga't maaga nalaman mo. Madami pa'ng iba diyan. Kung makaiyak ka naman, kala mo wala nang bukas"
Kiko: "Mahal ko sya Nina! Hindi mo ba naintindihan! Mahal ko siya! palibhasa di ka marunong magmahal kaya di mo alam ang pakiramdam! Para ka'ng manhid!"
Nina: "Hindi ako manhid Kiko!"
Kiko: "Manhid ka!"
Nina: "Hindi! Dahil kung manhid ako, hindi ko mamahalin ang tulad mo!
Kiko: ---
Nina: "Oo Kiko, mahal kita! Hindi ako tibo gaya ng iniisip mo! Mahal na kita mula pagkabata. At nasasaktan ako sa tuwing nagpapatulong ka kung paano ligawan si Mia. Sa tuwing kasama mo siya, sa tuwing kinukwento mo kung gaano ka kasaya sa piling niya! Pero lahat ng iyon, tiniis ko! Dahil mahal kita!"
Kiko: Nina--



%Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa (ooh)
Bakit may mahal ka nang iba%



Jason: "So nasabi mo na pala lahat kay Kiko! Ang galing mo Nina!"
Nina: "Kaya wala ako'ng mukhang maiharap sa kanya"
Bon: "Well, at least nasabi mo na, lumuwag na yang dala-dala mo sa dibdib mo"
Brian: "Antayin na lang natin ang sasabihin ni Kiko tungkol dyan."
Nina: "Hindi na ako nag-eexpect na mahalin niya ako."
Jason: "Bakit? Hindi mo na ba siya mahal?"
Nina: "Syempre mahal ko siya. Hindi na magbabago yun"
Kiko: "Mahal din kita Nina"
Nina: "Kiko? Kanina ka pa?"
Kiko: "Medyo. Pinag-isipan ko ang mga sinabi mo.Ganun din ang nararamdaman ko. Mas masaya ko sa piling mo. Mas masaya ko pag tayo ang magkasama kesa kami ni Mia. Mahal kita."
Nina: "Wag mo ko'ng biruin ng ganyan at di nakakatuwa"
Kiko: "Narito ako ngayon, nakaluhod sa iyong harapan, bilang pagpapatunay na mahal na mahal kita"
Nina: "Kiko--"
Jason: "Huy Nina! Wala ka ba'ng sasabihin? Kanina pa nakaluhod yang si Kiko oh!"
Bon: "Kailangan may sabihin muna si Kiko!"
Kiko: "Will you be my girlfriend Nina? Please?"
Brian: "yun oh!!! Sagot na Nina!!!"
Bon, Brian, Jason: "Sasagot na yan! Sasagot na yan!"
Nina: "Tumigil kayo!"
Kiko: "Nina?"
Nina: "Oo Kiko. Pumapayag ako'ng maging girlfriend mo"

^Ang tagal ko'ng inantay to!^

Bon, Brian, Jason: "Yes!!!!"



% Ngunit 'di bale na kahit mahal mo siya
Mahal naman kita
Mahal naman kita %



Kiko: "Mahal na mahal kita Nina"
Nina: "Mahal na mahal din kita!"


-end





May 25, 2011

Blogger's Hot Seat: Goyo: The Birthday Boy

26 ang nakaappreciate
Ang blogero na ating itatampok ngayon ay isa sa mga mahuhusay sa larangan ng literatura. Ang kanyang kwentong GABAY ay nagwagi ng unang gantimpala sa pagsulat ng maikling kwento sa ikalawang SARANGGOLA BLOG AWARDS. Higit sa lahat, siya ay nagdiriwang ng kanyang ika-22 kaarawan ngayong araw na ito. Natats (na-touch) din ako sa isa pa'ng kwento na kanyang ginawa na pinamagatang LOWBAT. Without further adobo, kilalanin natin ang blogger na nasa likod ng GOYOSADVENTURE at BUTAS NA BRIEF. Si Goyo:




Pangalan/Alias: Goyo The Great

Blog Name at URL: http://goyosadventure.com & http://butasnabrief.tumblr.com

Lokasyon: 95 G. Seña St., Brgy. Special District, Jalajala, Rizal. Complete address yan, padala kayo ng mga relief goods.

Edad: 22 anyos sakto ngayong araw na 'to (May 25). - Happy Birthday!!!

Civil Status (importante to): Single. Maraming nagkakacrush at nanliligaw. Deal with it.


GENERAL QUESTIONS:

Bino: Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.
Goyo: 6 footer, Brown eyes (lol), walang abs, pero mahaba ang dila. Tapos ng kursong BSECE pero hindi umakyat sa stage.. Madumi ang mukha, lalong naging baby face dahil sa bulutong..


Bino: Kailan at paano ka nagsimulang mag-blog
Goyo:  Nagsimula akong magblog sa friendster noong August 2008. Binola ako ng mga friends ko na maganda daw at magaling akong magkwento ng mga karanasan. Nagpauto naman ako at patuloy na nagbahagi ng kwento.. Fan ko daw sila kaya magsulat lang ako dahil babasahin nila.. Hanggang sa lumubog ang friendster at lumipat ako sa blogspot.


Bino: Bakit mo naisipan na pasukin ang mundo ng blogging?
Goyo: Trip lang. Testing. Enjoy naman, tsaka para imbakan na din ng mga alaala, hindi ko naman kasi lahat maaalala to pagtanda ko.. Kaya personal ang blog ko lalo yung sa tumblr. :)



Bino: Ano ang kwento sa likod ng iyong alias?
Goyo: Galing sa lolo at tatay ko ang Goyo, Gregorio sila pareho. Para sa mas maraming impormasyon tungkol dito, pakibasa na lang 'to: (http://tinyurl.com/bakitgoyo).


Bino: Paano nagsimula ang goyosadventure ganun na rin ang iba mo pang blogs?
Goyo: Sabi ko nga sa tanong sa itaas na sa friendster talaga ako unang nagblog. Nagtanong ako sa mga kakilala kung saan maganda magtuloy ng blog, yung iba sabi multipy daw, nabaduyan ako kaya sa blogspot na lang.. Yung sa tumblr ko naman, nakita ko sa news feed sa facebook. Tinesting ko, nag-enjoy at hanggang ngayon, tumblr blogger pa din.. Madaming chiks e. Puro bata pa. :)


Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag. Kung hindi ma'y magbayad ng 1 libong piso. Joke lang!
Goyo:  Noong una si Bob Ong talaga.. Nabasa ko kasi sa libro nya dati na sa blog sya nagsimula.. Pero ngayon, sa paglabas ng mga libro nya, nababaduyan na ako.. tsaka nakakainip kung hihintayin mo taon taon ang bawat libro nya.. Si Lourd de Veyra ang iniidolo ko ngayon, daily dose of shits sa WOTL, quality post pa sa This is a Crazy Planets.


Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Goyo: Babae. Hindi na kailangang ipaliwanag.


Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Goyo: Wala naman. Madali lang naman mag-ignore ng mga haters. Yung iba lang nakakatawa. Dinidibdib ang mga biro sa internet. Internet to mga tol, madaming malala kung mag-troll dito. Bawal balat sibuyas.


Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag
Goyo: Hindi naman.. Hindi ko naman masyadong kinakarir. Hindi naman ako kumikita dito. Personal blog ako e.. Kapag walang maipost, e di wala. Di ko pinipilit sarili ko para lang makapag-update.. Kapag may libreng oras, e di ayos, blog blog lang.. Hehe..


Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Goyo: Aminado ako may nabago kahit papano. Dumami ang kaibigan. Sa mundo pa ng internet ako nagkaroon ng hater. Feeling ko meron e, mga takot lang at bakla kaya di kaya magparamdam. Hehe. Dumami ang nagkaka-crush. Pwera biro to. Haha. Tsaka, kahit papano naggo-grow as a person at naitatama yung ilang pagkakamali. Mas lalo ding naging open minded.


Bino: Importante ba sayo ang may mga nagkokomento sa mga post mo?
Goyo: Noong una, oo syempre. Parang ito yung basehan ng ilan kung may nagbabasa o wala e. Pero nung tumagal, natuklasan ko na marami talagang silent readers.. Nakakatuwa kasi na nag-iincrease yung likers nung page.. Kaya ayun.. Kahit papano masaya na akong malaman na may nagbabasa kahit walang koment. Nanay at tatay ko pa lang e, regular reader na.


Bino: Paano kung sakaling walang nagkomento?
Goyo: Ayos lang. Wala namang mababago. Hehe. :D


Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?
Goyo:E di gumawa sila ng blog. Haha. Depende kasi sa intensyon yan e, dapat malinaw sa kanila yun.. Kung personal blogger ka, sulat mo kung anong gusto mo, kahit makasagasa ka ayos lang BASTA KAYA MONG DALHIN SARILI MO. Basta blog lang ng blog, tyagaan lang.. Kunwari expert na ako, nagtitip e. hehe.


Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa iban'g lahi?
Goyo: Hindi ko alam kung paano icocompare tong dalawang 'to. Nakabasa na kasi ako ng mga blogs sa ibang bansa, sa tumblr ako nakakabasa. Iba talaga yung humor nila. Madami ding magagaling kung creative writing ang pag-uusapan..


PERSONAL QUESTIONS:

Bino: Sino si Goyo sa tunay na buhay? Sa likod ng blogging?
Goyo: Walang halos pinag-iba. Tahimik lang ako kapag sa unang pagkikita, ayon.


Bino: Nagmahal, umibig, nagkagusto ka na ba sa kapwa mo blogero?
Goyo: Nagkaroon na akong girlfriend na blogger. Hehe.. Marami na din akong nameet at .....


Bino: Ikaw ang nanalo sa ikalawang Saranggola Blog Awards. Ano ang sikreto ng galing mo sa paglikha ng mga kwento?
Goyo: Sikreto? Wala. Tsamba lang. Humble talaga ako e. Haha.



Mula sa kanyang kwentong "Gabay"

"Parang gusto ko ng sundin ang payo ni Inay na itigil ang pangarap kong makatapos ng pag-aaral. Ngayon pa lang nahihirapan na ako, pano pa kapag pumasok na ako sa hayskul?  Pero hindi, kailangan makaabot din sa langit ang saranggola ng buhay ko. Hindi ako titigil sa pangangarap. Ang edukasyon ang magiging susi ng tagumpay ko. Maiaahon ko din sa hirap ang Inay ko."


Bino: Isa ka din sa mga tagalog bloggers na may mahigit isang libong fans sa facebook at sandamakmak na followers sa tumblr. Ano'ng sikreto mo? Kailangang sabihin!
Goyo: Konti lang ang followers ko sa tumblr compare sa iba. Hehe.. Ewan ko, gusto lang nila siguro talagang makichismis sa buhay ko. Too much info kasi ako magblog lalo sa tumblr.

Bino: Ano ang tipo mo sa isang babae?
Goyo: Tipo ko sa babae. Walang eksaktong katangian, depende talaga sa babae e.. Pero bonus kung virgin. Aminin na natin, bonus yun.


Maraming salamat Goyo at pinaunlakan mo ang aking panayam sa iyo. Ipagpatuloy mo ang pagsusulat ng iyong magagandang likha.

May 24, 2011

Happiness!!!

25 ang nakaappreciate
Magbebeinte-otso na ko sa darating na Nobyembre. Malapit na ko sa "early thirties" stage. Wala naman ako'ng pakialam sa edad ko. Sariwa pa naman ako. Lels. Hindi ako natatakot tumanda. Mas natatakot ako na maging incapacitated. Yun ba'ng mawalan ng silbi sa mga mahal ko sa buhay. Yung hindi ko na sila matulungan kahit sa simpleng gawaing bahay. Ganunpaman, masaya ako at hindi pa naman ako kukunin ni Lord. Masamang damo kasi, kaya matagal mamatay. Hehehe.

Sa tagal ng panahon na nabubuhay ako sa mundo'ng ibabaw, halos kalahating porsyento yata ng karanasan ko ay malungkot, sawi at bigo. Hindi ko namalayan na mas lamang pa rin pala ang masasayang karanasan. Nagkamali ako ng ang aking binilang ay ang mga negatibo ganung halos karamihan ay positibo'ng bagay. Saka ko na-realize na I have more reasons to smile. I have more reasons to be thankful and be happy. What makes me Happy?


1. God - Masaya ako dahil hindi ako pinapabayaan ng Diyos sa kabila ng minsan ko'ng paglimot sa kanya. Masaya ako sa mga pagsubok na binigay Niya dahil mas lalo'ng tumibay ang aking pananampalataya sa Kanya.

2. Family - maswerte ako't lumaki sa isang pamilya na puno ng pagmamahalan at suporta. Bagamat maagang namayapa ang aking ina, hindi ako pinabayaan ni tatay at ng aking mga tiyahin. Nagsumikap silang mabigyan ako ng magandang bukas. Masaya ako sa piling nila. Masaya ako dahil masaya sila.

3. Friends - masaya din ako sa piling ng mga kaibigang bilang na bilang sa aking mga daliri sa kamay at sa paa. Mga kaibigan mula pagkabata, sa opisina, at sa blogging. Nang may dumating na isang unos sa aking buhay, doon ko nakita kung sino ang totoo at sino ang huwad. At nagpapasalamat ako sa kanila.

4. Health - masaya ako dahil wala ako'ng grabeng sakit. Hindi ako nakaratay sa kama. Kumpleto ang bawat bahagi ng katawan.

5. Work - masaya ako dahil mayroon ako'ng trabaho na may magandang sweldo. Masaya ako dahil hindi ako kabilang sa milyun-milyong tao sa bansa na unemployed o underemployed, nakapila sa POEA para maghanap ng mapapasukan at nagtitiis sa tindi ng sikat ng araw makamit lang ang magandang kinabukasan.

6. Pera - napakaipokrito ko kung sasabihin ko'ng hindi ako masaya pag may pera. Masaya ako dahil kahit dumadating ang pagkakataon'g medyo kinakapos, sa awa ng Diyos, ako'y nakakaraos.


on the lighter side...

  • Masaya ako kapag araw ng sweldo.
  • Masaya ako kapag may libreng internet sa cellphone at sa pc/laptop.
  • Masaya ako kapag may mga nagkokomento sa post ko (alam na!)
  • Masaya ako kapag nagkokomento ako ng "Nice Post! You Should Write More often!" sa mga post ng kapwa bloggers matapos ang seryosong comment ko.
  • Masaya ako kasi may manlilibre sa akin papuntang Sagada sa November!
  • Masaya ako kapag kumakain ng spaghetti with meatballs, pizza at iba pa'ng italian food. Pero mas masaya ako pag kumakain ng ginisang munggo at prito'ng galunggong!
  • Masaya ako kapag laging dumadalaw si ano sa blog ko. Hehehehehe
  • Masaya ako kapag nagbibiruan kami ni Madz.
  • Masaya ako tuwing nakikita ko si _____.


Basta! Masaya ako! Period.


At iyan ang mga dahilan kung bakit nananatili ako'ng HAPPY!!! Happiness to the max!





May 23, 2011

Mga Uri ng Tao na Nananatiling Single

30 ang nakaappreciate
Nasa edad trenta pataas ka na, gwapo o maganda ka naman. Hindi ka naman tibo or bakla. Pero hindi ka magkaroon ng seryosong long-term relationship. What's the deal? Maaaring hindi mo pa maiwan ang "kalayaan" mo. O maaaring willing ka na iwan ito, pero something's blocking you. Pwedeng nawalan ka na rin ng tiwala sa opposite sex dahil minsan ka nang naloko. May mga ibang priorities ka pa sa buhay o sadyang ayaw mo lang mag-asawa. Iba't ibang rason, iba't ibang solusyon. Iba't ibang uri ng tao na nananatiling single hanggang ngayon. Heto ang ilan: (Ito ay sariling opinyon lamang ng may akda at walang pinatatamaan sinuman)

Ang Family Oriented - sa bansa'ng importante ang pamilya, normal na unahin ang kapakanan nila bago ang sarili. Kaya hangga't hindi nakakatapos ang bunso, kahit edad 38 na, ang family oriented person pa rin ang sumusuporta. Pagtanaw din ng utang na loob dahil sa ginawang pagpapalaki ng mga magulang.  Ang sa akin lang, may sarili rin naman silang buhay di ba. At tiyak ko na maiinitindihan ng mga ito kung gusto mo nang lumagay sa tahimik.

Ang Workaholic  -  isang tao na ginawang prioridad ang trabaho. Focus sa career. Climbing up the ladder 'ika nga. Ang pagkakaroon ng isang seryosong relasyon ay maaaring maging hindrance para sa kanya. Hindi maaaring unahin ang lovelife. Mayroon siyang personal deadline. Halimbawa'y kailangan niyang mapromote bago dumating sa edad na 35. Hindi maaaring isacrifice ang  career path para sa isang pag-ibig.

Ang Partier - madalas sa bars, enjoying him/herself til the sunlight. Mas may appeal ang mga newest parties at clubs kesa isipin ang posibilidad na lumagay sa tahimik. Madalas nasa Gilligans, Madisons, Pady's Point (old school)  tuwing weekends o tuwing sweldo. Sabi pa ng isa ko'ng kakilala na nasa edad 31, "I go out to have fun and not to meet someone.

Ang Mahiyain - applicable sa mga kalalakihan. Torpe. Meeting women requires conversation - na isang malaking problema sa mga katulad nila. Ligaw-tingin. Pasulyap-sulyap mode. Kahit may gusto'ng babae, hindi magawang pumorma. Walang lakas ng loob na sabihin ang kanyang nararamdaman.

Ang Makapili - choosy. May nakaset na standards sa kanyang magiging boyfriend/girlfriend. Kailangan may pinag-aralan, gwapo/maganda, mabait, understanding, caring etc. Isa lang ang mawala sa listahan niya, burado ka na. You can't have them all! Nobody's perfect. Kaya kung masyado ka'ng choosy, good luck!

Ang Man/Woman Hater - tulad ng nabanggit ko sa intro, may hindi magandang karanasan ang tao'ng ito sa opposite sex. Maaaring lubos siyang nasaktan o sinaktan ng kanyang ex-bf/gf. At ang madilim na kahapon na yon ang siyang dahilan kung bakit ayaw na niyang umibig muli. Ang sa akin lang, mahirap pero kailangan'g mag-move on at isipin na hindi lahat ng babae/lalaki ay ganun.

Ang Single by Choice  - ayaw talagang mag-asawa. Walang kailangang dahilan. Period.


Hindi lahat ay pasok sa mga kategoryang nabanggit. Maaaring ang ilan ay  kumbinasyon o kaya nama'y wala talaga sa listahan. Ganunpaman, naniniwala ako na love happens when you least expect it. Parang walang konek no?  Gusto ko lang ung linyang yun. So paano, hanggang dito na lang at maraming salamat muli sa pag-babasa.


     




May 21, 2011

Blogger's Hot Seat: Bonistation: The Q&A Edition!

29 ang nakaappreciate
Nabitin ba kayo sa spotlight natin kay Bon Talampas? Gusto n'yo ba siyang makilalang mabuti? Pwes, heto na ang question and answer portion ng tao sa likod ng BONISTATION at TARAGIS!




Pangalan/Alias: Bonifacio F. Talampas, Jr. / BON
Blog Name at URL: www.bonistation.com
Lokasyon: Saudi Arabia
Edad: sikret
Civil Status (importante to): Single


GENERAL QUESTIONS:


Bino:Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.
Bon: alagad ng impormasyon at teknolohiya. color blind.mahilig ako sa pets, action figures,transformers. kaliwete sa lahat ng bagay maliban sa pagsulat. kasalukuyang nagtatrabaho sa isang hospital sa saudi arabia.


Bino: Kailan at paano ka nagsimulang mag-blog
Bon: 2008 ako nagsimulang mag blog, si jorge(parekoi.com) ang nag invite sakin to blog, blogspot pa gamit nya nun.. pero bago ako gumawa ng sariling blog nagpaikot ikot muna ko sa blogosphere.. nagbabasa ng mga kwento.. isa si GASTI( gasti.wordpress.com) sa pinakapaborito kong puntahan, dun ako nagsimulang ma inspire..

Bino: Bakit mo naisipan na pasukin ang mundo ng blogging?
Bon: nakakalibang kasi, tulad ng marami; outlet, tsaka masarap sa feeling yung mag cocomment sila sa mga gawa mo. Parang fullfilment nadin na you shared something..


Bino: Ano ang kwento sa likod ng iyong alias (kung meron man)?
Bon: bonistation lang din naman ang gamit ko pag angcocomment sa iba. Wala naman kakaibang kwento bukod sa related sa pangalan ko ang boni.

Bino: Paano nagsimula ang BONISTATION ganun na rin ang iba mo pang blogs?
Bon: pinakamahirap yatang magisip ng pangalan ng blog at halos lahat ng blogger napagdaanan yan. Inisip ko lang talaga na dapat yung blog name ko something related sa pangalan ko and at the same time branded na nakatatak sa isip ng marami. Ayun pumasok na ang bonistation ng MRT.

Bino:Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag. Kung hindi ma'y magbayad ng 1 libong piso. Joke lang!
Bon: marami, marami akong sinusubaybayan, sabi ko nga isa dyan si gasti.wordpress.com, kakaiba kasi ang paraan nya ng pagkukwento napaka natural na nakakatuwa at siguro likas lang na may talent sya.. sa kanya ko din natutunan ang term na taragis.. and came up with taragis.com

Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Bon: marami akong na meet na tao.. may blogger na abugado, may pari, accountant, engineer, architect, nurse, teacher, call center agent, duktor halos lahat na yata ng posibleng propesyon na maiisip mo nakilala ko na sa blogging. Masaya. Masayang makipagpalitan ng mga ideas, experiences. Hindi ko rin makakalimutan na halos sa blog ako nag pasko. Mahirap ang pasko sa abroad malayo sa pamilya. Pero dahil sa mgakaibigan sa blog hindi naging ganun kabigat, mararamdaman mong may kasama kapadin at hindi ka nag iisa.. maraming bloggers din kasi ang malalayo sa pamilya. Iba ang saya pag masasabi mong blogger ka.. and “i belong”.

Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Bon: wala akong matandaan, sa tagal ng pag ba blog wala din akong experience na pangit. Siguro na maintain ko din naman kasi ang essence ng bonistation.. “being happy”

Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag
Bon:  tinamad oo dahil walang oras at walang maisip dahil pre-occupied ng ibang bagay, pero hinding hindi ko iniwan ang pag ba blog.. nawawala man sa ere pero andun padin paminsan minsan ang pagbabasa ng mga kwento ng iba.. parte na to ng buhay ko...

Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Bon: dumami ang kakilala, kaibigan. Mas lumawak ang pananaw sa buhay dahil sa mga inspirasyon na nababasa ko sa iba.

Bino: Importante ba sayo ang may mga nagkokomento sa mga post mo?
Bon: oo importante. Bawat may nagcocomment ni re reread ko ang article ko. =)

Bino: Paano kung sakaling walang nagkomento?
Bon: haha. Malulungkot ako syempre. Sa dami ng kaibigan wala man lang magcocomment.. taragis sila! Haha. Pero so far wala pa namang ganun.. ^^

Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?
Bon: Sa pananaw lang din na to ako nagsimula - “sa blogging, walang rules, walang guidelines kung pano ka magsusulat - ang mahalaga na-i-express mo ang gusto mong sabihin..” at mas maganda kung makakapagshare ka ng natural at yung may matututunan ang ibang tao sa mga ibabahagi mo.. at dapat marunong din tayong rumispeto ng iba.. para in return mairespeto din tayo."

Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa iban'g lahi?
Bon: iba padin ang pinoy. Mas madamdamin kasi pag tayo ang bumira! Hehe. O baka hindi ko lang maintindihan ang mga blog nila. Taragis! Hehe. Basta saludo ako sa lahat ng pinoy bloggers!


PERSONAL QUESTIONS:


Bino: Sino si Bon sa tunay na buhay? Sa likod ng blogging?
Bon: marami akong kahinaan, umiiyak din ako, nalulungkot pero mas nangingibabaw dun ang pagiging masayahin at ang pinakamahalaga positibo ako halos sa lahat ng pananaw.. mas gusto kong tumutulong kaysa ako ang tinutulungan. Nahihirapan ako pag wala akong magawa para sa kapwa ko sa mga sitwasyong hindi masaklaw na kakayanan ko.. Napakahirap kong tumanggi.. mahirap kong bitawan ang “hindi”. Pero bawal abusuhin hehe. Madali din akong magsawa; madaling makakita ng mali at parang mahirap magbigay ng second chance hehe.

Bino: Isa ka sa mga haligi (naks!) ng U-Blog o United Pinoy Bloggers. Bakit n'yo naisipang buuin ang grupo'ng ito?
Bon: salamat kay Bernard Umali sa tiwala. Sya talaga ang totoong haligi natin. May kakaibang karisma si bernard malakas ang convincing power at posibleng nahawahan lang ako.

Bino: Nagmahal, umibig, nagkagusto ka na ba sa kapwa mo blogero? O may nagkagusto na ba sayong blogger?
Bon: masarap maging blogger kasi para ka lang artista sa sarili mong mundo, ang mga readers ang mga fans mo. ^^  parang sa iba, fan din nila ko.. maraming magagaling na blogger at magaganda! Hehe.  Ok sa tanong mo.. nagmahal oo, hindi naman namin maitatanggi yun at halos alam ng lahat ng mga bumabasa sa bonistation.. at dun sa mga nagkagusto diko alam nyahaha.. meron akong alam na isa.. hihi

Bino: Ano ang tipo mo sa isang babae?
Bon: Matalino. Simple. =) maganda…

Bino: Batid ko'ng ika'y nagtatrabaho sa ibang bansa. Ano ang dahilan?
Bon: Para makapag blog.. haha biro lang.  Para sa mas maginhawang buhay. May kumatok na oportunidad kailangang pagbuksan. Hindi ko naman ginusto na mag abroad. Sawa nako sa kwentong abroad.. simula sa kwento ng tatay ko hanggang sa nanay ko.. ^^ pero siguro para mas maapreciate ko ang mga ‘yon kung masususubukan ko sa sarili ko. At totoong hindi biro ang sakripisyo nila. At tsaka siguro kung hindi ako nakapag abroad baka hindi rin ako nakapag blog. ^^ wala ring bonistation.

Bino: Ano'ng mga pagsubok ang iyong naranasan sa ibayong dagat?
Bon: Maraming pangyayari ang nakaharap ko sa pakikipamuhay malayo sa kinalakihan ko. Malungkot na masaya.. malungkot dahil malayo sa pamilya.. maraming okasyon ang mapapalagpas mo ng hindi sila kasama.. masaya dahil isa ako sa nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho abroad.. malaking bagay to para sa pagbuo ko ng sarili ko! (NAKS!)

Bino: Maaaring nararanasan mo din ang homesickness. Paano mo ito nalalagpasan?
Bon: Buti may internet. Malaking bagay ang internet. Bukod sa makakausap mo ang pamilya mo madalas. Maraming mapaglilibangan. Pag nakaupo nako sa harap ng computer hindi kona namamalayan ang oras. Pero hindi parin maiiwasan ang homesickness. Nandyan lang yan palagi naghihintay na mag jump sayo dapat palagi kang ready.


Bon:Pwedeng bumati at magpasalamat? Hehe
Bino: Oo naman! Go!

Bon:

Maraming salamat sa mga naging kaibigan ko dahil sa blog. Sa mga nagbabasa at patuloy na naging bahagi ng bonistation.com at taragis.com. Marami akong namimiss na mga kasabayan ko sa blog na hindi na ganong active at sana makabalik na sila. ^^




May 20, 2011

Liham

24 ang nakaappreciate
Dear Tatay,


Kamusta po? Kamusta na po diyan sa Canada? Siguro'y maginhawa'ng maginhawa na po kayo kasama ang iyong pamilya. Panigurado’ng masayang masaya na po kayo sa inyong buhay na tinatamasa ngayon. Maaaring hindi n'yo po ako kilala. Dahil hindi naman po natin nasilayan ang isa't isa. Mangyari po kasi'y hindi n'yo rin naman po kinilala ang aking ina. Subalit dahil sa tinatawag na lukso ng dugo at iba pa'ng palatandaan, kayo'y aking natagpuan. Kaya nga po heto't lumiliham ako sa inyo.


Pamilyar po ba ang pangalang Andrea Cruz sa inyo? Kung hindi po, hayaan n'yo po'ng ibalik ko siya sa memorya ninyo. Naging magkasintahan kayo sa loob ng tatlon'g taon. Mahal na mahal ka niya at ganun ka din po sa kanya. Ngunit isa'ng pagsubok ang dumating na naging dahilan para mawala ang pagmamahal nyo sa kanya. Siyam na buwan na po ang nakalilipas nang malaman nyo'ng siya'y nagdadalang-tao. Tuwang-tuwa pa siya'ng ibinalita sa iyo ang tungkol sa pagbubuntis niya. Umaasang pakakasalan nyo siya at mabubuhay bilang mag-asawang puno ng pagmamahalan sa isa't isa.


Subalit ang pangarap niyang iyon ay nasira nang itanggi nyo po'ng kayo ang ama ng batan'g dinadala niya. Bagamat alam nyo'ng sa sa sarili ninyo'ng hindi kailanman nagtaksil si Andrea, mas pinili nyo pa ri'ng hiwalayan siya. Ang dahilan? Hindi pa kayo handang maging ama. Lubos po'ng nasaktan si Andrea sa ginawa ninyo. Ganunpaman, pinilit niyang ituloy ang pagbubuntis. Sinumpa nya sa kanyang sarili na hindi niya kayo kailanman mapapatawad. Sinabi niyang babaunin niya hanggang hukay ang kapatawarang hindi niya ibibigay sa inyo.


Makalipas ang siyam na buwang pagdadalantao ni Andrea, pumanaw siya sa panganganak sa akin. Ilang oras lamang ang nakakalipas ay binawian na rin po ako ng buhay. Opo. Ako ang bunga ng pagniniig ninyo. Si Andrea ang aking ina na binaon hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ang galit at pagkamuwi sa inyo. Nakakalungkot na hindi niya kayo nagantihan. Pero huwag po kayo'ng mag-alala. Dahil ako ang magpapatuloy ng kanyang poot. Marahil nagtataka kayo kung paano ako nakapagsulat sa inyo. Marami po'ng bagay sa mundo ang hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Isa na ito sa mga yon.


Hindi ko po kayo titigilan hanggang sa hindi makamit ng aking ina ang paghihiganti niya sa inyo. Umasa po kayo na umpisa pa lang ito ng inyong kalbaryo. Mararanasan ninyo ang lahat ng sakit na una ninyong ginawa sa akin at saking ina. Umpisahan na lang po natin sa pagkawala ng iyong pamilya.


Naghihiganti,


Ang Inyong Anak

Mateo

___________________________________


Andrea Cruz
Born: October 7, 1983
Died: May 20, 2011

*********

Mateo Cruz
Born: May 20, 2011
Died: May 20, 2011












May 19, 2011

Blogger's Hot Seat, Mga Ilang Katanungan

21 ang nakaappreciate
Una sa lahat, magiging regular topic na ang Blogger's Hot Seat dito sa Damuhan. Para sa ikalilinaw ng lahat. Narito ang konting FAQ (Frequently Asked Questions) tungkol sa nasabing topic:

Q: Tungkol saan ang Blogger's Hot Seat?
A: Ang Blogger's Hot Seat ay tungkol sa isang blogger na maitatampok dito sa Damuhan. Ito ay naglalaman ng mga katanungan tungkol sa kanilang buhay partikular sa blogging o maaari rin namang personal.

Q: Kailan nagsimula ang Blogger's Hot Seat?
A: Actually nagsimula ito noo'ng ika-7 ng Enero taon'g 2011.

Q: Paano ito nagsimula?
A: Ito talaga ang kasunod na tanong. Ganito kasi yun, wala ako'ng maisip na isusulat sa araw na yun. Eh nagkataon naman na isang blogger ang ikinasal noon'g 01-01-2011. So tinanong ko siya kung pwede siyang mafeature sa Damuhan. Nagpaunlak naman siya. Kung sino ang blogger na yun, punta ka lang DITO

Q: Bakit mo naisipang gumawa ng ganitong Q&A sa mga bloggers?
A: Dahil gusto ko din silang makilala. At dahil hindi naman madalas ang isang bloggers' Eyeball, minabuti ko na i-email ang mga katanungan sa kanila. Naniniwala naman ako na ang mga sagot nila sa mga katanungan ay galing sa puso. Ibig sabihin totoo.

Q: Bakit hindi mo ine-edit ang mga sagot nila?
A: Dahil gusto ko'ng lumabas ang pagiging natural ng kanilang mga sagot. Kung i-eedit ko ito, magmimistulang tila ako ang sumagot ng tanong.

Q: Ano'ng klaseng mga bloggers ang ifi-feature mo? Ano ang mga requirements?
A: Basta blogger, pwedeng ifeature. Kahit ano'ng kategorya basta hindi adult-content ang nilalaman ng kanilang blog. Baguhan man o propesyunal, Sikat man o hindi, Pilipinas man o ibayong dagat, walang kaso. Walang diskriminasyon. Hindi ito batay sa PR ng kanyang blog o sa dami ng bumibisita. As long na isa kan'g blogger (wag lang porn blogger), pasok ka! Importante lang na mayroon ka'ng photos para masaya.

Q: Paano mo pinipili ang blogger na malalagay sa hot seat?
A: Kung mayroon'g magpiprisinta, mas ok dahil hindi na ako maghahanap ng ifi-feature. Pero kung wala naman, iniisa-isa ko silang tanungin ko'ng pwede silang itampok dito sa Damuhan.

Q: May tumanggi na ba'ng blogger sa Blogger's Hot Seat?
A: Sa kasamaang palad eh meron na. Hindi naman daw kasi ganun kalawak ang magiging exposure nya sa Damuhan. Kung sino yun, hayaan na lang natin siya.

Q: Paano kung gusto ko'ng ma-feature dito?
A: Aba eh kung ganun maraming salamat sa iyo! Mag-email lang sa bloggeradmin@damuhan.com. Pwede din ako'ng i-message sa Facebook o Twitter. Nasa ibaba ng blog na ito ang mga contact details. As of this writing eh may tatlong bloggers na ang naitampok sa spotlight. Mayroon na rin'g tatlong bloggers na pumayag maifeature sa Damuhan.

Q: Ano naman ang mapapala ko dito?
A: Ipagpaumanhin mo kung ang maibibigay ko lang sa iyo ay ubod liit na exposure sa Damuhan at walang hanggang pasasalamat. Hindi po ako mayaman. Pero pwede ka'ng sumali sa mga munting pakulo dito sa Damuhan.

Kung meron pa kayo'ng ibang katanungan, maaari nyo'ng ipost sa comment box o i-DM na lang ako sa twitter.com/binobautista

Maraming Salamat.




May 18, 2011

Spotlight: Jason Hamster

30 ang nakaappreciate
Kumusta? Narito na naman po ako para i-feature ang isang blogger na nagpaunlak ng konting panayam tungkol sa kanyang buhay-blogging. Una ko siyang nakilala sa Facebook Group na U-blog. Una kaming nagkita sa ikalawang Saranggola Blog Awards. This person needs no more further introduction. Siya ay walang iba kundi si Jason. Narito ang maikling panayam ko sa kanya:





Pangalan / Alias:  Jason, Jasonhamster

Blog Name at URL: 

Si Jasonhamster Ang Bagong Rizal http://jasonhamster.wordpress.com
Jezonhamster Non-Stop Stories http://jezonhamster.com

Lokasyon: Quezon City, Philippines

Edad: 22 enehalf


Q&A PORTION:


Bino: Bigyan mo ko ng konting impormasyon sa iyong sarili.

Jason Hamster: Mahilig magcomputer, magpsp, magdrawing, kumain, magkwento, makakalimutin...



Bino: Kailan at paano ka nagsimulang magblog? Paano nagsimula ang Jezonhamster.com at Jasonhamster.wordpress.com?

Jason Hamster: February 2009 ako nagsimula sa jasonhamster.wordpress. Ako kase ang naatasang mag-manage ng wordpress account ng dalawang magazine sa kumpanya, kaya naisipan kong gumawa kaya ako ng personal blog. May isang pacontest naman sa blogworld si Monzavenue, at doon ko napanalunan ang .com ko. Ang Jezonhamster. Naisipan kong 2 years na pala ko nagboblog, subukan ko naman kayang kumita ng pera. February 2011 naman nagsimula ang jezonhamster.com


Bino: Ano ang naisipan mo at nagblog ka? Ano ang iyong layunin?

Jason Hamster: Una talaga kelangan ko lang ng pamatay oras tapos di nagtagal, naisip ko na pwede pala kong magkaroon ng kaibigan. Kaya ayun. Tapos gusto ko din ipakita ang mga drawing ko gamit ang MS Paint. Tapos gusto ko din magkwento kaya ako nagblog. Sana may mga natututo naman kahit papano. Tapos ano...


Mga Iginuhit ni Jason 







Bino: Bakit Jasonhamster / Jezonhamster ang napili mo’ng alias?

Jason Hamster: Kase nung highschool nagkaroon ng mini pet zoo kase foundation day. Bumili ako ng hamster. Tapos kinabukasan bumili ulet ako ng isa. Ayun. Magmula non may hamster na ang pangalan ko sa emails, at iba pa . Kaya ayun. Jasonhamster.


Bino: Mayroon ka ba'ng iniidolo, hinahangaan o inspirasyon sa blogging?

Jason Hamster: Hinahangaan ko ang mga matatapang magsulat, pero di nakakatapak ng iba. Wala akong mabanggit na pangalan e.


Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?

Jason Hamster: Naishare ko ang mga kwentong pambata ko sa lahat. Nakakatuwa lang na may mga estudyanteng di ko kilala na nagcocomment at para magthank you kase daw nakakarelate sila. Nakakainspire pala ko kahit papano.


Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?

Jason Hamster: Masyado kong ibinukas ang lahat ng pintuan papunta sa aking mundo. Masyado akong naging fragile. Sobrang hirap pero nalampasan ko naman to sa tulong ng mga kaibigan.


Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag

Jason Hamster: Oo. Maraming pagkakataon na tinamad ako. Nagsawa siguro. Pero hinayaan ko lang. Kung wala talaga sa mood, wag pilitin. Panget ang kalalabasan kapag pinilit.


Bino: Paano nabago ng blogging ang buhay mo?

Jason Hamster: Simple lang. Dati kain tulog ako. Ngayon Kain, blog, blog, blog, tulog na. lels. Di ko naman masasabing nagbago, kasi wala namang nagbago saken. Siguro Nag-improve lang ako bilang isang TAO dahil sa mga natutunan ko.


Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?

Jason Hamster: Mag-enjoy lang sa pagsusulat. Magblog kung ano ang nais o hilig. Sa mga gagawa pa lang ng blog, pinapayuhan ko kayong maging maingat sa mga taong mapanlinlang at nagbabalat-kayo. Marami sila. Andyan lang sa tabi-tabi. Meron dyang kakaibiganin ka muna at kukunin ang loob mo pero dahan-dahan ka na palang sinasaksak sa likod kapag nakuha na ang gusto. Ingat!


Bino: Kung meron ka’ng gusto’ng pasalamatan, eto na ang iyong pagkakataon

Jason Hamster: Gusto kong magpasalamat sa mga una kong naging kaibigan sa blogging, sa mga nakabangga ko, sa mga kinalimutan ko na, sa mga bagong kakilala, sa mga kamag-anak ko sa blogging: Dad, Tito, Mamam, Diko, Mga Kuya, Mga Ate. At syempre ke Kuya Bino. Thank You. lels kayong lahat.


Maraming salamat Jason sa pagpapaunlak ng munting panayam na ito at sa iyong napakagandang mensahe para sa mga aspiring bloggers.

May 16, 2011

Ang Aking mga Na-Miss Noon'g Ako'y Nangibang-Bansa

26 ang nakaappreciate
Most of us are dying to work abroad to seek greener pastures. I just did that.. but decided to come home.

Wow umi-english! Lels. Rewind.....


Marami sa atin ang nangangarap na makapangibang bansa para kahit papaano'y umasenso sa buhay. Aminin na natin na mangilan-ngilan lang ang nabibigyan ng magandang oportunidad sa ating inang-bayan nakakalungkot man ngunit ito ang katotohanan. At tulad ng aking binanggit sa itaas, sumubok ako ng buhay abroad. Ngunit makalipas ang dalawang taon, ako'y muling bumalik. Ang dahilan? Marami ako'ng namiss:

1. Pamilya - lumaki ako na mayroo'ng pamilya na masasabi ko'ng "solido". Yun ba'ng masyadong close. Bagamat hindi maiiwasang magkaroon ng bangayan, awayan at konting tampuhan, nananatili pa rin ang pagmamahalan sa isa't isa. Namiss ko ang mga sandaling may kasabay ka sa pagkain, pumasyal sa magagandang lugar sa Pilipinas at may nag-aasikaso kapag ako'y maysakit o may masasabihan ng problema kapag basted o hindi natanggap sa trabaho.

2. Kaibigan - bihira ako'ng magkaroon ng mga tunay na kaibigan. Ilang beses ko nang nasabi na konti lang ang mga kaibigan ko. Ilan lamang sila pero maituturing ko na parang kapatid. Sa aking pag-punta sa Dubai, walang patid ang komunikasyon naming magbabarkada. Nagkaroon ako ng mga kaibigan sa dayuhang bansa. Kalimita'y mga indiano at ilang pinoy.

3. Pagkain - Namiss ko ang mga pagkaing pinoy kasama na dito ang mga street foods. Taho, fishballs, kikiam, kwek-kwek, tukneneng atbp.  Namiss ko ang chicken adobo, tinolang manok, nilagang baka at bistek. Mayroong Pinoy Food sa Dubai, pero iba pa rin pag nasa Pinas ka. They're never as good as the ones back home.

4. Simbang gabi - limang taon ako'ng namanata na kukumpletuhin ang simbang gabi. Ito'y bilang pasasalamat sa lahat ng biyaya ng aking natanggap sa 27 taon ko sa mundo'ng ibabaw. Kasama na rito ang paginom ng salabat at pagkain ng bibingka at puto bumbong matapos ang misa.

5. Dagat, Lupa atbp - namiss ko ang puting buhangin ng Boracay, ang mga limestone formation ng mga kweba ng Sagada, ang lamig ng Baguio, ang ganda ng Chocolate Hills ng Bohol, ang perfect cone ng Bulkang Mayon, ang palengke ng Jaro sa Iloilo, ang windmills ng Ilocos at iba pa. Walang kasingganda kumpara sa ibang bansa.

6. Kultura - namiss ko ang pag-gamit ng po at opo, ang pagmamano sa mga nakakatanda, ang paghingi ng aginaldo at pagbibigay ng aginaldo sa inaanak, ang noche buena, medya noche at iba pa.


Mayroon pa rin'g mga pagkakataon that I regret leaving my work sa Dubai at minsa'y iniisip kung paano kung pinagpatuloy ko ang pagtatrabaho doon. Pero all it takes is to wake up in my own bed, in my own house, being with the people I love, converse easily with anyone in my own language and work with colleagues and meet my fellow bloggers that have now become friends. I am comforted by the thought that moving back sa Pilipinas ang pinakamagandang desisyon na aking ginawa.


Ito ay sariling opinyon ng inyong lingkod. Maraming Salamat po.

May 14, 2011

Tanong Ko, Sagot Ko

19 ang nakaappreciate
Maraming mga katanungan ang gusto ko’ng bigyan ng kasagutan. Mga katanungan na gumugulo sa aking ilang taon’g pagsusulat sa daigdig ng blogging. Mga nabiting katanungan na ngayo’y aking bibigyang pansin. May personal, at mayroong hindi. Ito ay para sa kapakanan ng mga masugid na mambabasa ganun na rin sa mga bago’ng salta dito sa Damuhan. Makailang ulit na rin ako’ng nagbigay ng impormasyon tungkol sa aking sarili ngunit palaging bitin. Pwes, dito sa post na ito, hindi ko maipapangako na masasagot ko ng tama ang ilang mga tanong na naibato sa kin noon pa.


1. Suplado ba ako?

Hindi lang 10 katao ang nagsabi sa kin ng ganyan. Hehehehe. Hindi daw kasi ako madalas mag-pm sa Yahoo Messenger o sa Facebook chat.

Opo. Suplado ako ONLINE. Hindi kasi ako sanay ng ako ang mauunang mag-send ng instant message. Kung ako man ang mauuna, sa mga piling-piling tao lang. Kaya masanay na kayo na kahit online ako eh di ko kayo pinapansin. Gusto ko kasi ako ang unang pansinin nyo. Wahahahaha. Ayoko din makipagplastikan. Kapag ayaw ko sa isang tao, di na ko uulit kausapin to. Pero kapag personal, hindi naman. Mas nakikilala ko kasi ang isang tao sa personal na pag-uusap. Kaya naman madalas ako’ng umattend ng mga bloggers’ eye ball.

2. Pikon ba ako?

Hindi ito oo o hindi eh. Bagamat hindi ako madalas mapikon at kayang kaya ko’ng sakyan ang mga biruan, tablahan at balahuraan, may hangganan din naman ang aking pasensiya. Ilang bagay lang ang ayaw ko’ng gawin sa kin dahil hindi ko rin naman ito ginagawa sa iba: Hindi ako sanay na ginagawang katatawanan ang mga litrato ko. Alam ko’ng hindi ako gwapo pero hindi ibig sabihin naman nun ay kailangang paglaruan ang mga larawan ko. Sinabi ko na rin dati na ayoko ng pinipitik ako sa tainga at sinisigawan o minumura ko.

3. Bakit maiksi ako’ng magsulat ng mga post?

Karamihan sa mga post ko maiksi. Pero marami ring mahaba lalo na ang mga kwento. Mas maliit kasi ang chance na mag-skip read ang mga readers kung maiksi lang ang post. Kung mahaba naman ang aking isusulat, syempre may part-1 part 2 etc yan. Pero sa isang skip-reader, walang mahaba o maiksing post.

4. Panay ang parinig ko sa mga skip-readers. Ibig sabihin ba pag mahaba ang post mo, nag-i-skip read din ako?

Isa lang ang uri ng post kung saan ako nag-i-skip read. Yung mga masyadong malalim na pananalita na tila kailangan mo’ng gumamit ng balarila para maintindihan ang gusto’ng sabihin. Mga hindi normal na salitang tagalog o inggles ang ginagamit. Sakit sa utak! Ganunpaman, exception to the rule dito ang ilang bloggers na kasundo ko. Hehehe.

5. Bakit hindi ako nagcocomment sa post mo? Nagbablog-hop ba ko?

Madalas ako’ng magcomment. Madalas din’g magblog-hop. Pero syempre, magkokomento lang naman ako kapag naintindihan ko ang sinulat mo. Kesa naman magsabi ako ng “Nice post. You should write more often. I like the way you write. Exlinks please”, eh di hindi na lang ako magcocomment. Pero hindi ibig sabihin eh hindi ako dumadalaw. Dumadalaw ako. Di lang ako madalas mag-iwan ng bakas. Parang multo lang. Pero aaminin ko, nakakapagod mag-blog hop lalo na pag hindi naman bumibisita sa blog ko ang blinog-hop ko.


6. Bakit ang yabang ko mag-blog?

Ako? Mayabang? Define mayabang! Hehehehehe. Kung kayabangan ang pagsasabi ng nararamdaman, mayabang nga ako. Bakit sa blog ko? Natural! Blog ko nga to eh. Ano’ng gusto mo? Sa blog mo ako magyayabang? Lels! (slang ng Lols)

7. May mga ayaw ba ako’ng bloggers?

Meron. Sa parehong paraan na may mga bloggers din na ayaw sa akin. Di natin mapiplease ang bawat isa. Hehehehe.

8. Mayaman ba ako?

isa pa to sa mga katanungan na bibigyan ko ng linaw. HINDI PO AKO MAYAMAN. I REPEAT! HINDI PO AKO MAYAMAN.. HINDI PO AKO MAYAMAN.. (Repeat ’til fade). Hindi ako magtitiyaga na magpuyat gabi-gabi sa pagtatrabaho kung marami ako’ng pera. Mayaman ako sa ibang aspeto pero hindi mayaman sa pera.

At iyan ay ilan lamang sa mga tanong na aking sinagot mula kaibuturan ng aking atay. Kung meron pa’ng ibang tanong, maaari nyo ako’ng i-twit o i-message sa Facebook. Kung hindi ninyo nagustuhan ang mga sagot ko, iginagalang ko ang inyong desisyon. Maraming salamat.


May 11, 2011

Piniratang Tabing

26 ang nakaappreciate
Natagpuan ko ang aking sarili sa isang lugar sa Quiapo (kung gusto mo'ng sosyal Q-Ups!) habang kinikilatis ang mga bagong labas na pelikula. Mayroon di'ng mga T.V. series, concerts, animes at iba pa. Halos lahat yata ng paborito mo'ng palabas ay matatagpuan mo dito.

"Boss meron ba kayo'ng Greece?" ang tanong ko sa isang mamang nakasando lamang at basang-basa ng pawis dahil sa sobrang tindi ng init ng araw na yon. (Para tumugma sa title ng post na to, sinadya ko'ng gawing Greece sa halip na Grease)

"Meron iho! Anong season?" balik-tanong niya na hindi ko naunawaan. Movie ang "Greece" diba? So wala dapat series un!

"Boss movie po yun. Ung musical!" sagot ko.

"Eto un di ba? Greece Anatomy!" sagot niya sabay abot ng mga bala ng iba't ibang seasons ng Grey's Anatomy. Sumilay ang mga ngiti sa aking labi. Badya ng malakas ko'ng pagtawa. Buti na lang at napigilan ko.

"SIge boss thank you na lang." sagot ko sabay lakad papalayo.

Tingnan mo nga naman ang panahon. Pahigh-tech ng pahigh-tech! Dati, mga casette tapes lang ang napipirata. Tanda ko pa yung mga inuwing casette tapes ng tito ko galing Saudi na kung saan may mga lyrics na mali-mali ang pagkakatype sa bawat tape na nasa loob ng plastic na lalagyan. Sinundan ito ng piniratang VHS tapes, CDs, VCDs at ngayon nga'y mga DVDs.

Sa isang ordinaryong tao na kumikita ng minimum wage kada araw, tila malaking kaltas na sa kanyang sweldo ang panonood ng sine. Mababa na ang halagang 130 pesos para isang pelikula (ito yung totoong sinehan at hindi yung mga nagpapalabas ng double movies sa Cubao). Hindi pa kasama dyan ang pop corn at softdrinks o anumang pagkain na babaunin mo sa loob ng sinehan. Kaya kesa nga naman gumastos ng malaking halaga, dumidiretso na lang sa mga suking tindahan ng pirata ang mga ito para bilhin ang pelikulang gusto nilang mapanood. Bagamat ilang beses na ring na-raid ang mga piratang ito, hindi maipagkakaila na hindi ito masugpu-sugpo. Sabi nga nila, hangga't may bumibili, patuloy ang ganitong uri ng negosyo.

Maging sa internet ay laganap na laganap din ang alyansa ni Captain Hook. Dahil kung ayaw mo'ng bumili ng pirated dvd o cd, pwedeng pwede mo naman ito'ng idownload via torrent o i-stream sa iba't ibang sites (kung inaakala mo'ng magbabanggit ako ng site na pwede kang manood ng mga pelikula gaya ng www.solarmovie.com, pwes, nagkakamali ka!) . Sa isang bansa'ng walang malinaw na batas sa internet piracy, malayang makakagalaw ang bawat tao sa anumang akitibidades sa internet. At sigurado ko'ng maging ang mga high profile na tao ay hindi papahuli sa ganitong sistema. Minsan ko nang nakita ang isang celebrity na may campaign ad dati against piracy. Pero siya pa ang nangunguna sa kanyang barakada sa Greenhills para mamakyaw ng mga piniratang bala.

Ipoktiro ang magsasabing hindi sila kailanman tumangkilik sa piniratang tabing. Hindi man ikaw ang bumili o nagdownload ng isang kanta o pelikula, basta't pinakinggan o pinanood mo ang mga ito, isa kang accessory to the crime! Isa ito sa mga sakit hindi lang ng atin kundi pati ng iba'ng bansa na hanggang ngayo'y di magawang solusyunan ng mga ahensiya ng pamahalaan. Sa ngayon, walang gamot na makapagbibigay lunas sa "karamdamang" ito. Patuloy ito'ng kakalat sa ayaw o gusto man natin.





May 9, 2011

Spotlight: Bon of Boni Station

17 ang nakaappreciate


Na-tag ako sa isa'ng photo ng isa sa mga sikat na blogero na si Bon Talampas: ang blogger sa likod ng Taragis at Bonistation na kung saan, kailangan siyang i-describe sa pamamagitan ng isa'ng salita lamang. Ang una ko'ng naisip na salita: KWELA. Sa hindi ko malamang dahilan, yan ang aking naisulat. Wala naman ako'ng ideya kung ano'ng klaseng tao si Bon sa personal dahil minsan ko lang siyang nakasalamuha sa ilang blog awards partikular ang SARANGGOLA BLOG AWARDS at PEBA. Ganunpaman, madalas ko syang makausap sa Facebook Group na U-Blog.

Sino nga ba si Bon? Minabuti ko'ng magresearch para dito:



I am Bon invincible wonderful trustworthy young thrilling strong worthy refreshing smart fast unbeatable kind proud quality natural genius goodness passionate positive simple charming reliable happy mighty splendid expert dependable best energy dynamic winner supreme exciting invigorating memorable power ecstatic fantastic fun need popular lucky hardworking logical golden patriotic true healthy impressive prime fair confidence friendly exceptional amazing priceless 

Ang mga pang-uri na yan ay ayon sa kanyang blog na BONISTATION.

 Ayon naman sa The Kablogs Journal:


"Bon is happy, invincible, positive, simple, and reliable. I’m HAPPY with my family, with my friends around, and with everything I have now. I live each day with a SIMPLE and worry-free life which makes me INVINCIBLE. I always think POSITIVE otherwise I’ll be nothing. And am sure you find me RELIABLE that’s why you ask me this question."

Some trivia from and about Bon:

"When I was 8, I almost broke my left arm, the first time I was brought to a manghihilot."
He is afraid of eclipses and he has countless birthmarks in his body (totalling 97!).
He's a man of few words and he's also straightforward.
"Ask me anything", he said, and he'll give you the answer right away.



Heto naman ang tingin sa kanya ng ilang kapwa blogero mula sa U-Blog:











At ayon naman sa akin:

Ito ay walang halong paninipsip! Hahahaha. Madalas ako'ng bumisita sa kuta niya partikular sa BoniStation mula nang makilala ko siya. Nagugustuhan ko ang bawat sulat niya. Dalawa sa artikulong nabasa ko ang aking paborito: COURAGE at higit sa lahat ay ang 9 Mornings. Kung bakit, basahin nyo na lang, mahirap magpaliwanag. Basta ang masasabi ko lang, kung meron ako'ng gusto'ng maging kaibigan, isa si Bon sa mga yon. Friends naman tayo Bon diba? Hehehe.





May 6, 2011

Dear Nanay

21 ang nakaappreciate
Dear Nanay,

Kamusta ka na? Labing-walong taon na kasi tayo'ng di nagkikita eh. Miss na miss na kita. Ako, heto at awa ng Diyos, ay nasa mabuti namang kalagayan. May magandang trabaho naman at busyng busy sa pagbablog. Si Ate, ilang beses ng napromote sa kumpanyang kanyang pinapasukan. Yung sumunod naman sa kin, HR staff na sa Bounty Fresh. Every month, meron kaming libreng Chooks-to-go! Yung bunso naman, ayun at gagraduate na mamaya sa kursong ECE. Kasama niya si Tatay at si Tita para panoorin ang pag-akyat niya ng entablado. Ay si tatay, kahit may iba nang kinakasama sa buhay, alam ko'ng mahal na mahal ka pa rin niya.

Siyanga pala 'Nay, ang dahilan ng pagsulat ko sa yo ay wala'ng kinalaman sa pera. Hehehe. Wala naman po ako'ng hihilingin na materyal na bagay. Hindi na po ako ang dating Bino na maglalambing lang sa inyo pag may kailangan ako. Gusto lang kita'ng batiin ng Happy Mother's Day. Sa Linggo pa po yun pero syempre, gusto ko'ng ako ang unang bumati sa iyo. Selfish noh? Pero syempre, ako ang unico hijo mo eh. Mama's boy kaya ako! At di ko kinahihiya yun!

Ikaw ang umagapay sa kin sa aking unang hakbang noo'ng ako'y nagsisimulang maglakad. Ikaw ang aking unang guro na nagturo sa akin kung paano magbasa at magsulat. Ikaw din ang unang nag-asikaso ng mga gamit-eskwela ko. Mula sa lapis at papel, hanggang sa uniporme at sapatos. Natatandaan ko pa nga kung paano mo ko sinuyo na pumasok sa paaralan. Natatakot kasi ako sa guro ko dati kasi ang sungit. Pero nadaan mo ko sa suhol na masarap na baon na ikaw din mismo ang naghanda. Iba ka nay! Walang sasarap sa mga luto mo!

Sana nandito ka ngayon upang makita mo ang pag-asenso namin. Sana nakita mo kung paano kami sinabitan ng medalya tuwing matatapos ang pasukan. Sana nakasama ka namin noo'ng grumaduate kami mula gradeschool hanggang kolehiyo. Nailibre sana ka namin noo'ng natanggap namin ang aming unang sweldo sa una naming trabaho. Inaalay namin ang tagumpay na ito kay Lord at sa iyo. Maraming salamat at iniluwal mo kami sa mundo. Kung wala ka, wala rin kami. Hindi mapapantayan ng isang simpleng liham na ito ang walang hanggang pagtanaw ko ng utang na loob at paulit-ulit na pasasalamat sa BEST NANAY IN THE WHOLE WIDE UNIVERSE!

Oh siya Nanay, mahaba-haba na to'ng sulat ko sa yo. Hindi naman sapat ang buo'ng blog ko para sa lahat ng gusto ko'ng ikwento sa yo. Teka nga pala, may nakalimutan pa pala ako'ng sabihin sayo na bihira mo'ng marinig pero alam ko naman na nararamdaman mo kahit malayo ka sa piling namin. At alam ko'ng aabot ito hanggang heaven kung saan ka nandun:





Nanay, I love you!

May 4, 2011

TAMPO-rurot

20 ang nakaappreciate
Nakakaumay din pala 'pag may mga tao'ng palaging nagtatampo sa yo. Mga tampururot. Don't get me wrong. Hindi naman sa wala ako'ng empathy sa feelings ng ibang tao. Kahit ako nama'y nagtatampo din. Ang nakakainis lang, yung mga tao'ng biglang magtatampo ng hindi mo malaman kung ano ang dahilan. Basta hindi na lang biglang magpaparamdam. Pag kinamusta mo, simpleng "Ok lang" ang isasagot sa iyo. Pag tinanong mo kung ano ang problema, kailangan mo'ng hulaan ang bawat taas-baba ng kilay nila at pag-ikot ng kanilang mga eyeballs. Ang hirap! Pupunta ka pa ba ng Quiapo para magpahula kung bakit siya nagtatampo? Mayroon pa'ng nagtatampo sa mga simpleng bagay. Yun ba'ng hindi mo lang nabigyan ng ballpen, o hindi mo nasabayan maglunch, o di mo nareplyan sa YM dahil bigla ka'ng na-disconnect, ayun at halos sumayad na ang nguso sa lupa.

Ok lang naman yung paminsan-minsan eh. Kaso kung halos linggo-linggo ay laging may tampuhang nagaganap, aba daig pa ang mag-syota! Para ka'ng nakatuntong sa numero. Para ba'ng dapat lahat ng gusto niya, susundin mo wag lang magtampo. Hindi mo naman responsibilidad yun at may sarili ka namang buhay. Minsan kailangan mo'ng mag-draw ng line between friends and lovers.

Kaya minsan (madalas pala hehehe), pag ilang araw di nagpaparamdam (ibig sabihin ni text, message sa facebook o mention sa twitter, wala!), hindi ko na lang pinapansin. Patay-malisya. Yun ba'ng wala na ako'ng pakialam kung nagtatampo ka man o hindi. Hindi naman kasi sinasabi eh. Eh ayoko rin naman ubusin ang kapiranggot na laman ng utak ko para lang isipin ang dahilan ng iyong pagtatampo. Ganun na lang. Tapos mga ilang days, magtetext na yan na parang walang nangyari. Ako naman, text back lalo na pag may load (sabagay wala namang nagtetext back ng zero ang load. Hanubah!!!) At di na namin uungkalin pa ang dahilan ng tampuhan. Kung sakali man, tinatawanan na lang ang pagiging immature.

Hiling ko lang, wag namang silent treatment (at panigurado ako'ng maraming magrereact. lol). Sabihin na lang kasi kung ano ang dahilan. Hindi rin naman sa lahat ng oras ay magagawa'ng hulaan ang inyong nararamdaman. Ilagay din sana sa lugar ang pagtatampo. Huwag sana'ng mag-asal-bata na inagawan ng kalaro ng lollipop. Ok lang magtampururot. Ang tanong, tama ba?


May 2, 2011

Potograpiya, Libangan, DSLR, Etc...

25 ang nakaappreciate


Wow may DSLR siya! Photographer ka na!!!

Ay ganun? Kung ganun pala, pag may microphone ako, singer na ko? Pero may blog ako, so blogger ako? Hehehehe. May point naman.

Hindi ako photographer. Hobbyist pwede pa. Ay mali. Photographer pala ako. AMATEUR photographer. Bakit? Hindi naman pang-magazine ang mga shots ko. Nagsisimula pa lang ako sa bago'ng hobby na to. Hindi rin ako binabayaran at kinukuha ng mga sikat na modelo para sa isang photoshoot. Ganunpaman, hindi naman to issue sa akin. Basta nageenjoy ako sa ginagawa ko, wala nang pakialam ang kung sinomang Herodes. Grabe, dati-rati wala ako'ng hater. Ngayon, pati sa aking blog na THE BUM UPSTAIRS (uy promote!!!) meron na rin! Hahaha. Pero salamat sa iyo, nagiimprove ako. Hehehehe.

Balik sa topic, naniniwala naman ako na kahit sino ay may karapatan na pumili at mag-enjoy sa isang libangan na kanyang pinili. Tutal, hindi naman ibang tao ang gumagastos sa gusto mo kundi ikaw mismo. Ang mahalaga, wala ka'ng tinatapakan na kuto este tao. Kaya kung may pambili ka ng DSLR o point and shoot camera, sige lang. Natututunan naman ang tamang pagkuha ng larawan. Napag-aaralan. At sa paglipas ng panahon, magiging magaling ka rin sa iyong napiling larangan. Subalit ang dapat tandaan, hindi dapat lumaki ang iyong ulo (yung totoong ulo!) kapag nakatsamba ka ng isang magandang shot o pinuri ng isang propesyunal ang iyong larawan. Ito kasi ang hirap eh, may mga tao'ng kineclaim na isa silang EKSPERTO sa isang bagay lalo na sa potograpiya bagamat kahit ang hindi marunong kumuha ng litrato ay makapagsasabi na malabo ang shot mo. Blur!!! Hehehehe. Dapat din alam mo ang pagkakaiba ng Bridge camera sa DSLR. Shet na malagkit! Baka may tamaan! Wala po ako'ng pinatatamaan. Pero kung may sapul, chori naman!

Ano nga ba ang dahilan ng pagpopost ko ng ganitong topic? Una, wala ako'ng maisulat na makabuluhan maliban dito. May konting sense naman diba? Kesa naman magblog na naman ako ng tungkol sa love at relationship eh last week, yun ang mga topics ko. Umay di ba? Pangalawa, may nabasa lang ako na post ng isang blogger claiming na pagkaganda-ganda ng shots nya pero with all honesty, sablay eh. I'm not an expert. Like I said earlier, i'm an amateur. Pero marunong naman ako'ng tumingin kung ano ang pagkakaiba ng malinaw sa malabo'ng litrato. At pangatlo, may bago ako'ng lente, yun lang. Hehehehe.

Pasensya namana at sinayang ko ang oras mo sa pagbabasa nito. Ganunpaman, maraming salamat pa rin sa pagbisita ha. Mwah!